webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · Urban
Not enough ratings
213 Chs

Chapter Seventy-Two

*Rica Manrique*

Oh my gosh! He's totally hot! Hah! Kailangan ko syang makuha. Hindi ako papayag na ang slut kong ex bestfriend lang ang makakatikim sa kanya. Dapat ako rin! Mas maganda naman ako kaysa sa slut na 'yon. Inunahan lang nya ako noon! Stupid whore.

Humanda ka Red Dela Cruz. You'll be mine tonight! No matter what, I'll have you in my bed!

May isang problema lang, yung fiancee nyang walang dibdib! Oh my gosh talaga! I can't believe na nakatali na sya and worse may ANAK pa sila! Napaka-plain looking pa nya! Pa-virgin pa kuno may anak naman! So kadiri talaga!

Mas bagay kami ni Red!

Ang lakas talaga ng charisma nya! Ano kaya ang pakiramdam na maka-partner sya in bed? Well alam ko na MAGALING sya. Pero may isa pa akong gustong alamin, ang sabi kasi ng mga nakapartner ni Red... extra large daw yung kanya. I'm so excited it!

"Froggie!"

Napatingin ako sa batang iniwan ni Red kasama ko. May hawak syang palaka.

"Eeew! Bata! Bitawan mo nga yang palaka! Hindi ka ba tinuturuan ng jologs mong Nanay na kadiri ang mga palaka? Oh my gosh! Yuuuuck!"

"What is jo—jogogs?"

"Tange! Jologs! Ano ba 'yan hindi mo alam? Ang mga jologs yung mga mabababang klase ng nilalang na hindi dapat sumasama sa mga katulad ni Red Dela Cruz! Mga pa-virgin kahit hindi naman! In short loser!"

"W-What! Take that back! Mommy is not a jobogs!"

"Stupid! Jologs sabi! And yes your Mommy is a jolog! Boo-hoo!"

"Mean witch! I'll tell Daddy you're mean!"

Nag-pantig ang dalawang tenga ko. Sisirain pa ng batang ito ang image ko kay Red.

"Sumbungerong bata! Ipapakain ko kayo ng Mommy mo sa alaga naming crocodile kapag nag-sumbong ka!"

"M-Meanie!!" Malapit na syang umiyak.

Ibinato nya sakin ang palaka na hawak nya! OH MY GOSH! This stupid kid threw me the kadiring animal! Nag-land sa dibdib ko. MY GOSH!! Alcohol!

"EEEEEEEEEEEEEKKK!!!!" sigaw ko at umalis sa pool.

"Hahahaha!!" the stupid kid laughed at me.

STUPID KID!! Nilapitan ko sya at tinanggal ang salbabida sa kanya, tsaka ko sya binuhat at itinapon sa gitna ng pool. Lumubog sya sa tubig. Dapat lang sa kanya 'yan! Hmph! Makaalis na nga.

*Jared Dela Cruz*

"Yow Sam?" nakatalukbong na naman sya ng kumot.

Hindi nga ako nagkamali, para na naman syang hipon. Nakabaluktot kung matulog. Hindi sya sumagot. Siguro tulog nga 'to. Iniwan ko nalang ang tubig nya sa bedside table. Malamang maghahanap yan ng tubig pagka-gising. Mabuti nakakain sya nang maaga, may maisusuka sya mamaya.

Madalas rin kasi nagsusuka sya kapag unang araw ng dalaw nya. Sobra rin kasing sumasakit ang ulo nya. Lumabas na ako ng kwarto nya. Kinuha ko na ang drinks nina Angelo at Riri. May kasama ring clubhouse sandwich, inihanda ng kasambahay nila.

Pumunta na ako sa pool at...

F*CKING SHIT ANGELO!!! Nabitawan ko ang dala kong tray at tumakbo na ako papunta sa pool. Agad akong tumalon sa tubig at lumangoy papunta kay Angelo. PAKSHET!!

Iniahon ko sya sa mula sa pool. Wala syang malay. SHIT! SHIT! Inihiga ko sya sa gilid ng pool at sinimulan ang pagbibigay sa kanya ng CPR.

"Angelo! Angelo! SHIT!" patuloy ako sa pagbigay ng CPR.

"Oh my gosh! What happened?" boses ni Riri pero hindi ko sya tinignan.

"SHIT!! ANGELO!" sigaw ko.

Ayaw nyang huminga. SHIT! SHIT! SHIT!

"HINGA ANGELO!! HINGA!!" sigaw ko at muli syang binigyan ng hangin.

"Ano'ng nangyayari?!"

"Si Angelo!"

"Nalunod ba sya?!"

Dumating ang mga kaibigan ni Samantha. Umubo si Angelo. Lumabas sa bibig nya ang tubig na nainom nya galing sa pool.

"D-Daddy?" mahinang tawag nya bago unti unting binuksan ang mga mata.

Nakahinga ako nang magsalita sya. Shit. Ngayon lang ako natakot nang ganito sa buong buhay ko. Napatingin sya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Bigla syang umiyak. Takot na takot.

"Daddy!! WAAAAAAAAAAAHH!! DADDDYYYY!! WAAAAAH!!"

Niyakap ko sya nang mahigpit.

"Sshh. Nandito na si Daddy. Hindi na ulit aalis si Daddy. Hwag ka nang matakot. Ssshhh... Angelo."

"Ano'ng nangyari? Paano sya nalunod?" tanong ng isa sa mga kaibigan ni Samantha.

Tinignan ko si Riri.

"H-Hindi ko alam na malulunod sya! I swear! S-Sinagot ko lang yung phone ko kasi m-may tumawag k-kaya... Sorry hindi ko alam." Parang natatakot na sagot nya.

"Wala naman naninisi sa'yo Ate Riri, hindi mo rin naman ginusto na malunod sya hindi ba?"

"O-Oo naman! B-Bakit ko naman sya gugustuhin na malunod?" tumungo si Riri, umiiyak yata.

"Ang mahalaga nailigtas na si Angelo."

"Kawawa naman si Angelo."

Shit! Muktik nang mawala si Angelo. Konting konti nalang. Shit Red! Shit lang! Shit!