webnovel

Tidomas

Editor: LiberReverieGroup

Pero ang ikinagulat ng Pale Hand ay kahit na nahulaan niya kung alin ang lihim na kaban ng yaman at pinindot niya ang pindutan, hindi bumukas ang pinto!

'Nagkamali ba ako?'

Naramdaman ni Sky na may mali.

Masama ang kutob niya sa Kerry na iyon. Kakaiba ito dahil isa siyang Legend expert. Bakit naman siya mababahala sa isang 4th rank Ranger?

Sumimangot si Sky. May kaunti siyang nalalaman stungkol sa Saruha, pero kapareho lang ito ng mga nalalaman ng Wolf Spider mercenary.

Kahit na nalampasan niya ang mga Nightmare Crystal, hindi siya makakapasok sa pintong gawa sa malaki at mabigat na bato.

Lalo pa at hindi siya isang Wizard. Wala siyang spell o kahit anong item na makakapagpalagpas sa kanya sa mga pader na iyon.

'Base sa mga lumang mapa ng Wold Spider mercenary na pinakita nila sa akin, may maliit na kwarto sa likod nito na naglalaman ng kayamanan ng mga Gnome.'

'Walang kinakatakutan ang mga Ancient Gnome, tanging ang Ancient Sun God lang ang kanilang nirerespetom kaya ito dapat ang tamagn pinto.'

'Bakit ayaw bumukas nito?'

Sumimangot si Pale Hand. Hindi siya tanga. Siguradong may ibang dahilan kung bakit ayaw nitong bumukas.

Nakasarado ito mula sa loob.

Kahit ano pa ang rason nito, pumalya na ang plano niyang mabilis na patayin si Gwyn. Kailangan niyang makapasok agad sa mga pintong ito kung hindi, walang nakaka-alam kung saan mapupunta ang dalawang "scout" na iyon.

Kahit na hindi nasusunod ang kanyang plano, hindi pa naman siya tuluyang nabigo. Pero nangako siya na papatayin niya si Gwyn sa harap ng Elder Council, kaya kung hindi niya ito magagawa, masisira ang kanyang reputasyon.

Tumalikod siya at tiningnan ang mga taong nakatitig sa liwanag ng kristal, makikita sa kanyang mga mata ang paghamak niya sa mga ito.

Hindi karapat-dapat na makuha ng mga sakim na ito ang kayamanan ng Ancient Gnome.

Hindi man lang sila makapasa sa isang simpleng willpower test. Siguradong mas mahihirapan silang harapin ang mga susunod na panganib.

Ang tanging ikinagulat niya lang ay nagpakita ng senyales sina Rem at Lilia na nagigising na ang mga ito kahit na nahulog rin sila sa patibong ng kristal. Hindi ito madaling gawin.

'Tinulungan ko na sila sa Tentacle Horror. Wala naman sigurong problema kung iiwan ko na sila.'

Pagkatapos isipin ito, nagtungo si Pale Hand sa ikalawang pinto at pinindot ang pindutan!

"Grambol!"

Isang makapal at mabigat na bato ang dahan-dahang umangat at lumabas ang nagbabagang apoy. Sa sumunod na sandali, maraming mga apoy na halimaw ang lumabas mula sa pinto, lumipad ang mga ito patungo kay Sky!

May ulo ang mga ito ng tao, at kuko ng leon, at isda ang ibabang bahagi ng katawan ng mga ito.

[Fire Guardians]!

Napamura si Sky at tumakbo!

Hindi naman siya natatakot sa mga halimaw na ito, pero masyadong marami ang mga ito. Kahit na mayroon siyang Resistance ng isang Legend, hindi niya kakayanin ang mabangis na pag-atake ng napakaraming Fire Guardian.

Kasing bilis ng kidlat ang kilos ni Pale Hand, maliksi siyang tumawid sa pasilyo habang hawak ang kanyang mga dagger, sunod-sunod niyang pinutol ang mga ulo ng Fire Guardian.

Pero tila hindi nauubos ang mga ito! Tuloy-tuloy na lumalabas ang mga ito mula sa pinto.

Habang abala sa pakikipaglaban si Sky, tiningnan niya ang dulo ng nakatagong silid.

Sa dulo ng silid ay may malalim na daan na nahaharangan ng kulay berdeng barikada!

Dalawang metro ang kapal ng barikadang ito na mayroong kulay berdeng espiritu na kumikisap sa loob.

Agad na namutla ang mukha ni Pale Hand!

