___
Prayer -> Wish
Fairy Turin -> Pixies
___
Pixie's Wish!
Ito ang pinakakakaiba sa lahat ng Wish Skill.
Noong unang panahon, mayroong magandang sibilisasyon na mga Pixie.
Pero may isang katnagian ang race na ito; lahat sila'y mapagbiro. Marahil ito ang dahilan kung bakit maikling panahon lang sila lumabas sa kasaysayan.
Sila ang may hawak ng kanluran sa loob ng maikling panahon bago ito nasira.
Ang tanging naiwan lang ay ang 49 Rings of Wishes ng mga Pixie.
Bawat isang Ring of Wishes ay may dalawang spell na kasama, isang 1st-circle spell, at isang 3rd-circle spell!
Iba-iba ang 1st-circle spell sa bawat singsing, pero pare-pareho ang 3rd-circle spell ng mga ito.
At 'yon ang Pixie's Wish.
…
Hinawakan ni Marvin ang singising sa kanyang palad, dahan-dahan niyang binigkas ang incantation na lumitaw sa harap niya.
Ito ang lenggwahe ng mga Pixie. Kahit na kakaunti lang ang alam na salita ni Marvin, kayang basahin ni Hathaway ang lenggwaheng ito. Binasa niya ito ng malakas at pagkatapos nito sinundan na ito ni Marvin.
Di nagtagal, isang pambihirang liwanag ang lumabas mula sa Ring of Wishes!
Nagsama-sama ang liwanag at naging hugis fairy sa ere.
May kakaibing ngiti ang makikita sa labi nito habang tinitingan si Marvin, habang may namumuong dalawang pinto sa likod nito.
Isang kulay itim, at isang kulay puti.
Ito ang itura ng mga Pixie..
"Ang sino mang may kahilingan ay makakatanggap nito mula sa mga Pixie."
"Pero pabago-bago ang tadhana."
Mayroong dalawang pinto sa aking likuran pero isa lang ang maaari mong buksan."
"Ikaw na may hawak ng Ring of Wishes, alin ang gusto mong buksan?"
Nakangiti ang Pixie habang nakatingin ito kay Marvin.
Tiningan ni Marvin si Hathaway, pero umiling lang ito dahil hindi rin nito alam.
Ganito ang katangian ng Pixie's Wish upang walang paraan ang gumagamit na malaman kung ano ang nasa likuran ng mga pinto.
Walang kahit anong paraan si Marvin para malaman kung ano ang nasalikuran ng dalawang pinto kaya naman basta na lang siyang pumili ng isa.
"Yung kulay putting pinto," sabi ni Marvin.
Kumurap ang Pixie, "Sana'y swertehin ka."
Sa sumunod na sandal, bumukas ang kulay putting pinto. Kasabay nito, naglaho naman ang pintong kulay itim!
Isang malakas na hangin ang umihip!
Isang malakas na boses ang umalingawngaw sa tuktok ng Ashes Tower, "Sinong gumambala sa aking pagtulog? Pipira-pirasuhin ko ang taong 'yon!"
Nagbago ang mukha ni Marvin!
Isang malaking kamay ang lumabas mula sa puting pinto, papunta ito kay Hathawat at Marvin.
Agad na tinangay ng malakas na hangin si Marvin at humampas ito sa pader!
Naramdaman niya ang sakit sa buong katawan niya habang bahagyang nagdidilim ang kanyang paningin, halos mawalan na siya ng malay!
"Pucha! Anong nilalang baa ng na-summon ko?!"
Dumura ng dugo si Marvin.
Minalas siya.
Kadalasan, maganda naman ang resulta ng Pixie's Wish.
Si Hathaway na nakatayo pa rin sa parehong lugar ay sumagot, "Isang batang Djiin."
Hindi makapaniwala si MArvn.
Isa itong nilalang na mula sa Astaral Plane at di hamak na mas malakas kumpara sa Asuran Bear!
Mabuti na lang at kasama niya si Hathaway nang ma-summon ito.
Walang binatbat ang isang Djiin sa isang Half-Legend!
Itinaas ni Hathaway ang kanyang kamay at mabilis na sinabing [Shrink]!
Biglang lumiit ang katawan ng Djiin. Agad na lumabas mula sa pinto sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Wish at bumagsak sa sahig.
"Magpapaka-arogante ka pa bas a loob ng teritoryo ko?" Sabi ni Hathaway habang may nakakatakot na ngiti sa kanyang mukha.
