webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · Urban
Not enough ratings
213 Chs

Chapter Sixty-One

Miracle Samantha Perez

Ang init. Pinaypayan ko si Angelo gamit ang panyo ko. Hinipo ko ang likod nya kung basa na, hindi pa naman. Thank God hindi ko sya kailangan palitan ng damit dito sa airport. Nakalimutan ko'ng maglagay ng spare na damit nya sa hand-carry bag ko. Lahat ng damit namin ay nasa isa ko'ng bag.

"Sino raw ang susundo sa atin?" tanong ni Maggie.

"Si Mang Tony daw sabi ni Nanay Belinda," sagot ni China.

Nandito kami ngayon sa Cagayan De Oro Airport at hinahanap ang taong susundo sa amin.

"Nahihilo pa rin ako" sabi ni Michie habang nakaupo sa bench.

Natural na sa kanya ang mahilo. Simula kasi nang makatanggap sya ng tawag hindi na sya mapakali. Tapos nahilo rin sya sa pagsakay sa eroplano dahil hindi sya sanay sumakay dun. Kahit sa elevator ayaw nyang sumakay. Magaling lang sya sa mga fun rides pero sa mga ganitong bagay ayaw nya.

"Michie hwag kang susuka dito--AH!" sigaw ko nang makita syang susuka na.

"URHG—JOKE LANG!!" nakapeace sign pa na sabi ni Michie.

Hay. Baliw talaga. Ayokong makita sya ni Angelo na sumusuka dahil baka masuka rin ang kapatid ko.

"Mommy I want that! That!" sabi sa akin ni Angelo habang hinihila pababa ang shirt ko.

Tinignan ko ang itinuturo ni Angelo, isang manong na may bitbit na plastic bag. Gusto nya ng mangga.

"Later na lang Angelo, mas masarap ang mangga sa pupuntahan natin," sabi ko sa kanya. Ayoko syang bigyan ng mangga ngayon dahil magiging makalat sya sa pagkain. Ayoko ng malagkit. At isa pa, baka sumakit ang tyan nya.

"Really? Mommy?" tanong nya.

Binuhat ko sya at pinaupo sa lap ko. "Oo naman, iba na lang ang hingiin mo sa'kin baby."

Kumurap kurap sya at walang kagatol gatol na sumagot.

"Then I want Daddy."

"Sabi ko nga mangga na lang eh, ilan ba ang gusto mo baby? Isang kilo?"

"Hahaha! Angelo, halika dito dali! May ipapakita ako sa'yo" tawag ni Maggie.

Bumaba si Angelo mula sa lap ko at tumakbo papunta kay Maggie. Nakita ko silang naglalaro ng pitik-bulag. Haayy.

Dalawang araw na simula nang umalis kami ng Bora at talagang hinahanap na ni Angelo si Red. Ilang araw kaya kami titigil dito? Si Audrey at Omi naman hindi na sumama sa amin kaya naman kami na lang ng Crazy Trios at Angelo ang magkakasama. First time ko na makapunta sa lugar ng tatlong 'to. Ano kayang hitsura ng Hacienda nila? Sa Bukidnon pa 'yon, medyo malayo pa. Mahirap pa naman mag-commute dahil marami kaming dalang gamit at ang isa pa kasama ko rin si Angelo. Kaya naman naghihintay kami ng sundo na ipinadala para sa amin.

Ang totoo hindi ko talaga pinangarap na pumunta sa Mindanao area dahil sa gulo dito. Baka kasi maipit kami bigla sa labanan ng militar at rebelde. Pero sabi ng Crazy Trios ligtas naman daw sa lugar nila. Sana nga. Kinakabahan parin ako sa pagpunta rito.

"Nasa labas na raw sila," sabi ni China na may hawak na cellphone.

Kinuha ko ang mga gamit namin ni Angelo.

"Huhu! Ayokoo pumunta don!" sabi ni Michie na ayaw parin tumayo sa kinauupuan nya.

"Tara na Michie," utos ni China sa pinsan nya.

Tumayo na si Michie at kinuha na rin nya ang mga gamit nya. Nauuna maglakad sina Maggie at Angelo. Kasunod nila si China, ako at si Michie ang panghuli. Sa labas ng airport sumalubong samin ang itim na BMW. Nasa labas nito ang isang matandang lalaki na nasa fifties. Sya siguro ang driver.

