Huminga ako nang malalim at kunot ang noo na nagtanong nang diretso. "Sino si GD?" Hindi ko na kayang pigilan ang curiosity ko.
Nasa park kami at nakaupo sa isang bench na nakaharap sa isang malawak na lawa. May mga pinapakain syang ibon.
Sinagot nya ako ng isa pang tanong. "Narinig mo na ba ang Ten Commandments?"
"Sampung utos ng dyos? Oo naman," naguguluhan na sagot ko.
Tumingin sya sakin saglit at ngumiti sya.
"Isa 'yong gang na matagal na naghahari sa district na 'to. Three years ago nabuwag 'yon. Si GD o mas kilalang Uno ang leader nila."
Napasinghap ako. Leader ng gang si GD? Yung classmate kong parang rapper? "Don't tell me rival gang nyo sila?" Hindi ko yata maimagine na maglalaban sila ni Timothy. Parang nakikita ko na ang kunot sa noo nya habang tinitignan si GD.
"Hindi." Bumuntong hininga sya na parang hirap syang ikwento ang bagay na ito sa akin. "Nakilala namin ni TOP si Uno sa Japan, apo sya ng prime minister don. Rebelde kaya ipinatapon dito sa Pilipinas, makapangyarihan ang pamilya nila."
"Sa Japan?"
"Hindi ko ba nasabi sa'yo? Kasama ako ni TOP sa paghahanap sa'yo noon. Kung saan sya magpunta kasama ako," ngumisi sya. "Kahit alam ko na nasa Pilipinas ka nang panahon na 'yon."
"Kung alam mo kung nasan ako bakit hindi mo sinabi kay Timothy?" bago ko pa mapigilan ay naitanong ko.
"Hindi ko alam. Siguro dahil ayoko kayong magkita." Hinawakan nya ang kamay ko. "Sorry."
Umiling ako. Hindi na importante 'yon. "Ano ang nangyari sa Japan?"
"Naging malapit na magkaibigan sila ni TOP. Naging parang magkapatid na rin ang turingan nila. Nagkakaintindihan sila, parehong nagrerebelde sa mga magulang. Hindi ako makapasok sa mundo nilang dalawa non. Pakiramdam ko nga natapon ako sa sideline, pero naging abala rin naman ako sa ibang bagay kaya ayos lang," nag-kibit balikat sya.
May naging ibang kaibigan si Timothy na mas malapit pa kaysa kay Red?
"Anong bagay?"
"Uhh." Namutla sya at humigpit ang hawak nya sa kamay ko.
Parang alam ko na. Siguro don sya natuto na maging playboy. Sumingkit ang mga mata ko. Again, past na yon, hindi na mahalaga ang mga ginawa nya para pampalipas oras.
"Sige ituloy mo nalang ang kwento mo," pilit na ngiti ko.
"Umuwi kami dito sa Pilipinas, nakilala namin ang gang ni Uno. Simula non nasali na rin kami sa mga gang fights. Napasok kami ni TOP sa bagong mundo. Laban dito, laban don. Mas lalong naging matunog ang pangalan ng Ten Commandments hindi lang dito, pati na rin sa ibang rehiyon."
"Sumali kayo sa gang ni GD?"
"Hindi, tumutulong lang kami. Pero akala ng lahat ng taga-labas kasali kami kaya naman may mga sumusugod din sa amin ni TOP," natatawa nyang kwento.
Ganon pala nag-umpisa. Hindi ko inakala na may naging ibang kasangga noon si Timothy bukod kay Red. Alam kong close silang lahat na members ng Lucky 13 pero iba parin ang closeness nina Timothy at Red. At ang sabihin na may iba pang nakapagitna sa kanilang dalawa? Parang imposible. Pero nagawa ni GD na maagaw si Timothy kay Jared. May nakaagaw ng posisyon nya bilang kasangga. Ngayon bumalik na sya. Ano ang ibig sabihin non?
"Bumalik kami sa Japan kasama ang lahat ng myembro ng gang. Inimbitahan kami ni Uno na sa kanila na mag-pasko. At doon namin nakilala si Ara, ang nakatatandang kapatid ni Uno."
Tumigil sya sa pagkwento.
"Tapos?"
"Hindi ko alam kung dapat ko pang ikwento sa'yo ang nangyari pagkatapos non." Seryoso sya.
"Bakit naman hindi?"
Huminga sya nang malalim. "Dahil baka masaktan ka."
