webnovel

Laban sa Pagitan ng Pera at Kapangyarihan (6)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Arrest warrant?" Inulit ito ni Qin Chu para masigurado na tama ang pagkakarinig niya.

"Oo."

"Para arestuhin ang Mian ko?" Pagbibigay diin ulit ni Qin Chu.

"Tama, ito ang asawa mong si Mian." Wala ring masabi si Gao Ran.

Sa totoo lang, nung nakita ni Gao Ran ang arrest warrant, halos matakot siya ng bongga.

Ang mga pag-aaresto na mula sa mga nakakataas ay madalas pinupuntirya ang mga wanted na kriminal na gumawa ng mga pinakamalalang krimen.

Dahil ang utos na ito ay galing sa Municipal Bureau:s First Criminal Police Unit, dapat nila itong itrato na parang pangunahing krimen.

"So… may pinatay ba ang asawa ko o sinunog na lugar?" Tanong ni Qin Chu ng may halong pagkadismaya.

Hindi niya maisip kung ano ang ginawa ng asawa niya para gawan siya ng arrest warrant ng criminal police division ng Municipal Bureau, kahit na nagawa na nila ito.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter