webnovel

Dense Blood Nucleus

Editor: LiberReverieGroup

Dahil sinundan na ni Marvin nag mga ito, determinado na siyang makuha ang Dense Blood Nucleus!

Pero mukhang hindi madaling makuha ito mula kay Gwyn.

Agad na nagdesisyon si Marvin.

Sa harap ng malakas na pag-atake ni Karnoth, nagpamalas ng pambihirang pisikal na kakayahan si Gwyn. Iniwasan niya ang pag-atake ni Karnoth sa pamamagitan lang ng pagliyad patalikod. Halos pumantay na siya sa lupa nang gawin niya ito.

Pero bago pa ito maka-atake, papalapit na ang dalawa pang Vampire mula sa magkabilang gilid!

Halos kasing bilis lang ng Gwyn kaya medyo mahirap harapin ang mga ito.

Nanatili namang mahinahon si Gwyn. Agad siyang nakakita ng butas at ginamit ang kanyang Sprint na skill, sa halip na ang Low Flight, para pumunta sa direksyon na iyon!

Noong mga oras na iyon, isang phantom image ang naiwan niya.

Inatake naman ng dalawang Vampire ito.

Nang biglang, isang kakaibang imahe ang lumitaw sa tabi ng babaeng Vampire!

"Ito ay…"

Nagdalawang isip ang babaeng Vampire.

Nasa tabi na nito si Marvin!

Night Boundary!

Ang kanyang napakataas na Stealth ay nakalusot sa Perception ng Vampire, at dahil sa biglang paggamit ni Marvin ng Night Boundary, nawalan na ito ng pagkakataon na mag-isip.

Ngumiti si Marvin kasabay ng pagtutok ng malamig na baril nito sa sintido ng Vampire.

Nang naisip na nitong lumaban, nakaramdam ito ng sakit sa kanyang likuran!

Pinatid ni Marvin ang mga paa nito at binalibag sa lupa.

Pero habang nangyayari ito, nakatutok pa rin sa sintido ng Vampire ang [Satan].

Kasabay ng paglitaw ng takot sa mukha ng babaeng Vampire, umalingawngaw ang isang putok ng baril!

Nahati sa dalawa ang ulo ng Vampire dahil sa pagputok ng makapangyarihang balang gawa sa pilak.

Kahit na isa siyang Vampire na gumagamit ng Bloodthirst, hindi pa rin niya nagawang iwasan ang pagbaril sa kanya nang ganoon kalapit!

Natuliro naman ang ga Vampire na naiwan, kasama na si Gwyn!

Ngayon lang sila nakakita ng kakaibang Sha clansman.

Mukha itong Thief at gumagamit ito ng malakas nab aril at balang gawa sa pilak!

Malinaw na kalaban ng mga Vampire ang taong ito.

Napansin rin ito ni Marvin.

Ang malakas na pag-atake at lakas ng isang Night Walker ay bagay sa pagiging isang Dual Wielding Ranger. Pero epektibo rin ito kapag ipinares sa isang Battle Gunner na class, basta may sapat na lakas ang balang gagamitin nito.

Marahil isa ito sa rason kung bakit pinili ni Constantine ang Night Walker bilang kanyang advanced class.

Ang paggamit ng skill ng Night Walker kasama ang sandata ng Battle Gunner ay may nakakatakot na epekto.

"Sino ka?"

Galit na tinitigan siya ni Karnoth.

Hindi niya namukhaan si Marvin dahil mukha pa rin siyang si Robin.

Napunta rin ang tingin ni Gwyn kay Marvin at sinubukan itong kilalanin.

Pero hindi naman natigil ng pagsasalita ni Karnoth ang pagkilos ni Marvin!

Hindi na ito nagsalita at bigla na ang muling nawala sa kinatatayuan nito!

Shadow Step!

"Mag-ingat ka, Norlan!" Malakas na sigaw ni Karnoth.

Pero huli na ang lahat. Nasa likuran na ng isa pang Dark Side Vampire si Marvin. Mabilis naman ang reaksyon ng Vampire na ito na agad tumalon sa lupa at sinubukang lumipad palayo.

Sa kasamaang palad, pamilyar si Marvin sa mga kahinaan ng Vampire!

Umasa ito sa 48 na puntos ng kanyang [Sleight of Hands] para mabilis na magpalit ng sandatang gamit kasabay ng paggamit niya ng Shadow Step!

Hawak na niya ang dalawang dagger.

Burst!

Mabilis rin itong tumalon at sa isang iglap nakarating na ito sa likuran ng Vampire.

Sinipa niya ang baywang ng Vampire. Ito ang pinakamalaking kahinaan niya. Biglang napigilan ang Vampire sa kalagitnaan ng paglipad nito.

Oras na.

Pinulupot ni Marvin ang kanyang mga paa sa baywang ng Dark Side Vampire. Nagsalubong ang mga dagger ni Marvin at pinugutan ng ulo ang Vampire!

Hindi Evil Spirit ang mga Vampire; mamamatay ang mga ito kapag natanggal ang kanilang mga ulo.

"Pshh."

Nahulog sa lupa ang ulo ng Vampire.

Natuliro at natulala si Karnoth habang nakatingin sa eksenang ito. Bahagyang lumabo ang marka sa pagitan ng kanyang mga kilay.

Dahil napalitan na ng takot ang Bloodthirst sa kanyang isipan.

"Sino ka ba?!" Palingon-lingon na sigaw ni Karnoth.

Pagkatapos patayin ni Marvin ang dalawang Dark Side Vampire, muli niyang ginamit ang Stealth.

Pero ang kinabaliw ni Karnoth ay ang biglang paggamit ni Marvin ng Stealth sa kanyang harapan at bigla itong nawala!

