Agad na ipinarada ni Red ang pulang sasakyan sa tapat ng isang saradong bar. Tinignan niya ito mula sa labas, naghihintay ng taong lalabas.
"Sigurado ka ba na dito mo siya nakita?" tanong niya sa kasamang si Jack.
"Sabi ng tao ko nakita niya daw siya sa loob ng bar na 'yan. Kanina lang 'yon, five minutes ago?" sagot ni Jack bago buksan ang pinto ng kotse at lumabas.
Lumabas na rin ng sasakyan niya si Red.
"Sino'ng tao? Kapag ito palpak—"
"Tsk! Pumasok na nga lang tayo, kapag wala hanapin natin sa iba." Sinilip ni Jack ang loob ng bar mula sa bintana.
Isang linggo. Isang buong linggo nang walang tigil na paghahanap ang ginagawa nila para makita ang isa man sa dalawa, si GD at TOP.
"Tsk! Naka-lock! Doon tayo sa likod dumaan," sabi ni Jack saka naglakad paikot sa likurang bahagi ng bar.
Sinundan siya ni Red. Pumunta sila sa likod ng bar kung saan may madadaanang makipot na eskinita. Binuksan ni Jack ang pinto at pareho silang nagulat nang bumukuas iyon.
Maingat na pumasok sina Jack at Red sa loob ng bar. Gumala ang tingin nila sa paligid.
"Walang tao," bulong ni Jack.
Unang sumalubong sa kanila ang kusina. Dahan dahan silang naglakad patungo sa pinto sa loob ng kusina. Binuksan nila ang double doors at hindi inaasahan ang maingay nitong pagsayad sa sahig habang binubuksan. Ang kasunod na ingay na narinig nila ay ang tunog ng pag-kasa ng isang baril.
"Sino kayo?" ang tanong sa kanila ng isang lalaki habang tinututukan sila ng baril.
Napatigil sina Jack at Red. Parehong pinagpapawisan habang nakatitig sa baril na nakatutok sa kanila. Isang totoong baril na hawak ng isang lalaking may malaking katawan, nakasuot ng puting sando at itim na pantalon, kalbo at maraming tattoo sa katawan, nasa trenta anyos ang edad.
Ito marahil ang bantay ng bar.
"Ah. Hehe! Napadaan lang kami boss, hindi namin alam na sarado pa pala kayo kaya. Aalis nalang kami! Sorry sa istorbo—" paliwang ni Jack.
"Walang gagalaw!" sabi ng lalaki. "Ipinadala ba kayo ni Mr Fan?! Mga tauhan nya ba kayo?!"
"Kalma ka lang, baka makalabit mo yang gatilyo at mabaril mo kami, pagsisisihan mo 'yan," sabi ni Jack na may tono ng pagbabanta.
Ngumisi ang lalaki at tumawa nang malakas. "Ang tanging pagsisisihan ko lang sa mundong ito ay ang pagkakasangkot sa Mr Fan na 'yan!" galit nitong saad.
"Wala kaming kilalang Mr Fan, ibaba mo na ang baril mo," seryosong sabi ni Red.
"Ang tapang nyo rin ano? Kung pasabugin ko na kaya yang mga ulo nyo ngayon din?" panakot na sabi ng lalaki.
"T-Teka lang, wag naman ganyan boss," sabi ni Jack.
"Mas mabuti pa nga kung pasabugin ko na ang mga ulo nyo at ipadala ang mga katawan nyo pabalik sa nabubulok nyong boss na si Mr Fan."
"Bingi ka ba? Wala nga sabi kaming kilalang Mr Fan!" sabi ni Red na naiinis na.
"Ano'ng sinabi mo bata? Iniinsulto mo ba ako?!" tanong ng lalaki sabay tutok ng baril kay Red.
"Hey! Hey! What's happenin' here?" may bagong boses na dumagdag.
Napatingin sina Jack at Red sa taong dumating galing sa kung saan.
"Boss, nakapasok sila," sabi ng lalaking nakatutok parin ang baril sa dalawa.
"Huh? OH!" gulat na reaksyon ni GD nang makita sina Red at Jack. "What's up?" masayang tanong ni GD bago kagatan ang mansanas na hawak.
"Boss?" naguguluhan na tanong ng tauhan ni GD.
"Ah. Lower 'yer gun, Rudolph," senyas ni GD bago umupo sa isa sa mga silya na nakaikot sa isang itim na lamesa.
Nagdadalawang isip na ibinaba ni Rudolph ang hawak na baril.
"Hey c'mon! Take a seat, yeah?" Turo ni GD sa upuan na nasa harap nya. "Rudolph, get us some drinks 'ere.'"
"Yes Boss." Agad itong sumunod at kumuha ng alak na maiinom.
Nagkatinginan sina Jack at Red bago lumapit at umupo sa harap ni GD. Patuloy lang sa pagkain ng mansanas si GD habang tinititigan ng dalawa.
"Ano'ng nangyayari dito,, GD?" tanong ni Red sa hindi masayang tono.
