webnovel

Fate Tablet!

Editor: LiberReverieGroup

Dinurog ng isang tao ang puso ng isang makapangyarihang Dragon na anak ng isang god. Matapos madurog ang pinagmumulan ng kapangyarihan nito, hindi na ito muling mabubuhay.

Tuluyan nang napira-piraso ang tusong si Clarkson.

Ang malaking butas sa silangang bahagi ng Rocky Moutain ay nagmukhang isang pinggan, at ang Black Dragon na si Clarkson ang pagkaing hinain!

Ang kabuoan ng Hope City, hindi, ng buong Rocku Mountain ang natahimik.

Tinitingnan ng lahat ang taong may bumabalot na iba't ibang kulay ng liwanag sa kanyang katawan.

Mukha siyang payat at matangkad, pero dahil sa liwanag, nagmukha itong isang diyos.

Dragon Slayer Robin, hindi magtatagal at siguradong kakalat sa buong Feinan ang pangalan na ito!

Siguradong kakalat rin ang kanyang nakakamanghang mga skill na ibang-iba sa mga pangkaraniwang Dragon Slayer.

Pinira-piraso niya ang Black Dragon!

Kahit ilang mga god ay hindi kayang gawin 'yon.

Pero si Marvin, sa tulong ni Jessica at Ding, ay sapilitan itong nagawa!

Tumagal pa ng 30 segundo ang katahimikan.

Pero kasunod nito ay isang malakas na hiyawan!

Nakatayo si Marvin sa taas ng bangkay ni Clarkson, unti-unti nang nanghihina ang kanyang katawan.

Ang Luck sa kanyang logs ay unti-unti ring nabawasan at lumalam na rin paunti-unti ang liwanag ng kanyang katawan.

Isang bahagi nito ang bumalik kay Jessica habang ang iba ay nawala.

Malaking experience ang nakuha ni Marvin sa laban na ito!

Una, ang experience mula sa Black Dragon mismo ay halos umabot na sa 11000. Agad naman iong naging 22000 dahil sa bahagi siya ng Dragon race, at lalao pa itong tumaas dahil si Clarke/Clarkson ay isang variant. Sa kabuoan, halos 30000 ang experience na nakuha niya!

Ang battle experience na ito ay mahalaga dahil kailangan niyang pataasin kaagad ang kanyang Night Walker class!

Tapos mayroon pang Divinity.

Walang taglay na Divinity ang projection ng Black Dragon God, kaya naman pagkatapos itong maglaho nang suntukin niya ito, walang nakuha si Marvin mula ditto.

Pero iba si Clarkson. Bilang anak ng isang god, mayroon siyang taglay na Divinity mula sa Black Dragon God.

Ang False Vessel na binigay sa kanya ni Endless Ocean bilang regalo ay kusang hinihigop ang Divinity, kaya naman, mayroon nang tatlo si Marvin. Ang dalawa sa mga ito ay nagmula sa Black Dragon God, at ang isa ay mula sa World Ending Twin Snakes.

'Kayang maglaman ng False Vessel ng hanggang sa 5 Divinity, at hindi na ito makakakuha pa ng iabng Divinity hangga't hindi ko pa ito pinapataas.'

'Kapakipakinabang pa naman ang mga Divinity, pinapataas nito ang lahat ng Resistance, at may ilang artifact na kailangan ng Divinity.'

Tiningnan ni Marvin ang kanayng 'Divinity (3)' at masaya siya dito.

Sa katunayan, ang unang beses siyang nakatagpo ng Divinity, pagdating niya sa Feinan, ay noong nakuha niya ang daliri ng Lich sa Crimson Monastery. Pero noong mga panahong iyon, wala pa siyang False Vessel para makuha ito, kaya naman pinili niyang ialay ito. Malaking sakripisyo ito pero mayroong naman siyang nakuha kapalit nito.

Kung wala ang dalawang Phantom Assassin na tumulong sa kanya sa oras ng pangangailangan niya, baka naging mas mahirap ang pinagdaanan niya. Kaya naman alam niyang maganda naman ang kinalabasan ng sakripisyong ito.

Mayroon lang dalawang layunin si Marvin sa ngayon: ang mabilis na pataasin ang level ng Night Walker hanggang sa maabot niya ang pagiging Ruler of the Night, at ang makuha ang Source of Fire's Order.

Ang pagpapataas ng level ay kailangan ng malaking halaga ng experience kasabay ng pagkumpleto ng advancement quest. Malaking paghahanda ang kailangan para maging isang Legend, at hindi lahat ng level 20 Half-Legend ay matagumpay na nagiging isang Legend. At saka, ang kalidad at lawak ng paghahanda ng isang tao ay makaka-apekto sa lakas ng isang Legend.

Mayroon din kaunting koneksyon sa Divinity at sa [Domain] ng Legend, na pinapahalagahan ni Marvin.

