webnovel

Swindler

Editor: LiberReverieGroup

Matapos ang sigaw ng babae, may dumagundong.

'Mga gnoll!'

Nanginig si Marvin.

Gumamit siya ng sneak at tahimikna pumasok sa likuran ng bahay.

Isang babaeng nakasuot ng mamahaling damit ang nakahandusay sa katabing bakuran.

Napapaligiran siya ng anim na gnoll na may sinasabi ng pagalit.

Naging ambon na lang ang kaninang malakas na ulan.

Takot na takot ang babae, at mukhang nasa panganib ang buhay niya.

'Siya?!'

Agad na kumilos si Marvin.

Nagulat siya dahil nakilala niya ang babae.

Bago ang pananakop ng mga gnoll, nagpuna ang babaeng 'to sa kanyang teritoryo na magara ang pananamit at malakas gumastos. Gusto niyang makipagsosyo sa White River Valley para sa isang negosyo.

Sinasabi niyang anak siya ng chairman ng White Flag chamber ng komersyo ng Jewel Bay. May kasama rin itong dalawang malalakas na bodyguard.

Muntik ng pumayag si Marvin. Hindi akma ang lupa ng White River Vallet para sa agrikultura. Taon-taon, may kakulangan sa butyl at trigo ang lugar. Kaya kinakailngan pa nilang mag-angkat mula sa ibang lugar.

Ang kaso nga lang, mahal ang presyo ng mga ito sa River Shore City. Ito na ang nagpapasakit sa ulo ni Marvin magmula nang mapunta sa kanya ang teritoryo.

At noong mga panahon na 'yon, sinamantala ng babae ang sitwasyon nila at nag-alok na siya na ang bahla sa problema nilang ito.

Sinabi nito na maari siyang magdala ng mga butyl at trigo mula sa Jewel Bay, ngunit kailangan munang magbayad ni Marvin.

Kahit na hindi naman ganoon kalaki ang paunang bayad, kung titingnan ang kaban ng White River Valley, malaking halaga pa rin ito.

Dahil maingat ang dating Marvin, pinadala nito si Anna sa Jewel Bay para alamin ang tunay na katauhan nito.

Pinatira muna nito sa malapit ang babae habang nagpapanggap na pinagiisipan ang mungkahi hanggang sa makabalik si Anna. 

Pagbalik ng half-elf na butler matapos ang limang araw. Ibinalita nito na wala naman palang White Flag ng komersyo ang siyudad.

Isang manggagantso ang babae.

Hinuli siya at ang dalawa pa nitong bodyguard at ikinulong sa kulungan sa loob ng palasyo.

Hindi naman siya minaltrato ni Marvin pero kailngan pa rin niya itong parusahan dahil kung hindi, masisira ang reputasyon niya bilang lord ng isang malawak na lupain.

Kaya naman ikinulong niya ito.

Hanggang sa sumalakay ang mga gnoll.

'Paano siya nakatakas? Anong nangyari sa dalawa niyang bodyguard?'

Nagtataka si Marvin habang tinitingnan niya ang babaeng nakikipag-usap sa mga gnoll.

Ang manggagantsong ito na nagngangalang Lola, ay marunong pala magsalita ng gnoll na lenggwahe.

Madali lang naman ang lenggwahe ng mga gnoll, pero dahil sa kakaiba nilang boses, hindi sila magaya ng ibang mga race.

Pero gayang-gaya ng babaeng ito ang lenggwahe nila. Magaling pala ito.

Kahit na manggagantso ang babaeng 'to, maari siyang mapakinabangan sa tamang panahon.

Sa mga oras na 'yon, may isang gnoll ang biglang hinablot ang damit ng babae at naglagay ng tanto¹ sa leeg nito.

Biglang bumilis ang kanilang pag-uusap.

Kinukutya ng ilang gnoll na nasa gili ang babae, dumura pa nga ang iba sa kanila.

'Hindi ko alam kung paano niya na-uto ang mga gnoll para palabasin siya pero mukhang masama rin ang kalagayan niya ngayon.'

'Oras na para maging isang bayani.'

Takot na takot si Lola.

Kadalasan ay mabilis isya magisip pero tila tuliro siya ngayon.

Ang walang kwentang noble na 'yon ay kinulong siya at tumakas na lang bigla.

Muntik na siyang kainin ng mga 'to nang makita siya. Kung hindi lang dahil sa galling niya sa pagsasalita ng lenggwahe nila, malamang wala na siya ngayon.

Pero ngayon… nagawa na niyang utuin ang mga ito na pakawalan siya.

Kaso nga lang, hindi siya nagtagumpay sa pagtakas.

Kaya hindi na nakikinig sa kanya ang mga gnoll kahit anong pagmamaka-awa niya.

Gusto na nila itong kainin.

Naiyak at nanlambot ang mga tuhod ni Lola habang iniisip 'to.

'Magpakatatag ka Lola!'

'Wag kang umiyak. Sa ilang taon kong nabubuhay, kahit pa gaano kahirap ang sitwasyon lagi akong nakakalusot!'

Kinagat ng babae ang kanyang mga labi para kumalma siya.

Pero agad siyang nasindak nang makita ang tanto sa kanyang leeg.

Namumuo na ang mga luha sa kanyang mga mata. Papalapit na ng papalapit ang mga mababahong gnoll. Binuka niya ang kanyang mga bibig at malumanay na sinabing:

"Makinig kayo, alam ko kung nasaan ang mga mineral deposit.."

Plop!

Tumilamsik ang dugo, at tumalsik ang ilang patak sa bibig ni Lola.

Napanganga siya at napatulala sa nakita, wala ng ulo ang pinuno ng mga gnoll.

