webnovel

Na-Isekai Ako

A Filipino Novel Inspired Creation with an Isekai Twist. Katherine, previously, Nora, now a young noble in Albania woke up after 1 week of comma due to trauma. Realizing instantly that she got transmigrated in a famous book, Katherine's life is far from boring any more. Disclaimer: Florante and Laura is an original work of Francisco Balagtas and is considered as one the masterpieces in the Philippine History. The creator of this work has no affiliation to the original author and has created this story as an inspiration and recreation of the story out of the author's imagination.

saysayvt · Fantasy
Not enough ratings
4 Chs

Ikaapat na Kabanata: Menalipo

Napatitig si Katherine sa lalaki sa harap niya. Kulay tsokolate ang buhok at mga mata tulad ng mga tao sa nakaraan niyang buhay. Mapupungay ang mata nito at mahaba ang pilikmata, mukhang nasa edad ito ng mga late 20's at may katangkaran.

"Binibini?" Nag-aalalang tanong ng binata.

"Ha?" Medyo bumalik galing Pluto ang kaisipan ni Katherine, napatagal na pala ang kanyang appreciation sa lalaking nasa kanyang harapan.

Agad niyang tinanggap ang kamay ng lalaki at tumayo. Pinagpag niya ng bahagya ang kanyang suot na damit saka humarap sa lalaki, "Ayos lang ako. Salamat."

"Pasensya na talaga, binibini, hindi ko sinasadya. Napakarami kong dalahing hindi ko napansin ang aking dinaraanan," paghingi uli ng dispensa ng binata.

"Ayos lang, 'wag mo nang isipin," napadako ang tingin ni Katherine sa mga kahong nagkalat sa lupa. Mukhang iyon ang mga dalahin ng binata sa harapan niya at mukhang hindi pa nito iniinda sapagkat inuna ng lalaki ang kapakanan niya, "Iyo ba ang mga iyan?" Tanong ni Katherine.

"Ah," napalingon ang lalaki, "Oo."

Nagsimula nang pulutin ng binata ang mga gamit niya, at tumulong na rin si Katherine. Napansin ni Katherine na sobra-sobra ang dala ng lalaki para sa sarili niya na siguro'y natakpan na ang field of vision nito.

"Salamat, hindi mo naman kailangang pulutin ang mga iyan. Madudumihan ka, binibini..." sinabi ng lalaki kay Katherine nung napansin nitong nagpupulot na rin siya.

"'Wag mo nang alalahanin iyon," ngumiti si Katherine sa binata.

"Maaari mo na lang ipatong dito sa dala ko ang mga hawak mo," aniya ng lalaki na tinutukoy ang mga hawak na kahon ni Katherine.

"Saan mo ba ito dadalhin?" Tanong ni Katherine habang hawak pa rin ang mga kahon dahil wala siyang balak gawin ang suhestyon ng lalaki.

"Sa ikalawang kanto mula rito, may tindahan ng mga laruan. Mga pyesa ito para roon." sagot ng binata.

"Laruan... Sige, sasama na ako para tulungan kang magdala."

"H-hindi na," Pag-aatubili ng lalaki.

"Gusto ko rin makita ang tindahan ng laruan," nakangiting sagot ni Katherine, "At Katherine ang pangalan ko."

Sa huli ay napangiti na lamang ang lalaki, "Salamat, binibining Katherine. Ang pangalan ko ay Menalipo."

Bahagyang yumuko ang lalaki habang pinakilala ang sarili habang buhat ang mga kahon sa mga kamay nito.

***

"Saang tahanan kayo nakabilang, binibining Katherine?" tanong ni Menalipo habang naglalakad sila ni Katherine upang dalhin ang mga kahon.

"Hah..." Ano nga palang last name ni auntie? "Pamangkin ako ng... binibining biskonde... Si Tiya Yevon."

"Oh! Ang binibining biskonde!"

"Kilala mo ang tiyahin ko?"

"Ang binibining biskonde ay may reputasyon sa buong kaharian, dahil sa kontribusyon ng kanyang asawa."

Asawa? "Ah... sa totoo lang hindi ako pamilyar sa pinaggagawa ng tiyahin ko." Hindi lang pamilyar, walang-wala akong alam, "Ikaw ba... Maari bang malamang kung saang pamilya ka nabibilang?"

Hindi sanay si Katherine sa gaanong klase ng pormal na pananalita pero hindi rin naman siya sigurado kung papaano siya kikilos o aakto.

'Sana pala nag-apply ako sa ADSCDN workshop nung may chance.' Isip niya.

"Pamangkin ako ni Duke Briseo..." nakangiting sagot ni Menalipo, "Pero nagtatrabaho ako sa opisina sa palasyo upang tulungan ang duke sa kanyang mga responsibilidad."

