webnovel

Seer

Editor: LiberReverieGroup

Natahimik ang lahat ng manunuod.

Hindi dahil tapos na ang kompetisyon kaya sila natahimik, kundi dahil pinatay talaga ni Marvin si White!

Limitado lang ang tibay ng isang barrier. Lalo pa at naging marupok na ito dahil sa pagtama nito sa alambre.

Pinugutan ng uli ni Marvin si White sa harap ng maraming tao.

Matapos ang ilang sandali, naghiyawan na ang mga tao.

"Hindi ba natatakot ang taong 'to sa paghihiganti ng Unicorn clan?"

"Wala siyang takot pumatay… Nakakatakot."

"Napakalitt lang ng White River Valley. Walang binatbat ito sa Unicorn clan. Kahit na iisa lang si White sa madaming tagapagmana, hindi pa rin ito papalampasin ng Unicorn clan.

"Hindi talaga nag-iisip ang batang 'to! Hindi na siya maisasalba ng Ninth Month Medal niya!"

Hindi makapaniwala ang lahat ng tao.

Isa ang Unicorn clan sa limang nangungunang wizard clan sa East Coast. May miyembro silang dalawang 3rd rank wizard at napakaraming 2nd rank wizard.

Ang headquarters nila ay nasa Crystal Island, matatagpuan ito sa dulo ng Sword Sea. At kahit na malayo ito sa katimugan, kaya nilang magpadala ng hukbo sa White River Valley para wasakin ito, kung gugustuhin nila. Dadaan din sila sa Jewel Bay at River Shore City.

Para sa kanila, hindi pinag-isipan ni Marvin ang kanyang ginawa. Sana'y pinatulog na lang niya si White para manalo.

Kung ganoon ang ginawa niya, kamuuhian lang siya ni White dahil sa pagkapanalo, 'yon lang.

Ikagagalit ng Unicorn clan ang pagkamatay ni White!

Tapos na ang kompetisyon dahil sa pagkamatay ni White. Dahil sa ito'y isang kompetisyon at hindi isang dwelo hanggang sa kamatayan, walang karapatan si Marvin kunin ang mga gamit ni White. Eto lang ang pinanghinayangan ni Marvin.

Lalo pa at napakaraming magagandang gamit si White.

Paglabas ni Marvin, agad na lumapit si Wayne at masaya at mahigpit na niyakap si Marvin!

Namutla ang mukha ni Hanzer.

"Bakit mo siya pinatay?" Tanong nito.

"Ayoko nang ulitin ang dahilan." Ngumiti si Marvin. "Nagtanong-tanong ako noong mga nakaraang araw. Miyembro si White ng Blue Morphine. Tama ba?"

Napabuntong-hininga si Hanzer, "Pero malalagay ka sa panganib dahil sa ginawa mo. Mala-halimaw ang Unicorn clan.

Halimaw?

Ngumiti si Marvin, dahil para sa kanya, hindi naman.

Nasa dulo ng Sword Sea ang Crystal Island. Malapit lang ito sa Jewel Bay at mas malapit naman ito sa Volcanic Island.

Sa loob ng kalahating buwan, magigising ang makasaysayang red dragon dahil sa isang lindol. Maghahasik ito ng kaguluhan sa buong East Coast. Kung wala si Anthony, walang legend na magtatanggol sa East Coast.

At ang Crystal Palace ng Unicorn clan ang unang mawawasak dahil ito ang pinakamalapit sa volcano island!

Tandang-tanda ito ni Marvin. Ang dating tinitingalang Unicorn clan ay nawasak bago pa man dumating ang Great Calamity.

Dahil sinira ng red dragon ang lahat, iilang clansmen lang na wala sa kanilang headquarter nang mangyari ang pagatake, ang nakaligtas at nagsimulang buoin muli ang kanilang clan.

Balita rin na hindi naman basta-basta nagpatalo ang Unicorn clan, ginawa daw ng mga ito ang lahat ng kanilang makakaya. Kaya naman walang nagawa ang red dragon kundi umalis.

At nanahimik muli ang dragong ito. Muli lang itong nanggulo nang dumating na ang calamity.

