webnovel

Dream Divine Servant

Editor: LiberReverieGroup

Nagulat ang lahat ng nasa Sanctuary, dahil hindi sila pamilyar sa boses na ito.

Naalerto ang ilang mga sundalo.

Lumingon sila, at tanging nakita ay isang payat na lalaki na nakasuot ng sumbrerong lawlaw sa sulok.

Siya ang nagsalita.

"Captain Alexis, nandito pa ako."

Dahan-dahan siyang lumapit.

 .

Biglang nagkaroon ng kakaibang pakiramdam ang lahat.

'Siya pala…'

'Yung misteryosong lalaki na bigla na lang sumama sa grupo natin?'

'Kanina pa pala siya nandyan… Parang wala talaga siyang presensya…'

Ito ang pumasok sa isip ng mga sundalo.

Isang alaala ang idinagdag sa kanilang mga isipan, kaya naman hindi na sila gaanong nagulat sa estranghero na ito.

Lumabas si Marvin mula sa dilim nang nakangiti habang gumagamit ng kanyang Charm Spell.

Ang spell na ito ay isa sa mga innate Sorcerer spell. Ang mga Sorcerer ay mga karismatikong mga tao at kayang i-charm panandalian ang mga tao.

Lalo na ang mga ordinaryong tao.

Pero ang ilan sa mga tao ay makikita ang gulat sa kanilang mga mukha.

Kasama na dito ang Captain.

Saglit siyang natuliro bago tuluyang nalabanan ang Charm Effect.

Sumimangot siya at sinensyasan ang ibang mga sundalo na nalabanan rin ang charm na maging alisto.

Maaliwalas pa rin ang kanyang pag-iisip. Kung ang taong iyon ay kalaban nila, gagamitin nito ang oportunidad na dinulot ng kanyang charm para saktan ang kanyang mga kasama.

Pero hindi niya ito ginawa at sinabing nais nitong lumabas para sa kanila.

Saan nanggaling ang taong ito?

bahagyang kinabahan si Alexis.

"Hindi pa kita nakikitang makipaglaban." Para hindi makahalata ang mga bandido, mahinahong sumagot si Alexis.

"Wag kayong mag-alala, hindi ako matatalo." Kumindat si Marvin. Alam niyang ang pangkaraniwang Charm Spell niya ay mga ordinaryong tao lang ang maaapektuhan.

Si Alexis ay isang 4th rank expert at mataas-taas na rin ang kanyang willpower. Hindi na nakakagulat na nalabanan niya ang Charm Spell.

Pagkatapos itong sabihin, inilabas ni Marvin ang dalawang dagger at nilagpasan si Alexis.

Gusto siyang pigilan ni Alexis. Nakasalalay sa laban na ito ang mga pagkain at sandata sa Morrigan's Heart. Kahit na nararamdaman nitong walang masamang intensyon ang lalaking ito sa kanilang grupo, bilang pinuno, hindi niya dapat ito basta-basta hayaan.

Pero nang lagpasan siya ni Marvin, isang makapangyarihang awra ang agad na bumalot sa kanya!

[Domain - Slaughter]! 

Kahit na saglit lang ito tumagal, halos madurog pa rin si Alexis ng bagsik nito!

Nanigas ang kanyang katawan at hindi ito nakagalaw. Wala siyang nagawa kundi titigan si Marvin.

"Captain!"

Nagtatakang lumapit si Amo.

Ang iba pang mga kasamahan nila ay nagulat rin. Bakit hindi pinigilan ni Alexis ang taong ito?

Pero nang makalapit ang mga ito sa tabi ni Alexis, nagulat sila nang makitang ang sundalong ito, na napakaraming madugong labanan na ang pinagdaan, ay nangingnig mula ulo hanggang paa!

"Captain… Anong nangyayari?"

Ang isa sa mga sundalo ay napansing kakaiba at pipigilan n asana si Marvin, pero bigla itong hinila ni Alexis.

"Hindi na mahalaga 'yon." Namumutla ang mukha nito at makikita ang pagrespeto niya kay Marvin sa kanyang mukha, at sinabing, "Humanda kayong lumaban…"

Kinilabutan ang mga tao.

Hindi tanga si Alexis. Ano man ang kalabasan ng laban na ito, hindi lang basta-basta aalis ang mga bandidong ito.

