webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · Urban
Not enough ratings
213 Chs

Chapter One Hundred Forty-Four

Pumasok ako sa ladies room. Kumuha ako ng makapal na rolyo ng tissue. Binasa ko at ipinunas sa ulo ko. KADIRIIIII. Nakakainis na ibon yon bigla akong dinumihan. Ano'ng tingin nya sa ulo ko? Hiroshima na pwede nyang paglandingan ng bomba at pasabugin?

WAAAAAAHHH!! YUUUUUCCKKK!!!

Kadiri talaga. Mabuti nalang wala pang masyadong nasa loob ng ladies room. Pwede kong solohin ang salamin. Lagyan ko kaya ng soap para matanggal ang amoy? Perfume?

***

Lumabas na ako sa ladies room nang basang basa ang tuktok ng ulo. Pinagtitinginan ako nung ibang kasalubong ko. Bakit? Hindi pa ba sila nakakakita ng babaeng basa ang buhok? Naghihintay si Timothy sa malapit na bench doon. Nilapitan ko sya at pabagsak na umupo sa tabi nya.

"Amuyin mo nga Timothy kung mabaho pa."

Inamoy nya yung buhok ko. "Nah. It's fine now."

Haaaayyyy salamat. Mahigit isang oras yata ako sa loob para lang alisin yung natirang dumi at amoy. Grabe nakakahiya ako sa loob kanina. Ang daming nakatingin. Bigla kasing nagdatingan yung isang buong magkakabarkada sa loob ng ladies room kaya ayun, pinagtinginan ako.

"About the deal."

Bigla ko nang makalimutan! "Huh? Ano'ng deal?" Ayan na nga baaaaaaaa!!!

"Don't play dumb Miracle."

Ilang kiss ba ang hihingiin nya?! Isa? Dalawa? Tatlo? Apat? Isang daan?!

"O sige. Ano ba'ng gusto mo? Ilan ba?"

"How many what?"

"Kiss! Diba gusto mo ng kiss?"

"No."

"HAAAAAAAA!?!" Napatayo ako sa sagot nya. "Eh ano pala?"

"Miracle." Tumayo sya at hinarap ako.

GULP. Ayaaan na naman sya sa tono nya. May sasabihin na naman sya sakin na nakakagulo ng utak! Sasabog na naman ba ang puso ko sa kaba? Magpapakain na naman ba ako sa lupa?

"I.." umpisa nya. "...forbid you.."

Haaaaaaa?

"...to kiss anyone.."

Eh?

"...but me."

Ano raw?

"I forbid you to kiss anyone but me."

Ang tagal bago ako nakasagot. "Ano'ng sabi mo?" Tama ba ang narinig ko?

"You can't kiss anyone without my permission Miracle. That's the deal."

"A-Ano'ng bawal?! Teka lang! Saang part?"

Tinuro nya ako mula ulo hanggang paa. "Every inch of your body belongs to me now."

"HA?! Sa pisngi? Bawal din? Pano si Angelo?! Eh si Mama tsaka si Papa?! Siguro naman pwede sa kanila."

"No." Nilagay nya ang mga kamay nya sa bulsa nya at lumakad.

"Teka lang Timothy! Bakit?!" habol ko sa kanya. Hinawakan ko sya sa braso para mapahinto. "Bakit bawal?!"

"Because."

"Ano?"

"Because your kisses are too sinful."

"HAAAA?!!" S-SINFUL?!! AKO?!!

"Don't worry, you can kiss them again after sixty days."

"Sixty days?!" May expiration date?! Naglalakad na pala ulit sya palayo. After sixty days? Nagtataka ko lang syang sinundan ng tingin. Ano bang meron sa sixty days? Ano bang kalokohan ni Timothy?! Nag-aadik ba sya?!

***Two days Later

"B-Bring the boys out~! Yeah you know~! B-Bring the boys out~! We bring the boys out~! We bring the boys out~! Bring the boys out~!"

"Utang na loob China at Maggie tigilan nyo na yang kanta nyong yaaaan~!" sabay takip sa magkabila kong tenga.