Marahil magpapadala nga ng maliit na bahagi ng kanilang pwersa sa White River Valley ang clan na ito dahil sa pagkamatay ni White.

Pero mas malamang na may isang assassin na ipapadala para dispatyahin si Marvin.

Dahil kung tutuusin, hindi na sila mag-aaksaya ng panahon at pwersa para lang magpadala ng hukbo sa napakalayong White River Valley.

At si Wayne naman, basta manatili siya sa Three Ring Towers, siguradong ligtas siya.

'Kung magpapadala man sila ng hitman, aabangan ko 'yon!'

Aabangan pa raw ito ni Marvin.

Dahil malapit na siyang mag-rank up!

Noong paalis na sila, isang wizard na nakasuot ng kulay ubeng qipao gown¹ ang biglang lumitaw sa kanilang harapan.

(1 – Kasuotan ng isang taong may opisyal na posisyon.)

"Baron Marvin, gusto kang makausap ng nakatataas."

Nagbago ang reaksyon ni Hanzer.

Miyembro siya ng Ashes Tower kaya alam niya ang ibig sabihin ng wizard nan aka-qipao.

Isang kulay ubeng qipao gown, ito'y sinusuot lang ng mga miyembro ng top wizard regiment!

Kinakatawan nila ang Ashes Tower Master na si Hathaway.

At malamang ang nakatataas na binanggit ay si Hathaway.

Tiningnan ni Hanzer si Marvin, nagbago ang kanyang mukha na parang gustong sabihin na, "Sabin a may koneksyon ka kay Dame Hathaway." ang itsura.

"Sige"

Mahinahong sagot ni Marvin, "Mauna kayo, susundan ko kayo papunta sa kanyan."

Sa pinakamataas na palapag ng Ashes Tower.

Malinis na kulay tsokolateng sahig na gawa sa kahoy, kulay pulang sofa, mapuputing kurtina.

Nakakapukaw ng pansin ang pagsasama-sama ng tatlong kulay na ito.

Isang kulay berdeng loro rin ang naroon. Isang babaeng tamad na tamad ay nakahiga sa sofa.

Kulay dilaw ang buhok nito, at nakasuot na manipos na pantulog. Halos masilaw si Marvin nang makita ang mapuputing hita nito.

"Nagbibigay pugay po ang overlord ng Whiter River Valley sa Dame Countess."

Tinuon na lang ni Marvin ang kanyang atensyon sa isang pormal na pagbati.

Sa sistema ng South Wizard Alliance, ang Ashes Tower Master na si Hathaway, ay may titolong countess. At kung umabot man ito ng legend na rank, lalawak pa lalo ang teritoryo nito hanggang sa mga kagubatan at magiging isang Marquess. Habang wala namang kahit anong Dukedom sa buong East Coast. Dahil ito sa napakalawak na lupain ng Feinan continent at nagkalat na mga halimaw sa pagitan ng mga siyudad.

Ang pagbuo ng mga makapangyarihang koneksyon ay hindi isang emperyo, kundi isa lang alyansa.

"Masyado ka namang magalang Baron Marvin. Alam naman natin pareho na walang kwenta ag mga titolo at tanging lakas lang ang tunay na batayan."

Biglang sinabi ni Hathaway sa isang mababang boses, habang tinutuon ang paningin kay Marvin, "Nakilala moa ko noong araw na 'yon?"

Saglit na natahimik si Marvin, saka sumagot ng, "Kakaiba ang perception skill ko.."

"Sinungaling," tugon ni Hathaway.

"Pangkaraniwan lang ang perception mo. Hindi ka ganoon ka-angat kung ang aspetong ito ang pag-uusapa."

"Uhm," nagkibit balikat si Marvin, "Nagkaroon ako noon ng isang napakahabang panaginip. Napakaraming nangyari sa panaginip na 'yon. At pagpasensyahan niyo na ang aking tapang, pero marami akong nakilalang mahuhusay na tao sa panaginip na 'yon… at isa na kayo doon."

"Panaginip?" Biglang naging interesado si Hathaway.

"Anong klaseng panaginip?"

"Mahirap ipaliwanag. Pero binago nito ang buhay ko." Sinubukan ni Marvin na itago ang tunay na nalalaman niya.

