webnovel

That Man

Editor: LiberReverieGroup

"Mayroon kang makapangyarihang Shapeshift spell?"

"Na mayroong kakayahang pumigil sa isang Demon God Enforcer?!"

"Bakit hindi mo man lang kami sinabihan?"

Hating-gabi, sa isang tent, nagrereklamo si Madeline kay Marvin.

Nang malaman niyang ang Two-Headed Snake ay si Marvin, gulat na gulat si Madeline. Kahit na hindi naman nakakapagtaka ang isang Ranger na gumagamit ng spell, bibihira lang ang Shapeshift Basilisk

Sa lahat ng Nature Leaf ng World Tree, kakaunti lang ang spell na nagbibigay kakayahan na mag-shapeshift sa isang masamang nilalang.

Sadyang pambihira ang hawak na spell ni Marvin. Pero malinaw naman na pambihirang spell ang taglay ng isang Nature Leaf na nagmula sa Twin Snakes Cult.

Gayunman, hindi mabilang kung ilang buhay ay nailigtas ni Marvin.

Malaki ang pasasalamat sa kanya ng lahat.

Walang pakielam si Madeline dahil hindi naman magiging banta ang lakas ni Marvin sa kanya.

Mas may pakielam siya sa kung bakit ng aba hindi pa ito agad ginamit ni Marvin!

Walang magawa si Marvin kundi aminin na hindi niya rin alam na ganito ito kalakas.

Lalong hindi niya rin alam na magiging epektibo ito sa paglaban sa mga Demon God Enforcer.

Walang nasabi si Madeline sa sagot na ito.

Pero sa huli, masaya pa rin ito sa kinalabasan ng mga pangyayari.

Ang mga Demon God Enforcer na pagala-gala lang sa paligid ng River Shore City ay naubos, at dalawampu't-tatlo dito ay namatay sa mga kamay ni Marvin. Namatay na rin si Fegan the Avenger.

Natapos na ang isa sa mga importanteng layunin ng pag-atake sa Scarlet Monastery

Ang ikinasakit lang ng ulo ni Madeline ay muli na namang nakakuha ng mga merit si Marvin!

Siya ang nakapatay kay Fegan, at karamihan ng mga Demon God Enforcer ay siya rin ang nakapatay.

Higit pa sa kalahati ang nai-ambag ni Marvin sa kanilang laban sa Third Hall!

Pero kakaunti lang ang kanilang mga kagamitang maaaring makuha sa Third Hall.

Ang grupo ng mga destitute ghost ay wala man lang baul ng kayamanan na maaari nilang makuha. Ang alam lang ng mga Demon God Enforcer ay pumatay, at wala silang nakukuha dito.

Hindi alam ni Madeline kung paano makakabawi kay Marvin.

Pero mabuti na lang at kuntento na si Marvin sa mga nakuha niya.

Dahil kay Fegan at mga Enforcer nito ay nakakuha siya ng malaking experience.

Kaya naman hindi na siya naghanap ng kahit ano kay Madeline. Kinuha lang nito ang bangay ng mga Demon God Enforcer. Isa na namang kakaibang kahilingan.

Hindi maunawaan ni Madeline ang kahilingan na ito.

Kahit na nakadikit ang mga armor na ito sa bangkay ng mga Enforcer, basta makahanap ng paraan para tunawin ang mga kaawan nito, maaari pa ring magamit ang mga armor nito.

Lalo pa't nagawa ang mga armor na ito sa utos ng makapangyarihang Lich. Bawat armor ay matigas at matibay, at sapat na ang tatlumpung piraso nito para makabuot ng matinding grupo ng mga kabalyero.

Sa katunayan, mahalaga ang mga armor na ito.

Pero ang komplikado ang pagtunaw sa mga bangkay na nakasuot ng mga ito. Ang sabi sa mga kwento,naka-enchant daw ang isang curse ng Lich sa mga ito, kaya naman kung sino man ang magsuot nito ay magiging isang Demon God Enforcer.

Kaya naman, hindi na tumanggi pa si Madeline sa hiling ni Marvin, at wala namang imik ang iba pa.

Matapos nilang madispatya ang mga Demon God Enforcer, naka-usad na ang hukbo sa Third Hall.

Gumawa muli sila ng kampo tulad ng dati. Dinoble na ni Madeline ang mga taong nagbabantay sa gabi, matagal siyang nanatili sa tent ni Marvin.

Bukod sa pagrereklamo at pagbibigay ng kanilang mga nakuha, nagtanong rin ito kay Marvin patungkol sa Fourth Hall.