Pero mayroon pa rin siyang itinatagong alas. Kung lalaban sila, nararamdaman niyang mapipigilan nila ang mga ito.

Kasama na ang grupo ni Senma sa kanyang plano.

Mas natatakot siya sa misteryoso at hindi nila kilalang lalaki.

'Ang pakiramdam na iyon…"

'Ang lakas ng taong iyon ay higit pa sa akin, is aba siyang Legend Powerhouse?'

Masama ang loob ni Alexis.

Hindi niya alam ang pakay ng Legend na ito, pero nauunawaan niyang kung gugustuhin ni Marvin na kalabanin sila, hindi sila mananalo!

Kaya naman, umaasa na lang siya na ang misteryosong lalaki na ito ay may mabuting kalooban.

Para naman sa grupo ng mga bandido, hindi nila alam ang nagbago sa grupo ng mga sundalo.

Personal na lumapit si Senma, balak niyang mabilis na Manalo muli.

Mahusay ang kanyang plano. Sinukat niya muna ang lakas ng pwersa ng mga sundalo, at ginait ang kanilang item para masungkit ang panalo sa huling sandali.

Dalawa ang item na ibinigay ng taong iyon sa kanila: Isang pendant na gagawa ng isang Divine Armor na hindi kayang sirain kahit ng isang 4th rank at isang magic scroll na hawak niya, n mabilis na didispatyahin ang sino mang mas mababa sa Legend rank.

Nagdesisyon siyang gamitin na gmga item na ito para makuha ang Morrigan's Heart.

At gaya ng inaasahan, ang kanyang pinakamalakas na tauhan ay napilitang gamitin ang pendant para manalo sa unang dwelo.

Hindi man natuwa si Senma sa biglaang paggamit ng Fighter sa item na ito, alam niya na hindi sila maaaring mag-away sa ngayon.

Kailangan niya munang tapusin ang mga tao ng Sanctuary at makuha ang Morrigan's Heart. Sa ganoong paraan, patuloy silang susuportahan ng taong nag-utos sa kanila.

Naniniwala siyang basta mapatay niya si Alexis, mapapasakamay na niya ang Morrigan's Heart.

Kahit na may kapansanan ang lalaking ito, mataas ang katayuan niya sa grupong ito. At kapag namatay siya, panghihinaan ng loob ang mga ito, at mgagamit nila ang pagkakataon na ito para umatake.

Hindi naman nila inakalang may isang bagay na hindi nila inaasahang darating.

Si Alexis na kilala bilang pinakamalakas sa mga ito, ay hindi kumilos. Sa halip, isang lalaking may suot ng luma at tila kakaibang sombrero ang lalaban.

May hawak itong dalawang dagger, napakalumanay ng mga hakbang nito. Tila may pagkakapareho ito kay Amo.

'Isa pang Ranger?'

Tiningnan ni Senma nang kakaiba si Alexis at inisip, 'Hindi siya ang mismo lalaban kahit napakahalaga ng laban na ito?'

Sinubukan niyang basahin ang iniisip ni Alexis.

Sa kasamaang palad, walang reaksyon ang Captain at walang napansing mali si Senma.

Base sa kanyang Perception, ang lalaking nasa harap niya ay isang 3rd o 4th rank. Hindi niya ito malinaw na masabi dahil siguro ay may item na pumipigil sa kanyang perception.

Si Senma ay isang experts Swordsman at kilala siya bilang sikat na mersinaryo sa Norte.

Nang magsalubong ang dalawa, hindi sila nagsalita at agaw na umaksyon.

Napigil ang paghinga ng mga bandidong umuukopa sa Morrigan's Heart at pinanuod ang laban na magdedesisyon ng kapalaran ng magkabilang panig.

Pero hindi nila naisip na nang magsimula ang laban, ay agad rin itong matatapos!

Kasing bilis ng kidlat ang kilos ni Marvin nang gamitin niya ang Night Bounday para agad na mapunta sa tabi ni Senma

Ang kanyang mga dagger ay nasa harapan na agad ni Senma kasabay ng pag-alingawngaw ng kanyang boses sa tenga ni Senma.

"Talo ka na," mahinahong sabi ni Marvin.

Naghiyawan ang lahat.

Tila nahilo si Senma!

"Paano nangyari ito?"

"Ito.."

