webnovel

Overlord Dignity!

Editor: LiberReverieGroup

Aarestuhin ang Masked Twin Blades?

Nagdulot ng kaunting kaguluha ang mga knight sa palasyo.

Nagpadala ang River Shore City ng mga disciplinary knights?

Hindi ba kataka-taka ito?

Ang mga disciplinary knight ay direktang nasa ilalim ng hepe ng wizard regiment. Mas malalakas ang mga ito kumpara sa mga patrol.

Hindi hihigit sa 20 ang miyembro ng disciplinary knight ng River Shore City, pero bawat isa sa kanila ay mga 2nd rank expert.

Nagpadala sila ng tatlo?

Mukhang hindi ito para humuli ng isang evil follower…

Nagulat ang lahat ng miyembro ng Bramble. Tinitigan ni Gru si Cat.

Kalamado lang si Cat at tahimik na nanunuya.

Syempre nakinig siya noong pinagbantaan siya ng Masked Twin Blades. Pero, kahit na mayroong taong nasa likod ni Masked Twin Blades, Mayroon din taong kahit papaano'y nasa likod niya. At mataas ang katungkulan ng taong sumusuporta sa kanya.

Handa siyang sumugal!

Ayaw man niyang makigulo sa alitan ng mga nakatataas na tao sa River Shore City, pero maari siyang makakuha ng malaking pabuya para sa pagbibigay ng simpleng impormasyon. Kaya wala namang mawawala kung gagawin niya, hindi ba?

At kung manlalaban naman si Masked Twin Blades, hahaha, imposible. Malakas man ang Masked Twin Blades pero sa tingin ba niya may pag-asa siyang makawala sa tatlong disciplinary knight?

Malamang hindi!

Makikita ang kumpiyansa sa mukha niya habang iniisip ito.

Biglang kumibot ang kanyang mga mata.

Nasaan na si Masked Twin Blades?

Nakatayo lang siya diyan kanina, saan siya napunta?

Hindi pa man nakakakibo si Cat ay may mahina pero buong boses ang umalingawngaw mula sa loob ng palasyo:

"Mga Disciplinary Knight? Bakit parang hindi ata kayo abala ngayon?"

"Nasaan kayo noong sinakop ng mga gnoll ang aking White River Valley?"

"Saan napunta ang sinumpaan niyong katapatan sa wizard alliance?"

"Teritoryo ko ang White River Valley. Nanghimasok kayo sa kalupaan ko tapos kayo pa ang may ganang mang-aresto? Isa itong kalapastanganan sa mga batas ng wizard alliance!"

"Malaking pambabastos sa akin ang ginagawa niyong panghihimasok! Hindi ko alam kung sino ang nag-utos sa inyo, pero isa lang ang masasabi ko. Lumayas kayo sa teritoryo ko!"

Tuloy-tuloy ang paglabas ng mga salita. Bawat isa ay mas malupit kesa sa naunang pananalita.

Isang maputla, payat at nanghihinang, batang lalaki ang lumabas sa pader ng palasyo. Mukhang nagpapagaling siya mula sa isang malubhang karamdaman.

Sa itsura nito'y para siyang tatangayin ng hangin.

Ngunit, matikas ang kanyang tindig. Malinaw na naririnig ng tatlong knight na nasa paanan ng burol ang kanyang boses.

Nag-iba ang kanilang mga mukha!

"Lord Marvin!"

"Lord!"

"Kailan pa ho kayo nakabalik, Lord Marvin?!"

Mabilis na naglapitan ang mga miyembro ng garrison.

Ang buong akala nila'y nasa River Shore City pa ito at nag-aabang ng balita.

Hindi nila alam na dumating na pala si Marvin!

Tiningnan ni Cat si Marvin, at napamura dahil minalas na naman siya.

"Matalino ang batang noble na ito!"

'Nakasunod na ata talaga siya sa amin una pa lang. Pumasok na siguro siya kagabi sa palasyo sa tulong nila Anna!'

Si Masked Twin Blades naman, mukhang nakatakas na!

'Patay na ko nito!'

Hindi na alam ni Verne ang kanyang gagawin. Alam na ng isang tulad niyang mabilis ang pag-iisip, ang mangyayari.

Tunay na isang kaawa-awang noble si Marvin.

Pero ang noble ay noble pa rin kahit anong mangyari.

Sa loob ng River Shore City, wala siyang kahit anong kayamanan dahil naagaw sa kanya ang kanyang tritoryo. Kahit mga gang at kasino ay pinagkaisahan siya.

Pati ang munisipyo, tinuya-tuya siya dahil dito. 'Eh ano ngayon kung noble ka? Hindi mo nga naipagtanggol ang sarili mong territoryo.'