Nakakatakot na Stealth ability… Isa kaya siyang Legend?!

Habang iniisip ito, nanginig siya sa takot!

At biglang may nakatutok na malamig nab aril sa likod ni Karnoth.

Noong gagalaw n asana ito, umalingawngaw ang boses ni Marvin, "Alam kong mabilis kang lumipad."

"Pero hindi kasing bilis ng bala, hindi ba?"

"Isa ka bang Legend?" Takot na tanong ni Karnoth.

"Ikaw baa ng usap-usapang Demon Hunter Constantine?"

Natuliro si Marvin. Hinsi niya inasahang aakalain ni Karnoth na siya si Constantine dahil sa biglang paglalaho nito at paggamit ng sandata ng mga Sha.

Pero si Constantine at Marvin ay parehong Night Walker.

"Wag kang madaldal." Kahit na nakatutok ang shotgun ni Marvin sa likod ni Karnoth, nakatuon pa rin ang pansin nito kay Gwyn.

"Mister Marvin, matagal rin tayong hindi nagkita." Biglang bati ni Gwyn."

"Marvin?" Biglang natigilan si Karnoth.

Ngumiti si Marvin. 'Pambihira talaga ang Gwyn na 'yon.'

Napakalakas ng kanyang Disguise pero nagawa pa rin siyang makilala nito.

"Sino si Marvin? Ako si Robin." Pero hindi pa rin niya ito inamin.

Nagkibit-balikat si Gwyn. Bahagya itong nag-atubili bago nito tinanggal ang kanyang balabal, makikita ang maputla nitong balat.

Tumingin si Marvin at natigilan!

Mabuti na lang, hindi tumakas si Karnoth. Dahil natakot din ito para sa kanyang buhay.

Natigilan siya dahil napakaganda ng mukha ni Gwyn!

Ang kanyang itsura at mata ay iba-iba sa itsura ng isang lalaki!

"Babae ka ba?" Hindi niya mapigilang itanong.

"Lalaki," mahinahong sagot ni Gwyn.

Nanatiling tahimik si Marvin.

Isang lalaking napakaganda…. Kaya pala lagi siyang nakabalabal.

Tiningnan siya ni Gwyn at makikita ang katapatan nito sa kanyang mukha. "Mister Marvin, o Robin, hindi na mahalaga 'yon."

"Dahil napatay moa ng dalawang Dark Side Vampire, ibig sabihin sapat ang lakas mo para patayin si Karnoth, pero hindi mo ginawa."

"Huhulaan ko, gusto moa ng [Dense Blood Nucleus] na hawak ko kapalit niya, tama ba?"

Ngumiti si Marvin. "Gustong-gusto kong kausap ang matatalinong tao. Tama, ibibigay ko sayo ang pinsan mo kapalit ng Dense Blood Nucleus."

Walang emosyon namang umiling si Gwyn, makikita ang pagkadismaya sa mga mata nito. "Nagawa na niya ang ritwal, naging ganap na miyembro na siya ng Dark Side."

"Wala na akong rason para ipagpalit ang Dense Blood Nucleus para sa isang Vampire ng Dark Side."

Biglang hindi maipinta ang mukha ni Karnoth.

Biglang ngumiti nang kakaiba si Marvin. "Sinong nagsabi hindi na pwedeng ibalik siya sa dati?"

"Ibigay mo sa akin ang Dense Blood Nucleus at sasabihin ko sayo kung paano."

Sumimangot si Gwyn.

Nakakatuwang makita ang pagsimangot na ito sa napakagandang mukha.

Kahit na wala siyang kahit anong Charm Enchantment, natigilan pa rin si Marvin!

Sa kasamaan palad…. Isa siyang lalaki!

Napamura si Marvin sa kanyang sarili.

Saglit na nag-atubili si Gwyn at saka ibinato ang isang kulay rosas na kristal.

"Sabihin mo sa akin kung paano," seryosong sabi nito. "Kung hindi…"

Nang makuha ni Marvin ang Dense Blood Nucleus, sinipa niya si Karnoth nang malakas at sinabing, "Dalhin mo siya Radiant Castle at makukuha moa ng gusto mo."

Sumimangot si Gwyn, pero nang makitang sinusubukan tumakas ni Karnoth, wala itong nagawa kundi sundan ito.

Itinabi ni Marvin ang kanyang mga sandata at tiningnan ang habulan ng dalawang Vampire, bago ito tuluyang bumalik.

Hindi kakayanin ni Karnoth si Gwyn nang mag-isa. Nararamdaman ni Marvin ang napakalakas na kapangyarihan sa katawan ni Gwyn. Mukhang selyado ang kapangyarihang ito kaya hindi niya ito inilalabas.

Pero kung gagamitin niya ito, marahil ay kasing lakas na siya ng isang Legend!

Hindi niloloko ni Marvin si Gwyn. Mayroon talagang mga Vampire sa Radiant Castle na nagsasaliksik kung paano baliktarin ang ritwal para maging Dark Side ang mga Vampire. Pero ang hindi epektibo ang sistema ng impormasyon ng mga Vampire ng Deathly Silent Hills para makarating sa kanila ang tungkol dito.

Pagkatapos makabalik ni Marvin, naghanap agad ito ng lugar para mag-isip.

Nakuha niya na ang Eriksson's Brook, na pangunahing intensyon niya. At nakakuha pa siya ng dalawa pang magandang surpresa.

Pagkatapos siyasatin ang kristal, nakumpirma niyang tunay nga ang Dense Blood Nucleus. Masasabing pambihira ang tulad ni Gwyn na tapat na Vampire, marahil dahil kampate ito sa kanyang sariling lakas.

At ang isa pang magandang surpresang natanggap ni Marvin ay naglevel-up na ang kanyang [Night Kill] specialty!