webnovel

Great Devil Head

Editor: LiberReverieGroup

Sa isang malawak na espasyo sa kagubatan na nasisinagan ng liwanag ng buwan.

Magakaharap na ang magkabilang panig.

Mag-isa lang si Marvin habang may apat pang kasama si Toshiroya!

"Talagang matapang ka!" Sabi ni Toshiroya habang nagngangalit ang mga ngipin nito.

"Ang lakas ng loob mong lumabas nang mag-isa?"

Isa rin siyang 2nd rank expert, at sa isang tingin lang ay napansin niyang mas mababa ang level ni Marvin kumpara sa kanya.

"Pero hindi ko inaasahan na napakahusay mo sa pakikipaglaban. Walang kwenta 'yong nagbigay ng impormasyon sa akin tungkol sayo." Sabi ni Toshiroya.

"Sabi sa akin ng inutil na 'yon na ni wala raw lakas para pumatay ng manok si Baron Marvin." Dagdag pa nito.

"Sumosobra na ata ang panghihimasok mo," seryosong sagot ni Marvin. "Sa totoo lang nagulat ako. Bakit ka pa nag-abalang magdala ng malaking pwersa para sa isang maliit na lugar gaya ng White River Valley?"

Umirap lang si Toshiroya at ngumisi, "Saka ko na sasabihin sayo kapag bangkay ka na."

"Patayin niyo siya!"

Pagkabigay niya ng utos ay agad na pinalibutan ng apat na tauhan nito si Marvin!

Dalawang 2nd rank na Fighter at dalawang Wasteland Warriro Barbarian!

Napapalibutan na ng mga ito si Marvin.

Tumabi naman si Toshiroya sa isang tabi habang hawak ang kanyang espada.

Naging maingat siya. Kahit na isang 2nd rank class holder lang si Marvin, hindi pwedeng maliitin ang kanyang assassination skill.

Nanatiling mahinahon si Marvin habang kaharap ang apat na Fighter na pasugod sa kanya.

Hindi siya tumakbo, sa halip sumugod rin siya papalapit sa mga ito!

"Ha!"

"Hmf!"

Isa-isang nakapwesto ang mga Figher para palibutan si Marvin, walang habas nilang iwinasiwas ang kanilang mga sandata kay Marvin.

Hindi inasahan ng mga ito na biglang magdidilim ang kanilang paligid!

Mayroong namang liwanag ng buwan kani-kanina lang bago sila balutin ng kadiliman.

[Eternal Night]

Gumulong papalayo sa kanilang mga atake si Marvin!

Saka naman umatake ang dalawang Phantom Assassin na nagtatago sa magkabilang gilid!

[Desperate Strike!]

Tumama ang paehong Desperate Strike sa mga Barbarian.

Nakakatakot sa taas ang HP ng mga Barbarian. At kahit na may kalakasan si Marvin tuwing gabi, mahihirapan pa rin si Marvin na kalabanin ang isang nilalang na may mataas na HP.

Mas naging madali na ang laban.

Habang gulat na gulat si Toshiroya sa kanyang nakita, pumasok si Marvin sa loob ng Eternal Night at agad na inatake ang dalawang Barbarian hanggang sa mamatay ang mga ito.

Kasama na rito ang dalawang Fighter na sinindak niya gamit ang kanyang Arcane Missiles.

Sa isang iglap, apat na buhay kaagad ang nawala!

At habang papalabas si Marvin ng Eternal Night, tulirong-tuliro na si Toshiroya.

Sadyang ngayon lang siya nakakita ng ganito!

Umatras na ang dalawang Phantom Assassin habang inaalalayan ang isa't isa. Tulad noong nakaraan, nanghihina na ang mga ito. Kaya naman iniwan na muna nila si Marvin.

Apat na bangkay ang nakahandusay sa lapag. Nasisinagan ng liwanag ng buwan ang mga ito at makikitang wala nang kabuhay-buhay ang mga ito.

Lumabas si Marvin sa Eternal Night na tila isang tunay na Night Devil King. Napaka-arogante at kahanga-hanga.

Mahinahon lang ang kanyang mukha, pero tinitigan niya si Toshiroya na tila isang dagang naligaw sa lungga ng isang sawa.

Sa gulat ni Toshiroya, tumakbo ito!

Talagang mahal ng lalaking ito ang kanyang buhay!

Ngumisi si Marvin at biglang binilisan ang kanyang takbo at hinabol ito!

Mga Night Walker, mga Night Walker.

Ang mga taong naglalakad sa dilim ng gabi, Mas mabilis ang takbo ni Marvin tuwing gabi, at dahil suot pa niya ang Thunder Fairy Boots, walang kahirap-hirap niyang naabutan si Toshiroya!

Nang biglang lumingon si Toshiroya, iwinawasiwas nito ang kanyang greatsword habang may mabangis na itsura sa kanyang mukha!

