Nakaupo lang si Black Bear sa kama habang nilalasap ang pagseserbisyo sa kanya ng babaeng nakaluhod.
Walang nag-akalang aalingawngaw ang malakas na "Bang!" sa ilalim ng kama.
Hindi ito pinansin ni Black Bear at sinabing, "Matibay ang mga kama niyo ah."
Hindi pa tapos ito sa kanyang sasabihin nang kumawala si Marvin mula sa slat ng kama!
Nauna nang binangasan ni Marvin ang slat kanina. Pinalo niya lang ito at biglang bumigay ang kama.
Nagulat si Black Bear at bumagsak patalikod, napaupo ito.
Kasabay nito lumabas na si Marvin mula sa ilalim ng kama saka nito inatake si Black Bear.
Sa harap mismo ng babaeng gulat na gulat, sumasayaw na sa leeg ni Black Bear ang curved dagger na hawak ni Marvin!
Cutthroat!
"Pff!" Sumirit at kumalat ang dugo!
Hindi pa man alam ni Black Bear kung ano ang nangyayari, napatay na agad siya ni Marvin!
Maraming dugo ang tumalsik sa mukha ng babae.
"Ah!"
Hindi gaanong makasigaw ang babae. Naghanap na si Marvin ng mapapakinabangan sa bangkay ni Black Bear at kinuha ang isang mabigat na supot ng pera. Naglabas siya ng isang pirasong ginto at tahimik na ibinigay ito sa babae.
Habang nangyayari ang lahat ng ito, nakasuot siya ng itim na maskara.
Nanginginig na tinanggap ng babae ang ginto.
Kumuha rin si Marvin ng tuwalya na parang walang nangyari.
"Punasan mo ang mukha mo," mabait na sabi ni Marvin. "Pasensya na kung natakot kita."
Pagtapos nito'y tumalon na ito mula sa binta ng ikalawang palapag. Nanginginig na tumayo ang babae, at sumilip sa bintana.
Sa kasamaang palad, nawala na uli sa dilim si Marvin!
Hinawak niya ng mahigpit ang ginto, di niya alam kung anong gagawin.
Ilang saglit lang, narinig na ang kanyang sigaw na nagmula sa kanilang kwarto.
…
Mabilis na binaybay ni Marvin ang kadiliman.
Isa pa lang si Black Bear sa mga pakay ni Marvin ngayong gabi. May dalawa pa siyang kailangan dispatyahin.
Sa bayan, isang anino ang tuloy-tuloy na nilalagpasan ang mga tao, hindi mapakali ang mga mata nito.
Mukhang maingat ang taong ito.
Tila naglalakad-lakad lang ito dahil sa kabagutan. Pero panay ang kalansing ng kanyang supot.
Siguradong mahusay na thief ito.
'Monkey.'
Sinulyapan siya ni Marvin.
Binigyan siya ng matanda ng mga litrato ng mga kailangan niyang patayin, kasama na dito ang kina Black Bear at Monkey. Bukod sa kanila, may isa pa na tinatawag na Stag.
Mamumukhaan pa rin ni Marvin nag mga ito kahit na ibahin pa ng mga ito ang kanilang pananamit at itsura.
Kung babae ang kahinaan ni Black Bear, ang malikot na kamay naman ni Monkey ang kahinaan niya.
Napakahusay na thief nito at mayroong mataas na stealth ability.
Kung harap-harapan niya itong kakalabanin, kakailanganin pa niyang gumamit ng iba't ibang diskarte.
'Pero sa ngayon, nasa liwanag siya at nasa dilim naman ako.'
Magandang pagkakataon ito.
Nagpalit si Marvin ng damit at naglagay ng mabibigat na supot ng pera sa kanyang sinturon.
'Oras nang magpanggap na mayaman. Teka lang… Bilang noble, kumpara sa mga taong nasa mas mababang standing, mayaman nga ako!'
Hindi na niya kailangan magpanggap na ibang tao, tamang-tama na siya para sa gagawin niya.
Lumapit si Marvin.
…
Maingay ang mga tindahan sa bayan tuwing gabi.
