webnovel

Bloody Devil King

Editor: LiberReverieGroup

Biglang nagbago ang sitwasyon sa labanan

Kinabahan ang ibang mga Ogre dahil sa malakas nap ag-atake ni Marvin. Ang ilang Ogre sa paligid ay agad na umalis sa kanya-kanyang laban at lumapit.

Gusto nilang protektahan ito!

Mas lalo pang nasuportahan ang iniisip ni Marvin na itong Ogre na ito nga ang kanilang komander. Habang ang dalawang Legend Ogre naman, maging ang Iron Ogre man ito o Ogre Mage, mga pinuno lang sila.

Ang digmaan ay isang uri ng sining. Ang pinagkaiba ng mga marunong mamuno at mga hindi marunong mamuno ay makikita mismo sa isang labanan.

Hindi na pinansin ni Marvin ang ibang mga Ogre, piangpatuloy pa rin ni Marvin ang walang habas na pag-atake gamit ang dalawang dagger!

"Bang!"

Ginawa ng Ogre Commander ang makakaya niya para maitaas ang kanyang wolf teeth club. "Klang!" Tumalsik ang mga kislap sa paligid.

Sinamantala ni Marvin ang kanyang pagbagsak.

Kinalso ni Marvin nag kanyang dagger sa wolf teeth club at ibinuhos ang kanyang lakas sa kanyang baywang, ang kanyang mga paa naman ay napunta sa ilalim ng club at sinipa ang noo ng Ogre.

Hindi naman nagawa ng mga iilang Ogre na nagtipon-tipon ang kanilang pakay!

Biglang lumitaw ang mga Dakr Knight, hawak ang kanilang greatsword, at sapilitang pina-atras ang mga Ogre.

Para sa mga Dakr Knight, parang si Marvin ang dating Night Monarch, isang taong nanumpa silang ibubuwis ang kanilang buhay para protektahan.

Gustong gawin isa laban sa isa ang sitwasyon na ito, at pipilitin nilang tuparin ito kahit ikamatay pa nila ito.

Sa katunayan, may kakayahan sila para gawin ito.

Sinumulan naman ni Gordian ang ng Head Knight ng River Shore City ang ikalawang pagsugod sa labanan sa dakong hilaga at timog.

Umalingawngaw sa gitna nang labanan ang pagtakbo ng mga war horse. Ang mga naka-armor na mga kabalyerong may dalang mga sibat ay walang habas na sumugod patungo sa grupo ng mga Ogre.

Nangako silang paghihiwa-hiwalayin nila ang mga Ogre na ito.

Pero mas mahirap na ito sa pagkakataong ito.

Ang mga Ogre ay tumatakbo patungo sa kanilang komander, kaya naman mas ipinagpatuloy ng mga kabalyero ang kanilang pag-atake.

Kahit na pansamantala nitong napigilan ang pagkilos ng mga Ogre, at napatay ang tatlo pa sa mga ito sa laban habang napananatiling magkakahiwalay ang mga ito, mas malaki pa rin ang kawalan sa panig ni Marvin!

Isang-katlo sa mga Knight at Paladin ay nawalan ng mga war horse, at isang-kapat naman sa mga sundalo ito ay nakatamo na ng pinsala. Isang binatang Knight naman ang namatay sa laban!

Ito ang karahasan ng digmaan.

Ang mga adventurer na nasa paligid ng labanan ay hindi nangahas na lumapit. Maaari lang nilang subukang patayin ang isang Ogre na nahiwalay sa buong grupo. Pero para sa mga pangkaraniwang adventurer, masyadong mapanganib ang mga Ogre.

Kahit na sampung tao na ang sabay-sabay na kumakalaban sa isang Ogre, namamatayan naman sila ng sampung katao, bago sila makapatay ng isang Ogre.

Malinaw na malinaw ang lakas ng isang Ogre. Kung hindi lang dahil sa limitadong talino nila, at ang kanyang mahinang abilidad sa pagpaparami, marahil ang mga Ogre na ang pinakamalaking bangungot ng sangkatauhan.

Isang alulong ang maririnig mula sa labanan.

Makikita ang takot sa mukha ng mga sundalo.

Wala na silang magagawa tungkol rito. Bawat Ogre ay higit sa Dalawang Metro ang taas at napakalakas pa ng mga ito. Kahit na hiwain ng greatsword ang mga ito, agad-agad rin naman silang gagaling, basta hindi sila tamaan sa puso.

Tila nawalan na ng pag-asa ang mga tao dahil dito!

Marami na aring namatay sa mga hukbo ng kanyang mga ka-alyansa. Malaki ang naging epekto nito sa kanilang moral.

Kung hindi dahil sa patuloy na pakikipaglaban ni Marvin, at sa paggawa ng mga Dark Knight ng lahat ng kanilang makakaya, baka nagwatak-watak na ang kanyang hukbo!

