webnovel

Leisure

Editor: LiberReverieGroup

Para sa kakaunting populasyon ng mga Human sa Feinan, ang balitang ito na mula sa North ay isang matinding balita.

Marami ang nauglat dahil ngayon lang nagkaroon ng sigalot ang dalawa sa iilang natitirang malaking pwersa ng mga Human sa FEinan, ang White River Valley at ang Three Northern Cities.

At dahil sa nalalapit nap ag-descend ng mga God, hindi ba mas mabuting magtulungan na lang ang dalawang pwersang ito?

Isa itong bagay na hindi maunawaa ng mga tao.

Naikita naman ng mga maalam na tao na naghahanda pa rin ang pwersa ng North para sa pag-descend ng mga God sa sarili nilang pamamaraan.

Tumindig si Eve sa tabi ng God of Dawn and protection, dahil ginawa nitong kauna-unahang Supreme Pontiff ang anak ng God na ito.

Alam naman na ng lahat na tila tubig at apoy si Marvin at ang mga God.

Ang binatang ito na nagmula sa White River Valley ay paulit-ulit na kinakalaban ang mga God sa iba't ibang pamamaraan.

Tila hindi nito kailan man inirespeto ang mga God.

Kahit nang magsimula ang nakkatakot na Great Calamity, siya ang unang pumatay sa isang taong nagbalak na mag-ascend sa Godhood, sa harap ng mga tao, magmula noong 3rd Era.

At dahil sa mga bagay na ito, tila malinaw naman ang ugat ng sigalot na ito.

Pero iilang tao lang ang nakakaalam ng lihim sa likod ng naging desisyon ni Eve.

At hindi kasama sa mga ito si Marvin.

Pero magmula noong nakalaban nila ito sa Sky Tower, alam na niyang hindi nila kakampi si Eve.

Hindi na niya kailangan malaman pa ang dahilan; kailangan niya lang malaman ang kasalukuyang sitawasyon.

Nagdesisyong makipag-alyansa ang North sa Astral Sea. Isa itong bagay na hindi nangyari sa laro.

Malinaw na nangyari lang ito dahil sa pag-transmigate ni Marvin. At marami na rin nagbago sa mga pangyayari kumapara sa dating nangyari sa laro.

Ibang-iba na ito.

Kaya naman, hindi na magagamit ni Marvin ang kanyang karanasan para harapin ang lahat ng bagay.

Mahinahon niya lang na tinanggap ang anunsyo ni Eve, pero hindi naman nagbigay ng pahayag ang White River Valley biglang tugon ditto.

Dahil nga sa Absolute Sanctuary, bukod sa iilang taong pinahintulutan ni Marvin, walang makakapasok sa White River Valley.

Nais malaman ng mga tao kung paano kaya haharapin ng napakamakapangyarihang si Marvin ang deklarasyong ito ni Eve?

Base sa nakuhang impormasyon ni Ana, kasalukuyang nasa proseso ng malawakang pagsdidispatya ng mga halimaw sa kanilang kapaligiran ang Three Northern Cities. Dahil dito ay magiging mas ligtas ang kanilang teritoryo kapag umalis na ang mga hukbo.

Pagkatapos nito ay ipadadala na nila ang kanilang mga hukbo paa sugurin ang White River Valley. At si Marvin ang kanilang pakay.

Totoo man o hindi ang impormasyon na ito, sapat na ang isang deklarasyon para makaramdam ng tensyon ang White River Valley.

Totoo ba ang lahat ng ito?!

Pinagbantaan ng bagong tatag na Rose Dukedome na papatayin nila ang Lord ng White River Valley? Ang magiting na bayaning paulit-ulit na inililigtas ang sangkatauhan?

Agad naman na umalma ang mga mamamayan ng White River Valley!

Ganoon din ang naramdaman ng mga bagong lipat lang sa White River Valley.

Dahil kung pag-uusapan kung ano ang makakabuti sa kanila at kay Marvin, pareho lang ang mga ito.

Noong lumabas ang deklarasyon, maraming tao ang nagsimulang linisin ang kanilang mga sandata, naghahanda na ang mga ito para sa parating na digmaan,

Pero ang hindi nila alam ang bida na pinupunterya ng digmaan na ito ay namamasyal lang sa mga sulok-sulok ng White River Valley.

...

"Itinatago ng [Seducer] mo ang [Black Sheep], tama?"

Sa isang kubo sa Northern Mine, may tatlong tao ang nakapalibot sa mga baraha.

Si Lola, na matagal nang hindi ngumingiti nang ganito, ay itinuro ang baraha na nasa kamay ni Marvin na tila inanunsyo ang hatol ng kamatayan nito.

