webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · Urban
Not enough ratings
213 Chs

Chapter Sixty-Three

Miracle Samantha Perez

Makalipas ang isang mahabang bumpy ride patungo sa Bukidnon ay nakarating na rin kami sa wakas. Inabot kami ng isa at kalahating oras sa byahe, pagkatapos ay kalahating oras naman ang inabot bago kami nakarating sa Hacienda Ezperanza ng mga Dela Vega.

Ang Hacienda Ezperanza ay may sukat na almost 13000 hectares, doble ang laki nito kumpara sa Hacienda Luisita. Sila ang major producer ng rice, corn, coffee, pineapple, sugar at iba pang prutas at gulay. Kasama sa negosyo nila ang chicken, hogs and cattle. Pero higit sa lahat, sila rin ang may pinakamatamis na mangga!

Kanina pa kami nakapasok sa lupain nila pero malayo pa ang bahay nila. Ilang libong ektarya ang lalagpasan namin bago kami makarating sa mansion. Marami kaming nadadaanan na puno. Puno... Puno.. May ibang hayop din katulad ng kalabaw at kambing.. Pero nasaan yung mga tao? Siguro nasa kabilang bahagi pa. Kalsada kasi 'to eh. Oo nga naman, alangan magtanim sila sa tabi ng kalsada?

Medyo maalikabok ang daan, hindi kasi sya sementado. Maayos naman at hindi masyadong malubak.

"Look Mommy! Look! Look!" excited si Angelo habang nakadikit na halos ang mukha sa bintana.

Halatang nag-eenjoy sya sa mga nakikita nya. Sa pictures at tv lang kasi sya nakakakita ng mga ganitong scenery.

"IT'S A BEAR!!!" sabi ni Angelo.

Bear? Sinilip ko ang tinitignan nya.

"No, it's not baby, it's a cow."

"BIG!! I want to eat that cow Mommy! Maybe if I eat it I will grow faster! I'll become a giant!! Like Gochilla!!" nagtatalon sya sa upuan nya.

Ack! Hinigit ko sya para makaupo sya ng ayos.

"Godzilla," pagtatama ko. At hindi ka lalaki sa pagkain lang ng cow. Kailangan mo'ng kumain ng vegetables okay? At yung milk kailangan palagi kang umiinom non. Hindi lang dapat sweets ang kinakain mo."

"A PONY!!" namamangha na naman na tumingin si Angelo sa labas ng bintana. "PONY!! PONY!!" tumalon talon na naman sya sa upuan.

AAAAH! Ang kuleeeet!

"Napaka-energetic naman ni Angelo, ngayon lang ba 'yan nakakita ng hayop?" tanong ni China habang nagtetext sa cellphone nya.

"Nagkaron kasi sya ng rashes dahil sa balahibo ng pusa. Mula noon hindi na sya pinalapit sa kahit na ano'ng mabalahibong hayop ni Mama."

"Kawawa naman si Angelo. Angelo gusto mo mag-fishing tayo mamaya?" aloko ni Maggie.

"Fishing? Mommy, can I go fishing?" Bigla nyang ginamit ang kanyang puppy dog eyes technique! "Please Mommy? Please? Pleaaaase? Can I?"

"Sure baby," sagot ko na parang na-hypnotized.

"YEHEY!! FISHING FISHING!!" tuwang tuwa si Angelo na pinayagan ko sya.

"Ayos! Angelo mamimingwit tayo ng malaking isda!" malakas ang boses na saad ni Maggie.

"Mangiwit?" ulit ni Angelo.

"Mamingwit" kinuha ni Maggie si Angelo at pinaupo sa lap nya.

Nag-usap silang dalawa tungkol sa pangingisda. Wow si Maggie pala mahilig sa bata?

"Sama ako!" taas ang isang kamay na sabi ni Michie.

"Hindi pwede kakausapin ka pa ni Lola," saway ni China.

Nag-pout si Michie at nanahimik sa sulok ng sasakyan.

Makalipas ang ilan pang minuto ay bumusina na ang sasakyan sa tapat ng mataas na itim na gate. Bumukas 'yon at nagtuloy-tuloy ang sasakyan sa loob.

Gaano kaya kalayo ang mansion mula sa driveway?

Limang minuto tumigil na ang sasakyan. Hindi sa tapat ng mismong mansion. Kailangan pa itong lakarin dahil may malawak na pool sa tapat nito. Malaki ang mansion. May lawn ito sa tapat at mga coconut trees sa paligid.

Mukhang spanish style ang bahay, two story at malawak. Hindi ito kasing laki ng Perez Estate pero may aura ito ng pagiging homey. Para bang ang daming nakatira rito at palaging buhay ang paligid? Hindi katulad samin, laging ako lang o si Kuya Lee.

Dito pala nakatira ang Crazy Trios. Dito sila lumaki maliban kay Michie. Natagpuan si Michie sa isang ampunan noong fourteen years old sya. Natatandaan ko, talagang weirdo na sya pagkapasok nya ng St Celestine High.