Noong mga oras na iyon, Sumugod si White Gown Collins at malakas na bumigkas ng isang Divine Spell.

Sa wakas ay kumilos na ang matanda.

Isang napakaputing ilaw ang namuo sa gitna ng labanan, at isang malakihang Divine Spell ang makikitang lumilitaw.

Nabalit ng liwanag na ito ang lahat ng mga Ogre. Bawat galaw ng mga Ogre ay tila mabagal!

Divine Spell – Slow!

Una pa lang ay mabagal nang kumilos ang mga Ogre, pero matapos gamtin nag Divine Spell na ito, mas lalo pang bumagal ang pagkilos ng mga ito.

Mbibigyan na nito ng pagkakataon si Marvin na patayin ang Ogre Commander.

Mahusay rin ang ginawa ni Collins.

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, nagsimula na ring gamitin ng mga Cleric ng Silver Church ang mga Divine Spell kung saan sila magaling, sa laban.

Hindi man direktang napapatay ng mga Divine Spell na ito ang mga Ogre, pero kaya nitong pahinain ang mga kalaban o palakasin ang kanilang mga kakampi, at mas bumiti ang kanilang sitwasyon dahil dito.

Sa gitna ng labanan, Umikot ang katawan ni Marvin, iniwasan nito ang wolf teeth club. Nakasabit siya patiwarik sa katawan ng Ogre!

Umatake siya patalikod gamit ang kanyang mga dagger!

Umalingawngaw ang sigaw ng Ogre Commander.

Dahil eksaktong-eksaktong naibaon ni Marvin ang dalawang dagger na ito sa tuhod ng Ogre!

Muli siyang bumitaw dito at muling ginamit ang kanyang baywang para mabilis na gumulong patungo sa ulo ng Ogre.

"Bang!"

Sinipa ni Marvin ang likod ng Ogre.

Ang napakalakas na Ogre na ito ay hindi napigilan ang kanyang sariling katawan at napaluhod!

"Snap! Snap!"

Ang dagger na nakabaon sa tuhod ng Ogre ay kumayod ng maraming laman dahil sa bigat ng katawan nito.

Umalingawngaw ang pagsigaw ng Ogre sa sakit. Nanginginig na ang kamay nitong may hawak na wolf teeth club!

Bigla namang tumalikod si Marvin at maliksing kinuha muli ang kanyang mga dagger.

"Woosh!"

Muli na namng iwinasiwas ng Ogre ang kanyang wolf teeth club. Sa pagkakataong ito, mas malawak na ang atakeng ginawa ng Ogre Commander. At kahit pa tumalon paatras si Marvin, dumaplis pa rin ito sa kanyang dibdib.

Nairita sa naramdamang sakit si Marvin

Madugo ito.

Bumilis ang tibok ng puso ni Marvin.

Kung direkta siyang tinamaan nito, siguradong namatay siya!

Ito ang problema sa pakikipaglaban sa mga malalaking nilalang. Kahit pa napakataas na ng dexterity ni Marvin, nakakahanap at nakakahanap pa rin ng pagkakataon ang kalaban.

Maaaring mabuhay ang kanyang kalaban kahit tumanggap ito ng isang dosenang atake mula kay Marvin.

Pero kung tamaan ng atake nito kahit isang beses lang, ay siguradong mamamatay ito.

Wala talagang panama ang isang Dual Wielding Ranger kapag kaharap ang mga ganitong uri ng halimaw. Tunay na nasa binggit sila ng kamatayan!

Pero may mga mababago sa oras na makapag-advance siya sa Ruler of the Night.

Bilang isang rogue, hindi siya nakukulangan sa mga mabibilis na skill, pero kulang siya sa mga skill para lumayo sa isang laban.

Mahusay naman ang mga Assassin sa larangang iyon, mayroong Vanish, Strong Invisibility, Shadow Edge… At iba't ibang uri pa ng mga high level na skill para makalayo sa isang laban ang mas magpapadali ng kanilang pakikipaglaban sa mga malalakas na kalaban.

Pero kung gugustuhing patayin ng isang Assassin ang isang Ogre, mahihirapan ito. Napakalakas ang depensa nito at ang Constitution.

Halos imposible na makapagdulot ng matinding pinsala ang mga maikling sandata sa mga Ogre

Cutthroat? Napakakapal ng mga leeg nito, kaya kahit magawang mahiwa ito ng Cutthorat, wala ring mangyayari dahil mabilis lang ring gagaling ang mga ito.

Saksakin sa puso? Sa sobrang tigas ng balat ng mga Ogre hindi magagawang lampasan ito ng mga pangkaraniwang assassin.

Bukod dito, wala na silang kahinaan.

Para patayin ang ga ito, ang tanging pwede nilang gawin, bukod sa mga spell, ay direktang komprontasyon.

