webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · Urban
Not enough ratings
213 Chs

Chapter One Hundred One

Pagkagising ko ay agad akong pumunta sa room ni Red. Nasa ICU pa rin siya pero nabawasan na 'yung mga aparatong nakakabit sa kanya.

Ang sabi ni Tita, buhay si Red. Buhay siya. Nagising na rin daw sya kanina. At ngayon nga ay nasa harapan ko siya, nakapikit at humihinga. Buhay siya.

Nakahinga na ako ng maluwag ngayong nakikita ko na totoong buhay nga siya. Hindi ako makapaniwala, akala ko'y nananaginip lang ako.

Salamat at buhay siya. Salamat at hindi niya kami iniwan.

"Jared," bulong ko.

Hinaplos ko ang pisngi niya. Hindi pa rin bumabalik sa dati ang kulay niya pero kahit papaano'y nabawasan na ang pagkaputla niya. Mas may kulay na siya ngayon.

Napaluha ako. Salamat naman at ligtas siya. Umupo ako sa tabi ng kanyang kama at hinawakan ang kamay niya. Mabuti na lang bumalik ka. Mabuti na lang.

"Mm."

Nagulat ako.

"Hmm."

Magigising na yata siya.

"Jared."

Unti-unti siyang nagmulat ng mga mata. Napangiti ako nang magkatinginan kami.

"Red! Gising ka na!" masayang sabi ko.

Nginitian ko lang siya habang tinititigan niya ako. Kinurap-kurap niya ang kanyang mga mata.

"S-Sino ka?" mahinang tanong niya.

Bigla kong nabitawan ang kamay niya. Tinatanong niya kung sino ako?

"J-Jared ako 'to, si Samantha."

"S-Samantha? Nurse ba kita?"

"JARED! Ako 'to si Samantha, ano ba?!"

"S-Sorry, miss," nagulat siya sa sigaw ko. "Hindi kasi kita kilala."

"Ano'ng sabi mo? Hindi mo ako... kilala?" Tumango siya.

"Nasan sina Mama?" tanong niya. "Kasama ka ba niya? Naging ex ba kita?"

Hindi ako makapaniwala sa mga itinatanong niya sa'kin.

"Hindi mo ba talaga ako kilala, Jared?" naluluhang tanong ko sa kanya.

"Hindi."

Hindi niya ako kilala? Hindi niya ako matandaan? B-Bakit? Napayuko na lang ako. Matagal akong nanahimik.

Bakit ganon? Bakit hindi niya ako maalala?

"Miss, umiiyak ka ba?" tanong niya habang kinukulbit ang balikat ko.

Miss? Kailan pa niya ako tinawag na Miss?!

"Miss? Tinawag mo akong Miss?" tiningnan ko siya. "Hindi mo talaga ako kilala?" tiningnan ko siya.

"Uhh."

Naiiyak na ako sa kaba. Bakit hindi niya ako kilala? Wala namang nasabi sina Tita at Tito kanina ah. O baka ako lang 'yung nakalimutan niya?

"H-Hindi mo talaga ako maalala, Jared?" umiyak na ako nang tuluyan.

"H-Hwag ka namang umiyak. Oo na, naaalala na kita! Ikaw si Samantha, kilala kita!" sabi niya.

"Sinasabi mo lang 'yan eh! WAAAAAAAAHH!! Nakakainis! Bakit ka ganyan?" umiiyak na tanong ko.

Humagulgol na ako ng iyak. Natakot talaga ako don. Akala ko talaga.

"Ay takte, sorry Samantha!! Hindi ka naman mabiro. Tsk! Tama na," hinawakan niya 'yung isang kamay ko. "Tahan na, sorry."

"SIRAULO KA!! Pinaglalaruan mo 'ko! Halos mamatay na nga ako sa pag-aalala sa lagay mo tapos ganyan ka pa!" sigaw ko.

Hahampasin ko sana siya nang maalala ko na nasa ICU pa rin kami. Umupo na lang uli ako at pinunasan ang aking mga luha. Nakakaasar!

"Sorry. Gusto ko lang din naman kasing subukan kung ano ang magiging reaksyon mo kapag nagka-amnesia ako eh. Hahaha! Iyakin. Tsk!"

"Eh baliw ka pala eh! Sipain kita palabas ng Earth eh! Kakainis ka!"

Kung wala lang siya sa ICU ngayon, kanina ko pa 'to sinabunutan.

"Bakit? Ginawa mo din naman 'yon ah."

Hm. Oo nga 'no? Ginawa ko nga rin pala 'to nung nagising ako. Nang maaksidente ako dahil sa kabayo—ay mali, dahil pala kay Riri. Si Riri na ngayon ay nasa mental hospital na. Galit pa rin ako sa kanya. Natural lang naman 'yon pero naiinis ako kasi naaawa ako sa kanya. Wala na siya sa sarili niyang katinuan.