Nagbebenta ang mga ito ng mga kakaibang bagay at mga laruan mula sa Thousand Leaves Forest.
Matagal na tumayo si Marvin sa harap ng isang tindahan.
Maraming tao roon, kaya madali lang kay Monkey ang pagkilos.
Bigla siyang may naaninag na pamilyar na mukha sa gilid ng kanyang mga mata.
'Masyado namang madaling utuin 'to,' Ngumisi si Marvin.
Nilapitan siya ni Monkey, nagkukunwaring tumitingin at may hinahanap sa tindahan.
Hindi nagdalawang-isip si Marvin at binilisan niya ang kanyang paglakad.
Malalaking hakbang ang ginawa niya para umalog lalo ang mga supot na nasa baywang niya.
Agad naman sumunod si Monkey.
Mahilig siya sa mga taong gastador. Kailangan niya masagi ang mga ito para makuha ang laman ng mga supot nito.
Hindi pa ito nagkulang sap era magmula nang maging miyembro ng Thieves Society, pero gustong-gusto pa rin nitong magnakaw sa palengke.
Ang ligayang dinudulot sa kanya ng pagnanakaw sa iba ang hinahanap-hanap niya.
Kaya kahit na ilang beses na rin niyang sinubukang itigil, hindi niya pa rin ito magawa.
Kapag nangagati ang kanyang kamay, ang pagnanakaw lang ang nakakapag-alis ng kating ito.
Papalapit na siya ng papalapit sa batang nasa harap niya.
Sa mga mat ani Monkey, isang pangkaraniwang noble lang si Marvin. May pera sa bulsa, may pagkarebelde, at walang bantay. Tumakas siguro ito para lang makalabas.
'Dapat lang bumalik na ang batang 'to sa sira-sira nilang palasyo.'
'Dapat pasalamatan ako ng tatay nito. Dahil kapag ninakaw ko na ang pera ng batang 'to, maagang babalik sa kanila ang anak niya.'
Sa puntong 'yon, nagmadali nang lumapit si Monkey at sinagi ang likod ni Marvin.
Hindi niya inaasahang biglang susundan ni Marvin ang isang boses mula sa kabilang kalsada. Bigla itong lumiko sa isang maliit na eskinita at pumasok ito.
'Pucha!'
Biglang naisip ni Monkey na maswerte ang bata.
Wala syang nagawa kundi sundan ito.
Mayroon lang mahinang ilaw sa loob ng eskinita. Biglang sumama ang kutob ni Monkey.
'Wala man lang kahit yapak?'
Mataas an kanyang perception kaya dapat marinig man lang niya ang yapak ng kanyang kalaban.
Nanlaki ang kanyang mata, napagtanto niyang hindi lang ang yapak nito ang nawala pero pati na rin ang anino nito.
'Ano?' Ika ni Monkey sa kanayang sarili, habang nanginginig.
Isang kamay ang lumabas sa dilim at tinakpan ang kanyang bibig.
'Puta!' Napayuko si Monkey. Bilang thief, alam na niya kung ano ang kamay na 'to.
Cutthroat na ang kasunod nito!
Mabilis ang naging reaksyon niya. Agad niyang nilagay ang kanyang kamay sa kanyang leee, handing salagin ang patalim nito.
Bigla niyang naramdaman ang sakit sa kanyang palad. Nanlamig si Monkey, pero aam niyang sinwerte pa rin siya.
'Buti na lang nasalag ko agad!'
'Kundi, patay na ko.'
'Pucha! Assasin ang tao ko!'
Mabuti na lang, may karanasan siya sa pakikipagaban sa mga killer. Inipon niya ang lakas sa kanyang kanang paa, at handang gamitin ang lakas at bilis ni Marvin laban sa kanya.
Sayang lang at hindi na ito hinayaang mangyari ni Marvin.
Kung ang commong dagger ang ginamit niya, malamang papalya na ang pag-atakeng ito!
Pero ito ang napakatalas na [Fang]!
Isang uncommon item!