At iyon na nga ang ginagawa ni Marvin!

Umasa siya sa kanyang napakataas na Dexterity, at unti-unti niyang sinisira ang depensa ng Ogre Commander!

Dito siya magaling.

Patuloy ang pag-alingawngaw ng mga sigaw ng Ogre Commander, habang pilit pa ring sinusubukang tumulong ng iba pang mga Ogre.

Pero mas malakas pa pala kesa sa kanilang inakala ang mga Dark Knight.

Bumuo sila ng pormasyong pandepensa, pero nag-iwan pa rin ito ng sapat na espasyo para sa Ogre Commander at Marvin.

Walang ibang Ogre ang makalapit.

Nakakapatakot ang kanilang karanasan sa pakikipaglaban. Kahit na pareho lang ang rank ng mga ito sa mga Ogre, walang hirap nilang napipigilan ang mga ito dahil sa kanilang lakas at willpower.

Ang mga Knight at Paladin naman sa magkabilang dulo ay pagod na pagod na. Kahit pa ginagamot sila ng mga Cleric, bawat isang sundalong nakaligtas sa kanilang pagsugod ay mayroong mabababaw at malalalim na sugat, at talaga namang nakakabahala ang mga sugat na ito.

Mayroong tatlong madugong sugat sa mukha ni Gordian. Pinunasan niya ang kanyang pawis at sinbing, "Anong ginagawa ni Marvin at nagagawa niyang pahiyawin sa sakit ang Ogre na 'yon?"

Napatingin siya sa labanan at natigil sa isang laban ang kanyang paningin.

Sa sumunod na sandali, bigla siyang kinilabutan!

Dahil noong mga oras na iyon, isang Marvin na walang emosyon ang umatake mula sa likod at pinutol ang kalahati ng kamay ng Ogre!

Lumipad sa ere ang braso ng Ogre hanggang sa bumagsak muli ito sa lupa.

Tila isang mabalasik na nilalang si Marvin na paunti-unting pinipira-piraso ang katawan ng Ogre.

Hindi na ito makatayo dahil sa nakayod na ang kanyang tuhod, kaya nakaluhod na lang ito habang nilalabanan si Marvin.

Pero hindi na binigyan ni Marvin ng pagkakataon ang Ogre na umatake.

Sinipa na papalayo ni Marvin ang wolf teeth club nito.

Ang katawan nito ay dahan-dahang hinahati-hati ni Marvin ang katawan nito.

Burst!

Reckless Dual Wielder!

Inikutan nito ang Ogre Commander, pareho ang ginagawa ni Marvin sa ginawa ni Black Jack noon sa Oso sa kagubatan.

Mas naging mailap ang kanyang Demon Hunter Steps.

Sadyang hindi na makalaban ang Ogre. Nakatanggap na naman ito ng isa pang paghiwa na may sapat na lakas para hiwain ang kanyang kantawan.

Sa loob ng tatlumpung segundo, natahimik ang digmaan!

Natuliro ang lahat ng mga Ogre.

Tila isang demonyong balot ng dugo si Marvin. Nakatayoito sa tabi ng Ogre Commander na putol ang mga kamay at paa.

Ang kaawa-awang Ogre Commander ay tila isang manikang walang mga kamay at paa…. Kahalintulad nito ang madalas na ginagawa nila sa mga tao.

Galit na galit ang mga Ogre, tumingala ang mga ito at umatungal, hindi matigil ang paghiyaw ng mga ito.

"Ang iingay." Walang emosyong sabi ni Marvin.

Sinipa niya ang Ogre Commander na nakahimlay sa lupa. Saka niya pinag-krus ang mga dagger sa ibabaw ng batok nito at hiniwa!

Pumasok ang dalawang dagger sa batok ng Ogre at bumaon sa loob.

"Nakakabwisit…."

Handan a si Marvin para dito. Tumalon siya sa ere at nagpaikot-ikot, at inapakan niya ang mga dagger!

Lumubog ang dalawang dagger at naputol naman ang ulo ng Ogre Commander.

Pagkatapos nito ay nagwala ang mga Ogre.

Ito ang gustong mangyari ni Marvin.

Nagsimula na silang lumaban sa kanya-kanya nilang laban, wala na silang pakielam sa ibang mga bagay at inatake na lang basta-basta ang mga tao sa tabi nila, hindi na gumagamit ng istratihiya ang mga Ogre.

'Wooh, tagumpay ang plano…'

'Oras na para palibutan sila at patayin.' Nakahinga na ng maluwag si Marvin.

Noong mga oras na iyon, ang banayad na Elven Prince ay nanggaling sa laban sa kaparangan, may hila-hila ito pabalik.

"Kamusta?" Tanong ni Marvin.

Nagkibit balikat si Ivan. "Masyadong makalat."

"Bago siya nawalan ng malay, sabi niya, [Devil]."