webnovel

Mind Reading

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa city wall ng Hope, hindi maipinta ang mukha ni Lorie.

"Nagsimula na sila." Bigla siyang nakaramdam ng hinagpis.

Isang malaking barikada ang nakapalibot sa Lion Town. Ito ang nakakatakot na ritwal ng pag-aalay, at kahit ang mga Dakr Races ay hindi nakaligtas.

Sumunod lang naman sila sa Black Dragon na si Clarke sa pag-atake sa Rocky Mountain para mabuhay at makakuha ng pagkain!

Hindi nila ginawa ito para mamatay lang.

Pero ngayon na namatay na si Lady Tess, ang pwersa ng mga Dark Elf ay makikitaan na ng lamat, at ang iba pang mga race ay kinakabahan na dahil kasama ang ilan sa kanila sa ritwal ng pag-aalay!

Maraming mga Dark Race ang nais nang umatras.

Maraming pagkain sa Lon Town, at ang mga pagkain na iyon ay sapat na para sa mahabang tag-lamig.

Pero ang masamang Balck Dragon ay hindi hinayaan itong mangyari.

Kung susubukan nilang tumakas, walang habas silang papatayin.

Sa loob ng maikling panahon, nabalot ng takot ang buong Lion Town.

Sa utos mismo ng Black Dragon, bawat race, bukod sa mga Dark Elf, ay kailangan mag-alay ng hindi bababa sa 100 na miyembro ng kanilang lahi.

At mas malala pa ang sinapit ng mga Kobol, Gnoll, at mga Goblin. Kailangan nilang isakripisyo ang hindi bababa sa kalahati ng kanilang populasyon!

Dahil ang Black Dragon ang mismong namamahala sa pag-aalay, walang sino man ang naglakas loob na magsalita.

Wala nang makikitang gusaling nakatayo sa Lin Town. Hindi mabilang ang mga Dark Race na nakagapos sa itim na altar.

Ang 1/3 sa mga ito ay mga nahuli nilang tao habang ang natira ay mga nilalang ng Underdark!

Ang hukbo ng Underdark ay nanunuod lang sa gilid, makikita ang awa sa kanilang mga mukha.

Hindi ito ang ipinangako ng Black Dragon!

Pagkain at kalayaan nag ipinangako ng mga ito.

Ngayon ay tila mga alipin na lang sila na walang sariling buhay!

Kung hindi lang makapangyarihan ang Black Dragon, marahil nagpulasan na ang mga ito mula dito.

Nagsimula na ang pagdanak ng dugo.

Naging isang babaeng may suot na mahaba at itim na chang pao¹ si Clarke at malakat na nag-chant sa altar.

(T/N1:Isang tradisyonal na damit panglalaki.)

At ang malakas na amoy ng dugo ay bumalot na sa hangin.

Hindi mabilang na nilalang ang napahiyaw kasabay ng kanilang pagkamatay. Naipon ang kanilang hinagpis. Ang enerhiyang ito ay sapat na para magbukas ng pansamantalang lagusan sa Universe Magic Pool.

….

"Hindi pa rin siya nakakabalik?"

Masama na ang timpla ni Jessica. "Kahit dalawa o tatlong araw pa ang aabutin ng ritwal, paano ko naman magagawang panuorin ang pagkamatay ng napakaraming tao."

"Sinabi ko naman na sayo na hindi maaasahan ang batang 'yon…" sabat ni Ding.

Pero hindi pa ito tapos sa kanyang sasabihin nang may isa pang boses ang narinig sa city wall. "Sabi ko na nga ba, mahusay talaga sa panunuya ang mga Fortune Fairy."

Si Marvin.

Biglang lumitaw ang saya sa mga mata ni Lorie.

"Nagawa mo?" Direktang tanong ni Jessica.

Tumango si Marvin.

"Kung ganoon, tara na!"

Kinuyom ng pinuno ng Rocky Mountain ang kanyang mga kamao. "Ayon sa plano, kukunin ko ang atensyon nila habang palihim kang papasok at wawasakin ang Dragon Scale!"

"Ang iba ay maingat na maghihintay sa siyudad!"

"Lorie, ikaw na ang bahala dito."

Agad naman tumango si Lorie.

Huminga nang malalim si Marvin, hudyat na handa na siya.

Pero isa pang tao ang biglang lumitaw sa tabi ni Jessica.

Ang Fiend Sorcerer na si Daisy.

"Sasama ako sa inyo."

"Bilang pinuno ng Demon's Hand, may maitutulong ako."

Bahagyang ngumiti si Daisy.

Makikita ang kaunting pag-aalala sa mga mata ni Jessica. "Wag mong sabihin na gusto mong…"

"Pwede ko kayong matulungan." Pinutol ni Daisy ang sinasabi ni Jessica. "Isa pa, kapag nawasak na ni Sir Robin ang Dragon Scale, siguradong tutugisin siya ng Black Dragon o ng Projection. Kakailanganin niya ko para iligtas siya."

