webnovel

Lie and Change

Editor: LiberReverieGroup

Kakaiba ang sitwasyon sa lagusan.

Ang Deceiver at ang Assassin ay tila mga espadang natigilan. Nakatitig sa Rainbow Stone si Deceiver habang nakatitig naman ang Assassin kay Marvin.

At si Marvin naman ya mag-isang nakatayo sa harap ng dalawa. Hindi lang niya kailangan mag-ingat sa Assassin, kailangan niya ring protektahan nag mga white Deer at si Muse sa Deceiver.

Hindi niya maaaring hayaang magtagumpay si Deceiver.

Lalo pa at ang pakay nila sa kanialng paghihiganti ay ang River Shore City, at malapit rito ang White River Valley.

Kapag bumukas ang Disaster door, walang makakpagsabi kung ilang inosente ang madadamay. Hindi rin makakaligtas mula sa pinsala ang Whie River Valley dahil dito.

Isa pa, dahil sa kasunduan nila ni Madeline, hindi magtatagal ay magiging bahagi na ng kanyang teritoryo ang River Shore City.

Kailangan niyang gawin ang lahat ng mkakaya niya para pigilan ito.

.

Ang kailangan niya ay oras.

Nag-isip si Marvin saka nagtanong, "Mayroon bang mas maluwag na lugar?"

Tinanong niya si Muse.

Natigilan ang babae at tinuro ang isang daan sa tatlong lagusan, "Doon, malapit lang."

Hindi na niya hinantay na magsalita o kumilos ang Deciever at Assassin at sumigaw siya, "Sige na!"

Sumakay na si Muse sa isang White Deer at pinangunahan na ng isang nakababatang White Deer ang pagtakbo.

Lumiko sila at tuakbo papalayo.

Mabilis ang takbo ng mga batang White Deer. Nagmadali silang tumakbo sa madilim na lagusan!

Hinabol naman ang mga ito nina Deceiver at Hawley, hindi nila hahayaang makatakas ang mga ito. Nakakapangilabot rin ang bilsi ng mga ito. Ang isa ay gumamit ng Magic habang ang isa ay ginamit ang natural at mataas nitong Dexterity.

Halos walang pinagkaiba ang dalawa.

Hndi nagtagal, sumigaw si Muse, "Marvin, malapit na tayo."

"Sige!"

Umabot na sila sa dulo ng lagusan.

Dahil sa Darksight ni Marvin, nakita na niya agad ang walang lamang silid sa dulo ng lagusan. Malawak na lugar ito, sapat na para sa plano ni Marvin.

Pagkatapos ay bahagya niyang tinapik ang ulo ng White Deer at tumalon ng mataas.

Bumagsak naman siya sa labasan ng lagusan.

Sa isang iglap ay nakaalis na ang mga White Deer mula sa lagusan at tumigil ang mga ito, tinitingnan nila si Marvin.

Agad namang sumunod sina Deceiver at Hawley. Nanatiling tahimik si Hawley, at agad na ginamit ang Strong Invisibility.

Kung silang dalawa lang, marahil ginamitan na siya ng spell ni Deceiver tulad kanina.

Pero sa pagkakataong ito, nakatuon na ang pansin nito sa Rainbow Stone.

"Tabi." Seryosong sabi nito kay Marvin.

Huminga nang malalim si Marvin at inihanda ang sarili na umatake.

Direkta siyang tumingin kay Deceiver at mabilis na sinabi, "Nalilinlang ka."

"Hindi hawak ni Diggle sang nakababata mong kapatid."

"Isa pa, kung hawak man niya ang kapatid mo, sa tingin mo ba sa katusohan ni Diggles, basta-basta na lang niyang pakakawalan 'yon?"

Biglang nag-iba ang reaksyon sa mukha ni Deceiver!

"Sino ka? Bakit ang dami mong alam?"

Pero wala nang oras na sumagot si Marvin, dahil isang nakakatakot na presensya na ang naramdaman niya!

Pakiramdam niya ay tila isa itong makamandag na ahas na dumadamba sa kanya mula sa dilim.

Sa isang iglap, isang atungal ang umalingawngaw sa White Deer Cave!

"Roaaaarrrr!"

Biglang lumapas ang katawan ni Marvin, naging isang malaking Oso ang katawan ni Marvin.

Tila isang maliit na bundok na nakaharang sa dulo ng lagusan ang katawan ni Marvin. Para sa mga White Deer, tila isa itong tagapagtanggol na humaharang sa daan ng kalaban.

Biglang lumitaw ang Assassin na si Hawley, naka-amba ang dagger nito sa batok ni Marvin!

Hindi siya naniniwalang mabubuhay pa si Marvin sa pagkakataong ito.

Pero nagkamali siya muli.

Nabigla siya sa biglang pagapapalit anyo ni Marvin. Noong una ay ang ulo ni Marvin nag punterya niya, pero ngayon ay napunta siya sa pwetan ng Asuran Bear!

Ang lihim na pag-atake ng 4th rank Assassin. Kahit pa pambihira ang depensa ng Asuran Bear, nakaramdam pa rin ito ng sakit sa kanyang pwetan.