Isang naka-maskarang anino na hugis tao ang dahan-dahang lumabas mula sa kawalan.

Isang kaawa-awang tili ang maririnig.

Gulat na gulat na tiningnan ng ibang gnoll ang human bago nila ito subukang kuyugin.

Ang mga gnoll, kobold, goblin, at iba pang mga katulad nilang nilalang ay ikukumpara lang ang dami nila sa kanilang kalaban at kung sino ang mas marami ay iisipin na nilang mas malakas.

Lima sila at isa't kalahati lang ang mga human dahil kalahati lang kung maituturing ang babae.

Nang matapos silang magbilang, alam nilang mananalo na sila.

Pero…

Hindi isang ordinaryong human si Marvin.

Isa siyang level 5 ranger na mayroong 20 na dexterity!

Delikado ang pagharap sa isang 2nd rank pero ang kalabanin ang isang grupo ng mga level 2 gnoll ay madali lang.

Shing!

Sa isang iglap nasa kamay n ani Marvin ang dalawang curved daggers. Mahusay at maliksi siyang nagpabalik-balik sa gitna ng mga gnoll. Kampanteng-kampante si Marvin sa pagkilos niya.

Kahit na hindi nakamamatay ang bawat hiwa niya, malaki pa rin ang pinsala nito.

Nakatuon ang melee ranger technique sa pagasinta sa mga kritikal na bahagi ng katawan ng tao at ang pagsaksak dito.

Walang suot na mga armor ang mga gnoll at tanging mga balahibo lang ang suot ng mga ito. Hindi napigilan ng kanilang kasuotan ang mga pag-atake ni Marvin.

Wala pang limang minute, limang gnoll na ang nakahandusay sa lapag.

Nilabas ni Marvin ang isang basahan at nilinis ang kanyang twin daggers bago muling itago ang mga 'to.

Wala naming masabi si Lola sa nangyari.

Bigla siyang yumuko at sumuka.

Paglipas ng 3 minuto, sa loob ng bahay.

"Malansa ang amoy ng dugo ng mga gnoll," mahinahong sabi ni Marvin. "Pero masasanay ka rin."

"Blwegh!"

Si Lola na kakatapos lang sumuka ay sumuka uli nang marinig ang sinabi ni Marvin.

Namumutla ang mukha nito dahil halos wala naming kinain ito sa loob ng kulungan.

Ngayon niya lang naramdaman ang hilo pero nas wisyo pa rin ito.

Isa siyang expert base sa kung paano niya pnatay ang mga gnoll.

Nakasuot siya ng maskara. Kakaiba talaga ang mga expert. Pero pano kung dahil pangit siya kaya siya nakasuot nito?

Madaming naisip si Lola pero sa huli ang nasabi na lang niya ay, "Salamat sa pagligtas sa akin. Anak ako ng president ng White Flag chamber ng komersyo. Pumunta akong White River Valley para makipagnegosasyon sa ngalan ng White Flag. Di ko naman inakalang makakakita ako ng napakaraming gnoll. Malaki ang utang na loob ko sayo. Kung mabibigyan mol ang ako ng makakain at maihahatid sa Jewel Bay bibigyan kita ng malaking pabuya."

Isang napakainosenteng tingin ang ginamit niya kay Marvin.

Sa katunaya, maganda naman si Lola: maganda ang mga mata nito, ngunit mapanlinlang.

Kaawa-awang isang pirasong tinapay lang ang ibinato sa kanya ni Marvin.

"Ayan pagkain." Dahil pabulong silang mag-usap, hindi gaanong nagsalita si Marvin. Lalo pa at alam niya na kung sino ba talaga ang babaeng 'to. "Niligtas kita dahil mukhang magaling kang magsalita ng lenggwahe nila. Mapapakinabangan kita. Matulog ka na pagtapos mong kumain, maaga tayong aalis bukas."

Nanlaki ang mat ani Lola.

Pero hindi ito Pinansin ni Marvin at binunot lang ang curved dagger at pinunasan ito.

Halos masiraan na siya ng bait.

Katatakas niya lang sa mga gnoll na 'yon pero nasa kamay naman siya ng isang demonyong killer.

Tiningnan lang niya ito habang pinupunasa ang dagger… Ano kayang iniisip niya?

'Hindi naman niya susubukang kalabanin ang mga malalakas na gnoll na nagbabantay sa palasyo, diba? Inaamin kong magaling ka pero wala kang laban, masyado silang marami!'

Kinakain lang ni Lola ang tinapay habang tinutuya si Marvin sa isip niya.

Takipsilim nan ang maubos nito ang tinapay. Sinusubukan niyang tumakas pero hindi siya makatyempo dahil sa masked expert.

"Payong, kaibigan lang, kung balak mong tumakas. Tumakbo ka na parang nakasalalay ang buhay mo dito. Dahil kapag naabutan kita, pareho kayo ng kahahantungan ng mga gnoll na 'yon"

Umidlip na si Marvin na bahagyang nakasandal sa sahig.

Nanlamig si Lola. Sa nakita niya, hindi siya dapat magpadalos-dalos.

Hindi siya nakatulog ng mabuti noong gabing 'yon.

Natatakot siyang baka biglang lumabas ang kademonyohan ng assassin na to at bigla siyang patayin tulad ng pagpatay nito sa mga gnoll.. o baka pagsamantalahan siya.

Sandali lang, alin sa dalawang 'yon ang mas Malala?

Litong-lito si Lola.

Hanggang sa magbukang liwayway ay hindi pa rin niya maisip.

Nang biglang dumilat si Marvin at mahinahong sinabi:

"Gising ka na? Marami tayong dapat gawin."

_____________

1 – Tanto: isang maikling dagger (nasa 15-30 cm ang haba)