Ilang saglit pa, ang 19 na spell na nakapaloob sa pinakataass na palapag ay nagliwanag!
Agad na nakaramdam ng hilo si Marvin habang bumaha ng malaking bilang ng chaos at arcane magic sa tuktok ng Ashes Tower. Lalo pa siyang naidiin sa pader ng isang malakas na pwersa. Isang galaw lang nito at hindi na siya makakilos.
Sadyang nakakalungkot!
Damang-dama ni Marvin na wala siyang magawa.
...
Paglipas ng kalahating minute, napakagulo na ng palapag na 'yon.
Tiningnan ni Hathaway si Marvin at inasar, "At tinatawag mo ang sarili mong lalaki? Napakamalas naman."
Pilit na ngumiti si Marvin.
Anong kinalaman ng pagiging lalaki niya sa swerte?
"Bilang Seer, kahit papaano'y dapat malakas ang 'yong swerte, hindiba?" Kakaiba ang tingin ni Hathaway kay Marvin.
Hindi alam ni Marvin kung anong isasagot. Mabuti na lang at hindi na ito gaanong pinansin ni Hathaway.
Itinaas niya ang isang maliit na bato at ipinakita kay Marvin saka sinabing, "Akin na ang kanang kamay mo!"
Hmm?
Hindi maintindihan ni Marvin ang nangyayari pero sumunod pa rin ito.
Naglabas si Hathaway ng pilak na kutsilyo at hiniwa ang palay ni Marvin.
Dama ni Marvin ang sakit sa kanyang kamay, pero hindi tumigil si Hathaway, idiniin nito ang bato sa palad ni Marvin.
Saka ito nagbigkas ng napakahabang incantation!
Kahit na hindi alam ni Marvin kung anong ginagawa nito, alam niyang hindi niya ito pwede istorbhin.
Paglipas ng tatlong minute, natapos na rin ang incantation.
Makikita ang pagod sa mukha ni Hathaway.
"Ito ang regalo ko sayo. Hindi 'yan basta-basta."
"Ito ang wind core na naiwan nang mamatay ang Djiin. Dahil sa epekto ng magic power, kaya na nitong gumawa ng Wind Fairy."
"Binabati kita, nakuha mo na ang unang servant mo. Kakaunti lang ang oportunidad ng mga Ranger para makakuha nito." Sabi ni Hathaway.
…
Wind Fairy? Servant?
Saglit na natigilan si Marvin bago tuluyang natuwa.
Tiningnan niya kaagad ang kanyang kanang palad. Magaling na agad ang sugat nito, at may dilaw na krus na naiwan. Napapalibutan ng bilog ang krus.
Nararamdaman niyang may isang nilalang sa kanyang palad.
"Anong kailangan kong gawin?" Wala pang karanasan sap ag-aaruga ng isang servant si Marvin.
"Wala kang kailangan gawin. Kayang humigop ng chaotic wind power ng Wind Fairy mula sa Astral plane kahit wala kang ginagawa," paliwanag ni Hathaway.
"Tingin ko magiging magandang katulong 'yan para sayo."
...
Buong puso namang pinasalamatan ni Marvin si Hathaway.
Pumalya na nga ang Pixie's Wish niya, gumamit pa ng tatlong Legend Spell si Hathaway para patayin ng Djiin, tapos sa huli, mayroon pa rin siyang nakuha.
Kahit na maliit na bagay lang ito para kay Hathaway, hinding-hindi ito malilimutan ni Marvin.
Hindi niya kinakalimutan ang mga taong tumulong sa kanya.
Noong nagpaalam na si Hathaway sa kanya, siniguro nito kay Marvin na ligtas si Wayne sa Three Ring Towers. Babantayan siya ng Wizard na si Leymann.
At si Hathaway naman ay magsisimula nang abutin ang pagiging Legend.
Kamapante siyang magiging Legend na siya dahil nasa kanya na ang Book of Nalu.
Ngayong tinalo ng Legend Monk na si Inheim ang Shadow Prince, ngayon na ang pinakamagandang oras para magpataas ng rank.
Hindi na inabala ni Marvin si Hathaway at bumalik na sa mga dormitoryo.
Sa loob ng Dormitoryo, mag-isang naka-upo si Wayne sa lamesa, tinititigan niya ang Magic Grail.
Tila mayroon itong malalim na iniisip.
