webnovel

Chapter 20: Gone

Hindi kami natulog magdamag. Lance keeps telling me to get some sleep pero hindi ko kaya. Hindi ko lubos maisip na namatay ang kakambal ko. May parte ng puso ko ang mabigat. Parang may napunit na ewan. Hindi ko maintindihan. Ramdam ko ang sakit na ngayon ko lang naramdaman. I've been into rock bottom. Alam ko ang sakit at bigat. Pero iba sa ngayon. Parang may nakadagan na malaking bato sa dibdib ko dahlian para mahirapan akong huminga ng maayos.

"Love, matulog ka na muna please.." umaga na. Ala syete na ng umaga. Jaden is currently getting his hot chocolate while Lance is busy doing his daily errands before going to his duty. While me, here I am. Walang ganang gumalaw. Ayaw magsalita. Nakikinig pero ayaw pakinggan ang mga lintanya nya. "Makakasama sa baby kapag nagpatuloy kang ganyan.." he continues. Kung di pa nya ako hinila sa may sala kanina. Di pa ako nakakabangon ngayon.

"Anong baby?." Jaden interrupted us. Napaayos ng tayo si Lance sabay ng namaywang sya. Kinuha ni Jaden ang baso nyang may laman na at tumayo sya sa harapan namin. "Anong makakasama sa kanya bro?. May nangyari ba?." he is curious now. Humigop sya at muli kaming tinignan. Salitan nya kaming tinapunan ng tingin.

"Bro.."

"Are you pregnant?." he ask us. Nakagat ko nalang ang ibabang labi sa bilis ng mga pangyayari. There's no need to deny it. Mas makakabuti na rin sigurong sabihin ito sa lahat.

"Parang ganun na nga.." Lance crouch his back head while giving him a nod.

"Wow! Congrats bro.." nagsaya syang batiin kami ng may kagalakan. But me and my husband?. Hindi makangiti sa tuwa at sayang pinapakita nya. "Bakit parang hindi naman kayo masaya?. That's a bleesing bro.."

"We're gladly happy that we received another blessing from above bro. It's just that.. may masama kasing nangyari.."

Kumunot ang nito. "Anong nangyari?. Sorry. I don't have any idea." hinging paumanhin nito.

"No. It's okay. Kagabi lang din namin nalaman. Denise.. her sister is gone.."

Maging si Jaden. Gaya ko. Natigilan din ng sobra. As in. He froze. Nahinto sa parte ng kanyang baba ang hawak nyang baso na hihigupin nya sana ulit. Nabitin din sa ere ang labi nyang gusto magsalita. Pansin kong ang paghinga nya rin ay bahagyang tumigil.

"Ang balita galing kay Rozen.. car accident daw ang ikinamatay nya.. she's going in to a shoot para sa isang brand but then.. dahil sa madulas ang kalsada dahil sa ulan.. bumangga ang sinasakyan nila sa isa ring kotse. Ang lahat ng sakay ng dalawang sasakyan ay critical. Sya raw ang dead on arrival.." lalo akong napasinghap ng marinig ang kinahantungan nya. Ano nalang kung ganun ang naging itsura nya dun sa accident area?. My Gosh Denise!.. Kinakilabutan ako.. Bakit?.

Yumuko ako para itago ang luha na unti unting bumababa saking pisngi. "Denise.." I called her name but I know this time. It is too late. Hanggang sa humagulgol na ako.

I don't know what time umalis o umuwi si Lance galing ospital. I don't have any knowledge too on how Jaden left the apartment.

"Kumain ka na ba?. Joyce naman.. stay firm please.." ani Lance. Tinignan ko lang sya.

"Si Denise, Lance.. Si Denise.." muli akong humagulgol sa harapan nya. Tinago ko ang mukha saking mga palad. Hanggang sa niyakap nya na rin ako.

Hindi ko alam na ganito pala kasakit ang mawalan ng isang taong hindi mo inaasahan. Denise is my twin sister. Pero dahil sa pinaghiwalay kami ng panahon. Hindi naging ganun kaganda ang sinapit naming dalawa. We're like, we ride the highest roller coaster ride. From it's highest point down to his lower level. Nakakapigil hininga kung iisipin. Hanggang sa nagkaroon ako ng sariling pamilya. We just as civil as strangers who found a stranger outside. Nothing more than that. I don't know if it's Mama's idea to not accept me as her sister. Who knows?. Pero wala na akong nagawa. They hated me as if my blood isn't theirs. I can't blame either my sister. Biktima lang din sya ng panahon. Biktima lang kami ng mga bagay na hindi namin matanggap. That's hard to do. Katotohanang hindi basta pagkain o inumin na isang lunok lang. Katotohanan na, pipigain ka muna. Sisipain at tatapakan hanggang sa malaman mo ang aral ng tunay na buhay.