"Nothin' much, heh, did he scare 'ya?" tukoy ni GD kay Rudolph at sa kung ano ang nangyari kanina.
"Tsk! Dito ka pala nagtatago," komento ni Jack habang nililibot ng tingin ang buong bar.
"This isn't mah hiding place, this is where I live." Itinapon ni GD sa likod niya ang paubos nang mansanas.
"Boss." Bumalik si Rudolph na may dalang tatlong bote ng malamig na beer.
"Arigato. Kanpai!" Itinaas ni GD ang beer nya bago ito inumin "Ah!" Ibinaba nya ang bote sa lamesa.
Nanatiling nasa likod ni GD si Rudolph. Para itong masunuring aso na nakabantay sa amo at naghihintay ng pagkakataon na kagatin ang dalawang lalaki na kausap nito.
"Nasan si TOP?" tanong ni Red at tumingin sa paligid. "Nandito rin ba sya?"
"Huh? The answer is obvious. 'Ya think he's gonna live here?"
"May gusto lang kaming malaman," sabi ni Jack.
"Ahh." Sumandal si GD sa likod ng upuan nya. "Curiosity killed the cat. 'Ya aware with that?"
"Isa ba 'yang banta?" tanong ni Red.
Ngumiti si GD at tinitigan ang dalawa. "Maybe"
***
[Mt Banahaw]
"Natapos rin sa wakas!" masayang sabi ni Michie at nag-unat bago tignan ang kanyang mga tanim.
"Wow buti ka pa tapos na, ako may lima pang itatanim," reklamo ni Maggie.
"Ako tatlo nalang!" saad ni China
"Mamaya babalik ako para tulungan kayo~" sabi ni Michie.
"Talaga?!" tanong ng magkapatid.
"Opkors!" sagot ni Michie. "Iinom muna ako, saka titignan ko kung okay lang si Sammy"
"Okay!" sabay na sagot ng magkapatid.
Umalis si Michie sa taniman at pumunta kung kinatitirikan ng mga tents nila. Dumiretso siya sa tent nina Samantha at Audrey.
"Sammy!" Kumaway si Michie nang makita si Samantha na palabas ng tent nito. "Kukuha ka ng tubig?" tanong niya nang makita ang ubos nang bote ng mineral water nito. "Halika sabay tayo. Kakagising mo lang?"
Hindi umimik si Samantha.
"Sabi ni Audrey may sakit ka raw?"
"I'm fine," malamig nitong sagot.
Ngumiti si Michie. "Buti nalang! Akala ko magkakasakit ka talaga eh."
Lumapit sila sa malaking container ng mineral water at nagsalin ng tubig sa mga bote nila. Naunang kumuha ng tubig si Samantha. Kinuha naman ni Michie ang cellphone niya sa kanyang bulsa nang tumunog ito.
"Hello? Ate Sweety~!" masayang bati ni Michie sa kausap sa cellphone. "Nandito po kami sa Mt Banahaw. Hmm! Bukas po uuwi na kami... Hindi ko po alam…. O sige po. Ano pong kulay nung damit? Wow! Kulay Blue? Sige! Sige! Picture! Okay. Bye Bye~!"
Napatingin sa kanya si Samantha.
"Si Ate Sweety ise-send niya raw yung picture ng dress na isusuot natin para sa kasal nya—woooh!" Napatingin siya sa kanyang cellphone ng mag-beep ito. "Ito na! Na-receive ko na! Wow! Ang ganda! Tignan mo Sammy oh! Ang cute ng pang brides maid!" Ipinakita ni Michie kay Samantha ang cellphone niya. "Ang ganda diba? Pahawak muna kukuha akong tubig Sammy." Ibinigay niya ang cellphone kay Samantha.
Tinignan lang ni Samantha ang picture ng damit.
"Alam mo Sammy next month na yung kasal niya, mga dalawang linggo nalang~! Ang saya diba? Sammy?" Napalingon si Michie kay Samantha.
Nakatitig lang si Samantha sa screen ng cellphone ni Michie.
"Sammy?"
"This..." bulong ni Samantha habang hindi inaalis ang tingin sa cellphone.
Sinilip ni Michie ang tinitignan ni Samantha.
"Si Ate Sweety yan! Ang ganda niya, no? Ay si TOP yung kasama niya kasi wala yung fiance ni Ate Sweety nung nagsusukat—Sammy!" tawag ni Michie nang biglang mabitawan ni Samantha ang cellphone.
Agad niyang pinulot ang cellphone niya. Hindi naman nasira. Namilog ang mga mata ni Michie nang malaman kung ano ang ginawa nya. Nakalimutan niya! Nakalimutan na naman niya! Nakalimutan niya na ayaw ni Samantha ng kasal!
"Sammy!!!" Agad niyang nabitawan ang mga hawak at sinalo si Samantha nang bigla nalang itong mawalan ng malay. Napaupo siya sa damo at inihiga si Samantha habang nakaunan sa kandungan niya. Nag-alala siya nang hindi ito nagising. "Saklolo!!!"