webnovel

Umagang Kay Ganda

"Good Morning!" Pagbati ni Mae sa kapamilya nito. Sabay halik sa ina at kurot sa pisngi sa mga kapatid.

"Uy! Ang ganda yata ng gising natin ah?!" Panunukso ng kuyang si Ron.

"Siguro magkikita kayo ni Kuya Jay mamaya noh ate?" Pag-uusisa naman ng bunsong si Ron.

"Kayo talaga! Masarap lang tulog ko kagabi." Sagot ng dalaga na may kasamang napakalaking ngiti.

"Naku! Tigilan nyo na nga ate nyo. Kumain na kayo at baka ma-late pa kayo sa eskuwela." Pag-awat ni Rosalie sa mga anak.

"Nga pala Nay, sa susunod na Linggo na ang balik ko. May mga kailangan lang kaming gawin para sa thesis namin." Paalam ni Roy sa ina.

Pagkatapos kumain ay nag handa na ang magkakapatid sa pagpasok sa eskuwela... ng biglang may nag doorbell.

"Ding!dong!"

"Oh, ang aga-aga, sino naman kaya yun?" Sabay silip sa bintana ang nagtatakang ina.

At nakita ang binatang si JAyson, na kumakaway sa harap ng kanilang gate.

"Hello Tita! Goog morning po!" Nandyan pa po ba sila Mae?" Pagbati ng binata.

"Ay oo, hijo! Halika, pasok!" Paanyaya ng nanay ni Mae. At tumuloy naman ang binata.

"Kumain ka na ba? Ang aga mo ah! May usapan ba kayo ni Mae?" Pag-uusisa ni Rosalie.

"Wala naman po, Tita..." nahihiyang sagot ni Jayson.

Paglabas ni Mae sa kwarto, nagulat ito ng makita ang binata na nakaupo sa kanilang sala.

Kinawayan naman siya nito, at bumati ng "Good Morning!"

"Well, I'm off to town, so, dumaan ako, baka, gusto nyo sumabay on the way and then I could drop you off sa school..." paliwanag ng binata.

"Ah, sure! Ikaw talaga..." sabay hampas sa mga braso ng binata.

"Hoy! Ron, halika sabay na tayo kay Kuya Jay mo!" Pagtawag ni Mae sa bunsong kapatid.

"Uy ayos... free ride!Tara!" At nagmamadaling nag punta ang bata sa kotse ni Jayson.

"Si Roy?"

"I'm here bro! Let's go!" sabay akbay sa binata at sabay silang nag punta sa kotse nito.

Sumakay si Roy sa harap sa tabi ng driver's seat, samantalang nasa bandang likuran sina Ron at Mae.

Habang nasa biyahe...

"Where are you going bro?" tanong ni Roy.

"Uhm... I'll just check on our tickets, if it is already booked. And I'll just follow up on some documents for mom at the Immigration office." sagot ni Jay.

"You need company?" alok ni Roy. "Sa hapon pa naman ang klase ko eh, puede pa kita samahan."

"Sure! That would be great!" sagot ni Jay, habang tinitingnan ang dalaga sa rear mirror.

"So, what time ang labas mo later, Mae?" "Baka, puede kita daanan pag-uwi ko?" tanong ni Jay.

"Ako kuya mga, 3pm..." sabat ni Ron.

"Ikaw talaga!" sabay kinurot ni Mae sa pisngi ang bunsong kapatid.

"Actually, may tatapusin kaming project ni Kathy... I don't know what time kami matatapos." Pagpapalusot ng dalaga.

"Maybe you could text me then after?" suggestion ni Jay.

"Ah, hindi na. I'm okay. MAsyado ka nang naabala." pagtanggi ng dalaga.

"It's okay, I have nothing to do after this... and I insist! Just text me if you're done with your project. Oaky?!" pilit ng binata.

"Si Kulit! Sige na nga!" napangiti na lang ang dalaga.

Pagdating sa ekuwelahan, dali-daling pinagbuksan ni Jayson si Mae ng pintuan ng kotse.

"Ikaw talaga, Okay na!" sabay palo ulit ni Mae sa braso ng binata. "Salamat!"

"No problem! So, I'll see you later?!" muling paalala ng binata.

"Okay!" sagot naman ng dalaga na may kasamang ngiti sa mga labi. "Ingat ha!" Bye! Thanks ulit!" Sabay talikod at dumiretso na sapagpasok sa eskuwela.

Natulala si Jayson habang tinititigan niya si Mae papasok sa eskuwelahan papalayo sa kanya.

"Uy Jayson! Halika na!" pasigaw na tawag ni Roy!

Nahimasmasan ang binata, at dali-daling sumakay sa kotse.