'Yung mga kasama naman niyang goons ay nadakip din. Nakakulong na nga sila ngayon eh. Ginawa naman ni Kuya Lee ang lahat para mas mapabigat pa 'yung kaso ng mga lalaking 'yon. Gusto niya kasi na pang-habangbuhay na silang nakakulong at siguraduhing hindi sila makakatakas.

"Okay ka na ba? May sumasakit pa ba sa'yo?" tanong ko.

"Wala naman, sanay na ako sa bugbugan. Nakalimutan mo yata na gangster din ako nung high school. Matatag 'to," nakangiting paliwanag niya.

"'Di ka naman binugbog eh, binaril ka. Sira!"

"Ganyan ka ba magpasalamat sa taong nagligtas sa'yo?"

"Sorry..."

Kinuha ko 'yung mineral water na dala ko, "Nauuhaw ka ba? Gusto mo?"

"Paiinumin mo 'ko?" mukhang sayang saya na tanong niya. Para siyang batang excited sa laruan.

"Oh eto, uminom ka," pinainom ko siya ng tubig.

Pagkatapos ay nakatingin lang siya sa'kin at nakangiti. Hindi ko alam kung nagha-hallucinate ako o ano pero parang kumikinang 'yung mga mata niya.

Hindi naman siguro.

"Bakit?" tanong ko.

"May napanaginipan ako," pag-uumpisa niya.

"Ano? Mga babae na naman?"

Ngumiti lang siya at hindi sumagot sa tanong ko. Unti-unti naman siyang napapikit at nakatulog nang may munting ngiti sa labi. Na-curious tuloy ako. Ano kaya 'yun? Kainis 'to, nambitin sa kuwento.

***Three Days Later

Inilabas na sa ICU si Jared at inilipat na siya sa isang VIP room dito sa ospital. Mino-monitor pa rin kasi ang kalagayan niya. Hindi pa rin makapaniwala ang ibang mga doktor na nabuhay siya. Isa daw 'yung milagro na hindi maipaliwanag ng siyensya.

"Samantha, paki-kamot 'yung paa ko."

"Ano'ng sinabi mo?" napatigil ako sa pag-aayos ng unan niya.

"Sabi ko nga, ako na lang ang kakamot eh."

Sinubukan niyang abutin ang paa niya... kaso.

"A-Aray ko! 'Yung sugat ko," reklamo niya.

"Huwag ka nang gumalaw, ako na lang. Saan ba makati? Saan banda?" kinamot ko 'yung paa niya.

"HAHAHAA!! Huwag dyan! Hindi dyan. Hahahaha!!" tawa niya habang kinakamot ko ang kanyang paa.

Ang lakas ng tawa niya habang hawak ang kanyang tiyan. Malakas pala ang kiliti niya sa paa.

"Hoy Jared! Ako ba'y niloloko mo lang? Sumasakit ba talaga 'yang sugat mo? Kung makatawa ka dyan eh abot hanggang parking lot."

"O-Ow!" hinawakan niya uli ang dibdib niya. "Hindi ako umaarte, masakit talaga. Tsk! Araaaay, sumasakit ang sugat ko."

Pero bakit habang sinasabi niya 'yon ay parang nakanta pa siya? Parang ang saya-saya pa niya na masakit ang sugat niya. Adik.

"Tawagin ko na ba 'yung nurse?" tanong ko.

"Hindi na, hindi na. Pagnanasahan na naman ako nung nurse dito," mayabang na sabi niya.

Adik talaga sa kayabangan 'tong lalaking 'to. Kung titingnan mo eh kala mo hindi nagdaan sa bingit ng kamatayan. Eto ba talaga 'yung lalaking iniyakan ko at sinabihan ko na kapag nawala eh hindi ko mapapatawad ang sarili ko? Parang nakakapanghinayang 'yung iyak ko ah.

"Okay. Fine! May iuutos ka pa ba?"

"Nagugutom na 'ko. Gusto ko ng ubas, subuan mo 'ko," tinuro niya 'yung bibig niya na may malapad na ngiti.

Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang makalabas sa ICU si Jared. Tatlong araw na rin akong nagsisilbi sa kanya. Syempre ginagawa ko 'to bilang pambawi sa kanya. Kasi niligtas niya ako. Kailangan ko siyang alagaan.

Ang kaso kung minsan ay pakiramdam ko na parang pinaglalaruan lang ako ng lalaking 'to. Sheeeesh! Katulad na lang ngayon. Gusto niya na subuan ko siya ng ubas?

Ubas?! Hindi naman siya naputulan ng kamay eh! Nakakagigil talaga 'to!

Kinuha ko 'yung bowl na naglalaman ng ubas na binili ng Mama niya. Umuwi na sina Tita sa bahay nila kaninang umaga. Ako na lang daw ang bahala sa FIANCÉ ko since pagaling naman na raw siya. May mahalaga silang convention na kailangan puntahan.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Engaged kasi kami pero may relasyon kami ng best friend niya. Naalala ko tuloy si Timothy. Hindi ko alam kung nakarating sa kanya ang mga nangyari dito. Siguro hindi. Hindi naman siguro. Sana hindi.

