webnovel

Twin Planes

Editor: LiberReverieGroup

"Nagsisisi?"

"Nagsisisi saan? ANong nangyari?" Tanong ni Marvin, naguguluhan.

Hindi maipinta ang mukha ni Butterfly.

Hindi niya ito inaasahan. Base sa nakita niya, ang Wood Elf na ito ay laging simple lang mag-isip at tila walang pakialam sa lahat ng bagay.

Mayroon bang nangyaring masama?

Pero hindi sumagot si Butterfly at patuloy lang sinabi sa kanyang sarili, "Nagsisisi ako.."

Ilang saglit lang, nagbago ang kanyang reaksyon at naging mapaghiganti. "Mapanlinlang ang Copper Dragon na 'yon. Alam niya ang pagiging mausyoso ko, pero ginawa pa rin niya iyon sa akin!"

"Kailangan kong bumawi!"

Nagulat si Marvin.

Nasanay na si Marvin na nagsasabi si Butterfly ng mga kakaibang bagay, pero ang isang Elf na ni hindi pa isang 3rd rank ay gustong harapin ang isang Copper Dragon, hindi ba mahirap'yon?

Sa katunayan, nagiging mabait lang si Marvin, hindi lang mahirap iyon, sa halip ay imposible!

"Si Professor? Anong problema sa kanya? Bakit mas nagiging magulo ang sinasabi mo?" Tanong ni Marvin, nag-aalala.

Mukhang masama pa rin ang loob ni Butterfly.

Sa wakas ay nakatuon na ang atensyon niya kay Marvin at sinabing, "Nauunawaan ko na kung bakit may kakaiba akong nararamdaman sayo."

"Ang pesteng lalaking 'yon, iniwan na lang niya ang gawain niya sa iba…"

"Ano bang maganda sa batang gaya mo? Mabagsik at sakim at tanging iniisip lang ay kung paano makakalamang, isang hangal."

Umirap ito habang pinapagalitan si Marvin habang sinusubukan hawakan ang mukha ni Marvin.

Naging mas maamo ang kanyang reaksyon.

Ikinagulat ni Marvin ang ginagawa nito.

'Sinasapian ba siya?'

'Anong pinagsasasabi niya?'

Humakbang paatras si Marvin at sinabing, "Hoy! Hindi ako ganoong klaseng lalaki. Ano bang nangyayari sayo, Miss Butterfly."

Natigilan si Butterfly at tila nalilito, "Oo nga, hindi ikaw."

Bumuntong-hininga ito, tila dismayado at bigo.

Sa hindi malamang dahilan, bumigat ang pakiramdam ni Marvin nang makita ang reaksyin nito.

Pareho ang naramdaman niya noong biglang nawala si Eric habang sinasabing nangungulila siya sa babaeng iyon..

Ang ganoong uri ng tahimik na kalungkutan ang makakapagpabigat ng pakiramdam ng isang tao.

Nang bumaliksa normal ang pakiramdam ni Marvin, paalis na si Butterfly.

Pero mas ikinagulat ni Marvin ang paraan ng pag-alis nito.

Nagbukas ito ng Teleportation Door!

"Hoy! Nasa underground temple tayo…"

Gustong ipaalala ni Marvin sa kanya na ang spatial field ng lugar na ito ay magulo, at baka mapunta sa hindi alam na lugar sa Universe ang sino mang gumamit ng isang Teleportation Door.

Pero sa sunod na sandal, isang kaaya-ayang kagubatan ang kumalat mula sa Teleportation Door.

Thousand Leaves Forest.

"Pasensya na. Hindi na kita madadala sa Supreme Jungle."

Bago pa man makapagsalita si Marvin, nagsalita muli si Butterfly, "Pero naniniwala akong dadalhin ka doon ng masamang Copper Dragon na 'yon."

"Kailangan ko nang umalis. Baka magkita uli tayo sa hinaharap."

"Wag mong sayangin ang kapangyarihan niya."

Pagkatapos niyang sabihin ang mga nakalilitong bagay na ito, pumasok na si Butterfly sa Teleportation Door. Agad namang nawala ito.

Kita ang pagkabigla sa mukha ni Marvin.

Gaano siya kalakas para makapagbukas ng isang Teleportation Door sa isang nakakatakot na lugar gaya nito?

Legend Wizard?

Siguradong hindi ito kayang gawin ng isang ordinaryong Legend Wizard.

Ito ang libingan ng Dragon God, mayroong itong makapanyarihang Divine Power na bumabalot ditto, at walang sino man ang mangangahas na kumilos dito nang padalos-dalos.

Pero si Butterfly… ay kampanteng pumasok.

