webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · Urban
Not enough ratings
213 Chs

Chapter One Hundred Sixty

"Bakit hindi mo puntahan?" tanong ni Jack kay Red.

Mula sa loob ng coffee shop na tinatambayan nila ay natanaw nilang dumaan sina Samantha at Audrey. Pumasok ang dalawang babae sa isang nail salon. Nanatiling nakaupo at nakaharap sa glass wall si Red kasama ang iba pang myembro ng gang.

"May kailangan muna akong kausapin bago ko sya lapitan," sagot ni Red sa kaibigan.

"Kung si Pinuno yan, mahihirapan tayo. Si Kyo lang yata ang nakausap non bago mawala ulit na parang bula. Who knows kung nasaan sya at ano ang ginagawa nya ngayon," litanya ni Sun.

"May sinabi ba si Kyo tungkol sa naging usapan nila?" tanong ni Red sa mga kasama.

"Wala, sarado ang bibig ng loko," sagot ni Mond.

"Si GD?" Napakunot ang noo ni Red nang biglang maalala ito.

Parte na ito ng Lucky 13 pero madalas itong wala. Sabay-sabay silang napa-ayos ng upo.

"Di kaya may kinalaman sya dito?" tanong ni Pip.

Ibinaba ni Red ang iniinom at tumayo.

"San ka pupunta?" tanong ni Omi.

"Hahanapin si GD."

***

"Hmm. Looks nice, no?" tanong ni Audrey kay Samantha pagkalabas nila ng nail salon.

Makalipas ang kalahating minuto sa loob ng salon, lumabas silang dalawa na may indentical design sa mga kuko nila. Pink and white nail polish na may tig-tatlong kumikinang na bato sa bawat kuko.

"Yes, it's lovely," sagot ni Samantha habang nakatingin sa mga daliri niya.

Ngumiti si Audrey at kumapit sa braso ni Samantha.

"Sam, where's your little brother? Hindi ko na sya nakikita," tanong niya.

"America," tipid na sagot nito.

"Oh. Too bad, gusto pa naman sya ni Mama makita," buntong hininga ni Audrey.

Tumigil si Samantha sa harap ng isang boutique. Nakatitig siya sa mga displays sa likod ng salamin. Tumigil rin sa paglalakad si Audrey at nilingon ang tinititigan ng kaibigan niya. Isang puting wedding dress na nakasuot sa isang mannequin.

"Wanna wear it?" tanong niya kay Samantha. Ngumiti siya at kumapit sa braso nito. "Masyado pang maaga para sa kasal nyo ni kuya."

Ngumiti si Samantha kay Audrey. Agad na napalayo si Audrey nang makita na naman nya ang malamig na ngiti nito.

"Kasal?" Ibinalik ni Samantha ang tingin sa display. "I loathe that word."

Binigyan ni Samantha ng matalas na tingin ang display bago umalis sa harap nito. Tinignan ni Audrey ang wedding gown bago sumunod sa kaibigan.

***

Napatingin ang Crazy Trios sa pumasok na babae sa loob ng Sweet's House. Agad silang napangiti nang makita ito.

"Ate Sweety!" tawag nilang tatlo na nakaagaw pansin sa ibang customers.

Kausap ni Sweety ang isa niyang empleyado nang marinig ang tawag sa kanya. Lumawak ang ngiti niya nang makita ang tatlong babae na madalas ay laman ng kanyang shop.

"Palagay nalang ng mga papers sa office ko Miel," nakangiti niyang utos sa empleyado.

Agad na siyang lumapit sa table ng tatlong babae.

"Nandito pala kayo," nakangiti niyang bati.

Sandaling natulala ang Crazy Trios nang makita ang kumikinang na aura ni Sweety.

"Kailan ba kami nawala dito sa Sweets House mo, ate?" tanong ni China.

"Ang sarap ng banana ice cream nyo! Panalo!" komplimento ni Michie habang sumusubo.

"Haha! Mabuti naman at nagustuhan nyo," natutuwang sagot ni Sweety.

"Ate bakit parang sobrang saya mo? At wow, ang ganda mo today!" wika ni China.

"May make-up ka pa," puna ni Maggie.

Napahawak sa magkabilang pisngi niya si Sweety at sobrang tamis ng ngiti niya sa tatlo.

"WA! Nasisilaw ako!" sabi ni China na nagtakip ng mga mata.

