webnovel

No More Promises

Wag ka sanang mangangako kung iiwan mo lang din ako - Joyce Ho

Chixemo · Teen
Not enough ratings
281 Chs

Chapter 101: Hope

Kinabukasan. Hindi ako pinuntahan ni Lance sa condo. Hindi lang daw school ang pupuntahan nila ngayon. Sa embassy pa raw. Ilang linggo na lang rin kasi. Babalik na sila ng Australia. Sa tuwing naiisip kong iiwan na naman nya ako, lungkot agad ang namumutawi sa akin. Paano na ako kapag umalis sya?. Sino nang mapagsasabihan ko't masasandalan?. Sa lahat. Sya ang ayaw kong umalis. Subalit ganun nga yata ang buhay. Kung sino pang ayaw mong mawala sa'yo. Iyon pa ang kadalasang nawawala ng walang paalam. I wish na kahit bumalik na sya doon. Ako pa rin ang mahal nya.

Umasa akong matatapos ang lakad nila ng hapon pero hindi nangyari yun. Pero kahit ganun. Siniguro pa rin nitong andito na lahat ng kailangan ko sa loob ng kanyang bahay. Hindi lang basta puno ang kanyang ref. Punong puno iyon maging ang mga hanging kabinet na nasa taas ng lababo. Pumili ka lang. Bahala ka na kung anong gusto mo.

Sobrang swerte ko pa pala. Pakiramdam ko kasi. Pinagsakluban na talaga ako ng langit at lupa sa dami ng dinadala ko. Ako lang ba tao sa mundo gayong parang ako lang tong nahihirapan ng husto?. Bakit, ako pa kung marami naman dyang iba?. Kung bakit sakin lahat iyon pinabuhat ng sabay?. Ganun ba ako kalakas para bigyan lahat ng solusyon ang mga problema sa buhay?. Naku!. E kung, wala nga si Lance. Baka sa daan na ako pulutin. Baliw pa!

"Baby, I can't make it today.." mensahe yan ni Lance nang magdapit hapon na. Heto ako sa kusina nya't nagtitimpla ng matapang na kape. Binasa ko ulit yung mensahe nya dahil noong una ay hindi ko talaga naintindihan. Sa pangalawang basa ko lang natanto na hindi sya makakapunta dito.

"It's okay.. kaya ko naman.. Kamusta lakad nyo?.." reply ko.

Hindi sya nagreply. Imbes, tawag na nya ang bumuhay sakin. "Hello.." masaya kong bati.

"Okay na lahat.. ikaw dyan?. Are you not scared?.." pagod syang bumuntong hininga.

Suminghap din ako bago sya sinagot. "I'm not.."

"Being alone?.." dugtong nya sa pangungusap nya kanina.

"Scared a little bit pero naging maayos naman.."

"Tsk.. sorry for that.. busy kasi si kuya Mark to accompany her.. kaya ako napag-utusan.." anya. Tukoy sa naging lakad nila.

Sinabi kong ayos lang ako't walang problema. Kailangan kong unawain rin na, hindi lang sakin umiikot ang mundo nya. May pamilya sya't mga kabarkada.

"You want to come here instead?.. dito ka nalang kaya sa bahay.." he suggested suddenly. "I miss you a lot.. that I don't want to leave you alone.." mapangiti na naman ako nang wala sa oras.

Seriously?. why he's been so sweet to me?. Tapos kay Bamby?. Bully sya?.

"Lance, wag na. nakakahiya.." amin ko.

"Hinahanap ka lagi sakin ni Bamblebie.. gusto ko nang sabihin ang tayo, pero kinakabahan ako.."

"Then, tell her.." di ko alam bakit ko nasabi iyon basta. Parang may tumulak sakin na sabihin nga iyon.

"Talaga!?.." di makapaniwala nyang sambit. Natahimik ako. Napaisip. Paano nga kung malaman na ni Bamby?. Ano kayang magiging reaksyon nya't maging opinyon tungkol samin, lalo na sa akin?.

