webnovel

Information

Editor: LiberReverieGroup

Dahil sa pagdagdag ng Fate Power sa katawan ni Marvin at sa tulong ng Wisdom Chapter, mayroong nakuha si Marvin para pumalit sa kanyang "mala-propetang" kakayahan.

Nararamdaman niyang mas lumilinaw ang kanyang pag-iisip. Ang nakaraan, kasalukuyan, at hinahara, ang lahat ay naikokonekta ng mga sinulid.

Ang mga nilalaman ng mga sinulid na ito ay nanggaling sa iisang istante, at kalaunan ay naging isang maayos na maayos na aklatan.

Isa itong bagay na ngayon niya lang naranasan. Gamit ang lahat ng impormasyon na mayroon siya, pinerpekto ng Plane Law ang natural na proseso ng pag-iisip ni Marvin at umabot na ito sa level na tila mala-propeta na rin ito.

Tama, basta pag-isipan ito nang mabuti ni Marvin, maaari niyang makita ang ugat ng lahat ng mga pangyayari. Malaking enerhiya ang kinokunsumo nito pero maaari itong magkaroon ng epekto na kapareho sa Divination ng mga Legend Wizard.

Kumpara sa Divination, ang kakayahan ng [Wisdom] para mahulaan ang posibleng mangyari sa hinaharap ay mas mataas!

'Kahit na nawala na ang mala-propeta kong kakayahan, ang ganitong deductive ability ay mas nababagay sa sitwasyon ko ngayon!'

Tuwang-tuwa naman at nakampante si Marvin, kasabay nito, mas lumaki ang pasasalamat niya sa babaeng nagbigay sa kanya ng Fate Power.

Una pa lang alam na niya na isa itong malaking regalo, pero hindi niya naisip na magiging ganito ito kahalaga.

Ang pangangalaga ng Plane, isang makapangyarihang deductive ability. Matapos maranasan itong gamitin, naunawaan n ani Marvin kung bakit tila basang-basa siya ni Lorie sa tuwing nakatingin ito sa kanya.

Nang ang metikulosong lohika at malalim na pag-iisip ay naging instinct, ang kanyang kakayahan para kalkulahin at iproseso ang mga bagay ay naging kasing eksakto na ng isang makina.

Basta mayroon siyang sapat na impormasyon, magagawa ring mahulaan ni Marvin ang hinaharap ng mundo!

Pero syempre, an ganoon karaming impormasyon na kailangan para doon ay hindi makakaya ng utak ni Marvin.

Gayunpaman, isa itong makapangyarihang kakayahan na nadagdag kay Marvin. Naging mas balanse ang kanyang lakas, kasabay nito, hindi na niya kailangan pang umasa sa karanasan niya sa paglalaro.

Para sa una niyang rebelasyon, matagumpay niyang naisip na ang pinakamahalagang bahagi ng Katimugan ng Feinan sa kasalukuyan ay ang Rocky Mountain.

Ang mga taong nakasuot ng itim na maskara ay bahagi ng Dark Clan, at ang kanilang paglusob ay pakana ng Twin Goddesse. Kung hindi, hindi lilitaw ang abandonadong kalupaan sa taas ng Rocky Mountain nang walang dahilan.

Noong una pa lang ay nagtataka na si Marvin: Paano nagawa ng Underdark Winter na magdulot ng isa na namang malaking suliranin para sa Rocku Mountain?

Lalo pa at bukod sa lugar sa dakong timong-kanluran marami pang ibang lugar kung saan maaaring dumaan ang Underdark para makaabot sa ibabaw ng lupa.

Pero sa pagkakataon na ito, ang lahat ng halimaw ay nagdesisyon na atakihin ang Rocky Mountain na para bang mayroong nagtulak sa mga ito na sa direksyon na ito magtungo.

Sa Pamamagitan ng kanyang kalkulasyon, sa tingin ni Marvin na ang Queen of Spiders ang nasa likod nito.

Bilang isa sa mga maipluwensyang tao sa Underdark, walang nakakaalam kung anong klaseng kasunduan ang mayroon ito sa Eternal Frozen Spring para atakihin ng mga Dark Specter ang Hope City!

Malinaw na hindi ito magandang balita para kay Marvin.

Ang alam lang niya ay naiinggit ang mga God sa Three Sisters, lalo na ang mga Goddess, at higit sa lahat, ang Twin Goddesses. Sadyang hindi nagpapakita sa lao ang Queen of Spiders.

Pero ngayon, mukhang ang kanilang nakikita ay hindi pa ang kabuoan ng sitwasyon.

Maaaring planado na ang lahat noong pinamunuan ni Clarke ang kanyang hukbo para atakihin ang Rocky Mountain.

At ginawa nila ang lahat ng ito para mapahina ang lakas ng Rocky Mountain. Kung hindi dahil sa pagpapamalas ng pambihirang lakas ng Three Sisters, lalo na ang makayanig mundong lakas na pinakita ni Jessica, maaaring bumagsak na ang Rocky Mountain.

