webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · Urban
Not enough ratings
213 Chs

Chapter One Hundred Ten

Jared Dela Cruz

"ARIL! Buksan mo 'tong na pintuan na 'to!"

"AYOKO NGA! MANIGAS KA, PULANG PINK!" sigaw niya mula sa kabilang side ng pinto.

Lintek! Ayaw akong tulungan ng bubwit na sadista para magpaliwanag kina Mama at Samantha. Baka hindi nila ako paniwalaan kung ako lang. AMPOTEK!

"Gigibain ko 'to!" banta ko.

"Eh di gibain mo!" mataray na sagot niya.

"ISA!" sigaw ko.

"AAAAH! Kapag nasira ang pinto ko, humanda ka sa'kin Pula ka! Gagawin kitang Blue Violet!"

Blueviolet?

"Pula, este Red pala! Kakabili lang namin ng sofa, 'kaw magpapagawa ng pinto kapag nasira 'yan ha!" ani Six.

"Oo nga, kakalagas lang ng fifty-six thousand ko para sa sofa," malungkot na kwento ni Seven.

"PAKSYET naman kasi 'yang utol nyo, ayaw akong tulungan!" umupo ako sa sofa nila.

Naka-leather na sofa ang mga gago.

Kanina pa ako kumakatok sa kwarto ng mangkukulam na sadistang kuneho, pero ayaw akong pagbuksan. Galit pa rin yata dahil sa nangyari sa damit niya. Nagalit rin siguro dahil sa sinabi ni Mama. Si Mama, isa pa yon, tsk! Ang hilig kasing manuod ng teleserye kaya kung anu-ano ang naiisip.

Ampupu! Ano'ng gagawin ko? Shet! Pano ako magpapaliwanag nito?! Baka hindi ako paniwalaan. TSK! Naman na buhay 'to, kung kailan ako nagbago, dun naman ako napagbibintangan.

Ano ba 'to? Para akong bagong laya sa kulungan ah, hirap pagkatiwalaan. Kapag may nawawalang bagay, ako kaagad ang pagbibintangan. Kapag may babae sa condo, iisipin nila....

"Bakit ka ba natatakot sa iniisip ng Mama mo?" usisa ni Seven.

"Tsk! Hindi naman sa kanya eh, kay Samantha. Baka kung ano ang iniisip nun!" sagot ko na totoo naman.

Kailangan kong magpaliwanag kay Mama para matulungan niya ako kay Samantha. Pero para makapagpaliwanag ako kay Mama, kailangan kong isama si Aril. Pero ang Sadista, nagmamatigas.

"Eh bakit ka natatakot sa iniisip ni Samantha? Di pa ba sanay 'yon?" tanong ni Six.

"Oo nga pare, wala naman kay Samantha ang nakita niya, di ka naman gusto nun," segunda pa ni Seven.

Aray! Loko tong mga 'to. Baka gusto na rin nilang sabihin na 'wala namang pakialam si Samantha sa'yo'. Ako lang ba ang nag-iisip na baka nasaktan ko siya? Na baka nagseselos siya? O umaasa lang ako? Tumayo ako.

"Kung sa kanya wala lang 'yon, pwes sa'kin mahalaga 'yon! Kailangan kong malinis ang pangalan ko sa kanya!" Potek! Natatakot ako sa iisipin niya sa'kin.

"Hoy, saan ka pupunta?" pahabol na tanong ni Six.

Naglakad ako papunta sa pinto.

"Kay Samantha, magpapaliwanag!" sagot ko bago tuluyan na lumabas.

At takte, bahala na nga! Basta sasabihin ko kung ano ang totoong nangyari! Tsk!

***

Barasque Brothers

"Gagong 'yon, masyadong napaghahalata," sambit ni Six pagkalabas ng kaibigan.

"Paano kaya 'yung lokong 'yon kapag bumalik na si Pinuno?"

"Malamang babalik sa dati. Babae dito, babae dyan."

"Hah! Pero paano kung bumaligtad ang sitwasyon?"

"Bro, what do you mean?"

"Na baka si Pinuno ang maiwanan. Babae dito, babae dyan din kaya ang patak no'n?"

"Malamang, lalaki pa rin naman si Pinuno. Hahanap siguro ng rebound para makapag-move on."

"Tsk! Tsk! Ano ang nangyayari sa dalawang 'yon?"

"Nabaliw sa iisang babae."

"Buti hindi ako nabaliw sa babae, kahit nag-break kami ni Joshilyn."

"Nak ng, may pumatol sa'yo? Kailan kayo nag-break?"

"Tagal na, mga four hours ago."

"Shet 'tol, tara uminom. Single ka na!"

"Sige, 'kaw magbabayad ha."

"Si Omi na lang, isa pang baliw sa babae 'yun eh. Haha!"

***

Jared Dela Cruz

Pumasok na ako sa kotse kong si Riri, ang red ferrari ko na naiwan ko rito nung umalis ako papuntang France. Takte, kapangalan pa nung babae na muntik nang pumatay kay Samantha. Buti napigilan ko.

Hindi ko akalain na kaya ko na palang gawin ang bagay na 'yon para kay Samantha. Dati iniisip ko kung gaano ba talaga kalalim ang nararamdaman ko para sa kanya.

Ganon na pala kalalim. Alam ko na matagal na kung ano ang nararamdaman ko para kay Samantha. Pinipilit ko lang talagang hindi pansinin iyon dahil alam ko na may masasaktan. Inisip ko rin noon na baka sakaling mawawala rin naman ang nararamdaman ko kung dededmahin ko lang ito. Pero hindi eh, ang tadhana na yata mismo ang naglalapit kay Samantha sa'kin. At ako naman itong isa pang gago, walang ginawa na kahit ano para mahulog si Samantha sa'kin sa loob ng dalawang taon na pagsasama namin.

Isa na nga yata 'yon sa pinakapinagsisisihan ko ngayon. Pero binigyan ako ni TOP ng permiso na mahalin si Samantha habang wala siya. Hindi ko na dapat na palagpasin pa ang pagkakataong iyon ngayon, dahil baka wala na sa susunod.