Hindi pa nakita ni Marvin na ganito kaseryoso si Madeline sa isang bagay.

Malinaw na mahalaga ito para kay Madeline.

Isang Legend… Sino nga naman ang ayaw maging isang Legend? Matagal-tagal na rin siyang nahinto sa level 20. Kahit na mayroon siyang abyssal bloodline at ang kanyang fighting strength ay higit pa sa isang pangkaraniwang level 20 Wizard, limitado pa rin ang buhay. Kapag nalampasan mo na ang pinakamainam na edad para mag-advance sa Legend, mahihirapan na itong maabot!

Kailangan nilang malampasan ang higit sa kalahati ng limang hall ng Scarlet Monastery.

Malapit na niyang maabot ang tagumpay.

Sa mga ganitong mahalagang pagkakataon, handa na siyang gawin ang lahat para lang magtagumpay.

Para lang sa bagay na 'yon!

'Ang ikatong pahina ng Book of Nalu."

Sa mga tent, may liwanag sa seryosong mukha ni Madeline. Napahinga ng malalim si Marvin.

Talagang naghahanap si Madeline ng mga item na makakatulong sa pag-advance niya sa isang Legend, at isa na nga dito ang Book of Nalu ng God of Nalu!

Hawak ni Hathaway ang ika-anim na pahina, at ang ikatlo naman ang pakay nila ngayon.

Mayroon ring kahindik-hindik na propesiyang nakasulat sa ikatlong pahina ng Book of Nalu.

Maaaring makakuha ng walang hanggang kaalaman ang sino man mula rito, at maaari ring makapag-advance ang sino man sa Legend dahil rito… pero syempre, may ilan na mamamatay sa pagsubok

Pero alam ni Marvin na mas mapanganib ang ikatlong pahina ng Book of Nalu.

Dahil sa katunayan, ang bawat pahina ng Book of Nalu ay isang kabanata. At bawat kabanata ay may natatanging pangalan.

Book of Nalu – Chapter 6 – Rebirth

Chapter 3 – Destruction

Sa laro, hindi nakuha ni Madeline ang kabanatang Destruction, kaya naman hindi siya naka-advance sa Legend rank.

Hindi rin malinaw kay Marvin kung ano ang nakatadhana sa kanya, ilang beses lang siya nakapaglakbay sa River Shore City noong mababa pa ang kanyang level at bago niya i-farm ang Scarlet Monastery, kaya naman hindi niya ito masyadong pinansin.

Pero sa parating na delubyo, malabong makapasa ang isang Half-Legend sa willpower check, kaya siguradong mamamatay ito sa isang pagsabog o magiging isang halimaw.

Dapat nga ba niyang tulungan si Madeline na makuha ang ikatlong pahina ng Book of Nalu? Napa-isip ng malalim si Marvin.

"Hoy. Tinatanong kita."

Nakita ni Madeline na malalim ang iniisip ni Marvin at bahagya itong nairita.

"Gaano ba karami ang nalalaman mo sa taong 'yon?"

Bumalik na sa ulirat si Marvin.

Saglit itong nag-isip saka sinabing, "Siguradong hindi natin siya kakayanin sa isang labanan."

Sumimangot si Madeline. "May alas pa kaming tinatago ni Collins.."

"Gaano karaming alas baa ng maaari mong gamitin?" Panunuya ni Marvin, "Kung hindi ka makakapagpadala ng mga expert tulad ng mga expert na nasa teritoryo ko noong gabing 'yon, wala ka nang pag-asa."

"Malakas ba talaga siya? Kwento-kwento lang ang naririnig ko sa kanya." Napanghinaan ng loob si Madeline.

"Ang Heavenly Sword Saint…" Bumuntong hininga si Marvin, "Baka hindi siya kayanin ng mga pangkaraniwang Legends lang!"

"Kaya niyang pumatay kahit isang god! Sa tingin mo ba kaya mo siyang tapusin ng ganoon-ganoon lang?"

Saglit na natahimik si Madeline, saka pilit na tumawa. "Kahit ano pang mangyari, kailangan ko pa ring subukan."

"Ito lang ang pagkakataon na mayroon ako."

Makikita ang pagiging desidido sa kanyang mga mata. Sa di malamang dahilan, tila dalisay at sagradong tingna ang Half-Succubus na ito.

Pag-alis ni Madeline.

Napunta naman ang tingin ni Marvin kay Isabelle. Tumingin naman ito palayo.

