Lumingon si Marvin at nakitang isa itong paniki!
Nilabas ng paniki ang mga pangil nito at dinamba ang mukha ni Marvin!
Pero mabilis ang naging reaksyon ni Marvin. Kumislap ang isang nakakasilaw na liwanag nang bunutin niya ang kanyang curved dagger at hinati sa dalawa ang paniki.
Kakaunti lang ang mga panicking tulad nito sa underground palace. Hindi ito gaanong mapanganib para kay Marvin.
Kung malasin man siya at makasalubong siya ng alite, variant, o ice bat, o iba pang sitwasyon, kakayanin naman niya ito.
Nagpatuloy lang siya sa madilim na lagusan.
Sa tuwing nasa isang underground palace man o sa Underdark, sadyang nakakamangha ang mga kakayahan ng mga Night Walker sa ganitong mga lugar.
Gamit ang Darksight, malinaw na nakikita ni Marvin ang lahat.
Ang ikalawang palapag ng Undergorund Palace ay ginawa ni Yin bilang huling hantungan ng kanyang mga tagapagmana.
Pero kaunti lang ang kanyang mga tagapagmana at ang karamihan pa sa mga ito ay sa Norte aktibo. Ang mga kabaong na naroon ay walang laman ang karamihan.
At sa bandang dulo, nakikita niya ang isang marangyang kwarto.
Puno ng mga kayamanan ni Yin ang kwarton ito.
Napakahalga ng kayamanan na ito, pero kapag ginalaw ang karamihan sa mga ito ay ma-a-alerto ang mga Golem na nakabantay.
Isa-isang nilampasan ni Marvin ang mga kwarto, punong-puno nang kagustuhan ang kanyang puso at halos hindi niya na ito mapigilan.
Siguradong kasing halaga ng mga ito ang mga kayamanan ni Evil Spirit Overlord Diggles.
Sa wakas, nahanap na ni Marvin ang kanyang hinahanap sa ika-pitong pinto.
Ang Eriksson's Brooch.
Isa itong manipis at magaan na brooch. Sa sobrang gaan nito, kung dahan-dahan mo itong kukunn na walang ibang bagay na nagagalaw, hindi ma-a-alerto nito ang mga golem.
Ito rin ang dahilan kung bakit naglakas loob si Marvin na kunin ang kayamanang ito.
Naglabas siya ng tyani at dahan-dahan niyang kinuha ang broock mula sa isang libro.
Tahimik lang ang pagkilos ni Marvin at walang sino man ang na-alerto sa kanyang ginawa.
Nakahinga nang maluwag si Marvin.
Tahimik niyang pinunasan ang kanyang pawis at inilagay ang brooch sa kanyang storage item.
'Nakuha ko na rin!'
'Ang Eriksson's Brook! Ang Lurker's Artifact!'
Hindi mapigilang mapangiti ni Marvin sa saya.
Matagal na niyang gustong makuha ang brooch na ito. Sadyang mas mahalaga pa rin ang Source of Fire's Order.
Pero dahil nasira na ang kanyang orihinal na plano, inuna na niyang kuhanin ang brooch para matulungan ang Hope City sa kinakaharap nitong paglusob.
Madali lang intindihin ang katangian ng item na ito: [Eriksson's Brooch].
[Quality: Legendary]
[Property 1: Stealth +70]
[Property 2: Hindi tinatablan ng specialty ng Heavenly Observer's - (World Insight/Boundless Awareness)]
[Requirements: Rogue/Divinity]
…
Ito ang unang-unang mahalagang Legendary Item na nakuha ni Marvin!
Sadyang napakalakas ng mga katangian nito.
Dahil sa +70 na Stealth, talagang magiging napakalakas ang abilidad ng sino mang rogue na makakuha nito.
Tuloy-tuloy ang pagtaas ng Stealth ni Marvin dahil sa lagi niyang paggamit dito.
Ang Stealth niya sa ngayon ay nasa 110, at dahil sa dagdag na 70, aabot na ito sa 180!
Malapit na ang 180 na puntos ng Stealth sa taas ng kanyang Stealth noon bilang isang Ruler of the Night!
At sa oras na mag-level up pa ng isang beses ang kanyang Ranger class, maaari siyang makakuha ng 24 na skill point at ilagay ang 20 na puntos nito sa Stealth.
Makakakuha siya ng lihim na katangian kapag umabot sa 200 ang kanyang Stealth, ang [Stealth Master].
[Stealth Master]: Malaya kang makakapaglakad at makakatakbo nang hindi nawawala ang Stealth.
Ito ang pinakamataas na estado ng Stealth. Para itong Hide na nagagamit habang gumagalaw, at halos pareho na rin ang epekto ng mga ito.