At syempre, nakatulong rin na naroon si Marvin.

Sa madaling salita, sa mga susunod na aaw, kahit na malutas ni Marvin ang problema sa Eternal Frozen Spring, hindi pa rin matatahimik ang Hopy City!

Pinapangalagaan ng Plane ang Three Sister, pero siguradong maiinggit dito ang iba.

Marahil sa pananaw ng mga God, mas mahalagang madispatya ang mga ito kesa sa pagdispatya nila kay Marvin.

Maaaring handa silang makipagkompormiso sa iba, basta madispatya nila ang mga Fate Sorceress!

Marahil ito ang tunay na iniisip ng mga New God.

Wala naman magawa si Marvin kundi pilit na ngumiti.

Maituturing na siya ngayon na kalahating Fate Sorcerer. Siguradong isa itong bagay na hindi niya magagawang panatilihing nakatago, kaya maaaring punteryahin rin siya ng mga New God.

Lalo na at pinasabog niya ang God Realm ng Shadow Prince at pinatay niya ang DArkPhoenix…. Doon pa lang ay sapat na para hindi mapakali ang mga God.

Dahil sa magkakalaban sila, patuloy na haharapin ni Marvin ang mga ito.

Pinili nilang subukan na makapasok sa depensa ng Rocky Mountain, kaya siguradon kakalabanin ni Marvin ang lahat ng magtatangkang umagaw sa lugar na ito.

Mabilis na lumipas ang oras. Sa isang iglap, apat na araw na agad ang lumipas.

Sa kasalukuyang sitwasyon nila, mahalaga ang bawat minute. Bukod sa hindi na mapakali si Marvin, nag-aalala na rin si Jessica dahil napapalibutan na ang Hope City.

Pero alam nila na kung hindi sila magtatagumpay na makakuha ng miyembro sa Underdark United Council, siguradong itatapon lang nilang dalawa ang kanilang buhay kapag hinarap na nila ang Final Ghost Mother.

Kailangan nilang makipagsanib pwersa sa Council para mapatay ang nakakatakot na nilalang na nasa Eternal Frozen Spring!

Pero nang bumalik si Raven, mayroon itong dalang mabuti at masamang balita.

Ang magandang balita, talagang nagawa na niyang maging secondary member ng Underdark United Council at nakapagtanong-tanong na tungkol sa grupo ng mga Legend. Ang masamang balita…

Palihim nang nakaalis ang grupo ng mga Legend isang linggo na ang nakakalipas!

"Nagkalat ng mga maling balita ang Council noon. Ngayon ko lang ito nabalitaan, palihim na ginawa ang lahat," mabilis na paliwanag ni Raven. "Makakarating na sila sa Andes Snow Mountain sa loob ng tatlong araw para atakihin ang Eternal Frozen Spring…"

Tiningnan ni Marvin si Jessica at nakita ang kawalan ng pag-asa nito.

Kay tagal nilang hinintay ang impormasyon na ito.

Ang Underdark ay isang kumplikadong lugar. Kahit na pambihira ang bilis ng dalawang Legend na ito, gustuhin man nilang humabol sa grupo ng mga Legend na iyon ay imposbile na ito.

"Ibig mong sabihin wala na akong ibang magagawa kundi magtiwala sa grupo ng mga Underdark Race para patayin ang isang nakakatakot na halimaw?" Masama ang timpla ni Jessica.

Walang magawa si Raven sa sitwasyon na iyon.

Saglit na nag-isip si Marvin bago mabilis na sinabing, "Ibigay mo muna sa akin lahat ng impormasyon."

"Makakagawa ka ba ba ng karagdagang utos mula sa Council? Na sinasabing ako at si Jessica ay karagdagang pwersa na ipapadala ng Council para tumulong…?"

Tiningnan ni Raven si Marvin nang magpag-aalinlangan. "Posible naman, dahil madali lang naman gumawa ng lihim na kautusan, dahil sa posisyon ko. Pero hindi ba imposible nang makahabol pa kayo sa kanila, Master?"

Ngumiti si Marvin at kampanteng sinabing, "Ako na ang bahala."

"Gaano katagal bago mo magawa ang lihim na kautusan?"

Saglit na nag-isip si Raven at saka itong sumagot, "Isang oras"

Humarap si Marvin kay Jessica, "Magkita tayo sa kanlurang gate ng stronghold sa loob ng isang oras."

Sumimangot si Jessica. "Walang kahit anong Teleportation Array o wormhole na malapit sa Andes Snow Mountain na mamagamit natin para makarating doon.

Tumango si Marvin at sumagot, "Tama."

"Pero kampante pa rin ako na makakahabol tayo sa kanila sa loob ng tatlong araw."

"Sa [Deep River] tayo dadaan."

Nang marinig ito, biglang kinilabutan at namutla si Raven!