Ni hindi niya nagawang makaiwas o makalaban bago mapasakamay ng kanyang kalaban ang kanyang buhay!

Nanigas siya at naging blanko ang reaksyon.

Nagulat rin ang mga tao sa panig ng Sanctuary

Ganito kalakas ang misteryosong lalaki?!

Kung gayon bakit nanatili lang ito sa gilid at hinayaan silang harapin ang mga halimaw na ito?

Kahit si Alexis na mayroong kutob tungkol sa mga bagay-bagay ay nagulat pa rin.

Sa kanyang pananaw, napakabilis na ni Amo, pero ni hindi niya nakita ang pagkilos ni Marvin!

Dwelo? Walang kalaban-laban ang kanyang kalaban!

Naging kakaiba ang pakiramdam sa paligid.

Gulat na gulat ang mga bandido, at ang ilan ay natulala na lang. Hawak na agad ng lalaking ito ang buhay ng kanilang pinuno.

Hindi nila ito lubos maisip.

Kung mayroon man sa kanilang bumalik sa ulirat, iyon ay si Senma, na hawak ni Marvin.

Gumalaw ang kanang kamay nito, pero bago pa man nito matapos ang gagawin, hinampas ito sa ulo!

"Bam!"

Isang scrool na bahagyang nagliliwanag mula sa Divine light ang nahulog mula sa manggas nito.

Namutla si Senma.

Hindi niya lubos maisip ang bilis ng reaksyon at husay ng taong ito

'Legend!' Saglit siyang natulala bago pumasok ang salitang ito sa kanyang isipan.

Nabalot siya ng malamig na pawis nang mapagtanto niya ito. Bahagya pa rin itong naguguluhan at hindi niya naintindihan ang sinabi sa kanya ni Marvin nang alisin nito ang dagger at damputin ang scroll na nasa sahig.

"Hoy."

Tinaas ni Marvin ang kanyang boses habang nilalaro ang scroll sa kanyang kamay. "Sinong nagbigay sayo nito?"

Natuliro si Senma.

Hindi na mapakali ang mga bandidong nasa likuran niya.

Naguguluhan pa rin sila, pero dahil dehado na ang kanilang pinuno, agad nilang pinalibutan ang mga ito.

Habang ang mga sundalo naman ay handa na rin lumaban.

Tumindi na ang sitwasyon.

Pero mahinahon pa rin si Marvin.

Normal lang ito. Walang gaanong pakielam ang mga taong tulad niya sa maliliit na detalye gaya nito lalo pa at kaya niyang durugin ang kanyang mga kalaban.

"Huling beses ko nang itatanong sayo, sinong nagbigay sayo nito?"

Muli na namang tinutok ni Marvin ang kanyang curved dagger sa leeg ni Senma.

Kinilabutan naman ito at mabilis na sumagot, "Hindi… Hindi ko siya kilala 'yung babae…"

"Babae?"

Napansin ni Marvin ang sinabi nito.

"Hoy! Panalo ka na, pakawalan mon a ang boss namin!"

Malinaw na hindi nauuwanaan ng Fighter, na nanalo sa unang dwelo dahil sa paggamit ng Divine Armor, ang sitwasyon at tila naghahanap ito ng gulo.

Tinitigan lang siya ni Marvin at sinabing, "Ititigil muna ang kompetisyon, at kapag hindi nasagot ang tanong ko, papatayin ko kayon lahat."

Pero ang matipuno at walang kamalay-malay na lalaki ay sumagot, "Subukan mo la…"

Naputol ang sinasabi nito kasabay ng pagkaputol ng kanyang ulo.

Dumanak ang dugo mula sa leeg nito kasabay ng pagbagsak ng uli nito sa lupa, nanatili namang nakatayo ang walang ulong katawan nito.

Nakatayo pa rin sa harap ni Senma si Marvin, at makikita ang dugo ng matipunong lalaki sa mga dagger ni Marvin.

Sa pagkakataong ito, natahimik ang buong kapaligiran.

Muli na namang natigilan ang mga bandido. Isang pambihirang expert ang lalaking ito!

Lubos namang natuwa ang mga tao ng Morrigan's Heart.

Halos mawalan na sila ng pag-asa dahil sa mga bandido. Hindi naman nila inakalang, darating ang misteryosong lalaki na ito para pigilan ito.