2nd rank Sword Skill – [Windsword's dance]!

Ayun pala, mayroong itong binabalak!

Pero… ang mga taktikang ito ay hindi sasapat para kalabanin si Marvin.

Ang attack power ng isang two-handed greatsword ang kalakasan nito. Habang ang kahinaan naman nito ay ang attack speed nito.

Nanliit ang mga mata ni Marvin at biglang siyang gumamit ng Burst, direkta naman siyang bumangga sa dibdib ni Toshiroya!

Sa mga susunod na sandali, ibinato niya ang kanyang curved dagger at ginampas ang braso ni Toshiroya.

Nakaramdam lang ng matalas na pananakit si Toshiroya sa kanyang braso at agad na nanlambot ang kanyang mga kamay.

Mabigat ang two-handed greatsword. Hinampas ito ni Marvin kaya naman bumagsak ito sa lupa!

[Edge Snatch]!

Sa wakas ay nagamit na niya ang skill na natutunan niya sa Elven Prince na si Ivan.

Mabilis naman ang naging reaksyon ni Toshiroya, agad niyang sinubukang damputin ang kanyang two-handed greatsword, pero biglang may aninong pumulupot sa kanyang leeg!

Nanigas ang kanyang katawan. Hindi siya makagalaw kahit kaunti.

"Ano ito…" Napuno ng takot ang mukha ni Toshiroya!

Dahil nakita niya mismo na tila na nagiging hangin na lang si Marvin, nagiging lupon ng anino na lang ang kanyang buong katawan!

Ang Shadow-shape ng Shapeshift Sorcerer!

...

Pagkatapos umepekto ng Edge Snatch, agad naman nag-Shapshift si Marvin sa Shadow-shape.

Kakaibang Sorcerer class ang Shapefshift Sorcerer. Hindi ito mukhang isang ordinaryong caster Sorcerer, at pakiramdam din ni Marvin mas gumagamit ito ng melee fighting sa pakikipaglaban!

Katulad na lang ng Beast-shape, napakabangis ng Asuran Bear Shapeshift, hindi lang sa melee fight kundi pati na rin sa defensive strength.

Ang kahinaan lang ng ASuran Bear ay ang kakulangan nito sa Dexterity, pati na ang medyo matagal nitong shapeshifting cast time.

Para naman sa Shadow-shape, kakaunti lang rin ang mga spell nito.

Matapos gamitin ng Shapeshift Srocerer ang Shadow-shape, makakaranas ang katawan nito ng isang uri ng hal-immaterial state!

Mangangalahati ang mga pisikal na damage, at mababawasan din ng kalahati ang mga magic damage!

Mayroon rin itong apat na spell.

Nagamit na ni Marvin ang unang spell nito, isang instant 1st-circle spell, ang [Shadow Bind]!

[Shadow Bind]: Maaari mong gamitin ang anino sa kahit saang lugar para igapos ang iyong kalaban!

Walang kahit anong puwang ang paggapos na ito. Leeg, kamay at paa, ulo, lahat ng ito ay maigagapos ng isang makapangyarihang epekto ng spell!

Maliban na lang kung makakawala rito gamit ang mabagsik na lakas, o gamitan ng isang spell na mayroong dispel effect, isang bangunot para ang Shadow Bind para sa mga melee class.

Tulad na lang ng takot na takot na si Toshiroya.

Hindi niya mapagalaw ang kanyang katawan!

Konektado ang epekto ng Shadow Bind sa dami ng anino sa paligid. Kaya naman tuwing gabi, nakakagawa ito ng patong-patong na aninong gumagapos kay Toshiroya.

Sa tantya ni Marvin, tanging mga 2nd rank melee class holder na mayroong 22 o higit pang Strength ang makakawala dito.

At malinaw naman na hindi ganoon kataas ang Strength ni Toshiroya.

"Ikaw… Ano bang gusto mo?" Nagngalit ang mga ngipin ni Toshiroya at nagtanong. "Marami akong pera, at ang tatay ko ay City Lord ng Cold Water City sa hilaga. Kaya kong ibigay ano mang gusto mo."

"Maniwala ka sa akin, mas marami kang makukuha kapag hinayaan mo kong mabuhay kesa kapag pinatay mo ako!"

Inikutan siya ni Marvin at wala itong sinabi, nang biglang may lumitaw na malaking kamay.

Napakaraming [Shadow Arrow] ang pinakawalan, tinamaan ang ilang uwak na namamahinga sa kalapit na sanga.

"Anong maibibigay mo sa akin?" Isang ngiting ang makikita sa mukha ni Marvin.

"Paano nangyari 'yon!"

Galit na pinalo ni Madeline ang kanyang bolang krystal. Pinapanuod niya si Marvin at nagulat siya nang makita ni Marvin ang kanyang mga monitoring crow!