"Ah..." 'Sosyalin' "Pero kung pamangkin ka ng duke 'di ba dapat may inuutusan ka na lang gawin ang mga bagay na 'to?"

Napatawa ng bahagya si Menalipo sa mga sinabi ni Katherine, "Pamangkin ako, hindi ako anak. Isa pa, ngayon ang araw ng aking pahinga, gusto ko munang lumabas ng sadlit para makalanghap ng hangin."

'Bale gusto mo lang gumala?' "At maging kargador?"

Tumawa uli si Menalipo, "Para maging kargador," magiliw na pag-ulit nito.

Tumigil sila sa isang munting tindahan na may nakalagay na "Elseid".

"Elseid..."

"Tuloy ka, binibining Katherine," pag-imbita ni Menalipo.

"Katherine na lang, Menalipo," pagtungon niya habang tinanggap niya ang alok nito na pumasok sa loob.

Tumingin si Katherine sa paligid at nakita niyang kakaiba ang loob nito. Hindi pala kakaiba ngunit napakapamilyar ng ganoong ayos sa kanya. Parang nasa modernong mundo na siya at wala sa Albania kung ibabase ang interior ng tindahan. Nakalagay ang lahat ng laruan sa mga cabinet at may kanya-kanyang label. Hindi katulad ng ibang tindahang napuntahan niya kanina na kung saan-saan nakalagay ang mga kagamitan at parang hinuhulaan lang ng tindero ang mga presyo.

Maaliwalas at simple.

"Ano sa tingin mo?" tanong ni Menalipo sa kanya na tila natuwa sa kanyang reaksyon.

"Parang gusto ko rito," nakangiting sagot ni Katherine, "Nasaan ang may-ari?"

"Wala siya rito ngayon pero nandito ang tagabantay," tinuro ni Menalipo ang tao sa may lamesa.

'Sosyal, may counter!' Isip ni Katherine.

"Zamir!" tawag ni Menalipo.

Dumako ang paningin ni Katherine sa lalaking tinawag ni Menalipo. Nakayuko ito at may takip ang bibig na parang facemask.

"Katherine, ito si Zamir. Zamir, ito si Katherine, tinulungan niya ako dalhin lahat ng mga pinakuha mo."

Inobserbahan ni Katherine si Zamir, mahaba ang buhok nitong kulay itim na natatakpan ang mga mata.

"Para siyang emo..." hindi sinasadyang mabanggit ni Katherine.

"Ano?" tanong ni Zamir kay Katherine.

Napansin din ni Katherine ang pagkakamali niya at agad siyang sumagot, "Ah wala, sabi ko kinakagalak kitang makilala."

Sinubukan ni Katherine na ngumiti kay Zamir at nagpatuloy ang lalaki sa pagtitig sa kanya.

Tumikhim si Menalipo, "Hindi talaga siya masalita, Katherine, pasensya na."

"Naku, ayos lang," nakangiting sagot ni Katherine.

"Pupunta muna ako sa likuran para tignan kung may kailangan pa ako," singit ni Zamir, "Maiwan ko muna kayo."

Bago pa makasagot ang dalawa ay nagmadali na itong umalis.

Napakamot ng ulo si Menalipo, "Ganun talaga siya."

"Naiintindihan ko naman. Baka nagulat lang siya kasi sumama ako rito."

"Hindi naman siguro. May araw lang talaga na parang kakaiba siya."

'Sinasapian ba 'yung kaibigan mo o nireregla?' Halip na sagutin iyon ni Katherine ay tinawanan na lang niya.

Dumampot si Katherine ng isang laruan sa may sa display at tinignan 'yun "Madalas ka ba rito?" Pagpapatuloy ni Katherine sa usapan habang inuusisa ang laruang dinampot niya. Maganda ang pagkakayari sa laruang tren na iyon. Parang souvenir sa Baguio.

"Oo, rito ako bumibili ng laruan ng pinsan ko."

"Pinsan... anak ng duke?"

"Oo, siguro mga kasing edaran mo siya..." masiglang sagot ni Menalipo, "Napakabait at napakatalino ng pinsan kong iyon."

Makikita ni Katherine na ang kinang sa mata ni Menalipo habang kinukwento ang kanyang pinsan. Nakaramdam siya muli ng lungkot dahil alam niya na kung nandito ang kapatid niya ay kaparehas ito ni Menalipo na proud na proud sa kanya. Agad niyang winaksi sa isipan ang pamilya niya upang maitago ang lumbay sa kanyang puso.

"Sa susunod ipapakilala ko ang pinsan ko sa iyo, Katherine."

"Ganun ba, sana nga magkakilala kami agad. Ano nga pala ang pangalan ng pinsan mo kung hindi mo mamasamain?"

"Florante. Florante ang pangalan ng aking butihing pinsan."

Nabitawan ni Katherine ang hawak na laruan at maririnig ang lagapak nito sa pagtama sa sahig.