77 Plano

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 77: Plano

"Girl, niloloko mo ba ako?"

"Hindi, seryoso ako."

"Sino pinakasalan mo? Si Wei Dong o si Ning Zhiyuan?" hindi sumagi sa isip ni Zhu Lingling na papakasalan ni Huo Mian si Qin Chu.

"Wala sa kanila."

"Girl, edi sino? Na-engage ka ba dahil sa inis? Di ba, si Zhixin ay nasa ospital pa? Paano ka nakapagdesisyon na magpakasal? Masyado bang naapektuhan ang pag-iisip mo dahil sa stress? Huwag ka mag-alala, sabi ng psychologist, ang mga nagawa mo habang nababaliw ka ay pwedeng mapawalang-bisa katulad dun sa isang murderer na pinalaya dahil baliw siya nung mga panahong ginawa niya yung krimen. Hindi na mahalaga kung sino pa iyang pinakasalan mo agad-agad, basta pumunta ka sa doktor at magpakonsulta bukas para makapag-file ka ng divorce. Huwag ka mag-alala."

"Lingling, hindi ako naging pabigla-bigla, hindi ito isang desisyon dahil sa kahibangan, at hindi rin ako nababaliw."

"Girl, huwag mo ako takutin. Nawala lang ako ng ilang araw… paano mo nagawang magpasabog nang ganito sakin?"

"Nagpakasal ako kay Qin Chu."

"Sino? Qin… Qin Chu, sinong Qin Chu? Huwag mong sabihin sakin na ang tinutukoy mo ay ang hottie ng ating klase?"

"Sino pa bang iba ang pwede?"

"P*tang ina, hayaan mo muna akong kumalma, hindi pa naiintindihan ng utak ko ang impormasyong ito. Kinasal ka kay Qin Chu? Hindi ito isang prank, tama? Mali, tapos na pala ang April Fool. Huwag kang magsinungaling sa akin, totoo ba ito?"

Malinaw na kinukuwestiyon ni Zhu Lingling ang katotohanan ng impormasyon...

"Totoo nga, pramis!"

"Maganda yan, girl! Congratulations, kasama mo na sa wakas ang lalaking pinakamamahal mo."

Naloloka pa rin si Zhu Lingling sa mga nangyayari, pero kilala niya si Huo Mian nang husto. Maliban kay Qin Chu, wala ng ibang lalaki sa puso niya.

Ang mga taong katulad ni Ning Zhiyuan ay mga rebounds na ginamit ni Huo Mian para matakbuhan ang kanyang tunay na nararamdaman.

Pakiramdam lagi ni Zhu Lingling, hindi bagay si Ning Zhiyuan kay Huo Mian; tama nga, hindi nga.

Pagkatapos ng mahabang panahon, nagkabalikan na si Huo Mian at Qin Chu. Mukhang bumabalik na ang mga bagay-bagay katulad noong seven years ago.

Sobrang masaya siya para kay Huo Mian…

Alam ni Lingling kung gaano kamahal ni Huo Mian si Qin Chu, kahit pa hindi niya sinasabi ito.

"Lingling, huwag mo akong batiin. Napilitan lang ako pakasalan siya."

Pagkatapos, ipinaliwanag ni Huo Mian ang buong kwento kay Zhu Lingling.

Pagkatapos marinig ito, nawala lahat ng excitement ni Zhu Lingling at kumalma.

"Mian, anong plano mo ngayon? Pagkatagal, malalaman din ng nanay mo at magulang ni Qin Chu ito; hindi niyo ito matatago sa mahabang panahon. Lalo na kapag nabuntis ka o sundan ng mga paparazzi, magiging public ang pagiging mag-asawa niyo. Hindi isang simpleng tao si Qin Chu, siya ang prince ng GK. Hindi niya kayang itago ang pag-aasawa niya; mabubunyag din ito pagkatagal. Ano ang plano mo kapag nangyari ito?"

Pagkatapos mag-isip, sumagot si Huo Mian, "Maging totoo tayo, Lingling, wala akong balak magtagal sa piling Qin Chu. Hindi kami para sa isa't isa. Kaya naman, baka magfile din ako ng divorce."

"Divorce? Sira ka ba, bakit mo gugustuhin makipagdivorce? Hindi ko ma-gets… Mahal mo siya at mahal ka niya. Bakit hindi nalang maging kayo?"

"Lingling, maraming nangyari sa pagitan namin. Hindi na kami makakabalik. Hindi ko nga alam bakit gusto pa ako pakasalan ni Qin Chu, siguro masama pa rin ang loob niya dahil nakipaghiwalay ako sa kanya seven years ago. Pare-parehas lang ang mga lalaki, gusto nila makuha ang hindi nila nakukuha. Siguro hindi na siya magiging ganito kapag nagsawa na siya sa akin."

"Sa tingin ko hindi ganun si Qin Chu. Mian, baka hindi mo pa ito alam. Personal na inimbitahan ni Qin Chu si Ms. Yao mula New Zealand para sa reunion natin kamakailan lang at si Ms. Yao pa ang personal na tumawag sayo. Kitang-kita kung gaano ka niya gusto makita."

"Ano naman? Masyadong maraming nangyari sa nagdaang seven years. Hindi na mabubuhay ulit si Uncle Jing, at ayoko na galitin ulit ang nanay ko. Tatanggalin ko na rin naman lahat ng ugnayan naman bago pa malaman ang kasal namin."

"Mian…" pakiramdam ni Zhu Lingling, masyado lang maraming iniisip si Huo Mian kaya ito naii-stress.

Kakakasal niya lang matapos ng ilang araw pero iniisip na niya agad ang divorce. Kapag nalaman ni Qin Chu kung ano ang iniisip niya, hindi ba siya masasaktan?

Tama ang hinala ni Qin Chu, siya ang tatapos ng lahat, hindi ba?

Ang plano na magpakasal ay para sa mas ikakabuti niya, at alam ni Huo Mian na hindi ito patas kay Qin Chu.

Pero may patas ba talaga sa mundong ito?

Pagkatapos makipag-usap kay Zhu Lingling ng ilang sandali, inantok na si Huo Mian at nakatulog ng mahimbing…

- Hatinggabi -

Tahimik na pumasok si Qin Chu at kinumutan si Huo Mian. Habang nakatayo sa tabi ng kanyang kama, maamong nakatingin siya sa kanya.

Wala na siyang mahihiling pa kundi makalapit at halikan siya, pero takot siya na baka magising ito, at baka maging awkward ang sitwasyon.

Tahimik niyang tiningnan ito ng ilang sandali bago tahimik na lumabas sa kwarto ni Huo Mian.

Nawalan ulit ng emosyon ang mga mata nito nang ilabas niya ang kanyang phone at may tinawagang numero…

"Gao Ran, imbestigahan mo ang license plate, HC9649. Ito ay isang blue semi na lumabas sa entrance ng First Hospital ngayong gabi, mga nine. Pakitingnan din lahat ng surveillance cameras, ang rehistradong may-ari at kung saan ito pumunta."

May sobra siyang maabilidad na memorya, at tinawagan niya si Gao Ran para malaman kung sino ang tangang nagtangka sa mahal niya.

avataravatar
Next chapter