50 Desisyon

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

CHAPTER 50: Desisyon

"Hayaan mo kong… pag-isipan ito, at babalikan kita pa meron na akong desisyon."

"Sige, maghihintay ako," sabi ni Wei Dong habang nakatingin kay Huo Mian nang may pagmamahal.

Pagkatapos umalis ni Huo Mian sa restaurant, dumiretso siya sa ospital. Ang kanyang kapatid ay hindi pa rin gumigising, kaya namalagi muna siya sa VIP room para bantayan siya.

Ang pag-iisip ng kanyang nanay ay lumalala. Mas lalo itong nag-aalala at mukhang sasabog na ito kahit anong oras.

Dahil sa pagod, napa-upo si Huo Mian sa labas ng VIP room at binaon ang ulo niya sa kanyang mga braso.

"Huo Mian."

"Head Nurse," mahirap na pagkakasabi ni Huo Mian pagkatapos niya makita kung sino ito.

"Narinig ko kung ano ang nangyari, papayagan kita mag-leave ng ilang araw. Alagaan mo muna ang kapatid mo."

"Salamat, Head Nurse."

"Alam ko ang sitwasyon ng pamilya mo ngayon. Ang mga nasa OB/GYN department ay nakapagkolekta ng 5,000 yuan para sayo, kunin mo ito. Mag-iisip pa kami ng ibang paraan kung kulang pa ito."

"Hindi ko matatanggap ito…" sabi ni Huo Mian habang di siya mapakali.

"Kunin mo na, maliit lang itong tulong galing samin… Ang gusto lang naming lahat ay gumaling ang kapatid mo."

Tumango si Huo Mian, nagsimulang mamuo ang kanyang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata.

Nagmakaawa siya kay Ning Zhiyuan pero walang nangyari. Nakiusap siya sa mga kaklase niya pero may mga kundisyon ito. Siguro sobra nga ang pagsabi na para silang nagbubudbod ng asin sa sugat pero mga oportunista sila. Sobrang nagpapasalamat siya sa mga katrabaho niyang kusang gumawa nito.

Ang katotohanan kasi, ang pagiging mabait sa pagitan ng mga tao ay mutual. Binigay ni Huo Mian ang buong sarili niya sa pagtatrabaho niya sa OB/GYN department sa loob ng kalahating taon. Ginawa niya lahat ng maduduming gawain at pagkuha ng mga ayaw na shift ng kanyang mga katrabaho, kaya madaming may gusto sa kaniya sa department. Kahit sobrang strict pa ng Head Nurse, napakatapat at mabait na tao nito.

"Kailangan ko na umalis ngayon. Ayusin mo ang sarili mo, kailangan ka ng kapatid mo," umalis ang head nurse pagkatapos niya tapikin ang shoulders ni Huo Mian.

Nang biglang, may lumabas na WeChat message,

Inilabas ni Huo Mian ang kanyang phone, tiningnan niya ito at nakitang galing ito kay Zhu Lingling.

"Narinig kong nanghingi ka ng pera kay Wei Dong?"

"Oo."

"Huwag kang manghingi sa kanya ng pera. Hindi mo ba alam ang gusto niya mula sayo? Naglalakad ka papunta sa patibong niya."

"Mukhang ang dapat mo sabihin ay naglalakad si Wei Dong sa patibong ko?"

"Huwag kang tanga, alam mo ba yang sinasabi mo? Hindi ako nagbibiro. Hindi siya magpapahiram ng pera nang walang rason," galit na sagot ni Zhu Lingling.

"Oo, pero may mga kundisyon siya. Gusto niya ma-engage sakin at magpakasal ngayong buwan."

"Ano sa tingin mo?"

"Gusto ko pumayag."

"Baliw ka ba? Gusto mo magpakasal sa lalaking katulad niya? Hindi mo ba alam kung anong klaseng tao siya?" sobrang di na mapakali ngayon ni Zhu Lingling.

"Ligling, kailangan ko rin naman magpakasal sa iba at kung hindi ko rin mapapakasalan ang mahal ko, bakit mahalaga pa kung sino?"

Natahimik si Zhu Lingling sa kabilang linya.

Ilang saglit, marahang sumagot si Zhu Lingling, "Mian, naisip mo na bang manghingi ng tulong kay Qin Chu? Baka tulungan ka niya."

"Mas magpapakasal pa ko kay Wei Dong kaysa magmakaawa kay Qin Chu."

Wala ng masabi si Zhu Lingling pagkatapos makita kung gaano ka-determinado si Huo Mian.

Pagkatapos makaalis ni Wei Dong, sobrang saya nito. Alam niyang kailangan ni Huo Mian kaagad ng pera, at oras nalang ang hinihintay para pumayag ito sa mga kundisyon niya.

Kinuwento niya ito sa class leader nilang si Han Xu para makapagyabang.

Kumalat agad ang chismis sa iba pa nilang kaklase, dahil sinabi ng isa sa isa pa at nagpatuloy ito.

Nasa business meeting si Qin Chu nang may biglang lumabas na friend request galing sa kanyang WeChat app.

Ito ay ang kanyang high school classmate, si Liu Siying. Ayaw talaga sagutin ni Qin Chu ito, pero naglagay ng isang sentence si Siying kasama ng kanyang friend request, nakuha nito ang atensyon ni Qin Chu.

"Papakasalan na ni Huo MIan si Wei Dong."

Nagdilim ang mukha ni Qin Chu nang mabasa ang sentence.

Inilapag niya ang kanyang phone sa table nang may malakas na 'bang', nagulat ang lahat ng GK's executives.

avataravatar
Next chapter