Bukod dito, magdudulot ng panibagong fame kay Marvin ang pagtalo niya sa Black Dragon.

At syempre, ito ay Region Fame (Rocky Mountain).

Lalo pa at isang maliit na bahagi lang ito ng Feinan. Kung ito ay Jewel Bay o Steel City, o iba pang malalaking siyudad, baka World Fame ang makuha niya.

Malinaw naman na ang Fame ay konektado sa [Mysterious Powerhouse Robin].

Dahil dito, nakakuha na naman ng isa pang makapangyarihang pagkakakilanlan si Marvin, na gusto niyang makita. Ang pagkakaroon ng maraming pagkakakilanlan ay makakabuti para itago ang kanyang sarili lakas mula sa ibang tao.

Nadismaya lang si Marvin dahil ang usap-usapang paliligo sa Dragon Blood ay wala namang epekto!

Hindi kadalasan gumagamit ng mga spell ang mga Black Dragon. Gumamit si Clarke ng Divine Spell na ipinagkaloob sa kanya ng Black Dragon God, at ang Black Dragon Blood ay kulang sa magical na katangian, kaya naman kahit nabalot ang katawan ni Marvin sa dugo nito, bukod sa malansang amoy nito, ay wala siyang nakuhang benepisyo.

'Baka dahil sa Golden Blood, Earth Crytal, at iba pang bagay na nakapagpalakas sa akin, kaya naman nawalan na ng epekto ang paliligo sa Dragon Blood na dapat ay may kaparehong epekto. At gaya ng sabi ni Constantine, kahit na kayamanan ang katawan ng mga Dragon, kailangan pa rin dumaan ito sa maayos na proseso.'

Bumuntong-hininga si Marvin at bumaba mula sa katawan ng Dragon.

Naging maingat siya dahil baka madapa o matalisod siya. Lalo pa at nanghihina na siya.

Pero para sa lahat ng nasa Hope City, ganito lang talaga kumilos ang mga expert!

Pinanuod nila si Marvin na maglakad nang hindi gaanong mabilis o mabagal, malinaw at magaan ang bawat hakbang nito.

Tila wala lang sa kanya ang pagpira-piraso ng Black Dragon na para bang sanay na siya dito.

May ilan din na inakalang may tinatagong misteryo ang paglakad ni Marvin. Kaya naman kinabisado nila ang mga ito habang makikita ang pagsamba kay Marvin sa kanilang mga mukha.

Tanging si Marvin lang ang nakaka-alam na kaya siya ganoon maglakad ay dahil nanghihina na ang kanyang mga paa dahil sa laban.

Patay na ang Black Dragon na si Clarkson. Ang Underdark Army ay tuluyan nang nagwatak-watak.

Sinundan nila ang mga lagusan at bumalik na sila sa Underdark. At kasunod ng mga Dark Elf, na hindi maunawaan ang mga naganap, ay isang masiglang anino na palihim na pumasok sa Underdark.

Puno ng determinasyon si Raven.

Siguradong tutuparin niya ang utos ni Marvin.

….

Nagdiriwan nag lahat ng tao sa Hope City.

Pero sa loob ng palasyo ng Three Sisters, hindi kasing saya ang pakiramdam gaya sa labas.

Seryoso ang mukha ni Jessica at matindi naman ang pag-aalala naman si Lorie.

Nakahiga si Marvin sa kama, hindi makagalaw.

Dinala siya ditto ng isang Sorcerer, mula sa Demon's Hand.

Dahil unti-unti nang nawawala ang Fate Power, nagsimula nang lumabas ang matinding epekto nito.

Nadurog ang kanyang mga buto!

Bumigay ang kanyang mga laman-loob!

Pumapalya na ang kanyang katawan!

Nasa ulirat si Marvin at damang-dama niya ang sakit.

Ito ang resulta ng pag-abuso sa kapangyarihan!

Lalo pa at ang Fate Power ay hindi isang bagay na kaya niyang panghawakan.

Pero hindi pa siya ang nasa pinakamalalang sitwasyon.

Mas matindi ang pinsalang natamo ng nakahiga sa kama katabi ng sa kanya.

Unti-unti nang lumalamlam ang katawan ni Ding. Hindi na niya kayang panatilihin ang katawan.

Isang bahagi ng katawan niya ang naging bato.

Ito ang itsura ng bahagi ng Fate Tablet!

Sa isang iglap, tumigas ang kanyang katawan!

Isang nakakatako na awra ang umangat mula sa palasyo!

Sa Feinan at sa Astral Sea, nagulat ang lahat ng makapangyarihang nilalang ang god.

"Ang awra ng Fate Tablet!"

"Lumitaw ang Fate Tablet sa Feinan?!"

"Sandali… May paggalaw na nagaganap sa Universe Magic Pool!"