"Halika rito…"
May kamay na tumakip sa bibig niya bago pa siya makapagsalita.
Biglang nagpupumiglas ang opisyal.
Isang malamig na boses ang bumulong, "Kung ako sa'yo kakalma ako at kakausapin mo ko ng maayos."
"Kung gusto kitang patayin, dapat patay ka na ngayon. Wag mo nang asahan ang mga gwardya mo dahil masyado silang mabagal. Kaya kitang patayin ng isang-daang beses bago mo pa matapos tawagin ang mga gwardya mo.
"Pwede ko na ba kitang bitawan?"
Pabirong tanong ni Marvin.
Tumango lang ang bundat na opisyal habang pinagpapawisan ng malamig.
Blag!
Walang hirap na sinalag ni Marvin ang isang puting gem na palihim na kinuha ng opisyal sa kanyang supot. Bumagsak ito sa sahig.
"Wag ka na magtangka." Babala ni Marvin, "Huling pagkakataon mo na 'to."
"Maupo ka!"
Nanlambot ang mga binti ng opisyal at napa-upo sa upuan.
Pinulot ni Marvin ang gem at inilagay sa supot niya. Isa 'tong protection gem na gawa ng Silver Church. Pinapataas nito ang inner divine light ng gumagamit para maproteksyonan ito. Hindi tanga ang opisyal, kaso nga lang mas mabilis ang isipan ni Marvin.
"Masked Twin Blades… Ikaw ba 'yan?!"
Agad na natakot ang opisyal nang makita ang kasuotan ni Marvin, "Anong kailangan mo?"
"May pag-uusapan tayong mahalagang transaksyon."
Umupos si Marvin at di nagpapatinag. Di rin niya inalintana kung mayroon pang ibang binabalak ang lalaki.
Sa katunayan, nasipat na niya ang katawang ng opisyal bago niya ito lapitan. Wala nang ibang special item bukod sa gem na inilabas niya kanina.
"Anong transaksyon?" Nanggagalaiti na ang opisyal.
Blag!
Isang maliit na supot na may lamang higit pa sa isang dosenang gem ang inilapag sa mesa. Mahinahong tiningnan ng opisyal ang at sinabi, "Kulang 'yan"
Tumango si Marvin at sinabing, "Ginoong Miro, isa kang opisyal ng munisipyong may mataas na ranggo. Kaya alam kong hindi ka sanay makakita ng ganito kababang halaga."
"Eh eto kaya?"
Dahan-dahang inilapag ni Marvin ang isang manika sa tabi ng supot ng gem.
Biglang nanlumo si Miro.
"Anong ginawa mo kay Jenny!"
"Putangina ka! Papatayin kita!"
Halos mabaliw-baliw siya.
Regalo niya sa kaarawan kanyang pinakamamahal na anak na babae ang manikang 'yon at ngayon ay nasa kamay na ng Masked Twin Blades.
Malinaw ang taktikang ginamit nila Marvin, kidnapping!
Nasa kamay nila ang anak niya.
"Pucha wala nang ginawang matino ang mga gwardyang 'yon."
"May sarili pa siyang gwardya na nangakong may lakas siya ng isang 2nd rank kaya kayang-kaya niyang protektahan si Jenny!"
Napuno ng poot ang puso ni Miro. Kung hindi dahil sa anak niya, ibinuwis na niya ang kanyang buhay para lang subukang patayin ang masked twin blade.
...
Natahimik ang lahat paglipas ng isang minuto.
"Kalmado ka na? Pwede na ba nating pag-usapan ang transaksyon natin?" Sabi ni Marvin.
"Kidnapping ang ginagawa mo. Hindi 'to transaksyon, pinagbabantaan mo ko." Sagot ni Miro.
"Hindi na mahalaga 'yon. Wag na tayong maglokohan, alam kong gawain mo rin 'to."
Pinagmasdan lang ni Marvin ang opisyal. Kitang-kita hindi na 'to mapakali.
Sa tinagal-tagal niya sa pwesto, hindi malayong kasabwat siya sa maraming ilegal na mga bagay. Lalo pa't may parte siya sa slavery business ng River Shore City! At natural na sakanila ang pangingidnap at pagpatay.
Pero hindi niya inakalang may gagawa rin sa kanya ng ganito.
Sa katunayan, hindi naman sa walang kwenta ang 2nd rank niyang gwardaya, mahirap lang talagang kalabanin ang dalawa niyang phantom assassin. Kaya naman naitumba nila agad ito at nakuha ang bata.
Wala namang balak si Marvin na saktan ang bata, gusto niya lang ito gamiting bala laban sa ama nito.
At halata naman na mahalaga nga ang batang 'to kay Miro.
"Magkano ba ang kailangan mo?"
"Nabalitaan kong isa kang bayarang hitman. Magkano ba ang ibinayad nila sayo? Dodoblehin ko basta ibalik mo lang si Jenny!"
Mabilis na tugon ni Miro.
"Ligtas na makakauwi si Jenny."
"Basta gagawin mo ang iuutos ko."
May sobreng inabot si Marvin kay Miro.
"Ayoko ng gulo. Kapag nagawa mo ang pinapagawa ko, makakauwi si Jenny bukas na bukas din."
"At onga pala, ayaw mo ng mga gem diba? Ikaw bahala."