Kanina pa sila kanta nang kanta. Paulit-ulit nalang. Nakatambay na naman ako sa bahay nila este namin pala. Kababalik lang nila galing sa Hacienda nila sa Bukidnon, babalik rin sila don mamaya. Nagaaksaya ng pera. Pumunta lang sila dito dahil namimiss na raw nila ako. Gusto lang pala nilang makibalita.

"Hindi kami titigil hanggat hindi mo sinasabi kung ano ang nangyari sa date nyo ni TOP!" matigas na sabi ni Maggie nabang hawak ang hairbrush ko.

Kinuha ni China ang brush mula sa kapatid nya. Itinutok nya yon sa akin na parang mic."Oo tama yon! Spiiiiil!"

Tinatamad ko lang sila na tinignan.

"Yeah! We bring the boys out~!" kanta ulit nila.

"Wala namang nangyari eh. Nadumihan lang ako ng ibon sa ulo. Bukod sa bird poop wala nang interesting pang nangyari na ikatutuwa nyong tatlo."

Maliban dun sa kiss na hindi ko nalang ikukwento.. dahil ako ang nag-initiate. Pati na rin sa Couplelooza na hindi ko rin ikukwento dahil nasira ni Timothy ang Punch Machine. Kung boring ang kwento ko, siguro hindi na nila ako kukulitin pa.

"Bird poop? Ipot?" Nandiri bigla si Michie.

Nakasimangot ko syang tinignan. "Grabe in-english ko na nga para di masyadong kadiri pakinggan tinagalog mo naman."

Halos maiyak naman sa kakatawa ang dalawa.

"Naiputan ka sa ulo?! Hahahaha!"

"Kadiri hahahaha!"

At muli silang tumawa. Hindi pa sila nakuntento at gumulong pa sila sa carpeted na sahig.

"Ano ba?! Hindi yon nakakatawa! Ang saklap na karanasan 'yon 'kala nyo!"

Pero nagpatuloy lang sa pagtawa yung dalawa. Mga baliw talaga.

"Alam nyo ba kung ano ang ibig sabihin ng naiputan sa ulo?" tanong ni Michie.

Natigil ang pagbibigay ko ng laser beam sa Crazy Duo at nilingon si Michie. "Huh? May ibig sabihin 'yon?"

Tumango si Michie. "Ang ibig sabihin non, naloko ka ng asawa mo."

"Ah! Oo nga!" singit ni Maggie. "Madalas sa mga mag-asawa nangyayari yon eh. Kapag kinaliwa ka ng asawa mo ang tawag don naiputan sa ulo."

Ehhhhh...Tumingin silang tatlo sa akin na parang may ibig sabihin.

"A-Ano'ng tingin 'yan?" Tinaasan ko sila ng kilay. Di ko kasi gusto ang mag tingin nila.

"Karma.." bulong ni Maggie.

"Totoo pala yon?" tanong ni China sa kapatid.

"Hinahabol ng karma si Sammy?" bulong din ni Michie.

"A-Ano'ng karma?!"

Bigla silang tumahimik.

"Iniputan mo sa ulo si TOP diba?"

"KYAAAAAAAAHHH!!" sigaw naming lahat dahil may biglang nag-salita.

Pagtingin naming lahat, nakita namin si Audrey na nakatayo sa may pintuan.

"Pano ka nakapasok?!" tanong ni China na nakahawak sa dibdib.

"Bukas ang pinto. Hindi ba kayo natatakot na manakawan dito? Geez," umupo si Audrey sa sofa at dumekwatro.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Isn't it obvious? Gusto ko rin malaman kung ano ang nangyari sa inyo ni TOP," sagot nya.

"Ehehehe! Si Audrey makiki-chismis.." naka-ismid na bulong ni China.

"Chismis? Oh please, I call it gossip," kontra ni Audrey habang kinukuha ang cellphone sa kanyang Gucci bag. Tinignan nya ang cellphone nya at parang nainis. Muli nyang sinilid sa bag ang phone.

"Whatever Audrey, wut-evah," sabi ni Maggie na nag W-sign kay Audrey.

"Seriously Samantha ano ba talaga? Or rather, sino ba talaga ang gusto mo sa kanila? I can't believe na kasama sa choices ang kapatid ko, like eew?" tanong sakin ni Audrey.

