webnovel

Night Beheading

Editor: LiberReverieGroup

Hindi na kailangan ni Capella ng babala ng Shadow Prince dahil napansin na nito ang presensya ni Marvin nang maging Level 18 ito!

"Nandoon siya!" Sumugaw siya Capella kasabay nang pagutro sa isang malaking poste.

Anim sa mga Zealot Warrior ang agad na pinalibutan ito!

Pero huli na ang lahat.

Night Boundary!

Pumasok si Marvin sa isang spatial distortion at agad na lumitaw sa likuran ng High Priestess!

"Mag-ingat ka! High Priestes!" Natatarantang sigaw ng isa sa mga Great Priest.

Hinawakan ng High Priestess ang scepter sa kanyang mga kamay, tumalikod ito kasabay ng walang habas na paghampas gamit ito!

Kung iniisip nila na ang mga Cleric ay walang melee power, nagkakamali sila!

Makikita ang pagkakampante nito sa kanyang mga mata.

Kinakalimutan ba ng Assassin na iyon ang kanyang Divine Armor?

 Kumisap ang liwanag ng Divine Spell sa scepter. Kung tinamaan nito si Marvin, mahihilo ito!

Nang tatamaan na niya si Marvin, binaling ni Marvin ang kanyang katawan mahigpit na hinawakan ang baywang ng High Priestess bago ito yumuko.

Umikot ng 180° ang katawan nito para maiwasan ang scepter ng High Priestess

Sa harap ng galit na pagtitig ng lahat, magkadikit na ang katawan ng dalawa… at masasabing malaswa ang posisyon ng dalawa.

"Lumayo ka sa akin!" Galit na sigaw ng High Priestess.

Ang lakas ng loob ng lalaking iyon na bastusin siya?!

Isa itong kalapastanganan!

Pagkatapos nitong sumigaw, isang makapangyarihang pwersa ang nagtulak kay Marvin, at naagpatalsik sa kanya sa ere.

'Mas malakas at mas mabilis pa pala ang Capella na 'to kumpara sa inaasahan ko.'

Habang nasa ere pa si Marvin, inatake naman siya ng ilang mga Priest, kaya agad niyang ginamit ang Shadow Escape at nawala mula dito.

'Mukhang kailangan kong gumamit nang mas malakas atake!'

Sa dilim, tahimik na nag-ipon ng lakas si Marvin.

Isa lang pagsubok ang unang pag-atake. Gusto lang malaman ni Marvin ang lakas ni Capella.

Hindi niya mapigilang tingnan ang panibagong skill na lumabas sa panel ng Night Walker!

Hindi nakakatanggap ng bagong specialty ang mga level 6 na Night Walker, pero nakakuha pa rin si MArvin ng 134 na HP, pati na 36 na skill point!

Ang 36 na skill point na ito ay inilagay niya sa bagong skill na nakuha niya.

[Night Beheading]

Bilang isang Night Walker, laging ginagamit ni Marvin ang Cutthroat ng mga Phantom Assassin bilang kanyang kill skill. Pero dahil sa class restriction, pahina nan ang pahina ang kanyang Cutthroat.

Matagal-tagal na rin na guagamit si Marvin ng ibang pamamaraan para tapusin ang kanyang mga kalaban. Madalas niyang gamitin ang kanyang Battle Gunner at Shapshift Sorcerer na class.

Pero sub-class lang ni Marvin ang mga ito.

Ang kanyang main class ay isa pa ring rougue class. Mahusay siya sa lahat ng aspeto ng pag-assassinate, pero wala siyang mga assassination skill.

Bago mag level 6, ang mga Night Walker ay mayroong samu't saring mga skill para sa opensa, makapangyarihang specialty, at mga skill para tumakas. Masasabing mayroong siya nang lahat bukod sa skill na pamatay.

Pero pagkatapos ng level 6, napunan na ang kulang sa kanya

36 na puntos sa Night Beheading. Kahi na hindi nito magagamit ang 50 na puntos ng hidden effect, sapat pa rin ito para magamit!

Maaaring gamitin ang skill na ito nang tatlong beses sa loob ng labindalawang oras. Magandang gamitin ito kasama ng Night Boundary.

 Kapag natukoy na ni Marvin ang kanyang kalaban at ginamit niya ang Night Beheading, lilitaw siya sa likuran nito sa isang iglap gamit ang Night Boundary, saka aatake gamit ang pamatay na skill na ito!

Higit na mas malakas ang Night beheading kesa sa Cutthroat, maaari ring gumamit ng iba't ibang sandata dito.

Maging straight dagger, dalawang dagger, o isa lang, kahit ano ay maaaring gamitin.

Walang malaking kahinaan ang level 6 na Night Walker bukod sa pagiging mahina nito kapag may araw.