Pinwersa pa ni Marvin lalo ang dagger. At dahil sa sobrang talim ng Fang, sa isang iglap, nahati sa dalawa ang kamay ni Marvin.
Bago pa man makabawi si Monkey, nalaslas na ng curved dagger ang kanyang lalamunan!
Ang kanang paa nito'y nakatuon kay Marvin, bago tuluyang bumagsak.
Muntik na… Muntik na niyang maiwasan ang nakamamatay na atake ni Marvin.
Pero sa mga ganitong sitwasyon, ang bilis, oras, at tamang tiyempo ang maaring makapagligtas sa iyo sa kamatayan.
Matagumpay muli si Marvin.
Pero mapanganib ang pagkapanalong ito.
At sa katunayan, nanlamig sa pagkabigla si Marvin.
Mas mabilis ang naging reaksyon ni Monkey kumpara kay Black Bear. Napabilis ng naging pagsalag nito. Kung hindi dahil sa tindi ng talim ng Fang, siguradong kakailanganin pa ni Marvin na labanan si Monkey.
Siguradong mas mahihirapan siyang patayin ito.
Pagkatapos niyang iligpit ang katawan ni Monkey, nakaramdam na ng pagod si Marvin.
'May isa pa.'
Huminga siya ng malalim at saka ito umalis.
Kumalat ang amoy na dugo sa madilim na Oak Town.
…
Si Stag ang ikatlong pupuntiryahin niya.
Lahat ng limang miyembro ng Marcus Thieves Society ay mayroong alyas na base sa hayop. Ang boss nila ay si Wolf. Habang ang tatlo pa ay sina, Black Bear, Monkey, Stag. At ang misteryosong babae naman ay tinatawag na kitten.
Kumpleto naman ang nakuha niyang impormasyon niya tungkol ay Black Bear, Monkey, Stag. Hindi nasayang ang ginastos niya para dito.
Kung wala ang impormasyong ito, siguradong nahirapan siyang patayin si Black Bear at Monkey. Mayroong lakas ang dalawang ito ng isang pinakamataas na 1st rank class holder. Level 5 fighter si Black bear habang level 5 thief naman si Monkey.
Ganoon din kay Stag. Siya naman ay isang level 5 fighter na mahilig sa alak.
Kahit na nagtataka si Marvin kung bakit tatawaging Stag ang isang dwarven fighter, hindi na niya kailangan pang mag-aksaya ng lakas at pagod para lang magawa ang misyon.
Nagpanggap si Marvin na isang barman. Madali lang ito lalo pa at nakakita siya ng lasong walang kulay sa koleksyon ng mga Night Walker.
Ayun nga lang, malaki ang halaga ng bagay na ito. 2 ginto ang kailangan para lang makagawa ng sapat na dami para makapatay ng isang tao.
Kahit na mapagpasyang tao si Marvin, matagal pa rin siyang nag-isip kung lalasunin niya ba ito o i-a-assassinate.
Sa huli, mas pinili niyang lagyan ng lason ang alak ni Stag. Napakataas kasi ng vitality ng dwarven fighter. Baka hindi agad mapatay ito gamit ang Cutthroat. Siguradong malaking gulo kapag nagkamali siya. At maituturing na walang laban ang class ni Marvin sa class nito. Masyadong malakas ang defensive power nito kaya mahihirapang lapitan ito ng mga ranger.
Nakahinga ng maluwag si Marvin nang mapatay niya si Stag.
Balak niyang magpahinga muna, bago niya patayin ang mga natitirang miyembro.
Parehong misteryoso ang dalawang natitira. At kahit si Sean ay walang litrato ng mga ito. Ito ang pinakamahirap na bahagi ng misyon.
Pero noong umalis ito sa tavern, bigla itong naramdam ng malakas na presensya pagdaan nito sa isang eskinita!
"Woosh!" May lumipad na palaso mula sa likod niya!
Nagulat si Marvin kaya gumulong ito, muntik na siyang tamaan.
May gustong pumatay sa kanya!
Pero sino?
Binunot ni Marvin nag kanyang twin dagggers, at agad na umikot para harapin ang kalaban!