webnovel

Cultivation Tank

Editor: LiberReverieGroup

Mas napanatag si Marvin dahil sa pagdating ni Constantine, at bumilis rin ang pagtakbo ng kanyang mga plano dahil ditto.

Tuwang-tuwa rin siya dahil sa pagdating ni Fidel. Wala rin naman nang gagawin ito dahil umalis na si Sasha, kaya naman nagdesisyon na itong panandaliang manatili sa White River Valley. Makikita naman na masaya siya lugar na ito.

Pambihira ang mga Necromancer na katulad niya; inaral man niyang mabuti ang Necromancy, bibihira naman niyang gamitin ito.

Kung sa laro ito, marahil nabaliw na si Fidel at nagsimula nang mag-isip ng mga paraan para maging isang Lich.

Pero sa pagkakataong ito, nabago ang kapalaran nito dahil kay Marvin.

Mukhang nakahanap na ito ng lugar para magpahinga, ang White River Valley… Teka, parang hindi ata tamang tawaing lugar ng pahingahan ito.

"Tanga, mali ang paggamit mo sa rune na 'to. Ginagamit ito para palakasin ang mga taong buhay hindi ang mga undead, hindi mo ba naiintindihan 'yon?"

Ang Alchemist na mukhang pabo ay tumatalon-talon habang dinuduro ang noo ni Fidel habang nagmumura ito.

Makikita ang pagtibok ng mga ugat sa noo ni Fidel. Kadalasan ay madaldal siya pero hindi niya inakalang makakatagpo siya ng taong mas madaldal sa kanya sa White River Valley.

Ang mas kinatahimik pa niya ay naisisigaw ng taong ito ang kanyang pangalan, pero kapag si Fidel naman ang nais sumigaw pabalik, wala itong ibang nasasabi kundi, "Hoy ikaw!"

Dahil wala naman talagang pangalan ang taong ito.

Isang palaboy ang taong ito, wala ring nakaka-alam kung bakit ito napadpad sa White River Valley. Pagkatapos ng laban ni Marvin kay Bamboo, inimbestigahan na niya ang Alchemist.

Nagulat siya nang malamang tila walang nakaraan ang taong ito.

Ang Alchemist na mismo ang nagsabi, "Mayroong nagbura ng kalahati ng buhay ko. Kaya naman, sa tingin kong mahalagang maganda ang natitirang kalahati sa akin."

Sinubok siya ni Marvin, at natuklasan nitong hindi ito isang pangkaraniwang Memory Removal.

Para malaman nila kung sino ang nagbura ng alaala ng Alchemist, kakailanganin nila ng isang Legend Wizard na eksperto sa divination para lang makahanap sila ng ano mang bakas nito.

Baka hindi ito kayanin ni Hathaway dahil mas dalubahasa ito sa pangwawasak. Kaya naman binansagang Ashes Tower ang kanyang tower sa Three Ring Towers.

Gayunpaman, isang taong walang pangalan ang alchemist na ito. Ang tanging alam niya ay siya ang Greatest Alchemist.

Kwestyunable ito para kay Marvin, o baka sa tingin niya lang ito.

Noong kinakalaban niya si Bamboo, mahusay naman ang skill na ipinakita nito.

Pero hindi ito madalas lumabas, at mag-isa itong kumakain, bukod na lang sa paglabas nito sa tuwing nagtatrabaho kasama si Fidel, nagpapatalon-talon habang nagbibigay ng mga nakalilitong utos.

Pero kinayang magtimpi ni Fidel. Kakaiba ang pakiramdam ni Marvin sa tuwing nakikita ang dalawang ito na magkasama.

Nasa kalagitnaan sila ng paggawa sa mga kabaong inuwi ni Marvin.

Pambihira ang mga kabaong na ito. Nagbuhos ng maraming oras at enerhiya noon ang Lich, na ngayon ay mahimbing na ang pagtulog, para lang gawin ang mga kabaong na ito.

Agad namang namangha si Fidel sa mga kabaong na ito. At agad ring nagsagawa ng sariling pagsasaliksik tungkol ditto.

Paglipas ng dalawang araw, naunawaan na niya ang kabuoan nito at kung paano ito gumagana. Inaamin niyang may naiambag rin ang Alchemist ditto.

Sa tuwing pinagagawa ni Marvin ng mga item ang Alchemist, bigla itong nakakalimot na para bang may humahadlang sa kanya na gamitin ang mga alchemy formula na nalalaman niya.

Pero hindi naman ito nahahadlangan sa pagbitaw ng mga salitang mas nakakapagpaliwanag sa kanila ginawa sa tuwing tinutulungan nito si Fidel.

Mga pangngalan ang mga ito.

Sa tuwing naririnig ito ni Marvin, hindi niya maunawaan ang mga ito. Sa kabilang banda, tila may napagtatanto si Fidel sa tuwing naririnig ang mga ito.