Unti-unti nang napalakas ni Marvin ang walang kwentang class na ito at nagawang isang elit class.

Gamit ang kanyang skill at lakas, maaari niyang ipamalas ang lakas na higit pa sa kanyang level!

Kailangan niya lang ng tamang pagkakataon.

'Sa pagkakatanda ko, mayroong [Divine Spell – Regeneration] si Capella. Kahit na mapugutan siya ng ulo, mabubuhay siya uli.'

'Kailangan ko ng tamang tyempo para ma-dispatya siya!'

Habang iniisip ito, biglang lumabas ang anino ni Marvin sa dulo ng hanay ng mga Zealot Warrior!

At doon na nga nagwala at nagdulot ng kaguluhan ang nakakatakot na Hellhound!

Naalarma na ang buong Royal City dahil sa laban na nagaganap sa Shadow God Palace.

Lumabas ang mga walang alam na mamamaya, pero halos hindi nila kayanin ang kanilang nakita!

Isang malaking ulap ang lumulutang sa ibabaw ng Eastern Snow Mountain.

Para bang isang malaking salamin ang ulap at ipinapakita nito ang lahat ng nangyayari sa Shrine.

Isng nakakatakot na Hellhound!

Kaawa-awa nang tingnan ang High Priestess!

Talagang nilalampaso lang ang Shadow God Palace ng isang nilalang na galing sa ibang plane!

Natataranta na ang mga ito.

Ang iba ay lumuhod at nagdasal na protektahan sila ng kanilang God.

Ang ba naman ay malalim na nag-isap, at makikita ang kislap sa kanialng mga mata.

Ang Shrine ay nakatataas at malayo sa lahat, pero ngayon ay nagdurusa ito.

Saan na napunta ang makapangyarihang god?

Nawasak na ang pasibol nilang paniniwala!

Noong mga oras na iyon, isang kaaya-ayang boses ang umalingawngaw sa buong Royal City.

Ito ang boses ni Princess Nana!

"Mahabang panahon na ang nakakalipas, wala pang Shrine ang Arborea."

"Noong mga panahon na iyon, tayong mga tao ay naninirahan na dito. Noong mga panahon na iyon, wala sa ating ang biyaa ng God na 'yan."

"Pero malaya tayo. Nang ipanganak tayo, ang una nating paghinga ay paghinga ng kalayaan."

"Binago ng pagdating ng Shrine ang lahat. Kapag may inutos ito, kailangan nating sundin."

"Maliit ang tingin sa atin ng God ng mundong ito, pati na ng mga Priest. Gusto nila tayong paluhirin kahit nakaluhod na tayo. Magmula noon, dinala na natin ang kahihiyang iyon."

"Ginawan ng kahihiyan ang mga tao."

"Kinuha ng Shrine ang mga anak natin at ginawa silang mga sandata sa pagpatay."

"Ninakaw nila ang kayamanan natin, at pinangakuan ng mapayapang buhay."

"Ipinagkait nila sa atin ang kalayaan, at sinabing normal lang ito."

"Pero…."

Pagkatapos ng salitang ito, biglang lumakas ang boses ni Nana:

"Hindi totoo ang lahat ng ito!"

"Kasinungalingan lang ang lahat!"

"Lumalaban ang mga tao para maging malaya! At hindi gawing alipin!"

"Ngayon,, bilang kinatawan ng aking pamilya, ako si Nana Camulla Nottingheim ay opisyal na hinahamon ang Shrine.

"Kasama ko ang mga Royal Iron Guard."

"Kasama ko rin ang mga tinatawag niyon rebelde na mahigit tatlumpung taon nang naninirahan sa kabundukan."

"Si Prince Aragon na lumabang nang lumaban nang sumugod ang mga Devil, ay kasama ko rin."

"Ang nakikita niyo ngayon ay isang kaibigan mula sa ibang mundo. Sinasabi ng Shrine na isa siyang masamang pagano, pero kasama siya sa laban natin."

"Ano man ang kahinatnan nito, lalaban tayo hanggang kamatayan. Gagamit tayo ng dahas para pabagsakin ang Shrine."

"Pagkatapos ng gabing ito, mawawala na ang Shrine."

Pagkatapos marinig ang huling sinabi ni Nana, natuliro ang buong Royal City.

Tila namamanhid sila at hindi maunawaan ang pangyayari.

Pero ang laban sa Shrine ay nagpapatuloy pa rin.

….

Ang Hellhound ay kinakalaban ang mga Zealot Warrior sa kapilya.

Ang istatwang balot ng dilim ay dahan-dahang binuksan ang kanyang mga mata.

Malamig ang pagtinging nito, para pag pagtingin ng God of Destruction.