Pilit naman na ngumiti si Marvin at tumango.

Sadyang hindi siya kasing galing ng tusong babae na ito sa larong ito.

Hindi niya kailan man naisip na ang babaeng iniligtas niya sa mga Gnoll ay magkakaroon ng napakahalagang tungkuling sa White River Valley.

At sa kabila ng lahat ng pinagdaanan nito, kasing tuso at kasing daldal pa rin siya ng dati.

Suot nito ang paburito nitong palda at madalasan pa rin pagkatuwaan ang maliit na Halfling. Mahilig itong gumamit ng iba't ibang paraan ng pandaraya kapag naglalaro ito ng baraha. Bukod dito, kontrolado niya rin ang lahat ng aspetong pinansyal ng White River Valley.

Marami tao ang nahihirapan na ikonekta ang dalawang pagkataong ito, pero para kay Marvin, wala pa rin nagbabago kay Lola.

Ikinatuwa naman niya ito.

Magmula noong nag-transmigrate siya, lagi na lang siyang nagmamadali. Umaabot na sa puntong hindi na niya nakakausap ang kanyang mga kaibigan.

Pero sa huli, marami pa rin taong nakasuporta at laging nasa kanyang likuran. Isa na dito si Anna, pati na rin si Lola.

"Wala ka talagang masasabi?"

Malumanay na itinabi ni Lola ang kanyang mga barahan, kumurap ito kasabay ng pagtingin kay Marvin. "Kahit na wala akong alam sa pakikipaglaban, parang masyadong seryoso na ang bagay na 'to."

Labis naman ang pagtango ng Halfling na nasa gilid.

Tulad ng iba, nag-aalala sila kay Marvin, kay Wayne, at sa White River Valley.

Ang pakikipaglaban ang pinakakinatatakutan ng mga tao.

Mahinahon naman na umiling si Marvin at ngumiti. "Wala kayong dapat ipag-alala."

Suminghal naman si Lola, "Kilala kita, kapag ganyan ang sinasabi mo, madalas umaalis ka at sinusubukan lutasin ang problema nang mag-isa."

Tumawa si Marvin nang malakas pero hindi ito nagbigay ng sagot.

Nasa Sky Tower pa rin si Wayne.

Si Constantine at Sophie naman ay nakabalik na at inaasikaso na ang panibagong Night Walker Headquarters. Pinirmahan na rin ng White River Valley ang kasunduan ng kanilang pakikipag-alyanasa sa Rocky Mountain.

Bukod sa Migratory Bird Council, na hindi nila maintindihan ang iniisip, mukha namang nagkakaisa ang buong South.

At dahil malapit na kaibigan ni Marvin ang pinuno ng Thousand Leaves Forest, hindi na ito kailangan pang problemahin ni Marvin.

Kaya naman, kung titingnan ito bilang isang pangkaaniwang digmaan, walang masyadong kinakatakot si Marvin.

Sa digmaan sa pagitan ng North at South, mukhang mas malakas naman ang South.

Pero ayaw niyang magsimula ng digmaan.

 .

Ayaw niyang maraming tao ang mamatay nang dahil sa kanya.

Ang gusto lang naman patayin ni Eve ay siya.

At kahit na natapos na ang laban paa sa Fate Tablet, marami pa ring matang nakatingin sa White River Valley nang dahil kay Marvin.

Nasa malaking panganib na ngayon ang lugar na pinangako niyang kanyang poprotektahan nang dahil rin sa kanya.

Pero naisip na niya ang pinakamalinaw na paraan para maiwasan ito.

At iyon ay umalis.

Matalino si Lola kaya naman nahulaan na niya ito. Pero hindi niya ito tahasang sinabi. Nagtanong-tanong lang ito at inaalala ang mga plano ni Marvin na parang isang kaibigan na mag-e-ekspedisyon.

Alam naman niyang hindi na niya mapipigilan si Marvin, at ang tanging tao na makakapigil dito ay tulog pa rin sa loob ng Sky Tower.

"Kelan ka aalis?" Kumindat si Lola, "Wag mo nang itanggi na tama ako, dahil hindi ka naman magsasayang ng oras makipaglaro sa akin ng baraha o bibisita sa kung sino-sino kung hindi…. Isa pa, hindi naman na bagong umalis ang Overlord ng White River Valley."

Namula sa hiya si Marvin.

Tila lumalabas na hindi niya talaga alam kung paano pangasiwaan ang kanyang teritoryo.

Pero dahil sa tanong ni Lola, sinagot pa rin niya ito!

"Kapag natapos na ang pitong araw na Absoloute Sanctuary spell, aalis na ako."