webnovel

Chapter 14

#Secret

"Do you really wanna know my secret?" -Mystery

☜☆☞

Maxreen's POV

Hinawakan ko ang leeg ko at nakita ko na may dalawang maliit na butas ito. This is my secret. Hindi ko sinasabi kahit kanino bukod sa mga kapatid ko na may kagat o marka ako ng isang hindi kilalang bampira.

"Sa tingin mo... Sino ang nag marka saakin, Ash?" tanong ko kay ashton habang linalagyan ko ng foundation ang leeg ko.

"It's unknown, Max. Pwede ring birth mark mo 'yan." sagot nito.

Nasa eroplano na kami at tulog ang mga bata. Private airplane ni ashton.

"No, It's impossible. I'm a kid no'ng makita ko ito." sagot ko.

Nagising ako dahil nanaginip ako na kinakain ako ng kapwa kong bampira. Hindi ko nga alam kung anong klaseng kain 'yon, eh. Medyo masarap.

Pumunta ako sa banyo para mag hilamos nang makita ko ang dalawang butas sa leeg ko.

"Minarkahan ako..." sabi ko. Hindi ito tanong kung hindi isa itong kasiguraduhan.

I'm now officially marked by an unknown vampire.

"Then it's a promise mark." sabi ni ashton.

Kumunuot ang noo ko sa sinabi niya. "What the hell is a promise mark?" tanong ko.

"Pag naramdaman mo na kumikirot ang marka saiyo, ibig sabihin... Malapit lang ang nag marka saiyo." sagot niya.

"But why on the earth, ako ang minarkahan niya?" tanong ko.

"Once you want to bite someone or mark her... Not because you're hungry but because you want her for the rest of your life." my brother said.

Hindi ko alam pero ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Is it possible that i already know him?" i said.

"Yes." sagot niya.

Bago may mangyare saamin ni Jace at no'ng una kong kita sakaniya. Nakaramdam ako ng kirot sa leeg. Is it possible-No. It's impossible.

"Alam mo ba na bago mo sabihin na buntis ka, alam ko na." dagdag ni ashton.

"Paano?" sagot ko.

He smirked. "A sharing of powers only happens when a one vampire being and his/her partner is pregnant." ashton answered.

"Sharing of powers? We didn't share our powers yet." sabi ko.

Ashton's POV

Patulog na sana ako nang makarinig ako ng isang kalabog sa labas kaya agad agad ko itong tinignan. Maxreen is walking while she's asleep.

Sleep walking? Huh.

Nag tago ako sa likod ng puno at nakita ko na may mga bampira na pasugod kay maxreen pero bago man ako makalakad. Nakita ko ang pag labas ng kakaibang enerhiya sa palad ni maxreen.

"No one can get you from me

Till death do us apart

No one

No one

Even you..."

'yan ang mga kataga na sinabi ni maxreen pero kakaiba ang boses nito. Boses panlalaki.

Natalo ni maxreen ang lahat ng mga bampira habang tulog siya. Hinayaan ko na ito makabalik sa dorm habang ako ay nakatago lamang sa puno upang tignan lamang siya kung tama ba ang gawi niya.

"So i'm sleeping that time? At walang kaalam alam?" she said.

I nodded. "Yes." sagot ko.

"Kaya pala no'ng nagising ako parang ang sakit ng katawan ko." sabi niya and i chuckled.

Pero sa pag kakaalam ko... Ang sharing of power ay nagagawa lang din kung mahal ng pares ang isa't isa.

"Do you have any idea kung sino ang kapares mo?" tanong ko sa kapatid ko.

"It can be... jace." she answered.

I smiled. Tama siya. Pwede rin si Jace dahil siya ang ama ng mga bata. "Ibig sabihin siya ang kumagat saiyo?"

"S-Siya nga ba?" nauutal na sagot ni Maxreen.

"Aira." banggit ko sa pangalan na ayaw niya ng marinig pa.

Nakita ko ang pag pikit ng mga mata niya kasabay ng pag bagsak ng mga luha niya.

"D-Don't kill him... Don't... Please... No... Not him! Not him! Don't..." nanaginip siya.

"Maxreen! Gumising ka!" kahit anong sigaw ko ayaw niyang magising nang dumating ang isang matandang babae.

"Levermi ashtorimia eshte sevéncus!" pag kasabi ng ale ay nagising narin ang kapatid ko.

"Thank you, ma'am." sabi ko sa matandang babae.

"Bampira kayo 'di ba?" tanong niya.

Tumango ako.

"Mag ingat ka, Ija. Tandaan mo na nandiyan lang si jesus upang suportahan at gabayan ka. 'wag ka matakot sa mga pwedeng mangyare. Kung kailangan mo ng tulong ko, puntahan mo lang ang dati niyong bahay." sabi ng ale.

Tinignan ko ang kapatid ko at pag tingin ko sa matandang babae. Wala na ito.

"N-Nasaan na si lola?" sabay na sabi namin ni Maxreen.

Who's that old lady?

Jace POV

"Can you fight for our love?" Aira said to me.

"Of course, Aira." i answered.

"How long can i call you mine?" she said.

"Until the scientist find the end of the universe." sagot ko at matamis na ngumiti.

Ngumiti rin siya pero may bahid ito ng lungkot.

"What if makita na bukas ng nga scientist ang dulo ng mundo?" tanong niya.

"Gagawa ako ng bagong dulo ng mundo na hindi na nila makikita pa." sabi ko.

She smiled. "Okay."

"Did you know that you're my world before?" i said.

Naging malungkot ang mga ngiti niya. "Alam ko naman may bago kana-" i cut her words.

"But now, you're my universe and my everything." i said and kissed her at her forehead.

To be continued...