Mayroong mataas na comprehension ang mga 2nd rank Necromancer. Matapos lang ipaliwanag ni Marvin kung ano ang gusto niyang mangyari, sa tulong ng kakaibang Alchemist na ito, inabot lang sila ng tatlong araw para baguhin ang kabaong… Hindi, [Cultivation Tank] na ang tawag rito.

Simple lang ang gingawa ng cultivation tank. At ito ay bahagyang palakasin ang abilidad ng mga papasok rito.

Pero mahigpit ang pamantayan ng bagay na ito. Tanging mga 1st rank na nilalang lang ang maaaring pumasok.

Matapos siguruhing ligtas ang cultivation tank, at hindi nito gagawing Corpse Seeker o ano mang halimaw ang mga tao, pinili ni Marvin ang pinakamahina sa kanyang mga tapat na gwardya.

Humiga ang binate sa cultivation tank nang matagal, habang nagging abala naman si Fidel at ang alchemist sa labas nito.

Nakatuon naman ang atensyon ni Marvin ditto at bahagyang kinakabahan rin sa magaganap. Dahil kung tutuusin posible namang gawing Cultivation Tank para sa ibang nilalang ang isang Kabaong na gumagawa ng Corpse Seeker. Pero kung tunay na gumagawa lang ng halimaw ito, ang binatang ito na nagging tapat sa White River Valley buong buhay niya, ay isasakripisyo ang kanyang buhay para lang sa wala.

Isa itong bagay na ayaw makitang mangyari ni Marvin, kaya naman paulit-ulit niyang kinulit si Fidel tungkol rito.

"90% ang tyansang lumakas siya, 8% ang tyansang pumalya ito ngunit walang magiging pinsala sa katawan ng tao."

"At 2% lang ang tyansang mayroong mangyaring hindi inaasahan. Pero makokontrol naman ang ito kung may mangyaring aksidente. Basta nandito ako at ang lalaking 'yon, kontrolado naming ang proseso."

"Kung mayroong maging problema, pwede tayong tumigil ano mang oras."

Ito ang sinigurado ni Fidel kay Marvin.

Kaya naman sinimulan na ang pagpapalakas sa unang nagprisinta.

Tinawag ni Marvin ang proyektong ito na "White River Valley Soldier Enhancement." Kung magigign matagumpay ito, hindi bababa sa 20 sundalo pa, na tapat sa White River Valley, ang susunod na palalakasin nito.

At para naman sa mga adventurer na sumapi sa mga gwardya, kasama na si Gru, na nagging sumunod na pinuno ng White River Valley garrison, kailangan muna nilang maghintay sa ngayon.

Kailangan munang masiguro ni Marvin na ang mga palalakasin niya ay ang mga tapat sa White River Valley. Lalo pa at hindi libre ang pagpapalakas na ito. Base sa kalkulasyon ni Fidel, bawat pagpapalakas ay nagkakahalaga ng hindi bababa sa 500 na pilak ng mga enchanment material.

Ang unang pagpapalakas na ito ay gagamitin ang material ng kabaong kaya naman masasabing libre pa ito, pero kailangan na nilang magbayad para sa mga susunod pa.

"Lumabas na siya."

Kinagabihan, gumapang na palabas ang binatang sundali mula sa cultivation tank, iika-ika.

Kinapa niya ang kanyang sarili at bumulong, "Parang wala namang nangyari."

Humagikgik si Marvin at pinasamahan niya ito kay Fidel sa training ground para masubukan.

Paglipas ng kalahating oras, bumalik na ang ulat.

Ang level 4 na binatang fighter na ito ay nakakuha ng hindi bababa sa apat na attribute point dahil sa pagpapalakas na ito. Dalawang puntos sa Constitution, isang puntos sa Strength, at isang puntos sa Dexterity.

Sa madaling salita, katumbas ng walong level ng attribute point ang pagsailalim sa pagpapalakas na ito!

Pambihira ang nagging epekto nito!

Mukhang wala namang naging ibang masamang epekto ito sa binata noong mga sumunod na araw. Tila parehong-pareho ito sa impormasyon sa laro. Magiging kapaki-pakinabang para sa paghahasa ng mga low level na mga sundalo ang cultivation tank na gagawin mula sa mga kabaong.

Itinaas ni Marvin ang kanyang kamay at sinenyasan na ang pagsunod ng labing-siyam pang mga gwardya, kasama si Andre, para simulan na ang pagpapalakas.

Magiging abala si Fidel dahil rito. Kaya namang naghanap si Marvin ng magiging Apprentice nito sa River Shore City para tulungan ito. Hindi naman kailangan may talento ang Apprentice na ito para maging isang Wizard, kailangan lang ay may karansan ito sa Alchemy.

