webnovel

Galit

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Sino ka, anong karapatan mo para saktan ako?" Sigaw ng lalaki na may halong pagbabanta.

Walang pakialam si Qin Chu at patuloy lang siya sa pangbubugbog.

Narinig ni Gao Ran ang pagsigaw ng lalaki dahil sa sakit at dali-daling nila itong pinuntahan ni Huo Mian.

Hinila ni Gao Ran si Qin Chu sa gilid…

Ito ang unang beses na nakita ni Huo Mian si Qin Chu na galit na galit. Masyadong brutal ang ginawa niyang pambubugbog sa lalaki.

Walang lakas ang lalaki para lumaban pabalik. Si Qin Chu ang tagapagmana ng business empire, at mula noong bata pa siya ay nakapag-aral na siya ng martial arts. Maraming fighting styles ang alam niya - Taekwondo, Muay Thai, Wing Chun, Sanda, wrestling at iba pa.

Gamit ang talento ni Qin Chu, maihahalintulad ang kakayahan niya sa isang professional fighter.

Ito ay isang bagay na hindi kaya tapatan ng lalaking ito.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com