webnovel

No More Promises

Wag ka sanang mangangako kung iiwan mo lang din ako - Joyce Ho

Chixemo · Teen
Not enough ratings
282 Chs

Chapter 20: It's been a while

Kinaumagahan. Hilot ko ang kanang sentido. Iyon lang ang parteng masakit. At talaga nga namang kumikirot. Wine lang naman ang ininom namin kagabi pero daig ko pa ang lumaklak ng isang case ng redhorse. Masakit ang ulo ko't medyo hilo. Bumangon ako sa pagkakahiga saka tumitig sa pintuan kung saan nakabukas na ito. Double deck ang kama rito. Sya sa baba ako ang nasa taas. Luminga ako subalit napabalik din agad ang ayos ng aking ulo nang maramdaman ang kislot sa may ulo ko. Mariin akong napapikit saka hinilot muli ang ulo. Sa kabila ng pagkaabala ko sa ulo. Tumunog ang cellphone ko. Kinapa ko iyon sa gilid ng unan ko saka sinagot.

"Yes, Bamblebie.." bungad ko. Kunot ang noo dahil sa di magandang pakiramdam.

"Oh how's life there my handsome bully?.." humalakhak ito. O damn! Bat namiss ko yata ang mukha nyang tumatawa ngayon?. Tsk!

"Cool.." tamad ko sagot.

"How cool?."

"How's everyone doing?.." tanong ko na di nasasagot ang tanong nya. Inayos ko ang hinigaan bago bumaba.

"Well.. don't mind us cos we're as it is here.. haha.."

Mukhang masaya sya ha?. Bakit kaya?.

"You sound like you talk to your crush huh?.." hirit ko.

"What!?. No!.." agap nya sakin. Nagdedeny.

"Eh?. Stop denying little Bamblebie.. you do.." pang-aasar ko. Bahagyang nawawala ang kirot sa ulo ko. Sya lang pala sagot sa sakit ko.

"Talaga ba?.."

"Talagang talaga.. kahit magtanong ka pa.."

"Sino naman ang pagtatanungan ko?.."

"Yung tinutukoy mo.."

"May tinukoy ba akong tao?.."

"Urgh! You! grrrr!.. get lost!.." asar talo!

"Hahaha.. don't worry lil sis.. I'll ask Jaden later.. Kung di ko magugustuhan isasagot nya.. bugbog sarado sya.."

"Kuya!!?.." tili nya kaya nailayo ko ng bahagya ang cellphone saking tainga. Doon naman ako humalakhak ng todo gaya nya kanina. "Tapos, sasabihin kong may boyfriend ka na sa Australia.. bwahahahahaha.." dagdag ko.

"Kuyaaaaaaaaaaaaa!..." Yan! Ganyan nya binigkas ang pangalan ko. Sa sobrang haba, kamuntikan na akong nabingi. Inasar ko pa sya at inasar hanggang sa sya na rin ang kusang nagbaba ng linya. Namiss ko lang syang asarin. Pampagood vibes lang! Kinakabahan na kasi ako ngayon. Ang sabi kasi ni Ryle kagabi. Nine ng umaga kami pupunta. E anong oras na?. Pasado alas otso na.

Umiling lang ako't dumiretso na ng banyo para maligo. Mabuti nalang rin at may lagi akong dalang damit sa compartment ng sasakyan. Di sa kung anong masamang balak. Nakasanayan ko na ito dahil gusto kong kapag may ganitong emergency o biglaan na pangyayari di na ako mahihirapan pang mag-empake ng damit o bumalik pa ng bahay just to get those. Wais sa oras at laking tulong talaga ang ganito.

"Kumain na muna tayo bago umalis.." bungad nito sa may kusina. Nagluto sya ng adobo at bagong saing na kanin.

Trenta minutos ang lumipas. Parehong patungo na kami sa ospital. Gamit pa rin ang magkaibang sasakyan.

Paghinto sa tapat ng ospital. Tumingala ako kasama nya. "I wish she's okay now.." anya bago humakbang papasok.

Napabuga ako ng mabigat na hininga saka sinundan.

Sa kaba ko. Kahit ang ngiti ng security guard na nilagpasan ko ay di ko man lang nasuklian. Baka isipin nyang suplado ako. Mali lang talaga ang pagkakataon. Pasensya nalang sa kanya.

Hinanap ko ang elevator. Nasa kaliwang bahagi pala ng entrance. Duon sa labas nito ay nakapamulsang naghintay si Ryle sakin. May kasama kami at sabay na sumakay paitaas. Sa fifth floor. Doon ang women's ward. Sa bed 18 sya nakahiga. Sa likod palang ng taong kasama nya. Alam kong si tito na iyon.

"Tara duon.." yata sakin ng kasama ko subalit parang mabilis na hinigop ng semento ang paa ko kung kaya't di ko ito maihakbang. Kailangan nya pang lumingon upang matauhan ako. "Lance.." malakas pa nitong tawag.

Damn it! Kidlat ba iyon?. Pakiramdam ko. Tinamaan ako ng isang malakas na kidlat dahilan para manginig at matakot ako. Oo. Takot po talaga ako sa kilig o kidlat. Matagal na, simula bata pa ako.

Sa paghakbang ko papalapit sa gawi nila. Parang ang bigat na. Di ko alam bakit. May kung ano sakin na nagsasabing wag syang lapitan o kahit na kausapin. Kakaiba ang pakiramdam ko at masyado itong malabo para matukoy ko. Na kahit ang paningin ko ay nanlabo. Isa lang ang nakikita ko kundi ang hinihigaan nya. Napalunok ako ng todo sa katotohanang umabot sya sa ganitong lugar. I didn't mean to hurt her this way. I don't want to make her feel the pain. But goddamnit! It's so inevitable! Noon ko lang natanto na parte pala nang isang relasyon ang may nasasaktan, ang masaktan... ng ganito. ng higit pa sa inaakala ko.

Di ko man narinig nang mabuti ang sinabi ng kapatid nya. Nalaman ko nalang iyon nang sabay sabay silang tumingin sa kinatatayuan ko. Ilang dipa lamang mula sa kinaroroonan nila. Kay Tito ako tumingin. Taliwas sa matang nakamasid. Nagulat si tito ng makita ako. Napatayo pa sya't kumunot ang noo. "Lance?.." alinlangan pa nyang himig. Alanganin rin akong tumango. Maging ang aking ngiti ay pilit. May kung anong bagay bigla ang bumara sa lalamunan ko dahilan para mahirapan akong huminga.

"Tito.." mahina kong sabi kasabay nang paghakbang ko papalapit sa kanya. Nagmano ako't tumayo ng tuwid. Napasinghap pa ako nang matanaw ko na sya. Nakahiga sya't nakatingin na sa akin. Nang walang mababasang emosyon.

"It's been a while hijo.." binasag ni tito ang nakakabinging titig naming dalawa. I don't know kung bakit di ako nakaramdam ng hiya. Dala siguro ng kaba kaya ganuon.

"Opo.. it's been a long while po.." nanghihina kong sagot. Di umiiwas sa titig nya. Sa paraang ganun ko sya binati.

At sa oras na yun. Di ko na alam kung anong gagawin. Kung anong dapat sabihin o kung anong kailangang sambitin. Nalilito ako na natatakot na ewan. Basta. Kumplikado.