Kahit na hindi niya maabot ang 200 na puntos ng Stealth, sadyang nakakamangha na ang 180.
Magagawa na niyang malusutan ang Heavenly Observer nang walang kahirap-hirap!
'Mukhang hindi inaasahan ng Black Dragon God nab ago mamatay ang God of Etiquette na si Erickson, madalas iton umalis ng Astral Sea at magkatawang tao bilang isang mortal.'
'Palihim niyang ginawa ang brooch na ito para hindi siya matunton ng mga god gamit ang mga Heavenly Observer ng mga ito.'
'Ngayon sa akin na 'to.'
Kuntento si Marvin sa kanyang nakuha, pero hindi siya nangahas na manatili pa doon nang matagal, agad na siyang bumalik!
Ito ang dominion ng Vampire Primogenitor. Kaya naman ang pagkuha pa lang ng kayamanan dito ay mapanganib na.
Kung magtatagal pa siya ditto at may mangyaring aksidente, malalagay siya sa panganib.
Sinundan niya ang malawak na daan at hindi mapigilang bilisan ang pagkilos.
Di nagtagal, nakabalik na siya sa kwartong pinanggalingan niya at sinundan muli ang lihim na lagusan. Paglipas ng ilang segundo, ligtas siyang nakabalik sa hangdang pa-ikot.
Naging maayos ang lahat.
Bumalik na si Marvin sa bulwagan at naghanda nang umalis, nang biglang may nangyari.
May nakasalubong siyang mga Vampire!
…
"Karnoth, talaga bang madaling naloko ang nakatatandang mong pinsan?"
Sa pinto ng palasyo, tatlong Vampire ang tila may hinihintay.
Isang Vampire na babae ang nagsasalita. Kaakit-akit ang boses nito, pero iba ito nakakahalinang kapangyarihan ng mga Succubi na nanunuot sa katawan ng isang tao at nakakapagpamanhid ng mga kamay at paa. Tila nakaka-kontrol ito.
Alam ni Marvin na mataas ang Charisma ng mga Vampire. Madali lang para sa mga ito na talunin ang isang mortal na may mahinang willpower.
Sino baa ng tatlong Vampire na ito?
Nagtago si Marvin sa dilim at pinanuod ang nangyayari.
Nararamdaman niyang pamilyar ang isa sa mga ito.
'Kartnoth… Karnoth… siya ng aba iyon?'
Ilang ala-ala mula sa pag-atake sa Scarlet Monastery ang pumasok sa ulo ni Marvin. Humingi noon ng tulong si Madeline sa isang grupo ng mga Vampire.
Pero ang grupo ng mga Vampire na iyon ay mula sa Bright Side, hindi tulad ng mga galing sa Dark Side na pumapatay ng mga inosente.
Noong mga oras na iyon, may isang Vampire na minaliit si Marvin at ninais na gawin siyang isang Blood Slave. Napigilan siya n Marvin, pero para hindi mapahiya si Madeline, hindi niya ito sinaktan.
Karnoth ang pangalan ng lalaking iyon!
'At siugro, ang pinag-uusapan nilang nakatatandang pinsan ay ang magalang na si Gwyn?' Alala ni Marvin.
Maganda ang tingin ni Marvin kay Gwyn noon, magalang at malakas ito.
Anong binabalak ng mga Vampire na ito?
Hindi mapigilang mag-usisa ni Marvin.
Mabilis siyang lumapit habang gamit ang Stealth.
Nasa kanya na ang Ericksson's Brooch, kaya hindi na niya kailangan mag-alala na mapapansin siya ng mga Vampire.
Malakas ang Perception ng mga Vampire, pero mas malakas pa rin ang perception ng mga Drow.
Sapat an gang !80 na puntos ng Stealth para malusutan nag Perception ng karamihan ng mga nilalang sa Feinan na walang Divinity.
Habang papalapit siya, mas luminaw ang usapan ng tatlo.
Narining niya si Karnoth na kampanteng sinabing, "Wag kayong mag-alala, tinalikuran ko na ang Bright Side at sumapi sa Dark Side. Galit na galit ang clan."
"Siguradong ipapadala nila si Gwyn, na sa tingin nila ay isang bayani, para hulihin ako. Hehehehe. Ang hindi nila alam, hindi pa ako sinusukuan ng minamahal na pinsan ko."
"Sinabi ko sa kanya na kapag dinala niya ang [Dense Blood Nucleus], babalik ako sa Bright Side. Siguradong dadalhin niya iyon."
"Tingnan niyo, hindi ba siya na 'yon?"
Isang paniki ang mabilis na lumilipad mula sa malayo.