webnovel

Chapter One Hundred Eight

Miracle Samantha Perez

Naiinis ako kay Kuya Lee. Bakit? Kasi naka-enroll na pala ako hindi man lang sinabi sa'kin! WAAAAAAH!! NAKAKAINIS SI KUYA! Humanda siya sakin pag-uwi ko.

Tumunog bigla ang cellphone ko. Sino kaya ang tumatawag?

"Hello?"

[Samantha, hija?]

"Tita Laura." Naku, 'yung Mama ni Red, kukulitin na naman kaya niya ako about sa bahay?

[Hija, pwede mo ba akong puntahan ngayon? Hindi kasi ako makapili ng magandang kulay ng sofa para sa bahay nyo.]

Pero may sofa na kami ah?

[Alam mo kasi, gusto ko mas malaki 'yung sofa para alam mo na? Kahit saan pwede kayong gumawa ng baby! Ayyiiieee!] excited na sabi ni Tita.

"T-Tita, masyado pa po kaming bata."

[Pero hija, twenty-one years old na ang anak ko, sa tingin ko naman pwede na akong magka-apo.]

"P-Pero Tita, eighteen pa lang po ako."

[Much better! Mas maganda kung bata pa lang magkakaanak na kayo di ba? Excited na talaga akong magkaapo! Weeee~!]

"Eh Tita..."

[Nandito pala ako sa House of Elegance, malapit lang sa condo ni Jared. Puntahan mo 'ko, ok? Bye~]

*doo.doo.doo*

Wala na... Sofa? Malaking sofa? Baby? Apo?

Ano'ng gagawin ko?!

***

Barasque Brothers

"Sev! Ayos na kaya 'tong sofa na 'to?" tanong ni Six sa kakambal niya.

"Mas maganda kung mas malaki na sofa, tsaka 'yung matibay."

"Matibay? May sofa ba ang STANDARD?"

"Loko, sa appliances lang 'yun!"

"Eh ano ba ang sofa?"

"Furniture."

"Bili na lang tayo ng gawa sa ratan para matibay."

"Ayoko, matigas."

"Eh 'yung leather? Para punas lang, ayos na, di na kailangang palitan ng sheet."

"Sige, leather na lang. Kakatamad mag-ayos eh. Pili na lang tayo ng malaking leather na sofa."

"Twenty-eight thousand 'yung isa. 'Yung mas malaki naman fifty-six thousand," sabi ni Six sa kapatid habang itinuturo ang dalawang leather na sofa.

*Silence*

"Magkano nga ulit 'yung ratan?" tanong ulit ni Seven sa kapatid.

"Eighteen thousand, may kasama na rin 'yung pillows."

"Geh, mag-ratan na lang tayo, wala akong pera. Amputek!"

"Magkaka-pera tayo mamaya. May karera sa motor, sali tayo. Mga one hundred fifty thousand ang premyo."

"Sinong kasali?"

"Wala, mga weak."

"Hah! Sure win pala eh," nakangiting sabi ni Seven na kumuha ng credit card. "Leather na lang ang kunin natin."

"Ayos 'yan 'tol!" saad ni Six at kinuha ang credit card ng kakambal. Lumapit ito sa store manager.

"Bakit ako ang laging nagbabayad?" tanong niya kay Six nang makabalik ito na nakangiti.

"Mas mayaman ka sa'kin eh. Ide-deliver na raw nila 'yung sofa mamaya sa unit natin."

"Lahat ba ng pera mo napupunta sa pagkain ni Cheska? Pinatataba mo naman ng husto 'yan? Para ba sa pyesta? Hahaha!"

"Gago! Uy, si Samantha oh!" turo ni Six sa babae na kakapasok lang.

Pinanood nila si Samantha na sinalubong ng isang babae.

"Nanay ni Red 'yun ah," puna ni Seven habang nakatingin sa mas matandang babae.

"Baka bibili rin ng sofa?"

"Pabili na rin kaya tayo para libre?"

"Kaya mo? Ikaw magsabi" Six na itinulak ang kapatid.

"Wala ka talagang kwenta, tara na nga don. Di mo pa yata inilagay ang address natin. Loko," sabi ni Seven saka lumapit sa store manager para mag-fill up ng forms.

***

Miracle Samantha Perez

Pagkalipas ng isa at kalahating oras ng pagpili ng bibilhing sala set. Right! Isang sala set ang binili ni Tita, para raw terno. Hindi raw pwedeng magkakaiba ang kulay kaya naman isang buong sala set na ang binili niya.

Pagod na ako. Umalis lang talaga ako ng bahay para mag-enroll eh. Pero kung saan-saan na ako napunta. Ang sakit na ng paa ko.

"Since nandito na rin naman tayo malapit sa condo ni Jared, bakit hindi na rin natin siya puntahan? Mm? Ano sa tingin mo, hija?" tanong sa'kin ni Tita na may sparks ang mata.

Pero gusto ko na talagang umuwi at humiga. Matulog at magpahinga. At isa pa si Red kasi kanina... Ang weird niya! Natakot talaga ako, hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin niya.

Nakakapanibago ang side na 'yon ni Red. Pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit ba siya nagkaganon. May nagawa ba ako?

