webnovel

No More Promises

Wag ka sanang mangangako kung iiwan mo lang din ako - Joyce Ho

Chixemo · Teen
Not enough ratings
281 Chs

Chapter 108: Unexpected

Yung kagustuhan kong sa Cagayan mag-aral. Hindi na nangyari. Dahil sa Our Lady of Fatima University ako inenroll ni Daddy. Sa Antipolo City rin. Kung saan, ilang dipa lang ang bahay nila sa school.

Sinamahan nya pa akong bumili ng nga kailangan sa school. "Dad, sobra na to.." pigil ko sa kamay nyang naglalagay ng mga notes sa cart na tulak ko.

"For you hija.. that's not enough.. sa dami ng atraso ko sa'yo.. it's not even enough.. hindi mababayaran lahat ng to. ang pagkukulang ko sa'yo.." he said while walking around. Looking some items para ilagay pa sa cart. Hindi nalang ako umimik. Sya naman magbabayad eh.

Nang nasa kalangitan na kamj nang paminili ay nakasalubong namin sina mama. She's with Denise and kuya Ryle. They're both stop nang napahinto rin kami. As in. Sa mismong harapan nila.

"Oh hi there.." bati ni daddy sa kanila. Di na ako nagdalawang isip pa. Naglakad ako papalapit sa kanila to atleast greet them but they just ignored me like they didn't saw me. Laglag ang panga kong sinundan ang dinaanan nila. Lagpas sa akin. Natameme ako't natulala nalang. Kung di pa ako hinawakan ni daddy sa ulo. Baka muntanga na akong nakatitig sa direksyon na pinuntahan nila. Kasama ko dapat sila eh. Sila dapat tumutubong sakin eh. Bakit hindi iyon ang nangyari?. Bakit?. Bakit!?

"Let's eat first bgo umuwi.." hinila na ako ni daddy after nyang bayaran lahat ng pinamili. Hanggang sa nakapasok kami't umupo sa isang restaurant ay wala pa rin akong imik. O sabihin kong naging mabigat na ang pakiramdam ko. "Kumain ka na.." he motioned. Doon lang din ako gumalaw para makakain. Kahit nga pagnguya at paglunok ay hirap kong nagawa dala ng bumibigat kong isipin. "Sometimes..losing someone who doesn't appreciate you is a gain, not a loss.." bigla ay sambit nya habang ngumunguya. Napahinto sa ere ang kutsarang isusubo ko na sana. "Kain na.. kaya ka punapayat lalo e.." ginulo nya ang buhok ko tsaka sya nagpatuloy sa pagkain.

Alam ko naman na sila mama ang tinutukoy nya subalit may isang tao pa rin ang pumasok sa isip ko sa kanyang linya. Ganun ba yun?. Na kahit iniwan ka na ng taong gusto mo?. Hindi ka pa rin talo?. Panao kaya?. Pero appreciated naman nya ako bakit kayae bigla ko nalang syang naisip?.

Sa daan pauwi. Nakasalubong pa namin sila. But now. Hindi ko na sila tinapunan pa ng tingin. Tama nga si Dad. Minsan. Kailangan mo na ring bitawan ang mga bagay na humihila sa'yo pababa, for you to step up. "Always remember this anak..We can't force someone to choose us.. Kung ayaw man nila sa atin.. hayaan nalang natin.. darating ang panahon na sila ang lalapit sa'yo at yayakapin ka ng mahigpit.."

Sana nga.

Agosto na at simula na nang pasukan. Suot ko ang jeans at isang pink na t-shirt nang ako'y pumasok. Simpleng shoulder bag lang ang gamit ko. Hindi branded. Wala ring tatak. Actually, bag ko pa noong high school ko sa probinsya.

Umatend ako sa orientation at mga klase. Mabilis lang din natapos iyon tapos dumiretso na akong bahay. "Joyce, pakitignan nga si Wino.." Ani tita. Partner ngayon ni daddy. Medyo mabait naman sya. Medyo lang dahil suplada ito sa totoo lang. Dalawang taon na rin si Wino. Ang half brother ko. Kahit di ko naman sya kadugo. Pareho pa rin naming dala ang apelyido ni daddy kaya ayun. Inalagaan ko ang aking kapatid ng isang oras eksaktong kakatapos ngang maglaba.

"You can go upstairs na.." Ani tita. Doon lang din ako umakyat sa silid.

But unfortunately. Biglang bumaliktad ang sikmura ko kaya dumiretso ako ng banyo.