'Hindi mo teritoryo ang River Shore City. Wala kang kapangyarihan dito.'

Pero ibang-iba sa loob ng White River Valley.

Teritoryo ito ni Marvin!

Si Marvin ang may hawak ng lupaing ito. Ibinigay sa kanya ang kapangyarihang ito ng wizard alliance.

Ang ano mang pagtatangkang pagkwestyon sa desisyon ng overlord ay isang hamon sa south wizard alliance!

Walang sino man ang mangangahas na gawin ito!

Kahit ang mga disciplinary knight na may mataas na katayuan sa River Shore City ay hindi tatangkaing gawin ito.

Walang ano mang relasyon ang White River Valley at River Shore City. May kasarilnan ang White River Valley. Kahit na galing sa Lord ng Rover Shore City ang kautusan, pwede itong hindi pansinin ni Marvin!

Ang teritoryo niya ay nagmula pa sa kanyang Lolo, isang masipag na high level na wizard. Suportado ng south wizard alliance ang kapangyarihan ni Marvin sa kanyang kalupaan!

At dahil sa kapangyarihang hawak ng mga wizard, walang mayroong balak magbakasakali para lang sa maliit na halagang maari nilang makuha.

Agad na natuliro ang tatlong disciplinary knight.

Mukhang minaliit ng kanilang amo ang nakababatang baron ng White River Valley.

Hindi kasing hina gaya ng mga usap-usapan ang overlord ng White River Valley. Hindi ito basta-basta nagpapatinag!

Ang pagpasok nila ng walang basbas ni Marvin ay isang bagay na hindi nila dapat ginawa.

Gusto nilang arestuhin ang isang tao sa White River Vallet ng walang pahintulot mula kay Marvin? Hindi maaari!

Dismayadong nagkatinginan ang tatlo, na tila nainis rin sa nangyari.

Pero wala na silang magagawa. Pwede namang nilang pwersahin ang pagpasok nila at patayin ang sino mang humarang. Maaarin rin silang makipag tulungan sa mga Lynx.

Pero hindi nila ito sinubukan!

Ito'y dignidad ng isang overlord!

Nagmula pa ito sa panahon ng paghahari ng mga wizard!

At dahil hindi pa nagaganap ang Calamity, maari pa rin niyang gamitin ang kanyang mga koneksyon bilang panakot.

Panandaliang natigilan ang tatlong disciplinary knight, hanggang sa nagsalitang muli ang isa sa kanila, "Baron Marvin, isang mapanganib na kriminal si Masked Twin Blades…"

Hindi isya pinatapos ni Marvin at sinabing, "Wala pa kong nakikitang opisyal na kasulatan mula sa munisipyo ng River Shore City!"

"Lahat ng nakita ko galing lang sa mga malalaking guild. Kahit sinong mayaman ay maaring magpalabas ng ganito hindi ba? Sa tingin ko, isang mayamang pamily" lang ang nagpapahanap kay Masked Twin Blades."

"Pero wala akong pakielam sa mga ganyang bagay. Sa ibang lugar na lang kayo maghanap kung nais niyo siyang mahuli. Teritoryo ko ito. Tatanggapin ko sila bilang isang regular na sibilyan, manggagawa, o mangangalakal."

Tumigil muna siya dito at nagkunwaring umubo, saka niya sinabing, "Lumayas na kayo!"

"Kapapalayas pa lang naming sa mga gnoll at marami pa kaming kailangan asikasuhin."

"Noong nangangailangan ako, wala akong natanggap na an mang tulong mula sa River Shore City."

"Kaya mula ngayon, hindi na maaring umapak sa aking lupain ang sino mang opisyal ng Riveer Shore City!"

Ikinagulat ng lahat ang kanyang sinabi!

Kahit si Anna ay nagulat!

Sa sinabi ni Marvin ay pinuputol na niya ang ano mang diplomatikong kaugnayan niya sa River Shore City!

Hindi ito biro. Taon-taon bumibili ng pagkain ang White River Valley sa River Shore City!

Paano nila masosolusyunan ang problema nila sa pagkain kung puputulin na ni Marvin ang ano mang kaugnayan sa siyudad? Paano nila reresolbahin ang problema sa pakikipagkalakal?

Malaking problema ito.

"Lord…" Tila mayroong gustong sabihin si Anna.

Umiling lang si Marvin na nagpapanggap na galit, "Nakapgdesisyon na ako."

"Magpapahinga na ako."

"Kung hindi aalis ang tatlong knight, gagamitin ko ang [Ninth Month Medal] para ipatawag ang arbiter ng wizard alliance.'

Tahimik siyang umalis pagtapos nito.

Naiwang nakatanga ang mga tao.