Pero nagawa pa rin niyang maka-iwas sa nakamamatay na atake.

Kakaunti lang ang taong, gagamitin ang pagkakataong ito para magpalit anyo para mailigtas ang kanilang buhay. Isa na si Marvin sa mga taong iyon.

Galit niyang iwinasiwas ang kanyang kamao. Ang nabiglang si Hawley ay hindi na tinangkang bunutin ang kanyang dagger, sa halip ay agad na lang itong umalis para hindi tamaan!

"Roaaaarrrr!"

Ang Asuran Bear na mayroong nakabaong dagger sa pwetan ay biglang mabangis na inatake si Hawley!

Sa kabila nang taas ng level ng Dexterity ng Assassin, natakot pa rin ito kay Marvin!

'Ito ang… Asuran Bear!'

'Ang presensyang ito…'

'Shapeshift Sorcerer?!'

Hindi makapaniwala si Deceiver sa kanyang nakikita.

Gusto niyang may magsabi sa kanyang hindi totoo ang nakikita niya. 'Paanong nangyari na may iba pang Shapeshift Sorcerer pa sa mundong ito?'

'Sabi ni Lord Diggles, ako at ang kapatid ko na lang ang natitirang Numen!?'

'Sabi niya wala nang iba pang Shapeshift Sorcerer sa mundo?'

Matagal siyang nanatili sa Decayong Plateau at naniwala dito. Ilang beses siyang nagpunta sa Feinan para palihim na magtanong tungkol dito. Ang mga sinasabi nilang matatalinong Wizards, ay walang kaalam-alam tungkol sa mga Shapreshift Sorcerer!

Kaya naman inakala niyang totoo nag sinasabi ni Diggles.

Pero ang taong ito sa kanyang harapan, ang Shapeshift Sorcerer na ito ay sinabing nililinlang siya ni Diggles.

Kasinungalingan nga lang ba ito?

Gulong-gulo ang kanyang isip at panandaliang hindi alam ang gagawin.

Sa kabilang banda, isang matinding labanan ang nagaganap.

Teka… Hindi ata magandang paglalarawan ang salitang matindi, dahil hinahabol sa tuloy-tuloy na pagtakbo ni Hawle mula sa Asuran Bear.

Hindi pa gustong kalabanin ni Hawley si Marvin sa ngayon.

Ang mga halimaw na may malalakas na katawan ang pinakakinakatakutan ng mga Assassin.

Kung hindi niya ito napaghandaan, sadyang wala siyang magagawa para atakihin ang mga mahahalagang bahagi ng katawan ng Asuran Bear.

Kahit pa isa siyang 4th rank, kung tatamaan siya ng kamao ng Asuran Bear… magiging kaawa-awa ang kalalabasan niya.

Ayaw niyang mabugbog nang isang atake lang.

Kahit pa mas mababa ang Dexterity ng Asuran Bear, malaki naman ang karanasan nito.

Mas nanlumo pa si Hawley nang mapansing tila alam ni Marvin ang lahat ng paraan ng pagtakas at kilos ng mga Assassin.

Ginagamit ni Marvin ang kanyang karanasan para mapunan ang kakulangan niya sa Dexterity. Sa tuwing susubukang tumakas ni Hawley ay sasalubungin niya ito ng pag-atake.

Paulit-ulit namang nasusurpresa si Hawley.

Kung hindi dahil sa mas mababang Dexterity ni Marvin at sa dami nang paraan ng pagtakas nito, marahil ay nahuli na siya ni Marvin.

'Hindi 'to pwede. Kailangan kong mag-isip nang paraan para mapatagal ang laban hanggang sa bumalik sa dating anyo ang batang 'to.'

.

Walang magawa si Hawley habang kalaban ang Asuran Bear.

Nagngalit ang kanyang ngipin at gagamitin na sana niya ang kanyang Doppleganger skill, nang biglang nagbago ang sitwasyon!

Ang naka-puting babae na noong una ay nag-aalinlangan ay biglang kumilos!

Sumugod ito na para bang lumilipad patungo sa Holu Maiden na si Muse at mga batang White Deer!

Walang nagawa si Marvin kundi sukuan si Hawley.

Muli niyang hinarangan ang daan ng Deceiver, "Hindi ka naniniwala sa akin?"

"Mas pipiliin mong paniwalaan ang kasinungalingan ng Evil Spirit Overlord kesa sa sinasabi ng kadugo mo?"

Bahagyang yumuko ang Deceiver

.

Bigla tumawa si Deceiver.

Tila napakasama nang pagtawa nito.

Biglang nanglumo si Marvin!

Ito ang tawa ng pesteng Diggles na iyon!

Malinaw na gumamit ng kakaibang pamamaraan ang Evil Spirit Overlord para manipulahin ang katawan ni Deceiver!

"Pasensya na, pero sa akin na ang Rainbow Stone na 'yan." Sabi nito.

Biglang napasigaw ang Holy Maiden Muse, Biglang lumipad mula sa kamay niya ang Rainbow Stone dahil sa isang kakaibang pwersa at napunta ito sa kamay ni Deceiver.

Biglang namang tumalikod si Deceiver at tumakbo!