webnovel

Pagbili ng Kotse

Editor: LiberReverieGroup

Chapter 64: Pagbili ng Kotse

"Mr. Qin, naka-score po ba ang kumpanya natin ng sobrang gandang project o kung ano man?" tanong ng isa sa mga Deputy Directors, balak nito sumipsip sa boss.

Napa-isip ng ilang sandali si Qin Chu at habang ang kamay niya ay nakasandal sa kanyang noo, sinabi niya, "Magandang project? Oo, itong project na ito ay nasa isip ko na ng ilang taon. At sa wakas, settled na."

"Mabuti naman. Pwede mo ba sabihin samin kung anong project ito? Gusto lang din namin makisaya!"pPatuloy sa pangbobola ang Deputy Director.

Hindi inaasahang, tumayo si Qin Chu. Inayos niya ang kanyang kwelyo at kalamado niyang sinabi, "Hindi niyo na kailangan malaman. Basta, ngayon ay isang magandang araw."

Pagkatapos ay tumalikod si Qin Chu at umalis.

Naiwang puno ng gulat at manghang-mangha na executives ang kwarto.

Tahimik na nagbilang si Yang gamit ang kanyang mga daliri. Ang buong corporate headquarters ay may dalawang libong empleyado na kapag pinagsama-sama ang mga sweldo sa isang buwan ay nagkakahalaga ng eight million yuan. Base sa sinabi ng president ngayon, isa pang eight million ang ibibigay niya. Ang mayayaman nga talaga, kaya nila gawin kung ano man ang maisip nila, isip niya.

Lalo na ang kanilang boss, kaya niya gawin ang gusto niya.

"Uh… Mr. Qin," mabagal na tumakbo si Assistant Yang papunta kay Qin Chu.

"Ano?"

"May gusto po sana ako sabihin."

"Sabihin mo na."

"Pero takot po ako na baka magalit ka."

"Edi, huwag mong sabihin," halos maiyak na si Yang sa sagot ni Qin Chu.

"Hindi po pwede. Kailangan po talaga kita kausapin tungkol dito."

"Sabihin mo na nga."

"Kailan niyo po ba balak ibalik ang kotse ko?"

Sinubukan ni Yang magmukhang hirap na hirap. Ngayon kasi, siya ang nagmamaneho ng Audi R8 ng boss niya papunta at pauwi galing sa trabaho, araw-araw. Isa rin sa dahilan ay ang mga chismis ng mga katrabaho niya pero tanging diyos lang ang nakakaalam kung gaano siya katakot na aksidenteng magasgasan ang kotse ng boss niya. Ito ay isang bagay na hindi niya kaya bayaran.

Siguro nga, insured ang kotse ng boss niya. Ngunit, pag nagasgasan niya ito, baka hindi lang ito maging tungkol sa pera, baka mawalan din siya ng trabaho.

Para kay Yang, ang assistant position na ito ay parang isang biyaya na nahulog sa kanyang harapan galing sa langit.

Ang huling tao na nasa position na ito ay isang middle-aged na babae na may mataas na kakayahan. Ngunit, pagkaluklok sa bagong president, pinromote niya ito bilang director at nilipat ng branch company. Ang naiwan niyang pwesto ay napunan gamit ang external hiring. Ngunit, sa lahat ng aplikante, siya ang pinili ng bagong president, ang pinakahindi-magaling sa lahat.

Noong tinawagan siya ng GK para pumasok sa trabaho, akala niya ay scam lang ito.

May katagalan din bago niya malaman ang sabi-sabi na kaya siya pinili ng president ay dahil sa dalawang rason.

Una, siya ay lalaki. Mukhang ayaw ng bagong president makihalubilo sa mga babae.

Pangalawa, nag-aral siya sa 2nd High School. Ang chisimis ay estudyante rin doon ang president dati. Bale, sila ay alumni ng iisang paaralan.

Hindi rin ganoon katanga si Yang. Halata niyang may ibang halaga ang 2nd High para sa bagong president.

Ngunit, sobrang hindi mo mahuhuluan kung ano ang nasa isip ng president. Una, hiniram nito ang kanyang Volswagen CC. Pagkatapos, sinabihan siya nito na imaneho ang kanyang Audi R8. Mas naging malungkot si Yang sa mga nangyari.

Pagkatapos makinig sa request ni Yang, napaisip si Qin Chu. Pagkatapos, tinanong niya, "Hindi ba ganoon kabilis ang sasakyan ko?"

Iwinagayway ni Yang ang kanyang kamay. "Hindi po. Sobrang bilis nga e."

"Ayaw mo ng kulay?"

"Hindi rin po. Gusto ko yung kulay Mr. Qin. Engrande, classy at halatang high-end."

"Edi, iniisip mo na hindi siya ganun katakaw-pansin? Kung yun ang problema, may iba pa kong mga sasakyan sa garahe - Ferrari, Lamborghini..."

Bago pa matapos ni Qin Chu ang kanyang sinasabi, malapit nang lumuhod si Yang para magmakaawa.

"Mr. Qin. Sobra itong TAKAW-PANSIN, at hindi ito bagay sa kung ano ako. Isa lang akong assistant. Paano ko makakaya na magmaneho ng isang ganyang kamahal na kotse? Sa mga nagdaang araw, hindi ako makatulog sa gabi. Sa umaga naman, takot akong magasgasan ito. Natatakot din ako na baka may magnakaw nito. Mr. Qin, please, pakibalik na po ang kotse ko. "

Dahil nakikita ni Qin Chu ang pagiging totoo ni Yang, tumango siya pagkatapos pag-isipan ito. "Sige, kung masyado ka nang nahihirapan, pwede mo na makuha ulit ang kotse mo."

"Salamat po. Sobrang bait niyo po," sa wakas, nakahinga na rin ng maluwag si Yang.

"Tawagan mo yung pinagbilhan mo ng sasakyan mamaya at mag-order ka ng katulad na katulad sa kotse mo at ipadala mo sakin."

"Teka..." katulad pa rin dati, naiwang gulat na gulat na naman si Yang.

Hindi niya talaga maintindihan. Bakit gusto ibaba ng president ang kanyang sarili sa pamamagitan nang pagmamaneho ng isang Volkswagen? Dahil ba ito ay gawa sa kanilang bansa?

Sobrang mapagmahal ba ng president sa bayan?

Pagkatapos ng ilang debate sa ulo niya, nag-aalinlangang tanong ni Yang, "Sir, alam niyo po ba kantahin ang national anthem?"

Nagsalubong ng kaunti ang kilay ni Qin Chu. Tiningnan lang niya at naguguluhan siya sa kanyang kakaibang assistant.