"Hmm..." nakaupo ako sa loob ng kubo ng may biglang maglinis ng lalamunan saking likuran. May iba pa akong mga kasama rito na kaklase ko. Apat sila. Tatlong babae at isang lalaki. Magkakaibigan din sila. Kinakausap nila ako minsan pero madalas akong tulala. Sa malayo nakatingin.
Nagtataka ang mga ito na tumingin sa taong nakatayo na sa harapan ko. Tagilid ang ulo. Sinisilip ang mukha ko.
"Tara na. Joyce, sa room na kami.." paalam bigla ng isa sa kanila. Tinanguan ko sila kahit di nakatingin.
Kabado akong huminga dahil halos magkadikit na ang aming mukha. "You look tired.." anya. Mahina. Hinaplos bigla ang aking pisngi. Iniwas ko agad iyon. Hanggang sa naiwan sa ere ang kamay nya. Di ko nakita ang naging epekto niyon sa kanya.
Malakas akong lumunok. Dinig ko iyon na halos labanan ng pintig ng aking puso. Nag-iinit lalo ang mukha ko sa pagkailang. Ramdam ko pa rin kasi ang titig nya kaya kahit mahirap. Kahit kakapusin na ako ng hininga. Tinapatan ko ang mga mata nya. "What?.." mataray kong tanong. Hindi pa rin nagbago ang kanyang itsura. Seryoso pa ring nakatingin sakin.
"Can I court you?.." bigla ay sinambit nya ito.
Natigilan ako't natulala. Nanlamig at nabangag ng wala sa oras.
What did he say?. Court?. Really Lance huh?. what the hell!
"I like you.. and..." tumigil sya kalaunan. Binasa ang ibabang labi bago kinagat. Damn baby!! Stop bitting your damn lips please!
Nakaawang na ang labi ko sa mga pinagsasabi nya. Di pa rin maalis ang titig nya sakin kahit kumurap o umiwas pa ako ng tingin.
Nagbaba na ako ng tingin dahil nakakapanghina ang bawat letrang kanyang binibigkas.
Di ko rin maiwasang kagatin ang ibabang labi sa kaba. Damn! Ganito pala ang feeling no?. Pakiramdam ng may nagtatapat sa'yo o gustong manligaw. It seems raw and new. Feeling ko tuloy. Sobrang ganda ko ngayon. Kahit na ang totoo ay parang nagtatayuan ang mga buhok ko kahit saan.
"And, I really miss you.." mahina at dahan dahan nya itong binanggit. Pakiramdam ko na naman. Nakasakay ako sa ulap. Nililipad ng hangin sa kalangitan.
Damn!
Kinagat kong muli ang labi. Di na dahil sa kaba kundi dahil sa tuwa. Gosh! Seryoso ba talaga sya?.. Si Lance Eugenio, namiss ako?. Gusto ako at liligawan pa raw?. Shocks!! Totoo ba talaga o nananaginip lang ako?. Wake me up please!
"Bakit?.." di ko alam kung bakit iyon ang lumabas saking bibig gayong kayrami ng nasa aking isip.
"Anong bakit, baby?.."
Gosh! Heto na naman sya?. Paanong di ako tatanggi nyan?. Baby ka ng baby! Baby?.
Umupo sya saking tabi tapos hinawakan ang balikat ko upang maipaharap sa kanyang kinauupuan. "Look at me please.." malungkot na naman nyang utos. Mabilis ko namang sinunod iyon ng walang pag-alinlangan.
"Can I court you?.." di ko matukoy kung dapat ba akong maniwala o hinde. Nagdadalawang isip na naman ako.
"Bakit?.." bakit ako?. Maraming iba dyan. Bakit ako pa?. Gusto kong idagdag subalit naitikom ko agad ang labi sa pag-awang ng manipis at mapula nyang labi. Damn lips!
"Bakit ba, bakit ka ng bakit?. Bakit?.." gusto ko tuloy matawa sa tanong nyang panay bakit ang laman. Ikaw naman kasi Joyce! Magsalita ka nga!
Pinagtaasan nya ako ng kilay sa ngiting gusto akong ipahamak. "Now, you're smiling?. Baby, you're playing with me huh?.."
"Lance?.."
"Now, your calling me like someone who's stranger to you, hmmm?.."
Napapailing ako sa pinagsasabi ng taong to!. Eto ba talaga yung masungit at cold na kilala kong kapatid ni Bamby?. Bakit iba sya kung kausapin ako?.
"E kasi--.." di ko madugtungan ang gustong sabihin dahil sa labi nyang bahagyang tumataas. Kumibot kibot iyon pa parang may gustong sabihin pero di nya masabi.
Gosh! Tumataas balahibo ko!
"What?.." anya. Mukhang kinikilig. Kingina!
"I mean. Bakit ako?. Bakit ako pa?. Kung marami naman dyang iba?." sa wakas. Nasabi ko rin.
Pinisil nya ang hawak na balikat ko. "Bakit naman hindi?. Ikaw ang gusto ko kahit marami pa dyang iba.."
Tumalon palabas ang aking puso sa narinig. Gosh!! Mukhang kamatis na ba ako?.. "Ikaw ang pipiliin ko kahit marami pa dyang iba. Ikaw ang gusto ko at wala ng iba.."
Umawang lamang ang labi ko sa mga binigkas nya. Gosh! Sigurado na akong sobrang pula na ng mukha ko.
Natigilan ako. Hindi makapagsalita. Hindi rin tumango o kahit ang umiling.
Gulat pa rin ako at gusto kong mag-isip.