webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · Urban
Not enough ratings
213 Chs

Chapter One Hundred Thirty-Seven

*BAM!*

*DREEEEEEE!!!*

*DING!DING!DING!*

"Wow! Palakpakan po natin ang couple number twelve! Nakakuha sila ng sixty-five points!" sigaw ng emcee sa mic.

Ang taas ng nakuha nila! Pano na 'yan?! Number fifteen na ang susunod tapos number nineteen at twenty-one tapos kami naaaa! Lagot na kami! Tinignan ko si Timothy. Bakit ganyan ang mukha nya, wala lang?! Kung nagpa-participate lang sana ng ayos si Timothy kaso... Kaso masyado syang... MASYADO SYANG ABUSOOOOO!!! Hindi ko akalain na magde-demand sya sa'kin ng isang bagay kapalit ng hinihiling ko.

"Timothy kailangan galingan mo! Dapat natin makuha ang first prize! Dapat manalo tayo dito para makapasok tayo sa third round!"

"Third round? F*ck! I'm tired, let's get out of here."

Ano'ng sabi nya?! "T-Timothy ano'ng sabi mo?"

"This game is stupid. I want to get out of this place."

WAAAAAAAAAHHHH!! NO NO NO!! Hindi pwede ang ganyang attitude dito!! Baka matalo kami! Gusto kong manalo! Kailangan manalo kami! Ayokong matalo!

"PLEASE HUBBY! Hwag muna tayong umalis gusto ko talaga yung first prize!" Hindi nya ako pinansin. Halatang ayaw na nya talaga rito. "Please? Please?"

Sa wakas ay tumingin sya sa akin. "Do you really want to win this game?"

"YEEES! Gustong gusto ko manalo dito!"

"Then..."

"Yes?"

"Kiss me."

"A-Ano?"

"As payment..." Lumapit si Timothy sakin, hinawakan nya ang baba ko at iniangat "I demand a kiss."

Payment? AAAAAAAAAAHHHHH!!!!!!!!!!!!! Hindi ko yon magagawa!! Ang daming tao dito! PDA?! Hindi ko kaya mag-PDA. "Ayoko nga! Mga paraan mo ah!" Tinulak ko sya palayo.

"Fine then." Sumandal sya sa malaking pillar habang naka-cross arms. Nagmasid lang sya sa mga tao. Seryoso ba sya?! Hindi nya ako tutulungan?!

Nakagat ko ang ibabang labi ko. "Timothy! Pwede bang iba nalang ang kapalit?!" tanong ko.

"No," masungit nyang sagot.

Naipadyak ko ang dalawa kong paa sa semento. "Pero! Hindi mo pwedeng gawin sa'kin 'to ngayon! Gusto ko talagang manalo, Timothy!"

Ngumisi sya sa akin. "Good luck, Miracle."

Kaya naman ngayon.... hindi ako mapakali. Malapit na kami.

*DREEEEEEE!!!*

Napalingon ako doon sa pataas na bola sa punching machine. May parang higanteng thermometer don na imbes na mercury ang laman ay isang bola ang tumatayong signal ng level ng suntok. Pinakamataas ang one hundred pababa hanggang five. At ngayon patuloy sa pagtaas ang bola.

*DING!DING!DING!*

"CONGRATULATIONS SA PAIR NUMBER nineteen!! Eighty-five POINTS!!"

EIGHTY FIVE?! Ang taas nun ah!!! Ibig sabihin pasok na sila nyan!! Yung iba nasa fifty-sixty points lang ang nakuha. Kung ako lang mag-isa, hanggang twenty points lang siguro ang makukuha ko. Kung swerte ako makaka-thirty points pa ako.

"YES! Ang galing talaga ng Sweetypie ko!" proud na sabi nung lalaki.

"Of course sugarpie! Pasok na tayo sigurado!" sagot nung malaking babae.

Ang laki nya talagang babae, mas malaki sya sa partner nya. Ang laki ng katawan nya! Triple ng braso nya yung akin. Tinignan ko yung braso ko. Ni hindi ko nga mapalabas yung daga sa braso ko eh. Matatalo ko kaya sila kahit mag-isa ako?! Ano'ng gagawin ko? Tumingin ulit ako kay Timothy.

Blanko lang ang mukha nya habang nakamasid sa paligid. Mukhang hindi na talaga sya interesado na manalo. Ano ba yan?! Hindi nya ba talaga ako tutulungan?!

"Kawawa naman yung girl oh, mukhang iniwan nung partner nya."

Ano raw? Kawawa? Lumingon ako sa nagsalita.

"Hwag mo syang tignan, kawawa na nga eh," sabi nung partner nyang lalaki.

Ako yun! Ako ang pinag-uusapan nila! Nilalayuan ako nung ibang couples na parang may sakit akong nakakahawa.

"Kung alam ko lang, sana iba nalang ang isinama ko dito. Sana pala si JG na lang ang isinama ko, sigurado mananalo pa kami," nakangusong reklamo ko.

*KKKZZZZZZZZZTTT!!!*

Bigla nalang akong tinaasan ng balahibo. A-Ano'ng masamang pakiramdam yun? Nakakakilabot!

"Who?"

YAAAAAH! Bakit ba ako nakalimot na may super-hearing capability itong si Timothy?! Unti-unti akong tumingin sa kanya. Ugh! Tinamaan ako ng lazer beam nyang mata!

"J-f*ckin-G?" mukhang nainsulto nyang sambit.

Agad akong umiwas ng tingin sa kanya. "H-Ha?! W-WALA AH! Wala akong sinasabi, b-baka mali ka lang ng dinig?"

"You dare mention that name..." Humakbang sya palapit. "in front of me?" he said through gritted teeth.

WAAAAAAAAAAHHHH!!! Malaking problema 'to! Mas lalo lang syang hindi magpa-participate ngayon! Pinainit ko ang ulo nya.

"A-Ano kasi..."

Nasa harap ko na sya ngayon. "Yes? Miracle?"

"Ahh... Si Gabby kasi ano..."

"I'm listenning." Para syang leon na biglang mangangain.

Tumingin ako sa ibang direksyon para iwasan ang nakamamatay nyang tingin. Tama na sa akin ang isang laser beam ngayong araw! Walking Jar of Jealousy nga pala si Timothy. Pano ko nakalimutan yon?!

"MIRACLE!" Hinawakan nya na ang magkabila kong balikat.

Napaigtad ako at mabilis na sumagot sa kanya. "KASIKAMUKHANIGABBYYUNGDUMMY!!!"

"What?"

ANO'NG SINABI KO?!!!

"K-Kasi kamukha ni Gabby yung dummy?" ulit ko. Ngumiti ako nang pilit. Ano ba itong lumabas sa bibig ko?! Tumingin ako sa ulo sa punch machine. Mukha ng isang matandang maitim na mama na may nakakalokong ngiti ang nandon para suntukin. Ang totoo nyan, sobrang layo talaga ng mukha na yon kay Gabby. Hindi ko lang alam kung bakit nasabi ko 'yon. Nataranta lang ako Gabby! Pero hindi mo talaga kamukha ang dummy! Forgive me!

"Now that you mentioned it, yeah I think they look the same."

Hindi ako makapaniwalang sinabi yon ni Timothy. Ang layo kaya!

"NUMBER TWENTY-TWO!! CALLING PAIR NUMBER TWENTY-TWO!! TURN NYO NA!"

KAMI YUN AH! Tumingin ulit ako kay Timothy.

Puppy-dog-eyes technique!!

Kaunti nalang papayag na yan!

Sige na please!

Tumingin sya sa ibang direksyon!!

"Number twenty-two!! Last Call!!"