webnovel

Chapter 3: I'm sorry

Pagdating ko nga sa may intersection. Ang lugar kung saan sinasabi nilang nangyari ang aksidente.

Naghihikahos akong yumuko. Hinahanap ang hininga. Hinahabol ko ito sapagkat mabilis ang takbo kanina para lang mapuntahan ang kinaroroonan ng mga sasakyan.

Then when I stopped right through the center of the lane. Napamaang na Lang ako!

Yung puting sasakyan na kasalukuyang hinihila ng towing car. I know. Kay Aron iyon.

Napapikit ako kasabay ng pagbuo ng luha saking mga mata. "Damn it!. Sila nga!." Kinilabutan ako sa mga oras na tumayo ako't tumingin sa itsura ng truck. Wasak ang harapan nito. Halos wala na ring natirang salamin sa harap. Durog iyon. Halata ritong malakas ang naging impact ng hanggaan.

Naglakad ako kahit puro abo ang nakikita ko. Lahat ng bagay sa paningin ko. Halos walang kabuhay-buhay dahil sa kulay nito. Kahit may nakangiti. Parang luha ang natatanaw ko sa mukha nya.

"Lance!." Mula sa malayo. There's calling me. I walk straight. Binabalewala ang kung sinong may alam ng pangalan ko. Nagpatuloy ako hanggang sa mismong harapan ng truck. Hindi pa nila ito hinila. Mukhang tinititigan pa ng mga pulis. Nasa mismong gitna ito ng daan kaya pala hindi umuusad ang mga sasakyan. Nakasentro sa gitna ang pwesto ng aksidente.

"Lance, ano ba!?." Galit na hinila ako ni Poro. Nag-aalala. Dito ko lamang nakita ang kulay ng suot nyang t-shirt. Kulay asul ito na may halong puti sa may gilid. "Kanina pa kita hinahanap. Tara na sa ospital." Halos madapa pa ako ng hilahin nya talaga ako paabalik ng sasakyan. Umusad na rin ang traffic at yung Wrangler ni Kuya, sa gilid nakaparada.

"Sila yung naaksidente, Poro.." I utter this words pero parang hindi nya yata ako narinig. Basta nalang nya kasi akong hinila at tinulak pasakay sa loob. Saka sya umikot at pinaandar na ito. Masyado yatang mahina ang gamit kong boses kaya siguro di nya ako narinig. "Tumawag na ba sila sa'yo?. Si Kuya, nakausap mo na ba?." I acted like I don't know anything about what's happening. Or either, my defense mechanism para hindi aminin sa sarili na nasasaktan ako.

"Nope. Si Kian at Karen ang tumawag.." he cut his own words. Wanting to say something pero piniling huwag nalang sabihin.

"Kamusta raw?. Is my wife okay?."

Hindi sya agad nakaimik. Parang tinatantya nya muna kung anong estado ko. Kung kaya ko bang malaman ang sasambitin nya o hindi nya. So, he's like weighing everything right now. Pansin ko iyon. Kaya.

"Tell me more bro. I know you still have something to say. Say it. I can handle." Sige lang Lance!. I can handle mo dyan?. Tignan lang natin mamaya.

"You're right." Hindi na nga sya nagpaliguy-ligoy pa. Nanginig ang kamao ko sa gilid.

Tama ako! Sila nga iyon!?.

"Damn it bro!." Hindi ko talaga kayang hindi magmura. Masyadong mabigat ang bagay na kinumpirma nya. "Bakit sila pa?." Imbes luha ang dumaan sa pisngi ko. Isang malungkot na ngiti pa ang pinakawalan ko.

Di na sya nagsalita. Siguro. Ayaw nya na ring dagdagan pa ang sakit na aking nadarama. Saka nya lamang sinabi na nasa kritikal na kundisyon ang asawa ko at si Aron nung nasa entrance na kami ng ospital. "Si Bamby. Gising na sya. Ang Kuya mo, hindi pa. Si Aron. Comatose daw. Si Jaden naman. Mabuti galos lang ang natamo nya. Pero si Joyce.." tumigil na naman sya't nag-isip kung magpapatuloy ba o hindi na lang.

