webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · Urban
Not enough ratings
213 Chs

Chapter Twenty-Five

Wala nga silang dalawa. Naiwan ako sa bahay nang mag-isa. Hindi ako makapaniwala na iniwan ako ni Timothy! Sumama na sya kay Ami?! Bakit nya ako iniwan?! Umupo ako sa sofa. Ako na naman ang umiiyak ngayon. Hindi na yata ako titigil sa pag-iyak, iniwan nya ako. Iniwan ako ni Timothy para kay Ami. Iniwan nya ako. Iniwan nya na nga ako nang tuluyan. Sana kasi kinausap ko na sya kanina eh! Kung bakit kasi nag-inarte ako kanina. Bakit nga ba kasi?!

"HUBBY!! WAAAAAAH!! HUBBY!!" umiyak nalang ako sa sala. "Bakit mo 'ko iniwan dito?! WAAAAHH!"

Nakakainis naman eh! Saan kaya sila nag-punta? Nagtanan na sila? Nakita ko yung vase sa table. Ibinato ko sa kung saan.

*CRASH!*

Ang lakas ng tunog pero hindi parin sya dumating. Wala na nga talaga sila, iniwan na nya ako. Timothy naman eh! Bakit mo ako iniwan dito?! Ang sakit na nga ng puso ko mas lalo mo pang sinaktan. Hindi na halos ako makahinga dahil patuloy lang ako sa pag-iyak at the same time yung puso ko pa nakikisabay parang hinihiwa sa gitna.

Hindi ko maisip na mawawala sa'kin si Timothy. Kasalanan 'to ni Ami! WAAAAAAAAHHHH!!!

"Miracle?" boses ni Timothy 'yon ah.

Napatingin ako sa pinto, nakatayo doon si Timothy at kasama nya si Ami. Nakatingin si Ami sa akin with a horrified expression. Siguro dahil ang pula pula ng mukha ko kakaiyak. Ang pangit ko na! Lumabas lang pala sila ng bahay, ang drama ko naman.

"T-Timothy! Huk!" pinunasan ko ang basa kong pisngi gamit ang mga kamay ko.

"Mi—" natapakan nya yung basag na vase sa sahig "Ano 'to?"

"May basag na vase po sa sahig Sir Timothy," sagot ni Ami.

"Miracle?"

"I'm here Hubby."

Nilapitan nya ako nang dahan-dahan. Bakit ang bagal nyang lumapit?! Inayos ko ang nagulo kong buhok.

"Ayos ka lang ba? Ano'ng nangyari? Bakit may nabasag na—"

"SAAN KA NAG-PUNTA?! BAKIT MO KASI AKO INIWAN DITO?! HA?! NAKAKAINIS KA NAMAN EH! BIGLA KANG NAWAWALA!! INIWAN MO 'KO! WAAAAAAHH!!" iyak-sigaw ko sa kanya.

Lumapit na sya nang tuluyan at tumapat sa kinauupuan ko. Niyakap ko sya at umiyak ulit. Akala ko talaga wala na sya!

"Ssshhh. It's okay Wifey," hinalikan nya ang ulo ko. "I'm sorry. I'm sorry. I'm so sorry."

"Kasi naman eeh! Huk! Iniwan mo ko eeeh! Akala ko hindi ka na babalik!" hinampas ko sya sa dibdib nya.

"Bakit mo naman naisip 'yan Miracle?" umupo na sya sa tabi ko.

Tumingin ako kay Ami na nakatingin sa'min ni Timothy.

"Akala ko iniwan mo 'ko kasi mas gusto mo si Ami!" hiyang hiya na pag-amin ko.

Natahimik silang dalawa. Umiwas ng tingin sa'min si Ami at umalis na papuntang kusina.

"Miracle," buntong hininga nya. "We need to talk."