"O bakit? Fafable naman si Red ah," pagtatanggol ni China kay Red.

Mukha namang kinilabutan si Audrey. "Fafable? Ang pangit kaya ni kuya, yuck!"

"Nasasabi mo lang yan kasi kapatid mo sya," nakasimangot na sagot ni China.

"Hindi nyo kasi sya nakita na uhugin, payatot at may nakakatawang hairstyle. Hindi nyo sya nakitang naka-Superman costume nung birthday nya at nahuli na binabasa ang diary nyo. Hindi nyo rin sya nakita na kumain ng mga nakakadiring worms, magtalukbong ng kumot at magpanggap na multo habang hinahabol ka nya, hindi nyo rin naranasan na pakitaan nya ng pagkain na nginunguya nya sa bibig nya at yung iba na hindi ko nalang sasabihin dahil baka hindi masikmura ng mga intestines nyo. Ang dami nyang kalokohan na ginawa na sana hindi ko nalang maalala. Kaya kapag may naghahabol sa kanya ang mga babae, eew! Gusto nilang makasama ang kapatid kong yon? Oh puh-leaaase."

"Talaga? Ginawa nya mga yon?" Kumikinang ang mga mata ni Maggie.

"Oo," sagot ni Audrey.

"Ginawa rin namin yon ni Maggie eh" natatawang sabi ni China.

Tumawa si Maggie. "Oo kaso yung sa amin Darna costume."

"Ding ang bato!" sigaw ni China.

Nagpatuloy silang dalawa sa pag-tawa at pagsasabi ng mga 'Naaalala mo pa ba?'. Sumali rin si Mchie sa kanila.

Tumingin sakin si Audrey. "Sino na nga ba ang pipiliin mo?"

Nakuha naman ng tanong na yon ang atensyon ng Crazy Trios.

"Hwag nyong madaliin si Sammy, hindi madaling pumili sa kanila no," pagtatanggol sa akin ni Michie.

Nakita kong inikuta ng mata ni Audre si Michie. "Ah yes, ang isa pang babae na may dalawang lalaking minamahal."

"Audrey," saway ko.

"Totoo naman diba? Ang pagkakaiba nyo lang, sya may napili na pero ikaw wala pa," tinaasan pa ako ng kilay.

"Hindi yon ganon kadali," bulong ko. "Kahit na alam ko na kung sino talaga sa dalawa, hindi ko parin magawang sabihin sa kanila. Ayokong may mawala sa kanila."

"Talaga?! Sino?!" excited na tanong ni China.

Napasimangot si Audrey. "Hopefully not my brother."

"Sino nga ba ang napili mo Samantha?" tanong ni Maggie.

Tinignan ko silang lahat. "Kailangan ko ba talagang sabihin?!"

"OO NAMAN!!" sigaw nilang lahat.

Sheesh pinagkaisahan na naman ako.

Umiwas ako ng tingin sa kanila. "Uhh.. Si... Si ano..."

"Sinoooo?!" sigaw ni China.

"Si... Uhhmm." Di ko masabi.

"SINOOO?!!" sigaw nilang lahat

"Papatayin mo ba kami sa kaba?" tanong ni Maggie.

Dramatikong nilagay ni China ang kamay nya sa kanyang dibdib. "Ang puso ko sasabog na! Sino ba kasi?!"

"Oo na! Sasabihin ko na! Sasabihin ko na!"

"SINO NGA KASI?!!" sigaw nilang lahat ulit

"SI—"

*I wanna dance in love, and dance again~*

Tumutunog ang cellphone ko.

"Si Red tumatawag," sabi ko.

"Panira! Nandon na tayo oh, sasabihin na tapos biglang... Aaaay istorbo," reklamo ni China na napakamot sa ulo.

Umayos ng upo si Audrey. "Sasakalin ko si kuya."

Tumayo ako at lumabas ng kwarto.

"Hello Red?"

[Samantha nasan ka?]

"Nandito ako sa lumang bahay, bakit?"

[Pwede ka bang lumabas sandali?]

"H-Ha? Bakit?"

[Nandito ako sa tapat ng bahay mo.]

"HAAAA?!"