Iba't ibang reaksyon ang makikita sa mga mukha ng tao. Pero si Gru, mahinahon lang. Tingin niya nasa loob pa ng palasyo si Masked Twin Blades.

Dahil hindi matinag si Baron Marvin, hindi na nangahas pumasok ng mga disciplinary knight.

Nang marinig nila na handing gamitin ni Marvin ang [Ninth Month Medal], nanlumo silang lahat. At umalis na lang ng walang imik.

Wala na silang ibang magagawa kundi ibalita ito sa munisipyo.

Nagpupuyos sag alit ang tatlong knight. Akala nila'y magiging madali lang ang misyon nila. Hindi nila inakalang ganito pala katapang ang noble na 'to.

Hindi nilang inasahan ang mga nangyari.

Pero ngayong nakapag-isip-isip sila, napagtanto nilang pinahirapan ang batang noble sa loob ng River Shore City. Hindi na nakakagulat ang galit nito sa mga tao roon.

"Tutal tapos na ang ating misyon, oras na rin siguro para umalis kami."

Hindi maipinta ang mukha ni Verne ng makita niyang nakangiti si Anna.

Hindi niya alam kung nahalata na ng Masked Twin Blades na naglalabas siya ng impormasyon, pero hindi na magandang manatili pa rito.

Mas mabuti pang bumalik na sila sa River Shore City.

'Kung nahalata nga ako ni Masked Twin Blades…'

Kinilabutan si Verne habang iniisip ito. Kitang-kita niya kung pano tinapos ni Marvin ang 60 na gnoll at isang Sorcerer nang mag-isa kahapon.

Kahit na malakas at may sapat na kagamitan ang kanyang grupo, hindi ito sasapat para harapin si Marvin.

Pero syempre, hindi niya alam na may ininom na potion si Marvin. Ang buong akala nito'y tinatago lang ni Marvin ang kanyang tunay na lakas.

"Walang problema. Maaari kayong bumalik sa White River Shore City kaihit kailan niyo gusto."

Bahagyang ngumiti si Anna, saka inihatid palabas ng palasyon ang Lynx.

Si Marvin ang nakaisip nito. Kahit na wala siyang kaalam-alam sa binabalak ng kanyang Master, sinunod niya lang ang inutos nito.

Lalo pa at wala pa namang ginagawang mali ang kanyang Master Marvin mula nang gumaling ito sa kanyang sakit.

Umalis na nga ang Lynx sa palasyo.

Pagsapit ng gabi, nagmukhang mapanglaw ang palasyo. Dahil bukod sa garrison kakaunti lang ang tao dito.

Karamihan ng mga taong naninirahan dito ay nasa kabundukan pa. Bukas, magpapadala si Anna ng mga tao para pabalikin na ang mga naninirahan dito.

Kapag nangyari 'yon, maaarin nang magsimula ang muling pagbangon ng Wihte River Valley.

Subalit, sa loob ng aklatan ni Marvin sa loob ng palasyo, hindi mapakaling nakaupo ang kapitan ng Bramble na si Gru sa mesa.

Isang payat at nanghihinang Marvin ang lumitaw. "Totoo ba ang sinabi mo? Umalis na ang Masked Twin Blades?"

"Sinabi niyang nasa loob ng aking aklatan ang sagot sa plague ng iyong anak?"

Tumango si Gru. Sinabi ng Masked Twin Blades ang bagay na 'yon. Tanfang-tanda niya.

"Kung ganoon, hahanapin ko sa aking mga libro ang patungkol sa [Dark Weet Poison], at kapag may nakita ako, sasabihan kita. Wag kang mag-alala, base sa mga sinabi mo'y may oras pa ang iyong anak. Umaasa akong mahahanap ko ang librong naglalaman ng impormasyong kailangan mo."

"Salamat, Sir Baron!" Kitang-kita ang pasasalamat sa mukha ni Gru.

Umalis na ito sa kwarto.

Paglipas ng ilang saglit, pumasok si Anna mula sa pinto at nagtanong, "Bakit hindi mo pagalingin ang kanyang anak?"

Bahagyang ngumiti si Marvin at sinabing, "Oo, pagagalingin ko."

"Pero hindi pa ngayon."

Hindi pa ito ang tamang oras. Eksperimento ng plague god ang dark sweet poison. Baka mapansin ng plague god kapag pinagaling agad ito.

Hindi takot sa Gods si Marvin, pero hindi rin siya tanga para kalabanin ang mga ito.

Lalo pa ngayon at marami siyang kailangan atupaging ibang bagay.

Kailangan muna niyang masolusyunan ang problema sa pagkain.

____

T/N – Ang overlord ay land lord/ feudal lord.