'Pucha! Isang [Disintegrate Barrier]!'

'Mga punyetang Gnome!'

Nauunawaan na niya ang mekanismo ng dungeon… ang Disintegrate Barrier na ito ay hindi mawawala hanggang sa mapatay niya ang lahat ng Fire Guardian na ito.

At nasa dalawang daan ang bilang ng mga ito! Kahit na mahusay sa pagpatay si Pale Hand, aabutin siya ng sampung minuto para ligtas niyang mapatay ang mga ito!

Marami nang maaaring gawin sina Gwyn at Kerry sa loob ng sampung minuto na ito.

Habang iniisip ito, lumalam ang pakiramdam ni Sky.

….

Sa ikatlog silid.

Kuntentong natapos n ani Marvin itabi ang mga nakuha niya.

Naramdaman niyang sulit na ang pagpunta niya sa Saruha. Ang Gnome Blueprints at Rosenthal Bracelet pa lang ay sulit na ang pagod niya, mayroon pa itong kasamang bahagi ng Earth Crystal.

Noong mga oras na iyon, narinig niya at ni Gwyn na mayroong pumipindot ng pindutan sa pinto.

May ilang sandali na nakikita nila ang kabila ng pinto at nalaman nila kung sino ang nasa labas.

Namutla ang Vampire, kahit na una pa lang ay maputla na talaga ito.

Pale Hand Sky!

Base sa reaksyon ng mukha nito, balisa ito.

Kung nagdududa pa rin si Gwyn kay Marvin sa puntong ito, hindi na siya papakialaman ni Marvin. 

Pero kumbinsido na ang Vampire.

"Sire Marvin, kahit na binabalak magsimula ng isang digmaan ang Dark Side, hindi nababahala ang Bright Side. Kahit na mayroon silang mga Legend, kahit gaano pa ito karami o kagaling, hindi nila kami kaya." Mahinang sabi ni Gwyn.

"Pero dahil sinabi mo 'to sa akin, mayroon ka naman sigurong paraan para mailigtas ako. Kung makakatakas ako mula sa Dark Side ngayon, gagawin ko ang lahat para maibigay ang ano mang hihilingin mo sa akin."

Sa katunayan, noon pa man, isang misteryo na kay Gwyn ang tunay na lakas ni Marvin.

Pagkatapos wasakin ni Marvin ang Decaying Plateay, maingat na inimbestigahan ni Gwyn ang kanyang pag-angat, at nagulat siya sa naging resulta.

Inagaw ng mga Gnoll ang kanyang teritoryo, at naging mahirap ang kanyang pamumuhay sa River Shore City.. ang pagbagsak ng basurang noble na ito.

Walang nakapagsabi na balang-araw ay magiging malakas at makapangyarihan ito. May balitang ang Masked Twin Blades na mag-isang dinispatya ang Acheron Gang, ay isa sa mga katauhan ni Marvin. Pagkatapos nito, binawi niya ang kanyang teritoryo, ipinamalas ang kanyang talento sa Battle of the Holy Grail, at nagkaroon ng ilang laban sa Twin Snakes Cult. Kalaunan, mas naging mabagsik ito at winasak niya ang Decaying Plateau.

Noong mga panahon na iyon, dahil sa "pagpatay" sa kanya ng Twin Snakes Cult, pinaghigantihan ang mga ito ng grupo ng mga galit na Legend.

Ayon sa balita, kahit ang Azure Matriarch na nasa Norte ay muntik nang mamatay!

Ang sunod-sunod na tagumpay na ito ay malayong-malayo sa pagiging isang dukhang noble niya noon.

Nagduda pa si Gwyn kung iisang tao lang ang mga iyon.

Gayunpaman, nakikita niya na makapangyarihan at misteryoso si Marvin.

At hindi rin alam ng karamihan na siya ang Dragon Slayer na si Robin, ang mano-manong pumira-piraso sa Dragon!

Pero hindi ito lingid sa kaalaman ni Gwyn, dahil noong nakipagnegosasyon si Marvin para sa Dense Blood Nucleus, nakita pa rin niya ang katotohanan sa likod ng Disguise nito.

Noong kumalat ang impormasyon tungkol sa Dragon, gulat na gulat siya. Kahit na noong nagsiyasat siya ay sinabing ibinigay ng Fate Sorceress na si Jessica ang kanyang Fate Power kay Marvin, nakakamangha pa rin ang mano-manong pagpira-piraso ng Dragon. Hindi niya matantya kung ganoo ba talaga kalakas ang taong ito!