Wala doon ang matandang butler. Dumeretso si Marvin kay Wayne at tinapik ang balikat nito.
"Ay… Kuya!"
Nabigla si Wayne
"Ano 'yong gusto mong sabihin sakin noong isang araw?" Sabi ni Marvin sa isang malalim na boses, "May tinatago ka ba sa akin?"
Sa tuktok ng snow mountain, umasa lang si Marvin sa kanyang intuition na nilinang niya sa paglipas ng panahon at halos hindi niya napansing papalapit ang Shadow Prince.
Pero kung hindi dahil kay Wayne, baka hindi na niya nabalaan agad si Hathaway.
Tandang-tanda niya, ang sabi ni Wayne ay, "Halimaw."
Tunay nga hindi tao ang Shadow Prince bago ito naging isang god.
Ang tanong, paano 'to nalaman ni Wayne?
...
Seryosong tiningnan ni Wayne si Marvin habang kagat-kagat ang mga labi nito. Matagal itong nagdalawang-isip bago tuluyang sinabing,"Kuya, hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sayo 'to. Dahil tingin ko wala naman 'tong katuturan… At may mga bagayna hindi ko alam kung dapat ko bang ipagsabi."
"Isa-isa lang," kalmadong sabi ni Marvin. "Magsimula ka sa pinakamadali, paano mo nalaman na papatayin ng Shadow Prince si Hathawau?"
"Nakita ko sa panaginip ko," matapat na sabi ni Wayne.
"Marami akong napapanaginipan, at kakaiba ang mga panaginip na 'yon. Wala akong maintindihan. Pero may mga panaginip na nangyayari sa mga pamilyar na lugar."
"'Yong nangyari sa snow mountain, nakita ko na 'yon sa panaginip!"
'Sinasabi ko na nga ba…'
Kahit papaano'y nahulaan na ito ni Marvin.
Ang kanyang nakababatang kapatid ay isang Seer!
Katulad ni Hathaway, isa itong tunay na Seer, kaya niyang makita ang hinaharap.
"Ano pang nakita mo?" Tanong ni Marvin.
Nakatulalang umiling si Wayne, "Malabo ang ibang panaginip ko."
"May nakita akong sunog at mga pagsabog, at isang halimaw na lumilipad sa isang malayong lugar."
Mapupukaw ng pagkawasak ng Universe Magic Pool ang atensyon ng Ancient Celestial Beast na 'yon. Napailing na lang sa kanyang loob si Marvin.
Isang tunay na Seer.
"Ano pa?" Paulit-ulit na tanong ni Marvin.
Biglang namula si Wayne.
"Kuya … nakita kita."
"Ako?" nagulat si Marvin!
Anong nakakahiyang bagay ang nakita niya tungkol sa akin? Bakit siya namumula?
Takang-taka si Marvin!
"Anong mayroon sa akin?"
Bumulong sa hiya si Wayne, "Nakita kita sa naglalagablab na apoy, may kasama kang babae… Nag…"
"Nag-aano?" Naiinip na tanong ni Marvin.
"Nagtatalik kayo…" inosenteng sinabi ni Wayne.
Suminghal si Marvin at sinabing, "Yun ang nangyari? Mga lalaki tayo, mangyayari't mangyayari naman 'yon. Bakit ganyan ka makatingin sa akin?"
Kinuyom ni Wayne ang kanyang ngipin:
"Pasensya na kuya, mali ang pagkakasabi ko."
"Hindi naman talaga 'yon ang nangyari…"
"Ang nakita ko'y pinipilit ka ng babae…"
"Kahit na mukhang natutuwa ka, nagpupumiglas ka, sinusubukan mong alisin 'yung babae."
"Pero hindi mo nagawa. Kaya nagkompormiso na lang kayo."
"Sa madaling salita, ikaw, ng babae, ehem ehem…"
Pulang-pula na ang mukha ni Wayne. Kinailangan niyang sabihin ang lahat!
Hindi makapaniwala si Marvin sa nairinig!
....
Matapos ang ilang sandal, tinanong niya na mayroong misteryosong reaksyon, "Wayne, nakita mo ba kung sino ang babaeng 'yon?"
Umiling si Wayne at seryosong sinabi:
"Malabo talaga, kuya, pero ang natatandaan ko lang, kulay lila ang buhok niya."
Lila?
Ilang tao agad ang pumasok sa isip ni Marvin.