Hindi naman niya pwedeng sabihing nagtransmigrate lang siya.

"Naiintindihan ko"

Hindi na nagtanong pa si Hathaway na tila naintindihan na ito. "Isa ka [Seer]."

Ano?

Seer?

Hindi man nagbago ang mukha ni Marvin, nagulat pa rin siya sa kanyang loob-loob. Inaantay niyang hayaan siyang magpaliwanag ni Hathaway, pero inunahan na siya nito.

Hindi na niya sinayang ang pagkakataon at agad na tinanong, "Seer? Anong ibig sabihin non?"

Napatigil si Hathaway at tinitigan si Marvin, "May mga taong may kakayahang makakita ng ibang bagay."

"May mga taong pinagpapala ng tadhana para makita ang mga masasamang kaganapang mangyayari pa lang."

"May iba't ibang paraan ang mga [Seer] para makita ang hinaharap, at isa na doon ang pananaginip."

"Seer din ako kaya hinanap kita."

Sumimangot si Marvin.

"Pwede ko bang malaman kung ano ang nakita mo?"

Hindi na itinago pa ni Hathaway ang nakita, bagkus tinitigan niya si Marvin at sinabing, "Delubyo."

"Delubyo?" pilit na ngumiti si Marvin.

"Nilamong ng apoy ang buong East Coast, naglipana ang mga halimaw, nawasak ang mga siyudad sa dami ng mga halimaw."

"Natapo na ang Era ng Wizard Rule. May malalaking nilalang na pumasok sa Feinan. Walang makalaban sa kanila. Napakarami kong nakitang namatay."

"Pati na ang sarili ko…"

"May aninong papalapit sa akin. Wala akong magawa para malabanan ang lakas nito."

Isang malamig na simoy ng hangin ang umihip. Biglang lumamig sa pinakataas na palapag ng Ashes Tower.

Nagulat si Marvin nang marinig ang kwento ni Hathaway. Napaisip siya kung nagtransmigrate ba talaga siya o isang panaginip ang ang mundong pinanggalingan niya?

Kaya niya ba naaalala ang mga bagay na 'yon dahil Seer rin siya?

Isang ilusyon lang ba ang buhay niya dati?

'Nagkakamali ka! Walang kinalaman sa akin ang mga seer! Ako si Marvin, si Marvin mula sa daigdig!'

Umiling-iling siya at nanlamig ang mga pawis.

Kinilabutan ang buong pagkatao niya dahil sa mga sinabi ni Hathaway.

Pinunasan niya ang kanyang pawis at binalik ang atensyon sa usapan, "Bakit mo sinasabi sa akin ang lahat ng ito?"

Tumayo si Hathaway mula sa sofa. Mas matangkad siya ng kaunti kay Marvin na hindi pa tapos ang paglaki.

Hinila nito si Marvin patungo sa lamesa.

"Nakikita ko ang hinaharap dahil sa isang bolang kristal."

"Matagal ko nang tinitingnan ang hinaharap, pero sa tuwing tinitingnan ko ang kapalaran ko, mas lalo akong naluglugmok sa kalungkutan. Dahil hindi ko maalis-alis ang aninong ito. Nakatakda akong mamatay."

"Pero noong nakaraang araw, pagdating mo sa Three RingTowers, Tiningnan ko uli ang hinaharap. Pero sa pagkakataong ito, iba na ang kinalabasan."

Dahan-dahang tinanggal ni Hathaway ang telang nakatakip sa bolang kristal.

Ilang eksena ng kaguluhan ang makikita dito.

Ang huling eksena'y tumigil sa isang lalaki. Mayroong twin daggers sa kanyang baywang ang lalaki at may hawak na scroll.

May makikitang anino sa harapan nito.

"Ano 'to…" Nanuyo ang mga labi ni Marvin.

"Ikaw ang pumatay sa kanya."

Tinuro ni Hathaway ang anino at sinabing, "Ilang linggo lang ang nakalipas, pinatay ng lalaking ito si Anthony."

"Pero ikaw ang nakita kong pumatay sa kanya taong 'yon."

"Eto ang rason kung bakit kita hinanap."