Kinuha na ni Marvin ang supot ng mga gem at paalis na.
Nang biglang may pumasok na katulong mula sa labas at gulat na sinabing, "Master, ang taong 'yan…"
Pinigilan ni Miro ang galit niya, "Ah, eh, kaibigan ko 'yan."
Saka pinaalis na niya ang katulong. Binuksan ang sobre at binasa ang laman. Matapos nito, biglang nagbago ang reaksyon nito.
...
Bago mag dapit-hapon, sa wealthy public square, ilang tao ang pakalat-kalat at nagpapaikot-ikot sa liliman.
"Wala akong namumukhaan."
ISang matangkad na knight ang bumulong, "Magpaka-alisto ka, hindi pwedeng magkaroon ng gulo sa wealthy district."
Tumango lang ang iba pang mga tauhan.
May suot na [Silver Light] ang knight. Ito, katibayan ng mga special 2nd rank class na mga [Silver Knight] kung sino sila. Malakas ang pang-amoy nito bilang siya ang patrol leader.
May kakaiba sa 10 sibilyan na nandirito ngayon.
Ang wealthy district ang lugar na pinamamahalaan niya kaya hindi siya papayag na magkaroon ng gulo rito.
At sa mga oras na 'yon, maririnig ang mga kabayong paparating mula sa malayo.
"Sir Fred! Warrant ho ito ni Sir Miro!"
Eto ay isang light cavalry knight. Ang tagapaghatid ng mahahalagang warrant ng munisipyo.
Kinuha ni Fred ang warrant at nagbago ang mukha, "Seryoso ba 'to?"
Hindi sumagot ang light cavalry knight at sinabi lang na, "Utos ito ni Sir Miro."
Nangalit ang ngipin ni Fred saka tinipon ang kanyang mga tauhan at dumeretso papunta sa dock area.
Ang sabi sa warrant ay nakita raw na mga bakas ng demon god worshippers sa bandang dock area.
Inutos agad nito na ilipat lahat ng patrol sa may dock area para galugarin 'to.
Kailangan niyang mahuli ang mga demon god worshippers bago lumubog ang araw kundi hindi maganda ang kahihinatnan nito.
Walang-wala ang mga miyembro ng gang kumpara sa mga demon go worshipper.
Agad na umali ang patrol.
Nagulat ang ilang kalalakihan na malapit sa square.
"Andre, umalis na sila."
"Anong nangyayari?"
Bumilog sila at para bang may pinag-uusapang mahalaga.
Bata pa ang mga 'to ngunit nakakabilib ang kanilang mga kakayahan. Magaling ang mga napili ni Anna na mga batang mula sa pamilya ng mga magsasaka ng White River Valley.
Mayroong 20 na kabataang gwardya ang nangangalaga at naghahati para sa mga gawain sa White River Valley.
"Hindi ko rin alam, baka kasama 'to sa plano ni Miss Anna." Napakamot na lang sa ulo si Andre, "Basta kailangan nating sumunod."
"Nabalitaang kong may nagtangka sa buhay ni Sir Lord. Sino ba ang kalaban natin?" Tanong ng isang payat at maliit na lalaki. "Ngayon lang ako nakapunta sa River Shore City, ang laki pala ng lugar na 'to. Kung hindi dahil kay Sanders malamang naligaw na tayo."
"Kung sino man ang may pakana sa pag-atake sa Sir Lord natin, sisiguraduhing pag-babayarin ko siya."
Nang biglang may malumanay na boses ang nagsalita sa likuran nila.
"At ikaw naman?"
Biglang lumabas si Anna at tinitigan sila.
Agad na tumayo ang 20 na gwardya at tumayo ng tuwid, "Handa po kaming sumunod sa kahit anong iutos niyo Sir Lord at Miss Anna!"
Natutuwang tumango naman si Anna. Hindi na kailangan pang pagdudahan ang katapatan ng mga kabataang 'to. Malaki ang pagpapahalaga nila sa White River Valley dahil doon silang lahat lumaki.
"Na-plano na ni Sir Lord ang lahat at may naisip na siyang paraan para mabawi ang teritoryo natin.," mahinahong paliwang ni Anna. "Pero bago 'yon, kailangan muna nating maghiganti. Sa pagiimbestia ko dito sa River Shore City, natuklasan kong planado ang pagpatay sa Old Lord!"
"Ano?!"
Halos mapatalon sa kinatatayuan niya si Andre.
Maganda ang naging samahan ng Old Lord at ng mga gwardya. Mismong si Andre na ulila ay inampon ng Old Lord at itinuring na anak.
Hindi sila makapaniwalang pinatay ang mabait na Old Lord!
"Sinong pumatay?" nayayamot na tanong ng mga gwardya.
Nang biglang may boses na nagsalita sa di kalayuan.
"Si Miller ng Wealthy District."
Hinanap ng lahat kung sino ang nagsalita, at tanging isang aninong nakatayo sa eskinita ang nakita nila.
"Masked Twin Blades!?" Gulat na sabi ni Andre.
"Tulungan niyo kong patayin ngayong gabi ang taong pumatay sa sarili niyang kapatid." Sabi ni Marvin habang nagkukubli sa ilalim ng maskara.
"Wag kayong mag-alala, higit pa sa sapat ang binayad sa akin ng inyong Lord. Kakampi niyo ako."