"Mang Tony!" masayang bati ni Maggie sa matandang lalaki.

"Señorita," bati ni Mang Tony kay Maggie. Napatingin sya bigla kay Angelo na buhat ni Maggie. "Sino po ang batang yan? A-Anak nyo po ba?"

"Hahahaha!! Kahit kailan talaga joker ka Mang Tony, hindi po."

"Kapatid ko po sya," sabat ko.

Nalipat ang tingin ng matanda sa akin. "Ah eh ganon ba hija? Kayo po ba ang kaibigan ng mga Señorita?" tanong nya sa'kin na may maaliwalas na mukha.

"Opo ako po 'yon. Ako po si Samantha. Kamusta po kayo?" nakangiti at magalang ko'ng sabi.

"Mabuti naman hija," sagot nya.

"Mabuti naman at nakarating kayo kaagad," may sumulpot na gwapong nilalang.

Ang—GANDA NYA! Napakaganda nya! Mukha syang babae. Ang kinis ng balat. Kung hindi lang sya nakasuot ng business suit mapagkakamalan ko syang babae! WAAAH! May karibal na si Red sa pakinisan ng balat. Ano kaya ang magiging reaksyon nya kapag nalaman nya? Hmm. Sigurado—TEKA! Bakit ko ba iniisip ang hambog na lalaking 'yon? ERASE!! ERASE!! UNDO UNDO!!

"Kuya Nate!" malapad ang ngiti ni China sa lalaki.

Ngumiti ang magandang nilalang sa harap namin.

"Maligayang pagbabalik," sabi nya sa Crazy Trios.

Napansin nya ang bata na karga ni Maggie. Bigla syang napatingin sa akin. Humakbang sya palapit sa akin.

"Ms. Samantha Perez," nakangiting bati nya. Ang gwapo nya.

"Kilala mo ako?" gulat ko'ng tanong.

"Nasabi na sa akin na darating ka kasama nila. Interesado ang Senyora na makilala ang anak at tagapagmana ng Perez Group," pormal na paliwanag ni Nate na hindi nawawala ang ngiti.

Isa ba siguro sya'ng businessman. Sanay na sanay syang makipag-usap ng pormal. Madalas ko'ng nakikita ang mga katulad nya sa party namin.

"Nathaniel Smith, it's nice to finally meet you," pakilala nya sa sarili nya.

Nakipag-kamay ako. Hindi sya ang tipo na flirt. Pormal lang sya. Pagkatapos non ay tumalikod na sya at nilapitan sina China. Ang swabe nya kumilos. Napaka-graceful.

"Maggie," bulong na tawag ko.

Inilalagay pa nina Mang Tony at Nate ang mga gamit namin sa likod ng sasakyan.

"Bakit bakla?"

"Sino 'yan? Kapatid mo?" turo ko kay Nate.

"Ah hindi, family lawyer namin sya. Apo sya ng The Great Wise Man na si Solomon Smith, yung number 1 lawyer sa Pilipinas. Nang mag-retire yung lolo nya, sya na ang pumalit as lawyer namin," paliwanag ni Maggie.

Tinignan ko ulit si Nate. May naalala ako sa kanya. Si Kuya! Si Kuya Lee!

"Ay gunting!" Natapilok si Michie malapit kay Nate. Inalalayan sya ni Nate bago pa sya matumba. "Uy may gunting oh!" pinulot ni Michie yung gunting sa sahig.

Bigla naman natawa si Nate.

"Bagay sila..." bigla ko'ng nasabi habang nakatingin kina Michie at Nate. Isang clumsy at graceful. Hmm.

"Sino? Sino ang bagay?" tanong ni Maggie.

"Sina Michie at Nate. Wait ilang taon na ba 'yan si Nate?"

"He's already 26 at hindi pwedeng maging sina Nate at Michie" sagot ni Maggie.

"Bakit naman?" curious na tanong ko.

"Eh kasi si Nate--" hindi naituloy ni Maggie ang sasabihin nang bigla kaming tinawag ni China.

"Sakay na mga bading!! Umi-skempertush na naman kayo dyan halika na!!" tawag ni China na nasa loob na ng van.

Hi! Please Vote and Rate! Thank you! :)

AlesanaMariecreators' thoughts