"Anong ginagawa mo noong laban?" Tanong ni Marvin.

"….Nasa First Hall ako." Yumuko ang batang babae.

"Hindi mo pa rin kayang magsinungaling sa akin." Seryosong tiningnan ni Marvin si Isabelle. "Sinundan mo ba ko?"

Pakiramdam niya'y mayroon siyang katabi habang nakikipaglaban siya.

Nang hanapin naman niya ito gamit ang kanyang perception, wala siyang makita.

At dahil matindi ang laban, hindi na niya gaanong pinansin ang ibang mga bagay.

Pero bigla niya itong naalala, at nakutuban niya na ang taong nasa tabi niya ay si Isabelle.

At tulad ng inaasahan, tumingala ang bata, may binigkas at biglang nawala!

Natuliro si Marvin!

Strong Invisibility?

Hindi ba dapat maging 2nd rank siya para makuha ang skill na ito?

Ginamit niya ang kanyang perception at nadiskubreng wala siyang makitang bakas ni Isabelle!

Napakalakas na ability….

"Ligtas na ligtas ako."

Isang boses ang nagsalita, muling lumitaw si Isabelle sa harap ni Marvin.

"Kakakuha ko lang ng ability na ito. Wag kang mag-alala Baron Marvin, hindi nababawasan ang buhay ko kapag ginagamit ko ang ability na ito."

Tumango si Marvin.

Hindi na nakakagulat para sa isang Innate Assassin…

Tiningnan niya ang level ni Isabell, isa lang siyang level 4 Thief (Variant). Pero mayroong siyang Blink skill at Strong Invisibility.

Kung umabot ito sa Legend rank, siguradong kakayanin na niyang labanan ang avatar ng Shadow Prince!

"Maaga kang matulog, baka matapos na ang labang 'to bukas," mahinahong sabi ni Marvin.

Tumango si Isabelle at natulog na.

At kahit nahiga na rin si Marvin, tuloy pa rin ang pag-iisip niya.

Ang lalaking 'yon…

Ang laking problema.

Hindi lang ang pahina ng Book of Nalu ang matatagpuan sa underground floor. Narito rin ang isang bagay na gusto ni Marvin.

'Paano namin malulutas 'to?'

Kinaumagahan.

Agad na nagtipon ang hukbo ng River Shore City s autos ni Madeline at agad na nagtungo papunta sa Fourth Hall!

Sa pagitan ng Third Hall at Fourth Hall ay isang mahabang daanan.

Samu't saring mga patibong ang narito.

Sa pagkakataong ito, ang grupo ng mga rogue ang pina-una.

Wala man magagawa ang mga ito laban sa mga Demon God Enforcer, pero specialty ng mga ito ang mga patibong.

Natagalan sila bago nila natawid ang daanang ito.

Dahil kahit marami ang mga rogue, mas marami naman ang mga patibong.

At iba't iba pa ang mga ito.

Kahit pa high level na mga rogue na mayroong malakas na trap removal ability ang isinama ni Madeline, tatlong rogue na ang namatay nang makaabot sila sa Fourth Hall.

Nalason ang isa, habang nasabugan naman ang dalawa pa.

Tahimik na pumasok ang lahat sa Fourth Hall.

Napakalawak ng lugar na ito.

Sa itaas nila ay makikita ang naka-arkong simboryo nito na mayroong mga magagandang mural, mayroong apat na posting sumusuporta sa kisame.

Isang lalaki ang naka-upo sa gitna ng hall, walang hawak at nakapikit.

Mukhang natutulog ito.

Pero nang humakbang palapit si Madeline, biglang dumilat ito.

Napatalon ang puso ng lahat.

Mahinahon lang ito tingnan at mukhang mabait. Tila isa siyang mabait na kuya.

"Hanggang dito na lang kayo," sabi niya, "Pakiusap, wag na kayong tumuloy."

"Dahil kapag tumuloy kayo, papahirapan niyo lang ako."

"Mahimbing ang tulog niya, kaya pakiusap lang wag niyo siyang gambalain, ha?"

"Ayokong saktan kayo, pero kung ipipilit niyo ang gusto niyo… wala na kong magagawa."

"Dahil nangako akong porotektahan ko siya…"

Hindi pa siya tapos ay may isa pang boses na nagsalita.

Biglang nagsalita si Marvin at sinabing, "Protektahan?"

"Sinasabi mong pinoprotektahan mo siya. Kaya ba sinaksak mo siya gamit ang espada mo noong magiging isa na siyang god?"