webnovel

Path to Legend!

Editor: LiberReverieGroup

 Pagkatapos niyang umalis sa palasyo ng Sea Elven Queen, mag-isang nagpalutang-lutang si Marvin sa dagat.

May malamlam na liwanag na nagmumula sa Sea Emperor's Crown habang minamanipula nito ang agos ng dagat.

Komportableng tinatangay si Marvin patungo sa Bass Harbor.

Pero noong naisip niya ang kasunduan nila ng Sea Elven Queen, hindi niya alam kung dapat ba siyang maiyak o matawa.

Noon pa man ang ang Sea Elven Queen na ang isa sa mga pinakamakapangyarihang nilalang sa karagatan. Lahat ng mga nagdaang Sea Elven Queen ay tinangkang pag-isahin ang lahat ng mga Sea Races. At ang pagkalap ng tatlong Sea Emperor item ang pinakamadaling paraan para gawin ito.

Sinasabi nila na kapag nakuha ng isang tao ang tatlong ito, makokontrol nito ang buong karagatan.

Inakala ni Marvin na sapat na ang pag-aalok niya ang Sea Emperor's Crown para makita nito ang kanyang katapatan.

Pero hindi niya inasahan na kahit na nais makuha ng mga Sea Elf ito, ang mismo Sea Elven Queen naman ang walang pakialam dito.

Nabigla si Marvin.

Pero hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya sa naging kasunduan nila ng Sea Elven Queen: Basta sa loob ng nasasakupan ng mga Sea Elf ito maganap, tutulungan siya nitong kalabanin ang kanyang mga kalaban.

At ang kapalit nito….

'Wala na kong magagawa. Mukhang kailangan kong ilaglag ang kaibigan ko.'

'Pasensya na, Ivan. Pursigido talaga ang Sea Elven Queen.'

May pait sa ngiti ni Marvin.

Sumasakit na agad ang ulo ni Marvin kapag naiisip pa lang niya ang gulat at hindi mapakaling reaksyon ni Ivan sa tuwing nababanggit ang Sea Elven Queen.

Paano niya ba mapagkakasundo ang dalawang ito?

Sa tingin ni Marvin, mahihirapan kahit isang Master Matchmaker!

Mabuti na lang, at hindi nagbigay ng napakahirap na gawain ang Sea Elven Queen kay Marvin.

Humiling lang siya kay Marvin na gumawa ng paraan na tatlong beses silang magkasama ni Ivan nang sila lang dalawa.

Tatlong pagkakataon. Hindi naman siguro ganoon kahirap iyon.

Nakahinga nang maluwag si Marvin. Masasabi bang tinraydor ko si Ivan?

Pero sa tuwing naaalala niya ang nakakatakot na ngiti ng Sea Elven Queen, hindi mapigilang kilabutan si Marvin.

Inisip ni Marvin ang isang eksena na sila lang dalawa… at ipinipilit ng Sea Elven Queen ang kanyang sarili kay Ivan.

Uh… Wala na siyang magagawa, kailangan niya ang pwersa ng Sea Elven Queen.

'Hindi ko alam kung palihim na makikialam ang Great Elven King…'

Biglang naalala ni Marvin na noong laban sa Decaying Plateau, tila nasugatan nang malubha ang Great Elven King. Sa pagpunta niya ngayon sa Thousand Leaves Forest, kailangan niyang tingnan.

Diretsong nagtungo si Marvin sa Bass Harbor gamit ang Sea Emperor's Crown.

Tanging ang Sea Elven Queen at isa pang magandang babae ang naiwan sa Sea Elven Palace.

'Ate, bakit hindi niyo tinanggap ang Sea Emperor's Crown?"

"Kahit na si bayaw ay isang Elven War Saint, kahit na magtulungan kayo, hindi niyo pa rin naman mapapamahalaan ang buond karagatan, hindi ba?"

Makikita ang pagkalito ng babae sa kanyang mukha.

Ngumiti ang Sea Elven Queen, "Maganda naman sanang kapalit ang Sea Emperor's Crown, pero kasalukuyan itong selyado. Mahirap tanggalin ito. Lalabagin natin ang sinumpaan ng ating mga ninuno dahil hindi tayo maaaring lumayo sa lugar na ito. Pero siya, pwede. Marahil isang araw, magagawang tanggalin ng taong ito ang selyo ng Sea Emperor's Crown. Hindi pa naman siguro huli ang lahat para hingin ito sa kanya kapag nangyari iyon."

"Tungkol naman sa bayaw mo… isa ito sa pinakamalaking lihim ng ating clan."

"Malaking bagay ang kinakailangan para sa [Sea Elven Rebirth] skill…"

Ngumiti ang Sea Elven Queen kasabay ng pagliwanag ng asul na ilaw sa kanyang dibdib.