Hindi na nag-sayang ng oras si Marvin para murahin pa ito…'Anong ibig mong sabihin na dalhin ako sa Supreme Jungle? Hindi ba responsibilidad ng nagmamaneho na dalhin ang pasahero sa kanyang destinasyon? Pinasunod mo ko sa Lumber Woods mula Sreel City, sa gitna ng digmaan sa pagitan ng mga Metallic Dragon at ng mga Chromatic Dragon.'

'At ngayon umalis ka, ganyan mob a gampanan ang mga tungkulin mo?'

Pero mas lalong nagtaka si Marvin tungkol sa katauhan ni Butterfly.

'Sabi niya nagsisisi siya. Anong pinagsisisihan niya?'

'Mukhang may kinalaman din 'to kay Professor.'

Inalis na ni Marvin ang kanyang tingin kung saan lumitaw at nawala ang Teleportation Protal.

Naramdaman niyang pamilyar ang nasa portal, dahil ilang beses na siyang nagpunta sa Thousand Leaves Forest. At maraming pamilyar na lokasyon doon.

Ibinaling niya ang kanyang atensyon sa pasilyong nasa harapan niya.

Ang pasilyong ito ay naiiba sa Azure Hallway at mayroon itong malalaking mural sa magkabilang gilid.

Mayroong sulo kada sampung hakbang.

Ang mga Wizard Flame sa mga sulong ito ay hindi kayang apulahin at binibigyang liwanag nito ang laman ng mga mural.

Isa-isang tiningnan ni Marvin ang mga ito habang naglalakad.

Mayroong siyang kutob na ang mga mural na ito ang dahilan sa biglang pagbabago ni Butterfly.

Ang mga eksenang nakalarawan dito ay simple lang sa umpisa, ipinapakita nito ang pinagmulan at ang pag-taas ng Dragon Race.

Hindi naman nakakapagtaka na nasa loob ng templo ng Dragon God ang mga ito.

Narinig na rin ni Marvin ang tungkol sa mga nakalarawan sa mural.

Ang pangunahing ideya ay mayroong isang pares ng mga plane ang iniikutan ang isa't isa sa dulo ng Universe.

Ang Twin Plane ay paikot na magkalingkis at nakapulupot, at mayroong bahagi na magkapatong.

Ang bahaging magkapatong ay tinatawag na [Dragon Battlefield].

Dahil ang lugar na iyon ay kung saan naglalaban ang mga Dragon!

Ang dalawang plane na ito ay malayong-malayo sa Feinan, at posibleng pinakamalayong lokasyon sa buong Universe. Maaaring nanggaling din ang mga ito sa ibang Universe, o maaaring gawa-gawa na lang ito ng mga inapo ng mga Dragon.

Gayunpaman, interesante ang kwento na ito.

May isang uri lang ng nilalang ang naroon sa dalawang plane: mga Dragon!

Ang isa sa mga plane ay pinaghaharian ng mga Metallic Dragon, habang ang isa pa ay dominyon naman ng mga Chromatic Dragon.

Ang mga Metallic Dragon at Chromatic Dragon ng buong Universe ay nanggaling sa lugar na iyon.

Kinamumuhian nila ang isa't isa at ilang henerasyon na silang naglalaban ang mga ito hanggang sa kamatayan sa Dragon Battlefield.

Umabot na ito sa punto kung saan, kahit umalis na ang kanilang mga inapo mula sa Twin Planes, maglalaban pa rin ang mga ito kapag nagkaharap ang mga ito

Pinapaliwanag nito kung bakit kinamumuhian ng mga Metallic Dragon at ng Chromatic Dragon ang isa't isa.

Isa pa, walang mga Dragon sa Feinan noong umpisa.

Ang lahat ng mga Dragon ay taga-labas.

Isang araw, may hindi inaasahang nangyari sa Twin Planes.

Isang nakakatakot at hindi malamang nilalang ang lumitaw sa Universe at winasak nito ang Dragon Battlefield. Agad na lumikas ang mga Dragon nang makita pa lang nila ang nilalang na ito.

Nawasak ang buong Twin Planes at karamihan ng mga Dragon ay namatay.

Bago sila namatay, ang mga Metallic Dragon at Chromatic Dragon ay nagtulungan sa unang pagkakataon.

Nagbukas ang mga ito ng Multiverse Teleportation Gate at imilipat ang mga Dragon Egg sa iba't ibang panibagong plane.

Ang isa sa mga Universe na ito ay kung nasaan ng Feinan.

At ang panibagong plane doon ay ang Feinan mismo.

Pagkatapos nito, hinarangan at pinigilan ng Metallic Dragon God ang nilalang na ito hanggang sa mamatay ito.

Pero ang Chromatic Dragon God na si Hartson ay nagawang makatakas.