Tinitigan ko sya. "Bakit naman ako masasaktan?" bulong ko
Yumuko sya at pinaglaruan ang kamay ko.
"Dahil tungkol kay TOP ang malalaman mo."
Kumunot ang noo ko. "Jared, sa ngayon gusto ko lang talagang malaman ang lahat ng nangyari sa past nyo. Gusto kong malaman kung bakit galit si Audrey kay GD. At kung ito lang ang paraan para malaman ko ang lahat, then shoot. Kailangan kong maintindihan, okay?"
"Sigurado ka na ba?"
Tumango ako. "Oo gusto kong malaman lahat."
Pumikit sya nang mariin at muling nagpatuloy sa kwento. "Nang magkakilala sina Ara at TOP, alam ko sa simula palang na interesado si Ara sa kanya. Sinabi ko 'yon sa kanya pero hindi sya naniwala, akala nya nagbibiro lang ako o talagang wala syang pakialam sa bagay na yon. Aloof sya lalo na sa mga babae."
Aloof na pala talaga sya sa mga babae simula pa lang? Parang ibang iba sa matabang bata na nakadikit sa akin palagi noon.
"Sa mismong party, nagkahiwa-hiwalay na kaming lahat. Kanya-kanya na kaming..." tumingin sya sa akin na may guilty look. May kinalaman na naman sa babae? "Sigurado ka ba na gusto mo pa na ipagpatuloy ko ang kwento? Hindi ko alam kung dapat ko pa ba 'tong sabihin sa'yo."
"Kung may kinalaman yan kay Timothy, sabihin mo na."
Tinignan nya ako nang mabuti at nag-iwas ng tingin. "Sabihin nalang natin na si Ara ang dahilan kung bakit..." tumigil sya sandali at bumulong. "hindi na virgin si Pinuno ngayon."
Napatayo ako. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Biglang uminit ang buong mukha ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sya yon?!
"Kapatid ni GD ang nang-rape kay Timothy?! Yung babaeng nagpainom ng pampatulog kay TOP para.. para.. magawa YON?!" galit na tanong ko.
Pagbabayarin ko sya sa oras na makita ko sya. Ngumiwi si Red. Kaya siguro galit si Audrey! Ngayon naiintindihan ko na! Humanda talaga sakin ang babaeng 'yon! Bumalik na rin ba sya?! Oh no! Baka kasama nya si Timothy sa Japan ngayon! Ano'ng gagawin ko?! Kailangan kong pumunta don! Kahit na saan pa yon, kailangan ko silang hanapin!
"Calm down Samantha. Hindi pa tapos ang kwento ko." Kinuha ni Red ang isa kong kamay at hinigit ako paupo.
Mukhang alam ko na kung ano ang sasabihin nya. "At don't tell me si Timothy pa ang lumabas na masama sa Uno na yon?! My God!" natampal ko ang noo ko.
"Obsessed si Ara kay TOP simula pa lang. Na-attract sya dahil si TOP lang ang hindi na-attract sa ganda nya. Sa Japan, si Ara ang kinikilala bilang pinakamagandang babae. Kaya naman tumama sa ego nya nang hindi sya mapansin. Para sa kanya isa 'yong bagong laro, hanggang sa nauwi sa matinding obsession."
Hindi ko maiwasan na magalit ulit. "Grabeng babae 'yun ah!" Iniisip ko ngayon palang kung anong paraan ko sya papatayin. Buhusan ng asido ang mukha? Mas maganda 'yon. Pero napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang sunod nyang sinabi.
"Patay na si Ara."
Mabilis akong napatinin kay Jared. Bahagya akong natigilan at inisip kung ano ang sinabi nya.
"Patay... na sya?"
Tumango sya. "Last year, at ngayon nagbalik si Uno. Sa tingin ko isa lang ang tumatakbo sa isip nya ngayon."
Napalunok ako. "Ang maghiganti para sa kapatid nya?" tanong ko.
"Posible. Posible na paghigantihan nya ang buong gang, posible na si TOP lang. Posible na ang mga malalapit kay TOP ang saktan nya. Pero hindi pa sigurado kung may balak nga sya."
"T-Teka, bakit damay ang Lucky 13? Nag-iisa lang sya diba? Hindi ba sya natatakot na kalabanin kayo?"
Ngumiti sya ng matamlay.
"Lucky 13 ang dating gang ni Uno. Sila ang dating Ten commandments."