Kung naroon si Marvin, makikilala niya ang hugis pusong bato na nakasabit sa leeg ng Sea Elven Queen. Ito ang Sea Emperor's Heart!

Ang Sea Emperor's Heart, Sea Emperor's Crown, Sea Emperor's Scepter… Ito ang mga item sa Sea Emperor Set.

Mapayapa ang karagatan ng Bass Harbor sa umaga. Higit sa isang doseang barko ang nakadaong dito, at abala naman ang mga sailor sa paghahanda nila.

Patungo ang mga barkong ito sa Norte. Pero kailangan pa nilang dumaan sa Great Devil Strait bago ito manigas dahil sa paparating na taglamig.

Mananatili sila sa Norte hanggang sa ika-apat hanggang ika-limang buwan ng taon sa susunod na taon. Hihintayin nilang matunaw muli ang Great Devil Strait para makabalik sila.

Malaking suliranin ito. Ang mga Captain ay pinagmamasdan ang panahon habang ang mga Merchant ay inuutusan ang mga tao na bilisan ang pagtatrabaho.

Sa isang pansamantalang pantalan sa di kalayuan, isang nakakamanghang barko ang nakadaong.

[Sword Harbor 1]!

Walang nakaka-alam kung saan nanggaling ang barkong ito at kagabi lang ito dumating. Nagpakita ng katibayan ng kanilang pagkakakilanlan ang ilang tauhan sa barko at malugod naman silang tinanggap ng opisyal na namamahala sa daungan.

Hindi ito ang pagtrato na nakukuha ng isang pangkaraniwang barko. Tanging mga kilalang tao lang sa Alliance ang nakakatanggap nang magalang na pagbati. Kaya naman nagtaka ang mga sailor at captain sa daungan kung sino ba ang mga ito.

Pero walang bumaba mula sa barko kaya wala silang napagtanungan.

Tanghali na nang makarating si Marvin sa Bass Harbor. Tapos na ni Anna ang lahat ng kailangan niyang gawin. Sa pagkakataong ito, ang inspeksyon at pag-apruba ng Alliance ay napakabilis.

Marahil dahil ito sa pagsasa-ayos ni Hathaway ng mga bagay-bagay. Kahi na naging iskultura na si Hathaway sa isla ng Dark Phoenix, may ilang tao pa rin sa Katimugan ang nakaka-alam ng tungkol dito. Kahit sa Alliance, iilang matataas na opisyal lang ang nakaka-alam.

Dahil sa prestige na taglay ni Hathaway, napakaganda ng pagtratong natanggap nina Marvin at ng White River Valley.

Isang pansamantalang shipping route ang agad na ginawa, at mag mula ngayon, maaari nang gamitin ng Sword harbor 1 ang bandera ng South Wizard Alliance kung gugustuhin nito.

Masaya naman dito si Marvin.

At si Lola ay tinatapos na lang ang ilang bagay patungkol sa pakikipagtulungan sa kumpanya ng pangangalakal, kaya naman maaari na silang magbaba ng gamit bukas.

Maraming pinagtataka si Aragon patungkol sa buhay sa karagatan. Hiningi niya ang opinyon ni Marvin patungkol sa pananatili niya muna sa barko.

Wala naman itong problema kay Marvin. Kahit na mayroon nang dalawang Dark Knight na nagbabantay sa barko, mas mabuti kung samahan pa ito ng isang level 18 Storm Swordsman.

Magmula nang magpunta sa Feinan si Aragaon, lagi siyang sinisiyasat ni Marvin.

Ginamit niya ito noon para mangalap ng impormasyon.

At base sa obsebasyon ni Marvin, ang henyong ito ng Arborea, ay malapit nang makapag-advance!

Noon pa man ay talentado at henyo na ito pagdating sa larangan ng swordsmanship. Sa napakamurang edad, naabot na niya ang limitasyon ng kaniyang plane at kung hindi lang dahil sa nasabing limitasyon, baka mas lumakas na ito.

Ngayong narito na siya sa Feinan, wala na ang limitasyon na pumipigil sa kanya kaya siguradong di magtatagal makakapag-advance na ito!

Oras na lang ang binibilang bago ito maging isang Legend.

Ito ay resulta ng mga kaalaman at karanasan na nakuha niya sa paglipas ng mga taon.

Hindi masyadong nagtagal si Marvin sa Bass Harbor. Pagkatapos niyang siguruhin na walang magiging problema ang Sword harbor 1, nagtungo na siya sa Adventurer Guild, Ranger guild, at iba pang makapangyarihang organisasyon para maglabas ng Pearl Gathering Quest kasama ng ilang impormasyon.

Ang nilalamang ng Pearl Gathering Quest ay simple lang.

Magbibigay siya ng malakign pabuya para sa mga kakaibang pearl.

Ayon sa quest ni Marvin, ang mga pearl na ito ay kailangan may likido sa loob, at sa likido ay mayroong maliit na nilalang na gumagalaw!