Nandito pa naman si Kuya Lee at paminsan-minsang sumusulpot. Ang sabi niya sa'kin ay hindi na raw makakadalaw sina Mama at Papa. Ayaw na kasi nilang ipakalat pa ang balitang na-kidnap ako.

Ginawa nina Tita at Tito ang lahat para pagtakpan ang nangyari, para hindi na ito lumabas pa. Nagbayad din sila sa media para hindi ito maibalita. Ganon din si Kuya Lee na mino-monitor ang lahat ng kumakalat na balita.

Nakaramdam ako ng tampo sa aking mga magulang dahil hindi nila ako pinuntahan. Naiintindihan ko naman na maraming paparazzi na nakamasid sa parents ko. Once na makita sila sa bansa ay paniguradong aalamin ng lahat ang dahilan nang biglaan nilang pag-uwi at dun mabubunyag ang nangyari sa akin.

Hangga't maaari kasi ay gusto ko ng privacy at mawawala 'yon kapag umuwi sina Mama dito. Mahirap maging isang Perez. Ang komplikado ng pamilya namin.

"Sabi ni Mama, muntik ka na raw mamatay. Mukhang hindi naman."

Napatingin ako sa nagsalita.

"AUDREY!" gulat na tawag ko sa kanya at bigla akong napatayo mula sa aking pagkakaupo. Nakatayo siya sa pintuan at may dalang isang basket ng prutas.

"Oo. Buhay pa ko, umuwi ka na. Istorbo," sagot ni Jared sa kapatid.

Ano bang pinagsasabi nitong si Red? Nung isang araw pa 'yan masungit sa mga bisita niya. Pati nga ang Crazy Trios ay ayaw niyang mag-stay dito. Naiingayan daw kasi siya. Pati si Angelo pinasama niya sa tatlo. Kaya naman nasa hacienda sila ngayon. Naiinip tuloy ako.

"Mukha ngang busy kayo? Busy sa pagsusubuan ng ubas? How romantic," sarcastic na sabi ni Audrey sabay taas ng isang kilay. "I see, masyado kang nag-eenjoy dito," sabi niya saka inilapag sa lamesa ang dala niyang basket.

"Ano bang ginagawa mo rito? Nasaan na 'yung boypren mo? Iniwan ka na 'no? Haha! Pinagpalit ka na 'no? Tsk!"

"Che! Hindi pa kami break!"

"Hindi PA? May balak pa lang?" pang-aasar ni Red.

"That's none of your business, Kuya."

"Ano palang ginagawa mo dito?"

"Dinadalaw ka. Bakit, masama?"

"Tss! Nang-iistorbo ka lang ditto eh," sabi ni Red

Kinuha ni Red sa'kin 'yung bowl ng ubas at siya na mismo ang nagsusubo sa sarili niya. Tingnan mo 'tong lalaking 'to. Kanina lang…

"Pinasunod ako ni Mama dito. Ayaw kasi niya akong isama nung nagpunta sila dito ni Papa," sabi ni Audrey at nilibot ng tingin ang buong room.

"Umuwi ka na," utos ni Red.

"Kuya, sasabay ako sa'yo sa pag-uwi," tiningnan ni Audrey si Red.

"Bakit pa? Dun ka na lang sa boypren mo."

Nag-smirk lang si Audrey.

"Oh my dear brother. Don't worry mahal pa rin kita kahit na may boyfriend na ako," mukhang nang-iinis na sabi ni Audrey.

"Tsk! Bahala ka, matutulog na ako," binigay sa'kin ni Red 'yung bowl.

Humarap siya sa kabilang direksyon at natulog. Inilagay ko na lang 'yung bowl sa side table. Umupo si Audrey sa sofa, mukhang pagod sa byahe. Umupo na lang din ako sa tabi niya at sumandal. Nakakapagod din alagaan si Red. Ang daming inuutos sa'kin.

*Honey~ Honey kooo~ Pick up the phone Honey~*

Cellphone ata 'yun. Napatingin ako kay Audrey na binuksan ang kanyang bag. Tiningnan niya 'yung phone niya at in-off ito. Nakasimangot niyang ibinalik ang cellphone niya sa loob ng bag.

"Si Omi?"

"Yeah"

"Bakit hindi mo sinagot?"

Tumingin lang siya sa'kin. Nakasimangot pa rin. Mukhang bad trip.

"Nag-away kami eh."

"Nag-away kayo? Bakit? Eh patay na patay yun sa'yo 'di ba? 'Di naman pwedeng nambabae 'yun?" Ano kaya ang pinag-awayan nila?

"Well, that's another story," parang pagod na pagod na sagot niya

"Don't tell me, nag-cheat ka?"

Tiningnan niya ako nang masama.

"Nyeta!" ang tanging sagot niya.

Ganda ng sagot. Nasagot lahat ng tanong ko sa buhay.