Sa mga mat ani Gwyn, kahit na hindi Legend si Marvin, mayroon itong lakas ng isang Legend.

At dahil sinabi sa kanya ni Marvin ang pakay ni Pale Hand, siguradong may alam itong paraan para malampasan ang problema na ito.

Nang makita niyang inaasahan siya ni Gwyn, hindi mapigilang sabihin ni Marvin na, "Bakit ka nakatingin sa akin nang ganyan? Sa tingin mo ba tutulungan kitang patayin ang Pale Hand na 'yon?'

Naiilang na umubo si Gwyn. "Kahit na hindi, may alam ka naman na paraan para makalabas ng Saruha, hindi ba?"

Ngumisi si Marvin, "Sa isang pangkaraniwang sitwasyon, iisa lang ang paraan para makalabas ng Saruha, at iyon ang scroll na hawak ni Lilia.

"Pero malinaw na may alam kang ibang paraan," sabi ni Gwyn.

"Oo, may alam akong lihim na daan para makalabas ng Saruha," pag-amin ni Marvin. "Iyon nga lang, mas mapanganib ang lihim na daan, mas mapanganib pa kesa sa Tentacle Horror. Kung dadalhin lang kita doon para umalis, malakin ang isusugal ko para sa wala."

Kumunot ang kilay ni Gwyn. "Anong gusto mo?"

Numiti si Marvin. "Dalawampu noong Dense Blood na mayroon ka dati."

Biglang namula si Gwyn, "Paanong…"

"Biro lang," sabi n iMarvin. "Kukuha ako ng tatlong may magkakaibang kakayahan. Noong huli ay Low Flight. Wag mo na akong bibigyan ng katulad noon."

"At pagkatapos mong tumakas, bumalik ka agad sa kampo ng Bright Side at hanapin si Great Duke William."

"Gusto kong maghanda ka ng isang pagpupulong para sa akin."

Natigilan si Gwyn. "Pagpupulong?"

"Oo." Seryosong tumango si Marvin. "Ako at si William."

Kakaiba ang naging reaksyon ni Gwyn, hanggang sa kinuyom nito ang kanyang ngipin at tumango.

Tatanggapin na niya ito. Mas mahalaga ang kanyang buhay kesa kayamanan.

Isa pa, may balak na magsimula ng digmaan ang Dark Side. Kailangan niyang ibalita ang impormasyon na ito.

Sumagot siya kay Marvin, "Pumapayag ako sa lahat ng kondisyon mo. Ngayon, pwede mon a ba akong ilabas sa Saruha?"

Pero hindi niya inaasahan ang sagot ni Marvin:

"Bakit ka nagmamadali?"

"Pinaghirapan nating makapasok sa Ancient Gnome Vestige. Kung aalis tayo na hindi man lang natin kukunin ang lahat ng maaaring kunin, hindi ba sayang 'yon?"

"Sigurado naman na hindi makakasunod si Pale hand dahil sa mga nakaharang na [Fire Guardian] sa kanya, pati na ang [Endless Stairs] na nakaabang sa kanya… Mayroon pa siguro tayong mga dalawampung minuto."

Pilit na ngumiti si Gwyn. "Hindi pa ba sapat yung nakuha mo?"

Hindi na pinansin ni Marvin ang reklamo nito at nagpunta sa kaloob-looban ng silid.

Kalaunan, may isang lagusan na nakita ang dalawa.

Siniyasat ito ni Marvin ng kaunti at nakumpirmang walang panganib dito. Sinenyasan niya si Gwyn na sumunod bago gumapang papasok.

Kung hindi siya nagkakamali, sa dulo ng lagusan na ito ay ang Residential District ng Saruha!

Sa kaloob-looban ng Saruha.

Sa isang kulay berdeng altar, dalawang matangkad na anino ang nakaluhod.

Isang baluktot na mukha ang dahan-dahang lumabas mula sa apoy:

"Puksain…"

"Ang ating dating kalaban…"

"Parusahan… Ibalik ang kadakilaan ng ating Negative Energy Plane."

Pahinto-hinto ang boses.

Pero nagawa pa ring intindihin ng dalawang anino ang ibig nitong sabihin.

Isang eksena ang lumitaw sa kanilang harapan. Si Marvin na hirap na gumagapang sa lagusan!

"Sinisigurado naming magkapatid na gagawin naming ang inyong utos…"

"Kagalang-galang na Sir [Tidomas]."