Ito ang eksaktong paglalarawan ng Cursed Pearl na nakuha niya noon! Dati, maingat niyang inipon isa-isa ang mga pearl.

Hindi mabilang ang oras at pagod na ginugol ni Marvin para makuha ang anim na pearl.

Kahit na wala na siyang masyadong oras ngayon, mayroon naman siyang kayamanan at prestige!

Ito ang kalamangan ng pagiging isang Overlord.

Ang Gathering Quest na ito ay inilabas niya para gawin ng iba ang trabahong ito para sa kanya.

Lalo pa at hindi naman alam ng karamihan ang kwento sa likod ng mga [Cursed Pearl].

Sa katanyagan ni Marvin, siguradong masasabik at matataranta ang mga taong gawin ito.

Kahit na hindi nila ito gawin para sa pabuya, malaking bagay na ang makasalamuha ag "sikat" na si Viscount Marvin.

Nakikita naman ng lahat na patuloy ang pag-unlad ng White River Valley sa Katimugan.

Hindi lang ito sinuportahan ni Hathaway ng Ashes Tower, pero nakuha na rin ng White River Valley ang River Shore City. Kasama pa dito ang isang magandang lupain sa Katimugan.

Paglipas ng ilang taon ng patuloy na pagpapa-unlad, kung gugustuhin ni Marvin ay maaari nang magtatag si Marvin ng isang Dukedom!

Nagdulot ng usap-usapan ang quest matapos itong mailabas. Maraming adventurer ang nagsimulang maghanap para sa mga Cursed Pearl.

Ang isang kakaibang pearl ay katumbas ng 500 ginto ng Wizard!

Nasabik naman ang maraming adventurer dahil sa taas ng pabuya.

...

Para naman kay Marvin, rumenta na siya ng kabayo at nagtungo na sa Thousand Leaves Forest bago pa kumalat ang balita tungkol sa quest.

Hindi naman masyadong nagkakalayo ang Thousand Leaves Forest at ang Bass Harbor. Hindi nagtagal nalampasan na niya ang bayan kung saan magkasamang naninirahan ang mga tao at mga Half-Elf at nakarating na nga siya sa hangganan ng Thousand Leaves Forest.

Pagbaba niya sa kanyang kabayo, inalala niya at pinuntahan ang lugar kung saan siya unang nag-advance.

Ang Night Monarch's Tomb.

Noong nag-advance siya sa pagiging Night Walker, isa lang siyang level 5 Ranger.

Paglipas nang kaunting panahon, bumalik na siya dito bilang isang level 18 expert.

Habang iniisip ito, bigla niyang nilabas ang bahagi ng Fate Tablet mula sa Thousand Paper Crane.

Pitong malamlam na dilaw na bulaklak ang payapang nakalagay sa piraso ng Fate Tablet.

Twin Fate Flower.

Ang Holy Flower ng Shadow Shrine sa Arbore. Noong nagpapagaling si Marvin, inutos niyang hanapin ang mga bulaklak na ito. Saka niya inilabas ang kalahati na mayroong Chaos at ang kalahating mayroong Order para ibigay ito sa piraso ng Fate Tablet.

Sa itsura nito, mukhang maayos naman ang naging epekto.

Lumakas nang kaunti ang awra na taglay ng Fate Tablet. Hindi magtatagal at muli nang magigising si Ding.

Huminga nang malalim si Marvin saka itinabi ang piraso ng Fate Tablet.

Pagkatapos ay nilampasan niya ang Night Monarch's Tomb para maghanap ng isang maliit na kweba.

Tinanggal niya ang mga halaman at alikabok sa labas ng kweba at nakita ang isang maliit na pinto.

Inilabas niya ang lumang susi ng matandang blacksmith at binuksan ang pinto.

Sa likod ng pinto ay madilim at walang hanggang abyss.

Kakaiba ang lugar na ito.

Lumulutang ang mga bato sa void, at kahit na pilitin ni Marvin, hindi niya makita ang dulo nito.

'Maaabot ko ang Night Monarch's Tomb kung susundan ko 'to.'

'Doon ko lang pwedeng makuha ang [Ruler of the Night] inheritance.'

'… Pati na ang [Path to Legend] quest!'

Pagkatpos isipin ito, hindi na nag-atubili si Marvin at tumalon papasok.

Pero hindi niya inasahan na noong inapakan niya ang bato, madudurog na ito sa loob ng dalawang segundo!

Mabuti na lang at mabilis ang naging reaksyon ni Marvin at tumalon sa isa pang bato.

'Hindi maganda 'to. Nadudurog ang mga bato sa oras na madikitan ko sila!'

Bahagyang natuliro si Marvin. Hindi ito binanggit ng matandang blacksmith.

Wala siyang nagawa kundi bilisan at magpatuloy na magpatalon-talon sa dilim!