Sa pagpapatuloy ng kanilang biyahe...

"Bro! Do you like my sister?" tanong ni Roy.

Napa-preno ng kaunti si Jayson.

"Would you like to talk things over a cup of coffee?" anyaya ni Jayson.

"Hindi na, baka ma-late ka pa sa pupuntahan mo." sagot ni Roy, sabay tapik sa balikat ng kaibigan.

"But I really want to..." pilit ni Jay.

Nang may nakitang coffee shop, huminto ito at bumaba muna silang dalawa.

____________________________________________

Samantala... sa eskuwelahan nila Mae.

"Uy! May service ka na pala ngayon ah... nakita ko yun!" "hihihi" panunukso ng kaibigang si Kathy na may halong kilig.

"Nanliligaw na ba si Amboy?" pangungulit ng kaibigan nito.

"Mamaya, ikukuwento ko sa iyo!" Halika na at baka ma-late pa tayo!" sagot naman ni Mae.

___________________________________________

Balik tayo sa coffee shop...

"So, Seryoso ka nga sa kapatid ko bro?!" si Roy.

Tumango naman si Jayson, at nagpaalam na din sa kaibigan; "Okay lang ba, if I court her?"

Tinitigan siya ni Roy... "For me, it's okay! Walang problema bro! Just make sure you won't hurt my sister... fragile yun... nag-iisa kasi eh."

Sabay tayo si Jay, at kinamayan ang kaibigan... "Of course bro!" "I will never hurt your sister! Thanks!"

"Pero bro... seryoso ka talaga?! Wala na bang magagandang babae sa States?" pabirong tanong ni Roy... sabay tawa ng malakas!

________________________________________________

Recess Time!!!

Nagkukwentuhan ang magkaibigang Kathy at RoseMae.

"Kaya pala kakaiba ang ning-ning ng mga mata mo friend ha... hihihi" Kinikilig na sabi ng kaibigang si Kathy. "Sinagot mo na ba yung sulat?" tanong nito.

Umiling lamang si Rosemae, sabay sipsip sa straw ng iniinom na juice.

"Aalis na kasi siya next Saturday, naguguluhan ako..." "What if...?" pag-aalala ni Mae.

"What if, what?" tanong ni Kathy.

"What if kung... dito lang siya ganyan, paano pag nasa States na siya, bigla may makita o may makilala siyang iba na mas...mas..." Alam mo na?!" paliwanag ni Mae sa kaibigan.

"Ang hirap kasi eh..." sabay hingang malalim ang dalaga.

Pagka-uwian sa hapon...

Matiyagang naghihintay si Jason sa labas ng eskuwelahan nila Mae. Una nitong nakita si Ron.

"Ron! Sabay ka pauwi?" alok ng binata.

"Kuya! Next time na lang! Where going to Mark's house, may praktis kami ng sayaw!" Si ate palabas na din yun!" sabay ngiti si Ron at tapik sa likod kay Kuya Jayson nya.

"Ah okay! ingat!" napangiti din ang binata.

Makalipas ang halos 10 minuto...

Lumabas na din si RoseMae, kasama ang kaibigang si Kathy.

"Ayan na pala ang sundo mo eh..." may halong panunukso ang sambit ni Kathy.

Kumaway ang binata.

Kinawayan din siya ni Mae.

Papalapit si Jayson ng akmang aalis naman si Kathy palayo, nang biglang hatakin siya ni Mae at pinigilan sa paglayo.

"Dito ka lang..." bulong ni Mae sa kaibigan.

"Hi! Pauwi ka na ba? I'm waiting for your text, and I finished early at the immigration office, so, I decided to go straight here." pagbati ni Jay.

"Ah oo! Pauwi na kami! By the way, I'm Kathy!" Pakilala nito sa sarili sa binatang nakatitig sa kanyang kaibigan habang iniaabot ang kanang kamay.

"Oh! Hi Kathy! Nice to meet you!" magalang na sagot ng binata at nakipag kamay din ito.

"Wait, really?!" pagtataka ng binata... "I thought you have projects to finish?"

Sagot agad si Kathy; "Ay wala na! We're done with it! It's finished! So my friend here is free!" sabay tulak sa kaibigan.

"Sige na friend, go!" pangungulit pa nito.

"Maybe you could come with us?" So, I can get to know you more as well." paanyaya ni Jayson.

"No, I'm fine! Okay lang ako!" sagot ni Kathy, sabay bulong, "baka maka-istorbo pa ako..." hi!hi!hi!

"Oo nga Kathy, halika na!" sabay hila sa kaibigan.

"Okay then, let's go!" anyaya ni Jason.

Walang nagawa si Kathy, kaya't sumama na lang ito sa kaibigan at kay Jayson.