Lumabas na kami ng furniture shop ni Tita. Malapit lang talaga 'to sa building ng condo ni Red.

"Hwag ka ngang manulak dyan!"

Napalingon kami ni Tita sa dalawang lalaki na nagtutulakan palapit sa amin.

"Oh!" Nakita ko ang dalawang pamilyar na mukha. Members sila ng Lucky 13. Isang singkit at isang medyo wavy ang buhok. Ang alam ko kambal sila eh, pero nakalimutan ko na ang pangalan.

"Hi po, Tita. Hi, Samantha!" bati nung singkit.

"Mga kaibigan kayo ng anak ko hindi ba?" tanong ni Tita Laura sa dalawa.

"Opo, Tita," sagot ng may wavy na buhok.

Nag-clap ng isang beses ang kamay ni Tita na parang may naisip siyang isang napakagandang ideya.

"Tamang-tama!" nakangiti na sabi ni Tita. "Pupuntahan namin si Jared, gusto nyo rin ba siyang puntahan?"

Nagkatinginan 'yung kambal.

"Sige po," sabay na sagot nila.

Kailangan ko pa bang sumama? Tumakas na lang kaya ako? Ayaw ko siyang makita eh. Iniisip ko 'yun nang biglang i-loop ni Tita ang kamay niya sa braso ko. Hindi pala ako makakatakas...

Pero! Pero! WAAAHH!!! Ayaw ko siyang makita ngayon! Ang awkward kaya nun! Pumunta na kami sa building at pumasok sa elevator. Kinakabahan ako! Nandun kaya siya? Baka wala... Sana wala!

Sana wala! Sana wala! Sana wala! o(>.<)o

*Ding!*

Bumukas na ang elevator, nasa floor na kami ng condo unit ni Red.

"Tita, baka po wala si Red," sabi ko.

"Nararamdaman ko ang anak ko at nasa likod siya ng pintong ito," turo niya sa pinto ng unit ni Red na nasa tapat namin.

UWAAAAAAH! Gusto ko nang tumakbo! Gusto ko nang umalis! Ayoko siyang makita ngayon eh! Ano na lang ang sasabihin ko sa kanya? Ang weird niya kanina! Tapos... Tapos.. Muntik pa niya akong halikan... Hindi naman ako sure do'n, pero kahit na! Kinakabahan ako!

"Lokong 'yon hindi man lang sinabi sa'tin na nakabalik na pala siya," bulong nung singkit.

"Hayaan mo na Six, baka surprise."

"Surprise my a$$!" sabi nung singkit na ang pangalan pala ay Six.

Natatandaan ko na! Sina Six at Seven! 'Yung kambal! Si Seven 'yung may wavy hair at si Six naman ang singkit. Ganon kasi buhok niya eh.

Pinindot ni Tita ang buzzer. Lahat kami ay naghihintay. Ang tagal buksan! Siguro nagkamali ng instinct si Tita kaya ganon, wala pa siguro si Red.

Biglang bumukas ang pinto at hindi ako makahinga. Hindi dahil sa tensyon na inaasahan ko sa paghaharap namin ni Red kundi sa taong nagbukas ng pinto—sa babaeng nagbukas ng pinto at suot nito ang isa sa mga damit ni Red. Sana nga nagkamali lang ako na damit niya 'yon eh, pero hindi. Dahil ang puting polo na 'yon ay ang mismong regalo ko kay Red nung birthday niya.

"April?!" gulat na tanong ng kambal.

"Oh my god!" bulong ni Tita na napatakip bigla sa bibig niya.

Lahat kami ay nagulat sa aming nakita. Pero ang mas ikinagulat ko ay nang makaramdam ako ng kirot.

"ARIL, HUBARIN MO 'YANG DAMIT!!!" may sumigaw mula sa loob.

Lahat kami ay nanigas na parang bato nang marinig namin ang boses ni Jared. Maya-maya lang ay nasa harapan na namin siya. Halatang pati siya ay nagulat.

"Ma? Ano'ng ginagawa nyo dito?" tanong ni Red.

Hindi kaagad nakasagot si Tita. Natahimik kaming lahat. Tumingin kami sa kanilang dalawa ni Aril. Si Aril na suot 'yung polo na regalo ko kay Red, at si Red na walang ibang suot kundi ang pantalon niya. Natulala lang ako sa kanilang dalawa.

"Jared Dela Cruz, I am so disappointed with you!" matigas na pahayag ni Tita Laura. "Samantha, hija, umalis na tayo!"

Hinila ako ni Tita Laura paalis sa unit ni Red.

"Ma! Sandali kararating nyo lang! Bakit kayo aalis?! Ma!" tawag ni Red.

Tumigil si Tita sandali para harapin ulit si Red.

"Makakarating ito sa Papa mo! Ikinahihiya kita bilang anak ko! Sumusobra ka na Jared, pati mga bata pinapatulan mo na ngayon!" tumingin si Tita kay Aril. Tiningnan niya ito from head to toe at itinuro gamit ang pamaypay na hawak niya. "Your parents will be very disappointed, hija!"

Pagkasabi noon ni Tita ay umalis na kami. Hila pa rin niya ang kamay ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko.

Next chapter