"Ako din! Ano yang nakaksilaw na bagay na yan?!" tanong ni Maggie na ginaya ang kapatid.

"SINGSING!!" turo ni Michie sa bagay na nasa daliri ni Sweety.

"Hwaa! Ang laki ng diamond!" sabi ni China habang tinitignan ang singsing.

"Nag-propose na kasi sa'kin ang boyfriend ko! Engaged na kami!" masayang anunsyo ni Sweety.

Napuno naman ng excitement ang mukha ng Crazy Trios. Sunod-sunod ang mga tanong na pinakawalan ng tatlo.

"May boyfriend ka?!" tanong ni Maggie.

"Wow! Kasal!" sabi ni Michie.

"Buntis ka?" pabulong na tanong ni China.

Hinampas ni Maggie sa braso ang kapatid. "Bakla! Buntis agad? Wala pang honeymoon?" Maggie na nakatingin kay China.

"Oo nga!" sangayon ni Michie.

"Malay nyo advance sila? Learn now, pay later?" pabirong sabi ni China.

Napatakip sa bibig niya si Sweety saka tumawa. "Ikaw talaga China, palabiro ka," sabay hampas kay China.

"Aray," reklamo ni China. "Ang sakit mo mang-hampas girl! Ano ka ba dati? Karpintero? Kargador? Magsasaka? Ang lakas mo."

"Ay sorry! Pero hindi ako buntis ano ka ba? Lagot si Cedrik kay Timothy kapag nagkataon. Hihi!" sabi ni Sweety.

"Ah, Cedrik pala ang pangalan ng fiance mo?" nakangiting wika ni Michie na nagpatuloy sa pagkain.

"Oo, ang cute ng pangalan nya no? Tunog prinsipe," sabi ni Sweety.

"Teka may picture ka ba nya?" excited na tanong ni Maggie.

"Oo." Kinuha ni Sweety ang cellphone nya sa bulsa at hinanap ang folder kung saan may couple shots sila. "Ito oh!"

Kinuha ni China ang phone mula kay Sweety at tinignan nilang tatlo ang picture. Hindi sila kaagad nakapag-salita nang makita ang larawan ng lalaki.

"Wow. Uhhm. Ang nice looking!" sabi ni Maggie. Siniko niya ang kapatid.

"Uhh. Uhm. Oo nga, mukhang mabait!" sabi ni China.

Nagpatuloy sila sa pag-swipe ng pictures sa phone.

"Ito ba ang Wedding Gown mo?" tanong ni Michie.

"Oo. Sinukat ko," sagot ni Sweety.

"Sino 'tong kasama mo sa picture? Ay si ano..." napatigil si Maggie sa sasabihin.

"Si Timothy. Sinamahan nya ako, wala kasi si Cedrik, kasama ni Papa sa Italy," paliwanag ni Sweety.

"Ang gwapo ni TOP," wika ni China.

"Sabi ko sa'yo SAMANTOP eh," sabi ni Maggie.

"Kapag naghubad sya, suhulan nya ako ng abs katulad ni Fafa Red," pilyang sabi ni China.

"SAMANTOP?" Sweety.

"Oo, Samantha at TOP. SAMANTOP," paliwanag ni Maggie.

"Ang galing naman, pero nasan si Sister in Law? Akala ko pupunta siya dito?" usisa ni Sweety.

Biglang naging gloomy ang tatlo. Parang may mabigat na aura na bumalot sa table nila. Kaagad na nagtaka si Sweety.

"Teka bakit ang lungkot nyo?" usisa ni Sweety.

"Kakaalis lang nya eh," sagot ni Maggie na nakayuko.

"Sinama ni Audrey," nakangusong sabi ni Michie.

"Di na nya kami love!" nakasimangot na sabi ni China.

"Sila nalang ni Audrey mag-BFF!" sabi ni Michie.

"Di na tayo love ni Sammy! Waaah!" iyak ng tatlong babae.

"Ha? AH! T-Teka hwag kayong umiyak," pigil ni Sweety. Napatingin siya sa ibang customers na mukhang nabulabog. "Sorry po, Sorry." Muli siyang tumingin sa Crazy Trios. "Ililibre ko nalang kayo. Kahit ano'ng order!"

Agad na umaliwalas ang mukha ng tatlong babae. Kuminang ang mga mata ng mga ito at saka mabilis na nag-sabi ng orders.

Vote~ Rate~ Danke~ uwu

AlesanaMariecreators' thoughts