Tanging sina Alexis lang at ilan pang iba ang komplikado ang naging reaksyon.

Hindi nila alam kung ano ang pakay ng expert. Bigla na lang itong lumitaw mula sa kawalan, at siguradong hindi lang ito para tulungan sila, hindi ba?

'Sana hindi siya humingi ng malaking kapalit…'

Bahagyang nag-aalala si Alexis.

Sa kanyang tabi, malalim na nag-iisip si Amo.

Pakiramdam niya ay pamilyar ang likod na ito.

Naging kakaiba ang pakiramdam sa kapaligiran.

Takot na takot ang mga bandido, habang si Senma naman ay pawis na pawis, at sinusubukang magsalita.

Tiningnan ni Marvin ang scroll sa kanyang kamay at nag-isip.

Kung hindi siya nagkakamali, isa itong high level [Divine Punishment] scroll.

Ang God's Punishment ay isang napakalakas na class ng spell.

Hindi naman na niya kailangan pang malaman kung anong klaseng Divine Punishement ang nasa loob.

Ang ganitong uri ng scroll ay paubos nab ago ang Great Calamity.

Maaari lang itong gawin ng isang High God Priest at kakailanganin nito ng napakalaking halaga ng Divine Power.

Sa paglitaw ng scroll na ito dito, at ang Divine Armor kanina, napagtanto ni Marvin na mayroon nang mga kinatawan ng mga God na umabot sa Feinan.

Hindi naman ganoon karami ang mga ito dahil mapipigilan pa rin sila ng presensya ng Universe Magic Pool kahit pa mahina na ito.

Kaya naman, kung gustong bumuo nito ng pwersa, kakailanganin nitong akitin ang mga tao.

Kahit paano ay nauunawaan na ng mga God ang Feinan.

Isinama na ng Great Elven King at si Eric, na hindi takot mamatay, sa hukay ang ilan sa mga God. At ang makapangyarihang Dark Phoenix ay napatay na ni Marvin habang nag-a-ascend ito.

Bago makapag-descend sa Feinan ang mga pangunahng katawan ng mga God, isa pa rin sa pinakamalalakas sa mundong ito ang mga Powerhouse.

Ang isang Divine Servant na mapapadpad sa Feinan ay maaaring mapalibutan at mapatay ng ilang mga Legend. Lalo pa at nagtutulong-tulong ang mga Legend laban sa mga God.

Kaya naman, pinili ng isang ito na maging maingat at suportahan ang bandidong grupo ng Dream Scorpion nang palihim.

Pero minalas siya, dahil nakasalamuha niya si Marvin.

"Sasabihin ko sayo ang lahat." Sabi ni Senma matapos ang mahabang pag-iisip, "Sa isang kondisyon."

Tumango si Marvin.

"Hayaan mong maka-alis ang mga kapatid ko," malakas na sabi nito.

Napukaw ang damdamin ng mga bandido.

Pero kasabay nito, isang boses ang umalingawngaw sa isipan ni Marvin. "Kailangan mo silang patayin lahat, kung hindi, malalaman ng babaeng iyon na nagsabi ako ng impormasyon. Isa pa, kailangan mong siguruhin sa akin ang kaligtasan ko. Pagkatapos kong sabihin sayo ang nalalaman ko, kailangan mo kong pakawalan, at kumuha ng kaunting pagkain at mga sandata."

Ngumisi si Marvin.

Mayroong Mind Communication ang lalaking ito.

Tiningnan niya ang mga tao. Ang mga taong ito ay mga criminal at may bahid ng dugo ng mga inosenteng tao ang kanilang mga kamay, kaya walang problema kay Marvin ang pagpatay sa mga ito.

Kaya naman tumango siya.

Agad na huminahon si Senma at iwinagayway ang kanyang kamay.

Agad na kumalat ang grupo.

Ito ang kanilang lihim na senyas, pagkatapos umatras, magtitipon-tipon sila sa isang lokasyon.

Pagkatapos umalis ng mga bandido, tiningnan ni Senma si Marvin at sinabing, "Ambella ang tawag sa kanya."

"Sinasabi niyang isa siyang Servant ng Dream God at mayroon siyang mga pambihirang abilidad…"

"Kaya niyang manipulahin ang mga panaginio!"

"Sa katunayan, kaya ka niyang patayin habang natutulog ka!"