Tila gusto na niyang siya na mismo ang tumungo sa kagubatan.

Pero hindi nagtagal, huminahon na rin ito. Mas mahalaga pa rin sa kanya ang tungkol sa Magic Holy Grail.

Kaya ayaw niyang galitin si Marvin.

"Hmph, mabahong lalaki!"

"Mukhang magiging nakakabagot ang gabi ito."

Itinulak papalayo ni Madeline ang kanayng bolang krystal at dahan-dahang tumayo. Saglit siyang nagdalawang-isip at biglang iwinagayway ang kanyang daliri.

Pumutok ang isa sa anim na lobo sa pader.

Hindi nagtagal matapos pumutok ang lobo, isang dalagang dilaw ang buhok ang pumasok sa kanyang kwarto.

Nakahubad ang dalagang ito, at walang suot na kahit ano. May hawak itong latigo sa kanyang mga kamay.

Nanginig sa takot ang mga pilik-mata nito. Halos maluha ang mga mata nito.

Lumapit ito kay Madeline at lumuhod saka inabot ang latigo kay Madeline.

"Master, parusahan niyo po ako…"

Tumawa namang si Madeline, "Hindi tayo maglalaro nito ngayong gabi."

Kinuha niya ang latigo at itinapon, ngumiti ito, "May bago akong naimbentong skill sa paglalaro noong mga nakaraang araw."

"Medyo masakit pero kapag kinaya mo, mapapasaya ka ng todo-todo."

Sa sunod na sandal, tinulak niya ang dalawa sa lapag.

Habang takot na nanunod ang babae, biglang lumitaw ang apoy mula sa kawalan, na agad na nagpa-init sa kwarto.

Agad na nasunog ang damit ni Madeline. Nginitian niya ang dalaga habang nasa loob ng apoy.

Natakpan ng kanyang mahaba at kulay lilang buhok ang isang payat na bunton na bahagyang makikita.

Di nagtagal, maririnig ang mga ungol ng sakit at tuwa mula sa mga apoy.

"Maaari ka nang magsalita"

Matapos patayin ang mga monitoring crow, itinali na nito si Toshiroya sa isang puno.

"Bakit gusto mo kong pabagsakin?"

Tinitigan niya ang mga mata ni Toshiroya.

.

"Ipangako mo munang hindi mo ko sasaktan. At mangako ka sa mga Ancient Nature God," kabadong sinabi ni Toshiroya.

"Alam kong isa kang Ranger, kaya kapag hindi mo tinupad ang pangako mo sa Ancient Nature God, kahit na mayroon kang Nature Leaf, hindi ka na matututo ng mga Divine Spell."

Matapos bumalik sa dati niyang anyo, ngumisi si Marvin, "Sa tingin mo ba nasa posisyon ka pa para magbigay ng mga kondisyon?"

"Sa ayaw o sa gusto mo, papatayin kita kapag hindi ka nagsalita!"

Idiniin ni Marvin sa leeg nito ang kanyang curved dagger. Tumulo ang pawis mula sa noo ni Toshiroya.

"Magsalita ka!"

Sa huli, mas mataas pa rin ang willpower ni Marvin.

Napalunok ito at nauutal na sinabing, "Dahil sa kayamanan!"

"Kayamanan?" Ngumisi si Marvin, "Saan naman magkakaroon ng kayamanan sa isang mahirap na rehiyon gaya ng White River Valley."

"Hindi mo lang alam ang tungkol dito," paliwanag ni Toshiroya, "aksidente kong nahanap ang isang mapa noong naglalakbay ako mula hilaga patungong timog."

"Makikita ang kayamanan na nakalagay sa mapa sa ilalim ng palasyo mo, baka hindi mo lang alam.."

"Ilalim ng palasyo?" Nagulat si Marvin.

'Hindi kaya doon sa lihim na lagusan?'

Ang kayamanang paulit-ulit na nababanggit, nasa likod kaya ng malaking batong 'yon?

Sobrang kakaiba ang lihim na lagusang 'yon. Nakarinig si Marvin ng isang makasaysayang kantang nasa lenggwahe ng mga Anzed doon!

Biglang naging alerto ang buong katawan niya nang marinig ito.

Kayamanan kaya ang bagay na 'yon?

"Ibigay mo sa akin ang mapa." Utos ni Marvin.

"Sa kaliwang bulsa ko," mabait na sabi ni Toshiroya.

Makikita pa rin sa mata nito ang pag-asa, "Inaamin ko, mali ang mga ginawa ko. Kahit pa gaano kalaking halaga ng pera ang gusto mo, makukuha mo!"

"Basta wag mo lang akong papatayin."

Pero sa mga oras na 'yon, nabuksan na ni Marvin ang mapa.

Ang una niyang nakita ay isang mabagsik na larawan.

Isang Great Devil Head!