Saglit na natahimik si Jessica bago ito tuluyang tumango.

Niyakap nito si Daisy at may ibinulong sa tenga nito.

May kakaibang naramdaman si Marvin habang pinapanuod ang dalawang babae, hindi mapigilang pumasok ng masamang ideya sa isipan ni Marvin:

Interesado ba ang isang tomboy na tulad ni Jessica sa mga babae?

Habang tinitingnan ang pagiging malapit ng dalawang ito, tila hindi lang magkaibigan ang relasyon ng dalawang ito.

"Mister Robin, mali ang iniisip mo."

Noong mga oras na iyon, biglang nagsaita si Lorie na nasa kanyang likuran, "Hindi interesado si ate sa mga babae."

Nagulat si Marvin. "Naririnig mo ang iniisip ko?"

Bahagyang ngumiti si Lorie. "Minsan oo, minsan hindi. Sa madaling salita, nakakainis na kakayahan ito."

Nakahinga naman nang maluwag si Marvin.

Nakakatakot din nag babeng ito. Umabot na pala ng ganito katas ang Intellegence level nito.

Ang Mind Reading ay maaabot lang ng pinakamahuhusay na Sage.

Kahit ang mga god ay walang kakayahang magbasa ng isip ng tao. Ang kaya lang nilang gawin ay mapansin ang emosyon ng mga tao.

Dahil nasasakop ang lahat ng kapangyarihan ng Power of Order, isang batas na walang sino man ang maaaring bumali.

Nais malaman ni Marvin kung hanggang saan kayang abutin ng innate skill ni Lorie.

Pero malinaw naman na hindi ito ang tamang oras para pag-usapan ang bagay na ito.

Habang sina Jessica at Daisy ay tapos nang mag-usap.

Oras na para simulant ang plano!

Sa kalangitan ng Lion Town.

Si Jessica, na nagliliwanag ng pitong kulay, ay dumating na para bang bulalakaw.

Biglang napatingala ang Black Dragon na nasa altar, makikita ang galit sa mga mata nito!

Alam na nito na naparitao ang Fate Sorceress para sirain ang ritwal, pero nagsimula na ang ritwal, kaya kailangan na lang nilang ipagpatuloy ang pagpatay!

Basta naroon ang Dragon Scale bilang plane mark, wala naman magiging problema.

Isang malinaw na putting mata ang lumulutang sa itaas ng altar, mabilis at walang tigil nitong pinagmamasdan ang bawat sulok ng Lion Town.

Ito ang pangunahing katawan ng Heavenly Observer!

Walang kalaban ang makakapagtago sa kanya!

Biglang pinadyak ni Clarke ang kanyang paa at lumipad pataas!

"Roar!"

Sa isang iglap, bumalik siya sa anyo ng Black Dragon, lalo pa at ang kanyang Human-shape ay masyadong mahina!

Sa ibang direksyon, isang anino rin ang lumitaw.

Iyon ang Projection ng Black Dragon God.

Alam nila na hindi nila kaya si Jessica nang mag-isa, kaya kailangan nilang magtulungan para talunin ito!

"Huuuu!"

Bago pa man maabot ni Jessica ang mga ito, bahagyang lumobo ang dibdib ng Black Dragon at nagpakawala ng isang nakakatakot na Dragon Breath!

May dalang nakakatakot na asido ang Dragon Breath ng Black Dragon. Ang kapangyarihang taglay ng asidong iyon ay kapareho ng lakas ng Dissociation, at ang mga taong tamaan nito ay magiging isang tumpok ng nana pagkatapos malusaw ang katawan nito!

Pero sa pagkakataon na ito, hindi lang si Jessica ang nababalit ng liwanag na may pitong kulay.

Mayroon pang isa pang babae!

Bahagyang nagulat ang Black Dragon.

At biglang may isang madugong bibig ang lumitaw mula sa kawalan at nilunok ang Dragon Breath!

Nagulantang ang Black Dragon at Projection ng Black Dragon God!

"Pah! Lasang bulok, pero puno ng enerhiya."

"Mahal na Ina, matagal-tagal mo rin akong hindi ipinatawag."

Sa likod ng madugong bibig ay isang abnormal na mukha. Mayroong itong mahabang leeg na balot ng alambreng may tinik.

Makikita ang kasakiman sa mukha nito habang tinitingnan nito ang Black Dragon at ang Projection.

"Isang malaking bagay pala ito para makabawi sa bihirang pag-summon sa akin."

Samantala, namumutla na si Daisy!

Magsisimula na ang laban sa kalangitan.

At sa lupa naman, madaling nakapagtago si Marvin mula sa paningin ng Heavenly Observer gamit ang Eriksson's Brooch.

Paglipas ng tatlong minuto, mahinahon siyang lumapit sa altar.