"What about her?."

"They need to save your baby."

"What about her Poro?." Walang emosyon kong tanong. Disregarding the presence of my daughter.

"I'm not in the position to tell you this thing Lance."

"Tell me!." My voice thundered around the hall where we are currently walking. Napatingin ang lahat samin. Wala akong pakialam!.

"They need to save the baby." He said again.

"Putangina naman!..." Isang malutong na mura ang kumawala. "Mahirap bang sagutin ang tanong ko ha?. Ang asawa ko ang tinutukoy ko.." kulang nalang kwelyuhan ko sya dahil sa hindi nito masabi ng diretso ang gusto ko.

"I'm sorry, Lance." Yumuko sya. Hindi sya nakipagtitigan sakin.

Iniwan ko sya't dumiretso sa ICU na sabi ni Poro kanina. Duon. Nadatnan ko ang buong tropa. Ang mga balahibo ko sa buong katawa, biglang nagsitayuan. Si Karen at Kian ang sumalubong sakin. Walang salitang lumabas sa kanilang mga labi subalit yung pagiging mugto ng kanilang mga mata. Iyon na!.

"Kung hindi tumawag si Jaden sakin. Hindi namin malalaman." I heard Kian talking to Poro.

"How about the others, gising na ba sila?. Si Aron?. Also, Mark?." Dinig ko ang usapan nila habang ako'y nakatitig lang sa malaking tatlong letra na nakasulat sa itaas.

"Kakagising lang ni Mark. Jaden is there with Bamby. Pero si Aron?. Hindi pa eh." Nag-aalala na nyang saad.

Naghintay ako sa pagbukas ng pintuan ng ICU. Matagal iyon.

"Kumain na muna tayo bro.." alok sakin ni Poro pero wala akong binigay na tugon dito. Maya maya ay si Kian naman ang lumapit. Ganun din ang ginawa pero gaya nung una. Ganun din.

Umaga na siguro ng bumukas iyon. Si Mommy ang nakita kong may kalong na bagong silang na bata. My jaw dropped ng dumaan ang isang pasyente na balot ng puting tela.

"Tara na Lance." Si Daddy na ang umakay sakin dahil kahit sino sa mga kaibigan ko ay hindi ko magawang sundin. "Umuwi muna tayo sa bahay. Kumain ka at matulog."

"Dad, hindi ako gutom."

"Kumain ka. Hindi pwedeng Hindi ang isasagot mo sakin ngayon Lance Eugenio.." banta nya. Kaya kahit hindi ko manguya o malunok ang pagkain na nasa harapan ko. Pinilit ko nalang.

Umuwi nga ako ng umaga. Natulog din. Umaasang panaginip lang ang lahat.

Naligo ako't nagbihis. Bumaba ako't nadatnan sina Mommy at Daddy na nagtatalo. Tumigil lamang ang mga ito ng makita ako.

"Babalik na po akong ospital." Paalam ko.

"Lance anak." Humarang si Mommy sa daraanan ko. Then without saying any single words. Niyakap nya ako. "I'm so sorry, hijo."

I was stunned.

Anong meron at puro nalang silang sorry?.

"We sorry for your lost." Nanginig ang labi ko. Tumingin din ako sa itaas para pigilan ang luhang nagbabadya.

"What are you saying Mom?. Sinong namatay?. My wife is still sleeping. I know she'll be back at me."

Sa sinabi ko. Humigpit din lalo ang ginawa nyang yakap. At saka na sya umiyak.

"I have to go Mom. Joyce needs me." Kinalas ko ang mga braso nya sa katawan ko saka umalis ng walang paalam.

I'm sorry, is a word na madaling sabihin pero mahirap tanggapin at lunukin.

Alam ko. Nagbibiro lang sila. Alam kong, hindi basta susuko ang asawa. She's a fighter. At may tiwala ako sa kanya.

Next chapter