webnovel

No More Promises

Wag ka sanang mangangako kung iiwan mo lang din ako - Joyce Ho

Chixemo · Teen
Not enough ratings
282 Chs

Chapter 13: For now

Lumipas ang kinse minutos na walang umiimik sa amin. Sya ang nagsusulat sa pink kong notebook. Habang ako ay tulala pa rin sa tabi. Pinapanood ang paggalaw ng makinis nyang braso. Bahagyang lumilitaw ang ugat nito. Inaakit ako. Damn it!

Abala rin si Winly pero maya't maya kung sumulyap sakin. Parang may gustong sabihin pero wala syang lakas ng loob na magsalita.

Bigla ay tumunog ang kanyang telepono. Kinuha nya iyon saka sinagot. "Yes little Bamblebie?.." anya sa kausap. Si Bamby. Bigla akong kinabahan.

Shit! Sana lang di nya malaman. Baka kasi ako'y kanyang husgahan.

"What!?. why?. uminom ka na ba Ng gamot?.." nag-aalala nyang tanong dito.

Ano?. Masakit ba sya?. Anong nangyari?. Gusto kong itanong subalit tangina!. Wala rin akong lakas ng loob. Naubos.

"Where are you then?.." huminga sya ng malalim. Hinilot ang sentido.

"And whose with you?.." isinara nya yung note ko saka bahagyang gumalaw. Humarap ng kaunti sa gawi ko.

Kumurap ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na kaharap ko ang taong ito. Iniisip ko lang kung paano sya kakausapin tas heto na sya ngayon sa aking tabi. Mismong tabi ko.

"Oh Jaden?. wait me there then.. ako ng mag-uuwi sa'yo.." huli nyang sinabi bago binaba ang tawag.

"Anong nangyari kay Bamby?.." bakas ang pag-aalala sa himig ni Winly. Nagkamot sya ng sentido bago hinagod ang buhok patalikod. Gosh! Why so hot baby?

Pumikit ako sa naisip. Shet! Nag-isip ka pa ng ganun gayong kaharap mo sya Joyce! Magtino ka nga!

Hindi ko kasi mapigilan. Syempre isa ako sa mga napakarami nyang taga hanga dito sa school. Gwapo. Maputi. Matangkad at malakas ang dating. Isa na rin ay matalino. Lahat ng katangian na hinahanap ko sa lalaki ay nasa kanya na lahat. Hindi ko lang alam kung bakit nya ako kinakausap ngayon.

"Nahilo raw sya sa praktis nila. Nasa clinic sya ngayon kasama ni Jaden.. Kailangan ko syang puntahan.." paliwanag nya noong una. Sa aking kaibigan nakatingin. "Baka di na rin ako bumalik. ihahatid ko sya sa bahay.." sa akin na ngayon ang kanyang paningin.

Hindi ko mapigilan ang mapalunok.

What baby?. Sigaw ng nagsasaya kong puso.

Inayos nya ang takas na buhok sa noo ko. "I have to go now.." paalam nya. Sinakop ng mainit nyang palad ang pisngi ko. Hinaplos pa iyon bago tumayo at naglakad palabas ng library.

What the heck is that!!!

"Whoa!!.." nang-aasar ang himig nitong bakla.

Duon lang din ako nakahinga ng maluwag. Yung as in. Hinga ng normal. Hindi pigil at hindi rin pilit.

Whoa!. Halos sabay lang namin iyon pinakawalan subalit pinigilan ko Ng todo ang sarili upang hindi nya lalo akong tuksuhin.

"Grabe!. Nagmukha akong yelo kanina.. natunaw sa ganda ng mata nya..ahh!.." maliit pa itong tumili. Takip ang mukha at ang kanyang bibig para di marinig ng ibang tao sa library.

"Wag ka ngang maingay.." suway ko sa kanya. May kasama pa kasing dabog sa semento ang tili nya.

"Dai!.. grabe ka!. Sana all!.."

Natawa na lamang ako sa mga sinasabi nito. Hindi lang kasi iyon ang nasabi nya nang umalis si Lance. Marami pa at aaminin kong, pareho kami ng iniisip.

Kung masaya sya para sakin. Si Bamby kaya?. Ganun rin ba ang mararamdam nya kapag nalaman nya?.

Hasyt!. Di ko alam. Sa ngayon, sa amin na muna ang tungkol dito.