Inutos ni Marvin na panatilihing lihim ang planong ito. Gumawa siya ng laboratory sa basement ng palasyo para magamit ng Necromancer.

Ginawa ni Fidel ang kanyang trabaho, at ang pisikal na lakas ng 20 gwardya, na simula pa lang ay nagging tapat na kay Marvin, ay lumakas sa iba't ibang paraan.

Ang ilan ay nakakuha ng tatlong puntos, ang iba naman ay apat. At kahit na hindi sila makakapili kung aling attribute ang itaaas, magiging mas malakas naman ang kanilang pisikal na lakas.

Sapat na ito.

Matapos mag-advance, sila na ang magiging magiging punong-abala sa pagpapatrolya ng White River Valley.

At hindi na ang mga adventurer.

At para naman sa advancement, noon pa man ay gusto nang kumuha ni Marvin ng isa o dalawang class trainer mula sa Jewel Bay.

Pero hindi niya inakalang ang "nakabakasyong" si Constantine ay magdadala ng isang magandang supresa.

Nagsama siya ng mga beteranong may kapansanan.

Ang dalawang ito ay mga beteranong sundalo na naging bahagi ng paglaban sa Red Dragon na si Ell sa Tornado Harbor. Hindi gaanong mataas ang kanilang mga level, level 9 lang.

Pero may angking lakas ang mga ito. At iyon ang pagsasanay.

Matapos ang laban, maging ang mga city gurad ng Tornado Harbor man o iba pang patrol, maraming tao ang nagretiro na dahil sa mga pinsalang natamo nila.

Isang halimbawa na rito ang dalawang ito. Maganda ang relasyon ng mga ito kay Constantine kaya naman isinama sila ni Constantine dahil naghahanap sila ng lugar na pwedeng manatili habang nagpapagaling mula sa mga natamo nilang pinsala dahil sa pag-atake ng Red Dragon.

Mukha namang maganda at mapayapa ang lugar na ito.

Binayaran ni Marvin ang dalawang beteranong ito para hasain ang mga gwardya ng White River Valley.

Sa dalawang military instructor na ito, ang isa ay isang regular na Storm Swordsman habang ang isa naman ay Knight. Wala pang kakayang bumuo ng isang malaking hukbo ang White River Valley sa ngayon pero maaari pa ring turuan ng Knight na ito ang mga gwardya niya.

Tungkol naman sa path ng advancement ng mga gwardya, inisip ni Marvin na karamihan sa kanila ay magpapatrolya kaya nagdesisyon siyang gawing mga [Storm Swordsman] ang mga ito, dahil mas madaling sanayin ang class na ito.

Kaya naman magkakaroon na ng general na advancement path ang mga gwardya.

Magiging mas maayos na ang pag-eensayo ng mga ito dahil sa dalawang military instructor na mga ito.

Kaya naman mas Malaki ang naging pasasalamat ni Marvin kay Constantine.

...

Dahil sa mga napag-usapan nina Marvin at Wayne, naisaayos na ang mga dapat gawin sa kanilang teritoryo. Muli nang minimina ang Northern Mine. Matapos nilang magpadala ng grupong may anim na miyembro para tumira doon, muli nang bumalik sa pagmimina ang ilan sa mga minero.

Para naman sa katimugan, nagpadala si Marvin ng mga farmer para kumpunihin ang abondonadong daungan.

Kahit na maliit lang ang daungang ito, magiging mahalagang pantalan ito sa hinaharap na magdudugtong sa kanluran at silangang bahagi ng kanilang teritoryo, makokonekta rin sila nito sa River Shore City.

Sa panahong ito, nagsisimula nang umusbong ang mga pinunla ng mga farmer, kaya naman wala nang ginagawa ang mga ito. Hindi sila nagreklamo sa iniutos ng kanilang Overlord.

Isa pa, binayaran rin sila para gawin ito. Kaya naman marami sa kanila ang ginanahan magtrabaho.

Hindi nagtagal, nasa tamang landas na ang lahat ng kailangan isa-ayos sa kanilang teritoryo. Kampante na si Marvin na walang magtatangkang manggulo dahil naroon si Constantine.

Kaya naman, imbis na magpahinga ng ilang araw, muli na naman siyang umalis.

Sa pagkakataong ito, ang Jewel Bay ang kanyang pakay.

Kailangan niyang makakuha ng sapat na adventurer, at pagkatapos ay kumuha ng wilderness clearin order. Kung maging maayos ang lahat, iniisip niyang bumisita sa Cursed Pearl Island.

Napakarami pa niyang kailangan gawin, at maaari niya lang itong isa-isahin.

Sumakay si Marvin sa kabayo, at noong malapit na siya sa Spider Cypt, isang mukha ng babae ang pumasok sa kanyang isipan.

'Lola…'