webnovel

Chapter 5 Crush or Love?

Pauwi na ako ngayon, pero hindi parin mawala wala sa isip ko si zack...

yung mga ngiti nya, maningning na mga mata, yung bawat pagbigkas nya ng pangalan ko... ang sarap sa pakiramdam, gusto kong marining ng paulit ulit

Pakkkk... sinampal ko ng malakas ang magkabila kong pisnge...

Ano bang iniisip ko?? ba't ba ako nagkakaganito?

nasisiraan na ba ako ng bait?

nagpatuloy na ako sa paglalakad, pero paulit ulit talagang sumasagi sa isip ko si zack...

Gusto ko ba sya? Crush? Naguguluhan ako..

Hindi kasi ako iyong tipo ng babae na madaling maattract sa kahit kanino, at lalong hindi ako ang tipo na interesado sa love na yan

Nagpasya akong tawagan ang kaibigan ko para kumpirmahin ang nararamdaman ko, since hindi naman ako love expert, at hindi ko pa naiexperience ang love at crushes na yan, kailangan ko ng advice

kring, kring, kring kring,

hello? Girl...

May itatanong ako sayo

Ano yun? sagot nya sakin

Ano iyong feeling ng may crush or inlove?

Ahh... hahaha... ang hirap naman mag explain

sabi nya sakin

Ang crush kasi admiration/attraction iyon, mababaw na feelings, pero pwedeng mauwi sa love..

halimbawa, attracted ka sa taong iyon... tapos binibigyan mo sya ng special treatment at Special place sa puso mo.. hindi mo namamalayan naiinlove ka na pala, akala mo lahat ng ginagawa mo dahil crush mo lang siya...parang ganoon, connected kasi sila

Ang love naman ay something deeper, iyong hindi maipaliwanag na pakiramdam, tulad ng di na sya mawala wala sa isip mo, iyong kinakabahan kana agad makita mo palang sya kahit malayuan, iyong ang bilis bilis ng pintig ng puso mo every time na marining mo kahit pangalan lang nya, siya ang pinaka espesyal na tao sa buhay mo at handa mong gawin lahat para sa taong mahal mo kahit na masaktan ka

madaming klase ang pagmamahal, bawat tao may sariling paraan ng pagmamahal at kung paano ito ipaparamdam sa taong mahal nila..

may pagmamahal na selfish, may pagmamahal din namang selfless.....