Still. Kahit gaano sila kasama. Kahit gaano pa kalalim ang sugat na inukit nila sa puso ko. Mahal ko pa rin sila.

Bakit kaya ganito kamartyr ang mundo sa mga taong malalambot ang puso?. Kahit wala silang gawin. O may gawin man sila. Masasaktan at masasaktan pa rin sila.

Sabagay. Tao lang pala tayo. Wala tayong karapatang tanungin ang mga bagay na nangyayari sa ating mundo.

The next day. They keep on calling us about when we are going home para sa libing nya.

"I can't do it this time, Love.." next week na kasi ang funeral. At next week na rin ang field practice nila Lance. Third year residency na sya at mas hectic ang oras nya sa mga susunod. "I already talked to Bamby and Jaden.. sila na ang bahala sa'yo pauwi.."

Nalungkot ako. Hindi ko sya kasama?.

"Bakit sila?. I mean.. bati na ba sila?. What about Jaden's position?. Nakabalik na ba sya?." hindi ang pagsama nila sa akin ang iniisip ko kundi ang problema nila ngayon.

"Ewan ko sa kanila. Pero simula nung umalis si Jaden dito.. umuwi sya sa bahay nila. Bamby didn't told me everything pero ang sinabi nya, andun na ang asawa nya't ibinalita na buntis ka at ganun nga ang sinapit ng kapatid mo." tahimik kami pareho.

"What about Ryle?. May balita ka ba sa kanya?."

Hindi sya umimik. Ibig sabihin lang. Wala.

"Pupunta rin ba sya sa libing ni Denise?. Hindi pwedeng hinde Lance. Kapatid rin namin sya.."

"I don't have any idea about that Love.. kaya nga si Bamby ang kasama mong uuwi para makasiguro akong okay ka duon.. I don't wanna take a risk about your condition there.. Mahirap na.."

Bumili ng ticket ang mag-asawang Bautista bago pumasyal sa amin. "Oh my dear God!.. congratulations beshy.." over reaction nitong si Bamby pagkapasok palang ng paa nya sa pagitan ng sala at kwarto namin. Naglakad ito ng mabilis at niyakap na ako. "Bakit hindi mo sinabi agad na buntis ka?. Grabe ka!.." tinapik pa ako.

"Bamblebie! Careful please.." sita ng Kuya nya rito. Nagpeace sign na lang ito tanda ng paghingi ng paumanhin.

"Sorry.." ngiti saad nya. "I'm very sorry for your lost.." niyakap nya akong muli. Mahigpit na ngayon.

Mabilis ding dumaan ang mga araw. Sakay na kami ng eroplanong pauwi ng Pilipinas. Magkatabi ang Jaden at Bamby. Ako sa may gilid. Tabi ng bintana. Habang binabaybay namin ang himpapawid. Bamby held my hand. "Ayos ka lang ba?. May kailangan ka ba?. Just say anything ha?."

"Ikaw?. Ayos ka na ba?. What about you and him?."

"Well.. don't mind us bes.. ikaw ang priority namin ngayon hindi ang mga walang kwentang bagay.."

"Walang kwentang bagay?. Don't ever say that.. ikaw at ang asawa mo ang pinag-uusapan dito. Hindi kung sinu-sino lang.."

"Sssahhh.. wag kang maingay.. baka marinig ka nya.." anya pa kahit na obvious na naririnig na ni Jaden ang usapan namin kahit pa bumulong pa sya.

Sinilip ko lang si Jaden. Nakatingin na sya samin. Kay Bamby pala exactly. Nagkatitigan sila. Matagal ito bago unang bumigay si Bamby at tumalukbong na.

"Wala palang kwenta ang mga bagay na hindi mawala sa isip ng isang tao noh?. Now I see.." sarkastikong sambit naman ni Jaden.

"Hoy Jaden Bautista!.." sigaw nya rito. Nagulat ako.

"My goodness Bamby. Can you please tone down your high pitch voice.. baka nakakalimot ka na.. May buntis tayong kasama.. What will your Kuya Lance think about you after knowing that kung anu-anong ginagawa mo habang kasama natin ang asawa nya?."

"Mind your own business man.. psh!.."

"You want me to call him?." Harmon naman ng isa. Natahimik itong si Bamby kahit ngumingiwi ang labi nya.

Hay... upon watching them. Wala pa rin palang nagbabago sa kanila. Still the Jaden back there when we were high school are cute and calm. While Bamby is this noisy and adorable. Bagay na bagay talaga sila. Meant to be.

And even if Denise is gone. My love for her is still in me. Loving sincerely and silently.

Next chapter