"Wag nalang.. ayokong ako ang magsabi.. baka lokohin nya lang ako.. you know her a lot pagdating sakin.." Humalakhak ako ng mahina sa sinambit nya. Kasi. Bully. Hmm?.

"Ikaw naman kasi.. number bully ka nya.." tawa ko na sinabayan nya rin.

"I can't get enough eh.. ang sarap nyang asarin.. hahaha.." w e laughed. May kung anong bahagi sa akin ang gumaan. "Lalo na pagdating sa taong crush nya. sows!.. hahaha.."

"You know who he is?.." pertaining to Bamblebie's number crush. Sumimsim ako sa kape. Napapikit pa ako sa pait at init na humagod sa lalamunan ko.

Humalakhak sya ng malakas. Tumikhim at tumawa muli. "Of course baby.. ako pa.." yabang nya.

"Eh?. sige nga?. Sino naman?.."

"JB.." Anya na di ko nakuha agad.

"What?. whose he?.."

"Jaden Bautista.. psh.. Haha.."

"How did you--?.."

"She's too obvious.. kaya ko iyon nahulaan.. alam mo naman na lagi noon si Jaden sa bahay dahil kaibigan namin.. e tuwing andun sya sa amin.. halos hindi lumalabas si Bamblebie.. kung di nagrarason na may masakit sa kanya sa tuwing humahurap sa tropa.. nagpapanggap na tulog, and worst... pinagpapawisan pag nasa tabi nya ito.."

Like seryoso syam?. Napansin nya lahat iyon?.

"Napansin mo lahat yun?.." di makapaniwala kong himig. Muli na naman syang tumawa.

"Hmmm.. sabi ko naman sa'yo.. I love observing people.."

"Just like me?.." di ko maiwasang itanong ito. Tinawanan nya lang naman ang sinabi ko.

"You're different baby.. puso ko ang nahulog sa'yo.. hindi ang mga mata ko.."

Eh!

"Eh?.." heto na naman sya. Pinapainit lagi puso ko sa tuwing malungkot ito. "Paano mo naman ako niligawan kung hindi mo ginamit mata mo?.." pilosipo kong tanong. Matunog syang nagbuga ng hangin at ngumisi.

"Oh baby.. I want to hug you right now.. pwedeng matulog dyan?.."

"Lance ha?.." banta ko.

"Ahahahaha.. kidding.. I miss you seriously.. pupuntahan kita bukas dyan.. okay.. don't be sad.. smile.." paalala nya yan lagi.

"Of course boss.. I'll wait you right here.."

"Promise I'll be there tommorow.. by for now.. tinatawag ako ni mama.. take care okay.. I love you.."

"I love you too.." sagot ko bago nya binaba ang tawag. Kanina ko pa rinig ang boses ni tita sa kanyang linya. Nagawa nyang wag pakinggan iyon habang kausap ako. Loko talaga sya.

Gabi ay nakatanggap ako ng text galing kay kuya Rozen. Nag-aalala na raw sya sakin. Hinanap daw din nila ako nina mama at kuya, lalo na ni daddy sa kanila pero hindi daw nila alam kung saan ako ngayon. I just bit my lower lip para pigilan ang replyan sya. Kailangan ko ng katahimikan ngayon at iyon ay Ibibigay ko naman sa sarili ko.

Pagod na akong makihati sa atensyon ng iba. Kung ayaw nila sakin. Fine. Lalayo ako't wag magpaparamdam na sa kanila. I need peace for myself. Gagawin ko ito para kumalma ang galit sa dibdib ko. Ayokong humarap sa kanilang galit ako. Baka lalo ko lang silang masaktan.

I ignored kuya Rozen's text kahit labag iyon sa loob ko. I just prayed na sana maintindihan nya pa rin kubg anong ginagawa ko ngayon. I hope so.